Night Owl Assassin 2

By silver_n_red

75.5K 1.6K 270

Cyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea... More

Night Owl Assassin 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 25

1.7K 45 14
By silver_n_red

"Erwin!!! Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sa kambal ko na halos mapatili na ako sa gulat at takot ko nang marinig ko siyang magsalita.

He looked confused and angry at the same time, hanggang sa umalis nalang siya bigla sa harapan namin ni Katarina.

Halos mapatakbo na ako para lang sundan siya at hindi makarating sa iba kung ano man ang mga narinig niyang pinag-usapan namin ni Katarina.

"Erwin!!!" I hissed, trying not to shout so no one can hear us downstairs.

"Erwin, stop!" Sabi din ni Katarina na nakasunod lang din pala sa likod ko.

"Amethyst! Stop my twin! Please!" Sabi ko nang makita ko si Amethyst na kakaakyat lang ng hagdan at papalapit kay Erwin na lalagpasan din sana siya kung hindi niya ito nahawakan sa braso.

"Honey? What did you do?" Naghihinalang tanong sa kanya ni Amethyst habang hawak parin ang kamay niya. Napansin ko na din ang mga pasa niya sa mukha at braso niya pati ang mga sugat na parang mga kalmot, pero mamaya ko nalang din aalamin sa kanya ang tungkol doon, ang mahalaga ay makausap ko muna si Erwin.

"Let go of me, honey. Kailangang malaman nila papa ang binabalak na pagtakas ni Erika para hindi siya makasama sa atin sa Italy."

She frowned. "Erika? Totoo ba ang sinasabi ni Erwin?"

"Pwede bang mag-usap muna kami? Please, Erwin, mag-usap na muna tayo."

"Bakit pa? Para makuha mo din ang panig ko kagaya ni Katarina?"

"Honey, mabuti pa ngang mag-usap na muna kayong magkapatid para magkaintindihan kayo ng mabuti." Sabi ni Amethyst na hinawakan na din ang kamay ko at sabay kaming dinala ni Erwin sa mismong kwarto niya bago siya nagpaalam sa amin na bababa na sila ni Katarina sa kusina.

"Erwin, 'wag ka sanang magalit sa akin, please? Pero ayoko kasi talagang umalis ng bansa. Ayokong doon na tumira at palakihin ang anak ko sa ibang lugar. Kung ayaw ninyo akong maiwan dito, edi dito nalang tayong lahat, diba? Please?"

"Iyon lang ba talaga ang dahilan mo kung bakit gusto mong manatili dito?" He asked, still not smiling.

"Fine. I'm going to be honest with you but please-------"

"Erika."

"What?!" Galit na sabi ko nang bigla nalang pumasok si Cyrus sa kwarto ni Erwin na mukhang nagulat din sa inakto ko. "I'm sorry. Sorry, hindi ko sinasadya. Importante lang kasi ang pinag-uusapan namin ni Erwin. May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya, pero sa halip na ako ang kausapin ay kay Erwin pa siya humarap.

"Pwede ko bang makausap muna si Erika? Importante lang din ang sasabihin ko."

Mabilis namang pumayag si Erwin at aalis na sana kung hindi ko lang siya pinigilan.

"Erwin, no! Nag-uusap pa tayo!"

"We're done talking, Erika. At kahit ano pa ang sabihin mo hindi kita pagbibigyan. Pasensya na, pero gusto man kitang intindihin alam kong mali parin iyang gusto mong mangyari. Wala akong sasabihin kila papa tungkol sa plano mo basta kakalimutan mo na din iyon." Sabi niya bago tuluyang umalis sa kwarto niya at isara ang pintuan para makapag-usap na din kami ni Cyrus na hindi man lang nagtaka kung bakit ako kakausapin nito.

"What's wrong?"

I sighed. "Narinig niya kasi kaming nag-uusap ni Katarina dito sa kwarto niya. Sinabi ko kasing ayokong umalis ng bansa sa paraang tatakas ako sa kanila."

"You don't have to do that."

"But you know why I don't want to leave."

"Yeah, I know. Ayaw mong malayo sa akin."

Nagtaka ako bigla sa sinabi ni Cyrus, na parang normal lang na pag-usapan namin ang tungkol doon eh madalas nga siyang nagagalit kapag iyon na ang sinasabi ko.

"Am I missing something here? Why do you want to talk to me, Cyrus?"

"Do you want to sit first?"

"Yeah? Oh, yeah! Parang gusto ko na nga ding matulog ngayon." Sabi ko nang makaupo na ako sa kama ni Erwin habang inaalalayan niya pa ako. Tinabihan din niya ako at kinuha ang kamay ko para hawakan iyon.

What's up with him, really? Kanina lang ay pinapaalis niya ako sa kwarto niya dahil ayaw niyang magtaka ang mga kasama namin sa bahay kung bakit ang tagal ko doon. Ngayon naman ay magkatabi pa kaming nakaupo sa kama habang magkahawak kamay?

"Erika, I'm sorry." He said while still holding my hand.

Oh my! Why sorry? Saan ba patungo ang usapan na 'to? Gusto ko nang magtanong ng kung anu-ano sa kanya, pero tumahimik lang ako at hinintay pa kung ano man ang sasabihin niya sa akin.

"I....I....I...."

"What, Cyrus?! You're killing me here!" I snapped na ikinatawa naman niya.

"I don't want you to go, too. Don't leave. Stay here. Please, Erika?"

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa mga narinig ko sa kanya pero pinigilan ko parin ang sarili ko na matuwa ng lubusan dahil hindi ko pa naman sigurado kung saan patungo ang usapan naming ito.

"Cyrus? Why?" Mahinang sabi ko kasabay ng pagtayo ko ulit dahil hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. At gaya ko ay napatayo na din siya at lumapit ulit sa akin.

"Back there, at my room? When we were interrupted by Katarina? Hindi ko lang sinabi sa inyo at ipinahalata na lahat ng sinabi niya sa akin ay tumatak sa isip ko. Aaminin kong ilang beses na ding sumagi sa isip ko ang magiging baby natin, Erika, at ilang beses ko din sinabi sa sarili ko na hindi ninyo ako kailangan, na hindi ako ang nararapat na maging ama ng baby mo dahil hindi ko alam kung magagampanan ko ba ng tama ang pagiging ama sa kanya. Hindi ko alam kung maibibigay ko ng buong-buo ang sarili ko sa inyo. Alam mong mahal ko si Clover."

Okay, pwedeng huwag nang banggitin?

"Kaya hindi ko magawang panagutan at gawin ang tama para sa inyo ng magiging baby natin dahil iba ang mahal ko." Sabi niya dahilan para mapayuko ako at hindi niya makita ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko mula sa mga mata ko. "Pero noong una lang iyon, Erika."

I frozed. Ito na ba? Ito na ba ang pinakahihintay kong marinig mula sa kanya?

"Hindi ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo, Erika. Pero alam kong ayokong mawala ka sa akin pati na ang baby natin. Ayokong umalis kayo ng bansa. Ayokong manganak ka ng wala ako sa tabi mo. Ayokong mag-isa ka lang na magpapalaki sa baby natin kung pwede din naman niya akong makasama."

"Ibig sabihin ba niyan gagampanan mo na ang pagiging ama sa baby natin? Pwede na nating ipaalam sa lahat na ikaw ang ama ng baby ko?" Umaasang tanong ko sa kanya.

He smiled. "That, and more."

"Ha? What do you mean?"

"I want it to make it right, Erika. And don't tell me that I don't have to do this because I already think it through and that I really wanted this to happen."

"What are you saying?"

He laughed, but after that, he became serious again. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa wala nang distansiya sa pagitan namin before he cupped my face with his hands and asked,

"Will you marry me?"

I suddenly felt dizzy making me almost fell on the floor if he wasn't faster enough to caught me. He even put his arms around me to let me lean on him.

"Shoot! Is it too much? Should I warned you first?"

"No, silly. But Cyrus.....I can't. We can't." I said thinking about Clover. "You don't love me. Sa iyo na mismo nanggaling 'yan. Sapat na sa akin na makilala at makasama ka ng baby natin. Ayokong isang araw ay marinig ko nalang sa 'yo na pinagsisisihan mo na ang naging desisyon mo ngayon."

"You're right, but I wouldn't asked you to marry me if I don't have any feelings for you, too. I just thought a while ago that making you believe that I don't love you is enough to make you go away for good. I may not be in love with you now just like you love me, but I know that this feelings I feel for you is enough to make me love you back. You're not that hard to like, Erika, so what more if it's about love? And when that time comes, I can promise you that my heart will no longer belongs to Clover but only you."

Una palang na inalok niya ako ng kasal ay nararamdaman ko na ang nagbabadyang mga luha ko na gusto nang mag-unahang pumatak sa mga mata ko na nagawa ko namang pigilan, but not until he said his feelings for me. Hindi man niya ako mahal ng buong-buo ngayon pero sapat namang malaman ko na handa siyang isakripisyo ang kalayaan niya para sa amin ng anak niya. Isn't that love already?

"I think you already love me." I said while smiling and he smiled, too.

"You think so? Then, will you marry me?"

"Yes!!! Yes! Oh my god, yes!"

"I'm sorry I don't have a ring right now, but I promise I'll give you one soon."

I just nodded at him, speechless.

Mabilis akong niyakap ni Cyrus bago niya ako hinalikan sa mga labi ko pero saglit lang iyon dahil ginawaran din niya ng halik ang tiyan ko para sa baby namin na tuluyan nang nagpaiyak sa akin.

"Hey, don't cry. Hindi ba dapat masaya ka na at makikita at mahahawakan mo na ang katawan ko araw-araw?"

"Heh! Kung anu-anong pinagsasabi mo diyan. Hindi mo ba alam 'yong tears of joy?"

"Hahaha, tahan na at bababa pa tayo para makakain na din kayo ni baby. At saka sasabihin pa natin sa kanila ang plano nating pagpapakasal."

"Pero, Cyrus, baka masaktan ka nila papa."

"Tatanggapin ko ang lahat ng gagawin nila sa akin, Erika. Kasalanan ko din naman eh dahil hindi ko kayo pinanagutan kaagad ng baby natin."

"Pero.....huwag kaya muna nating sabihin sa kanila? Ayokong masaktan ka."

"Pero kung hindi natin sasabihin sa kanila matutuloy lang lalo ang pag-alis ninyo papuntang Italy. Ayoko namang mangyari iyon."

"Okay, but not now, please? Maybe later? Umalis tayong dalawa mamaya tapos tawagan natin sila saka natin sabihin ang lahat-lahat pati na ang kasal natin para hindi ka nila masaktan."

"Hahahaha, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na nila ako hahanapin sa susunod na mga araw. Relax, Erika. Kung ano man ang mangyayari ay tatanggapin ko iyon, whether they hurt me or not."

"But not now." I insist. "Not until I eat first."

"Hahahaha, yeah, you should eat first. So, let's go my soon to be wife?"

"Yap!" Sabi ko habang pinipigilan kong mapangiti na mukhang napansin naman niya.

"What?"

"Kinikilig ako eh!" Sabi ko at sabay pa kaming natawa bago lumabas ng kwarto ni Erwin.

Magkahawak-kamay kaming bumaba ng hagdan hanggang sa kusina na hindi naman napansin ng lahat bukod kay Katarina na lumapit sa akin dahil busy ang iba sa pagkain at sa pinag-uusapan nila.

"You looked happy. What happened? Sinabi sa amin ni Erwin na magkausap kayo ni Cyrus. What did you two talked about?"

"A lot, and I want to tell you everything basta pakainin mo muna ako."

"Hahaha help yourself then."

Umupo na ako sa bakanteng upuan katabi ni Katarina habang si Cyrus ay nakatayo lang at umiinom ng beer kasama si kuya Reid at si papa.

Magsisimula na sana akong kumain matapos kong lagyan ng pagkain ang plato ko nang mapatingin ako sa dulo ng lamesa at sa taong kumakain doon.

"James!!! Kanina ka pa ba dito? Bakit ka nila pinalabas agad ng hospital?"

"Pinasundo ako ng papa mo doon para dito na din ako magpahinga bago ilibing si papa at umalis tayo papuntang Italy. Okay na naman din ako kahit na medyo masakit parin ang balikat ko at kaya ko namang kumilos."

"Well, that's good." Sabi ko nalang but it's not good about the Italy part.

Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Cyrus na sakto namang nakatingin lang din sa akin. Pero ngayon ay nakangiti na siya sa akin hindi katulad dati na nakasimangot siya palagi at parang galit.

"Cyrus." Tawag ni James dito na nilingon naman niya. "Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo dahil sa pagpatay mo sa mga assassin na pumatay kay dad at pati na din mismo sa nag-utos sa kanilang gumawa noon. Salamat dahil makakakilos na din ulit ako ng malaya simula ngayon."

Napansin kong mukhang nagtatakang napalingon si Cyrus kay papa pero saglit lang iyon bago niya nilingon ulit si James.

"Tinulungan din naman ako ni Amethyst kaya hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan."

"Yeah, they already told me what she did. Nakokonsensya lang ako dahil nasaktan ka pa sa nangyari, Amethyst."

"Wala iyon, magkakaibigan naman tayong lahat dito eh."

"Pwedeng magtanong?" Singit ni mama sa usapan na nilingon din namin kaagad dahil bibihira lang naman siyang makisali sa mga usapan namin. "Bakit Amethyst parin ang tawag ninyo kay Jessica eh codename lang naman niya 'yon kapag nasa mission siya diba? Hindi ko tuloy alam kung ano na ba talaga ang itatawag ko sa kanya."

"Oh, fuck!" Napalingon kami bigla sa reaction ni James. "I thought her real name is really Amethyst and that Jessica is her codename being a model."

Napahagalpak kaming lahat sa sinabi niya at pati narin siya.

"It's okay, nagugustuhan ko na din naman ang pagtawag ninyo sa akin ng Amethyst kaya walang problema sa akin."

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa magsalita naman si Erwin na nakaagaw ng atensyon ko.

"Papa, kailan na nga ba ulit tayo pupuntang Florence, Italy? Para sana makapagdate muna kami ni Amethyst bago tayo umalis." Sabi ni Erwin na tumingin pa sa direksyon ko bago siya tumingin ulit kay papa.

"Nakausap ko na ang kaibigan kong nag-ayos ng papers nating lahat, at sabi niya next week pa daw tayo makakaalis dahil saka lang din niya na-settle 'yong ipinapabili ko sa kanyang villa doon na titirhan natin."

Oh my god, no! "What villa?"

"I already showed it to your mother, and here it is." Sabi ni papa na inilabas ang cellphone niya sa pants niya at iniabot iyon sa akin para makita ko ang tinutukoy niya na sinulyapan ko lang saglit at binigay ko din kaagad kay Erwin na excited iyong makita.

"Ang ganda diba, anak? Nasa mataas tayong lugar sabi ng papa ninyo at tanaw din doon ang dagat."

Tumango lang ako sabay tingin kay Cyrus na nakangiti lang sa akin. Hindi ba siya nababahala? Pwes ako, oo!

"Wow! Excited na talaga akong umalis sa ganda nitong titirahan natin." Sabi ni Erwin na nakatingin na naman sa akin.

"Hindi ba pwedeng huwag nalang tayong umalis?"

"Hindi pwede Erika dahil naayos na ang lahat ni papa at tayo nalang ang hinihintay doon." Kontra agad ni Erwin sa akin.

"Masaya naman dito sa atin, diba? Sila kuya Reid nga hindi sasama sa atin eh kaya pwede din tayong dumito nalang din."

"Napag-usapan na din namin ni Katarina na sumunod sa inyo matapos niyang manganak."

"No!" I blurted out sabay tingin kay Katarina na nakakunot na din ang noo sa akin kagaya ng iba.

"Erika? Ano ba ang problema, anak?" Asked mama.

"Can I stay here, please? With Jagger and Trixie, perhaps? Hindi din naman kayo aalis diba?"

"Yes, we're staying here because of our secret agency. Pero ano ang dahilan kung bakit hindi ka sasama sa kanila?" Tanong din ni Jagger.

"Ayoko lang umalis, hindi pa ba sapat na dahilan iyon?"

"Sa tingin ko hindi lang iyon ang talagang dahilan mo, Erika." Sabi ni Erwin na matamang nakatingin sa akin. "Hindi ka tututol ng------"

"I don't want to leave because of the father of my child. Is that enough reason for you now?"

"Yeah, it is enough for me to not let you stay here dahil diyan sa kahibangan mo sa lalaking iyon. I thought we already settled this matter the last time we talked!" Said papa, angrily. "At ano naman ang mapapala mo sa kanya kung sa umpisa palang ay hindi ka na niya pinanagutan, anak? Do you even know where to find him? I guess not, kaya wala ka nang magagawa pa kundi ang sumama sa amin sa Italy."

"I'm here." Sabi ni Cyrus na tumingin pa diretso sa mga mata ni papa. "I'm the father of Erika's child." Sabi pa niya dahilan para magkagulo silang lahat while I remained at my seat, unable to move.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
7.8K 236 32
[Dangerous Gentlemen Series #1] Morticia 'Tish' Ignacio was the newly hired maid by the mean and arrogant leader of the mafia group 'Familia Carillo'...