You're Just My Toy

By FarctateGirl

327K 4.6K 305

[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your P... More

You're Just My Toy
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty
Epilogue
I Wanna Go Back

Twenty-three

3.8K 68 7
By FarctateGirl

Twenty-three

Today was my birthday. 

I am okay. I'm fine. Zymon was always with me—not always but as much as possible. Lory started to drift away—not from me but from him. Dahil parati kong kasama si Zymon at hindi na sila nagkakasama. 

Our relationship has improved and I've never been happier again. I stopped doubting every words he said, actions he made—until that night at my birthday party.   

I invited everyone for my birthday. We had some singing sessions. Wala kaming alak dahil ayaw ni Papa non so we had some food and drink—also some kids and adults game. 

I was so drunk from happiness that I needed to take a picture of everything from our garden. I also wanted to take a selfie with my big smile on my face. Kaso nang makatapak ako sa garden namin ay gumuho ang mundo ko. Lahat ng sayang nararamdaman ko nawala pati na ang ngiti sa labi at mata ko. 

I laughed to myself.

They were hugging each other. Nakasubsob sa dibdib ni Zymon ang mukha ni Lory habang hinahalikan naman ni Zymon ang ulo nito at hinahaplos ang buhok. 

Umiling ako at naglakad palayo. 

Kasabay nang pagkabasag ng puso ko ay ang pagkabasag ng tiwalang binuo ko ulit para sa kanilang dalawa. 

Natapos ang sembreak nang wala akong nagawang matino. Ni hindi ako nakagala o nakapag-bakasyon! Wala sina Prince buong sembreak dahil nag-out of town sila ng pamilya nila. 

Pangit ang unang umaga ko ng pagpasok sa school. Nagkasagutan kami ni Papa at napagbuhatan niya ako ng kamay. Gusto niyang kumuha ako ng Law habang ang gusto ko namang kunin ay Education. 

Nandito ako ngayon sa garden at nagpapalamig ng ulo. Nagulat ako ng may narinig akong tumutugtog. Sinundan ko lang 'yung tugtog at dito na naman ako dinala sa lumang building. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad nang may nalalaglag sa harapan ko. 

Dinampot ko ang pulang rosas na may card na kasama. Nakasulat sa loob ang salitang go on.

"Kanino naman 'to galing?" 

Pagkaangat ko ng tingin ay may mga petals ng bulaklak na nag-kalat. Tumingin ako sa taas pero walang tao. Naglakad ako at sinundan ang mga petals. Pagpasok ko ay nakita ko na naman sila. Mga kaklase naming lalaki na kaibigan ni Zymon.

Napangiti ako sa nakita ko. Nawawala ang init ng ulo ko.

Si James ay nag gigitara habang ang mga kaklase naming lalaki ay nasa likod at si Zymon ang nasa gitna.

Lalo akong napangiti nang lumapit sakin si Zymon at inabutan ako ng bulaklak— mga bulaklak. Hinalikan niya ako. Mabilis lang. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa upuan na nakaharap sa kanila.

Nag-strum na si James at si Robie ng guitar. Tumakbo ang ilan sa isang direksyon at may inayos habang si Zymon at ang iba ay nagsimula nang kumanta. 

Just The Way You Are.

Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. May pinakita silang slideshow na pictures ko. Halo-halo. Candid shots. Pictures ko nung bata ako. Pictures ko sa facebook, even my silly poses. 

Natatawa na lang ako sa nakikita ko. 

Ang tagal ko nang hindi naramdaman yung ganito. Kiligin at maging masaya.

Tawa na lang ako nang tawa dahil sa mga old pictures ko na ngayon ko lang ulit nakita. Umiiyak ako sa sobrang overwhelming ng pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam kahit na alam kong may mali. 

Maybe he was saying sorry? Maybe ako pa rin talaga? 

Lumapit siya sakin at tinayo ako. Nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at nilagay ang akin sa batok niya. Tinignan niya ko sa mata at tinignan ko siyang mabuti. 

I hope you could see someone's soul through their eyes. 

"Just the way you are," he said as he closed his eyes. "I love you."

Please. Please. 'Wag mo nang sirain ang tiwalang paulit-ulit kong binibigay sa'yo.

Naglalakad kami ngayon ni Ericka papunta sa room. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Nagtataka lang ako dahil kapag nagku-kuwento ako sa kanya ay parating isang salita lang ang sinasabi niya at iibahin ang usapan. Ayaw niya siguro kay Prince?

"Ericka, gala tayo mamaya. Shopping tayo!" 

"Hindi ako pwede, Princess eh. Sorry ah? May aasikasuhin kasi ako."

"Ay, ganun. Sige, okay lang. Si Lory nalang aayain ko," sabi ko sabay ngiti.

"Pasensya na talaga ah?" sabi niya sabay ngiti. Tumango nalang ako.

Nandito kami ngayon sa garden. Nakatambay. Wala kasi yung next teacher namin kaya ito kami ngayon, walang magawa. 

"James, ano kukunin mo sa college?" tanong ko out of the blue. 

Kanina pa kasi silang nagbubulungang dalawa at kanina pa ako third wheel rito.

"Edi course. Ano ba kinukuha sa college?" sagot niya.

"Tsk. 'Yung maayos."

"Maayos naman 'yung sagot ko ah!"

"Hay naku, Princess. 'Wag mo nang kausapin 'yan. Wala siyang kwenta kausap," irap ni Ericka.

"Bakit ikaw may kwenta ka ba kausap? Wala rin no! Feeling mo!" sabi ni James.

"Bakit? Atleast ako may sense kausap ikaw? WALA! WALA! PANGET MO!"

"Bakit? Akala mo maganda ka?"

"Oo!" sabi ni Ericka sabay flip ng hair.

"Akala mo lang 'yun!" halakhak ni James.

Nahawa ako sa tawa ni James kaya natawa na rin ako. Nakangiti ko silang pinanood.

"ARGH! Kaasar ka! Ewan ko sa'yo!" 

Umubo siya para mapigilan ang pagtawa. Nakaismid na ang mukha ni Ericka at nakatingin sa malayo. 

"Eto naman hindi mabiro. Syempre maganda ka. Yieee. Tatawa na 'yan. Yieee." 

Tinusok-tusok niya ang tagiliran ni Ericka na pinapalo naman nito palayo. Nakasimangot pa rin siya. 

"Tsk. Ano ba! Tigilan mo nga ako!" 

"Yiiiee. Dali na, bati na tayo. Yiiee. Ngingiti na yan. Yiiiee." 

"Oo na! Letche ka kasi eh!" Binatukan niya si James at tumawa nang malakas.

"Aray!" 

Hindi na nakapagsalita si Ericka nang maayos sa kakatawa dahil inatake na siya ng kiliti ni James sa tagiliran. Tawa ako nang tawa sa tili ni Ericka at halakhak ni James.

"Alam niyo, bagay kayo," ngiti ko. 

Bigla silang natigil at umayos ng upo. Umiling akong tumatawa.

"Iyan?!" Tinuro niya si James habang nakatingin sa akin na akala mo nagsalita ako ng ibang lengwahe. "Iyang panget na yan magugustuhan ko? No way! YUCK!"

"Para namang magugustuhan kita? Lalapit pa lang ako sayo tinatangay na ko niyang bunganga mo dahil sa ingay!"

Pinaulanan siya ng hampas ni Ericka. Ganyan sila parati kung mag-asaran at alam ko na gusto nila ang isa't isa kahit hindi nila sabihin sa akin. 

Nagkayayaan kaming bumalik na ng classroom dahil baka dumating na ang susunod na teacher. Habang naglalakad kami ay biglang nagsalita si Ericka.

"Jayden, alagaan mo 'yang si Princess ah? Kapag 'yan nasaktan, yari ka sakin!" 

"Oo naman." 

"Ikaw naman, Princess. Pakatatag ka, okay? Nandito lang kami parati," ngiti niya sa akin.

Nginitian ko siya. Buti na lang nandito si Ericka na parating nagpapalakas ng nanghihina kong loob. Kung wala siguro silang dalawa ay baka nabaliw na ako.

Nagulat kami nang bigla siyang huminto kaya napahinto rin kami ni James sa paglalakad.

"Payakap nga!" 

Bigla siya tumalon kay James para yumakap. Napangisi ako sa panlalaki ng mata ni James sa gulat at hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang kamay niya. Ericka swayed him kaya't unti-unti siyang lumambot at niyakap ito pabalik.

"H—HOY! Tsansing ka lang eh! Ayan na. Sige na, feel free to hug me," tawa ni James.

Ginulo niya ang buhok ni Ericka matapos nilang magyakap. Tumingin sa akin at binuksan ang kamay niya para lumapit ako at yakapin. Ngumiti ako at lumapit. 

"Princess, salamat ah kasi naging friend kita. Mahal kita tandaan mo 'yan."

Pinikit ko ang mata ko at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng puso ko sa suporta at pagmamahal na natatanggap. Muntikan na akong maiyak! 

Nagtawanan kami sa nangyari habang naglalakad pabalik sa classroom.

Napilit ko si Lory na samahan akong mamali pero saglit lang raw siya dahil kailangan niyang umuwi agad. Hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang bumili ng kung ano. Na-miss kong mamili at madalas kong ginagawa 'to na kasama si Mama.

Nakapamili ako ng ilang damit. Bumili rin ako ng mga libro and albums ng mga gusto kong artists. Nandito kami ngayon sa Jollibee at kumakain ako ng Chicken Joy. Si Lory diet ata kasi burger lang ang kinakain. 

May tumawag kay Lory na hudyat na kailangan na niyang umuwi.

"Sure. Thank you sa pagsama sa akin." Bineso niya ako. "May susundo ba sa'yo?"

"Yep," she nodded curtly. "Bye. Take care, Cess."

Napag-isipan kong bumili ng cake para kay Zymon. Alam kong magugustuhan niya 'to. Ako naman ang manunurpresa sa kanya. Hindi naman pwedeng ako palagi ang sinusurpresa. Pinili ko ang heart shape at pinalagyan ko ng message.

'Hi there, boyfriend! I love you. -Yvonne'

Umuwi muna ako ng bahay para iwan ang mga pinamili ko. Wala pang tao sa bahay nang umuwi ako at ayoko rin muna makita si Papa dahil hindi ko pa rin matanggap na sinampal niya ako. 

Dinala ko na ang box ng cake at pumunta kila Zymon. Doon ako sa condo niya pupunta dahil nandoon lang siya sa bahay nila kapag nandito sa bansa ang parents niya. Mayroon din akong duplicate ng susi ng condo niya kaya walang hassle. 

Naglakad ako at nagpunta sa harap ng pintuan niya. Kumatok ako pero walang sumasagot. Nag-isip muna ko saglit ng gagawin hanggang sa naisip kong ilapag na lang sa lamesa yung cake. Makikita naman niya siguro 'yon pag-uwi niya.

Binuksan ko ang pinto at nakapatay ang ilaw. Wala ngang tao. Hinanap ko ang switch ng ilaw dahil wala akong makita sa dilim. Mamaya madapa pa ako at masira ang cake. Hindi sapat ang liwanag galing sa buwan mula sa bintana.

Nang makapa ko na ay binuksan ko na ang ilaw at nakita ko na rin ang lamesa. Nilapag ko dun 'yung cake. Pinatay ko na ang ilaw at lalabas na sana ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa loob ng kwarto.

Napakunot ang noo ko. Hindi na sana ako tutuloy dahil sa takot pero dahil sa curiosity ay gusto kong malaman. Nilabas ko ang cellphone ko at ginamit na flashlight. Kung mamamatay ako, so be it.

Binuksan ko ang lampshade sa sala para makita ang daraanan. Unti-unti akong naglakad papunta sa kwarto dahil doon ako nakarinig ng ingay. Unti-unti kong binuksan 'yung pinto habang hawak ang vase na kinuha ko sa sala kung sakaling may nagtatangkang magnakaw.

Pinilit kong hindi mag-creak ang pinto at hindi nga iyon tumunog. Hinubad ko 'yung sapatos ko kanina sa sala kaya walang ingay ang paa ko. Pinagpapawisan ako nang malamig. Hinanap ko ang switch ng ilaw dahil patay rin ang ilaw sa loob ng kwarto. 

Nabitawan ko ang vase sa sobrang pagkagulat sa nakita. 

Napahawak ako sa bibig ko. Agad kong naramdaman ang pag-ikot ng sikmura at pagtulo ng luha na hindi ko na napigilan pa. Halos mapaupo ako sa lapag nang manlambot ang tuhod ko sa pagkamanhid na nararamdaman.

Sa pagkagulat rin nila na nandoon ako ay hindi sila nakagalaw sa pwesto nila.

They were both half naked—on his bed. 

Hands on her stomach. Hands on his neck. Flushed cheeks. Swollen lips. Messy hair. His fucking erection!

I shut my eyes and exhaled a sob.

Shit!

Continue Reading

You'll Also Like

90 17 24
Will you hate the person who ruins your day everyday? Maybe hating him, makes me more fall inlove with him. Find out this twisted story that will sur...
14.9K 283 36
Every girl is dreaming to have a fairy tale love story. Yung may prince charming :) Yung may lalaking magpaparamdam sakanya kung paano maging prinses...
226 4 38
We're doing something that made us regret. It's not easy I know that. Being betrayed by your friend is hard. Being fooled by your so called friend i...
5.5K 64 32
Do you believe in Fairytales? Sa story na ito, may isang prinsesa at isang prinsepe. May magsasakripisyo at may magmamahal. May sasaya at may malulun...
Wattpad App - Unlock exclusive features