My Cold Beautiful Man

By Mrs_ZhangKZ

435 67 0

This is a sequel of His Cellphone Diary. Like HCD, this is also a story that is divided into two parts: The f... More

P R O L O G U E
C H A P T E R - O N E
C H A P T E R - T W O
C H A P T E R - T H R E E
C H A P T E R - F O U R
C H A P T E R - F I V E
C H A P T E R - S I X
C H A P T E R - S E V E N
C H A P T E R - E I G H T
C H A P T E R - N I N E
C H A P T E R - T E N
C H A P T E R - E L E V E N
C H A P T E R - T W E L V E
C H A P T E R - F O U R T E E N
C H A P T E R - F I F T E E N
E P I L O G U E
Another Secrets
Another Secrets Chapter #1
Another Secrets Chapter #2
The Another Secrets Chapter #3
The Another Secrets Chapter #4

C H A P T E R - T H I R T E E N

9 2 0
By Mrs_ZhangKZ

Mabilis lumipas ang taon. College na nga sina Ace, Sam, Barbie at Sky. Oo pati si Sky... Nagmamaktol itong naiinis kung bat nya naipasa ang acceleration exam na pinatake sa kanya ng Aunti Thea nya. Second year college na sina Ace, Barbie at Sam. First year college naman si Sky. Kumukuha ng Business Management major in Accounting si Ace. Si Barbie naman ay isang accountancy student samatalang International hospitality management naman ang kinukuha ni Sam. Kumuha naman ng medicine si Sky na saktong bagong course lang sa SLA.

"Nakakamiss si Sky." Bigla namang nagsalita si Rham. Katabi lang nya si Neil at Rey sa magkabilaan. Di naman nagulat si Rey. Kaso si Neil naiinis. Matagal na nyang pilit itinatago na may weird sya na nararamdaman kay Rham more than a year na nga. Grade 12 na sila at simula nanaman ng pasukan. Napahiwalay nanaman nga sila sa parents nila na nagpapanggap na Tita at Tito nila.

Busy ang lahat sa pagkwekwentuhan tungkol sa bakasyon nila nang biglang pumasok ang homeroom teacher nila. "Good morning class. You have two new classmates today. Di na naman kayo bago sa mga twins dahil may twins naman sa section nyo." Napatingin naman ang lahat kina Rey at Rham. Ngumiti lang si Rey si Rham naman di naririnig ang sinasabi ng teacher nila dahil malakas ang tugtog nito sa headphone na regalo ni Neil 2 years ago. "Although magkamukha ang kambal na ipapakilala ko ngayon di naman kayo malilito sa kanila kasi magkaiba sila ng kilos." Sandaling napatingin ang homeroom teacher nila sa pinto ng classroom nila. "So meet the twin Cruz. Magpakilala kayo guys."

Nang pumasok ang kambal nagimbal ang buong klase. Pareho silang nakangiti na talagang makakapagpakilig sa mga kababaihan. Di na nakakapagtaka may itsura... erase that... gwapo naman kasi ang dalawa at magkamukha sa unang tingin pero dahil magkaiba naman ang hair style nila, hindi ka malilito. Ang totoo nga nyan nakauniform nga sila eh. Hindi ata sila nainform na hindi naman nag-uuniform dito.

Pero mas ikinagimbal ng lahat ng maglabas ng pamaypay ang isa, yung medyo malago ang buhok. At nagsimulang magpaypay kahit ang lakas na naman ng aircon sa loob ng classroom nila.

"Pogi sana... bakla pala yung isa."

"Hala~ Bumigay si ateng."

"Sana hindi bakla ang isa."

"Sayang si Kuya..."

"Tapos na ang opinion nyo?" biglang pagsusungit nung bakla. "I'm Anghelo Gabriel Cruz... But Gabeng na lang." pagpapakilala nung bakla.

"Hi! I'm Anghelo Ezekiel Cruz. You can call me Kiel." Bigla namang nakarinig ng mga ipit na tili mula sa mga babae sa loob ng classroom.

Kring... Kring...

Biglang may tumawag sa homeroom teacher nila. "Gabeng and Kiel you may now take your sit! Doon kayo sa vacant sits sa harap nina Mr. Lee." Bago nya sinagot ang tawag "Hello? Ok po... Parating na po sya? Sige po, ipapakilala ko po sya bago ako umalis dito. Sige po. Thank you." Nang maibaba na nya ang cellphone nya sa desk nila. Humarap syang muli sa mga studyante nya. "Seems like may isa pa kayong kaklase 12-A. Let's meet her later. I believe na di ko pa kayo kilala maliban kina Mr. Lee at Mr. Smith. So magpakilala na ang lahat?"

Isa isa naman silang nagpakilala...

"I'm Rey Lee. Obviously, Rey ang nickname ko."

"I'm Rham... Lee!"

"Neil Perez."

"Okay dahil tapos na ang pagpapakilala nyo..." sandaling tumingin ito sa labas. "Nandyan na ata sya. Meet your... another new classmate. Pasok hija." Sabi nung teacher nila. May pumasok naman na babae... maganda ito. At talaga nga naman, nakauniform din.

Nang makarating ito sa unahan. Agad napafacepalm si Gabeng. Bigla namang ngumiti ang dalaga nang makita ang hinahanap nya. At sa sandali ng pag-iikot nito ng tingin eh nakita nya si Rham. Pumukaw ito ng pansin sa kanya kasi ito lang ang di nakatingin sa kanya at naiinis sya dahil doon. "Magpakilala ka na, hija."

"I'm Jassmine Chu or Jass. Future Mrs. Cruz! Walang papatol sa fiancé ko or gigilitan ko kayo ng leeg!" natakot naman ang mga babae at tiningnan ang magkapatid na Cruz. Si Kiel na nakangiti lang at si Gabeng na namumutla na.

"Ahhh~ Ms. Chu sino ba ang fiancé mo sa kambal na Cruz? Si Kiel ba?" tanong nung teacher nila. Napakachismosa talaga ng teacher nila ano? Pero sa bagay, curious naman silang lahat at yun din naman ang hula nila kasi alam naman nilang bakla si Gabeng. Pero...

"No! Si Gabriel..." naglakad ito papunta sa babaeng katabi ni Gabeng sa kanan at pinaalis ito. Pinalipat nya ng upuan kasi doon sya uupo. "I told you na susundan kita kahit sa ka pumasok. Gagawin kitang lalake! Gets?" bulong pa ni Jassmine sa kanya na rinig naman ng lahat.

Napatingin ng sandal si Rham sa tatlong dumating. "Another weird year..." sabi pa nito sa utak nya.

Napalingon si Jass sa likod nya at nakita si Rham na nakatingin sa unahan. "Hoy Gabriel, maganda naman ako di ba? Bakit di ako pinapansin nun? Lahat kaya napatingin sa akin kanina." Bulong pa ni Jass kay Gabriel.

"Di ka nya type..." lumingon ng sandal si Gabriel kay Rham. "I smell something girly sa katauhan nya. Baka bakla din."

"Impossible." Pakikisali naman ni Kiel. "Nabalitaan ko na sila nung Grade 10 eh. Sikat kaya sila."

"Bat mo nasabi yun Gabriel? Na bakla sya..." Jass

"Gay instinct!" sagot ni Gabriel.

Agad namang tumayo si Rham. Wala nanaman ang teacher nila na di na namalayang umalis ng tatlong pinagchichismisan sya. Rinig sila ni Rham... Malakas ang pandinig nya. "Please talk something about me kung wala ako sa paligid nyo." Sabi nito at tuluyang umalis. Tumayo naman agad si Neil at sinamaan sila ng tingin. Alam nyang malakas ang pandinig ni Rham kaya alam nyang naintindihan nito ang pinag-uusapan ng bagong salta kahit na sya di nya maintindihan. Nabasa lang nya ang mga lihim na tingin ng mga ito kay Rham, na si Rham nga ang pinag-uusapan nila.

"Better back off!" Neil mouthed to them na maririnig din naman kasi bumulong din sya.

Narinig din ni Rey ang usapan. They are brothers anyway. Marami silang similarities... konti lang pala kasi they are total opposite. Tumayo si Rey at tumingin lang sa grupo nung tatlo saka nagsalita. "I think I won't scold them for that. It's your fault." Sabi nito. Narinig ng mga kaklase nila na parang may namumuong away sa pagitan ng dalawang grupo. Ang mga die hard fans nga nina Neil at Rham eh sumama agad ang tingin kay Jassmine at kay Gabeng na nahalata rin nila kanina na topic si Rham at Neil. Akala nila kasama si Neil. Akala nila balak sulutin nung dalawang nagpapanggap na magfiance ang Neil at Rham nila. Puro akala... Akala rin kasi nila nagpapanggap lang na magfiance yung dalawa para di mabistong aagawin nila sina Neil at Rham sa kanila. Sandamakmak na akala ang namuo sa fans nila hanggang sa dumating sa point na...

Mag-isang naglilibot si Jass sa buong campus ng harangin siya ng higit sa sampung babae. Napalingon naman sya sa paligid at maraming babae ang nakabantay. Iiwas sana sya kaso di sya hinayaang makadaan. "Ikaw ba si Jassmin Chiwawa?" tanong ng leader ng sasaeng fansclub nina Neil at Rham. Hindi sya ang nagpahabol noon sa dalawa kasi Tourism student ang nagpahabol sa dalawa noong foundation day 2 years ago. Grade 11 ito. Si Elika...

"Chu ang surname ko." Sabi naman ni Jass. Natatakot na ito. Nabubully na din kasi sya dati sa dati nilang school at ang baklang kaibigan lang nya ang nagtatanggol sa kanya kaya nagustuhan nya ito at sapilitan nyang pinakiusap sa parents nila na ipakasal sya dito sa tamang panahon. Advantage naman yun sa parents ni Gabeng dahil alam nilang bakla ang anak nila. "P-padaan..."

"Akala mo di naming alam ang binabalak mo at ng bakla mong kaibigan? Balak nyong sulutin sa aming mga fans sina Neil at Rham!"

"H-hindi..."

"Anong hindi? Nga pala... Mahilig ka bang magbake. May mga natira kasi kameng ingredients, sayang eh!" inihagis naman nya ang flour kay Jass na kinatawa ng lahat ng nanonood. "Ang itlog!" pinagbabato naman nila ng itlog si Jassmine. Masakit! Ikaw ba ang batuhin ng itlog na may shell... buti nga hindi boiled eh. "Ang tubig..." ibinigay naman nila ang isang pitsel na malamig na tubig kay Elika at...

"STOP" naiharang naman ni Rham ang sarili nya bago mabuhusan ng malamig na tubig ang umiiyak na na si Jassmine. Di na nasenyasan ng mga kagrupo ni Elika si Elika kasi nastar struck na sila sa pagdating ni Rham. "Brrr... Are you okay?" agad na nilamig si Rham. May mga yelo pa kasi ang tubig na sinaboy nila dito.

"What are you doing? Bullying a girl again!?" sigaw ng bagong dating na si Neil at ibinigay nya ang jacket nya kay Rham. Kasama naman nya si Michaela na dalidaling tumakbo kay Jassmine.

"Ayos ka lang ba? Tara pahihiramin kita ng damit." Inaya naman ni Michaela si Jass sa locker room para magpalit ng damit.

"A-ahhh... S-sorry Rham." Yan lang ang nasabi ni Elika.

"Listen..." tumingin si Rham sa name tag nito. "...Elika. Please! Wag nyo nang uulitin to. Wala naman syang balak sa amin eh. Sa susunod na may mabalitaan akong may binubully nanaman kayong babae makakarating na ito sa office." Umalis naman agad ang dalawa at dumeretsong locker room.

Sandaling nanahimik ang lahat ng babaeng naiwan. Pero nabasag ang katahimikan nang umirit si Elika. "Kyah~~~ Alam nya ang pangalan ko!" sabi pa nito at nagtatatalon. Gusto nilang sabihan na ang laki laki ng nametag nya sa ID nya kaya talagang malalaman nito ang pangalan nya. Pero walang may balak na inisin si Elika. Alam nila kung paano magalit ito. Di na nakakapagtaka... nasa lahi na nila. Kapatid nya si Philip na graduate na ng highschool sa SLA.

Agad na nagpalit ng polo si Rham habang wala pang tao sa dressing room sa loob ng locker room ng mga boys. Buti may extra sya na damit. Pagkalabas naman nya nakabantay na si Neil sa labas. "Nilalamig kaba?" tanong nito dito. Gusto ng umuwi ni Rham, nabasa kasi ang bandage na nagtatago sa katauhan nya kaya nilalamig pa rin sya. Di naman nya pwedeng alisin.

"Sumama lang ang pakiramdam ko." Sagot lang nito.

"Gusto mo umuwi ka na. Ipapaalam na lang kita sa mga teachers natin."

"Ayos lang? Sige uuwi na ko... Sumama talaga ang pakiramdam ko eh." Sabi pa nito. Halata naman sa mukha nya

"Sasabihin ko na lang kay Rey... Sige mag-ingat ka." Napabuntong hininga naman si Neil habang tinitingnan na umalis ang kaibigan nya bago nito naisipang intaying lumabas sa locker room sina Michaela.

"Ayos ka na ha? Masanay ka na sa mga yun." Sabi ni Michaela habang palabas na sila ng locker room.

"Ganito rin ba ang naranasan mo?" tanong ni Jass sa kanya.

"Hindi naman... puro parinig lang. Lagi naman kasing nasa tabi ako nina Kuya Rham at Kuya Neil eh." Napatingin ito sa lalakeng nagbabantay sa labas ng locker room ng girls. "Nasaan po si Kuya Rham?"

"Umuwi na, sumama ang pakiramdam." Agad namang nag-alala si Jass sa nangyare kay Rham. Rham is the second person who save her after Gabriel.

"Please tell him... I'm very sorry. Simula doon sa..." di na natapos ang sinasabi ni Jass nang magsalita si Neil bago ito tuluyang umalis.

"I told you to back off."

"Sorry sa inasta ni Kuya Neil ha. Mabait naman sila... Sadyang masusungit lang. Samahan na kita papuntang room nyo. Sa iisang building lang naman tayo eh."

"Salamat talaga Michaela."

Continue Reading

You'll Also Like

377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...