Guns and Roses (COMPLETED)

By GiveMeSomeLoveDust

23.3K 707 3

"Humanda na ang may mga atraso sa akin. Panahon na para maningil. At wala akong sasantuhin ni isa sa inyo. Si... More

Guns and Roses
Prologo
ISA
DALAWA
TATLO
APAT
ANIM
PITO
WALO
SIYAM
SAMPU
LABING ISA
LABING DALAWA
LABING TATLO
LABING APAT
LABING LIMA
LABING ANIM
LABING PITO
LABING WALO
LABING SIYAM
DALAWAMPU
EPILOGO
MENSAHE MULA KAY LOVEDUST

LIMA

945 33 0
By GiveMeSomeLoveDust

Lima

"Nami, papasok ka ba?" Tanong ni Connie nang masagot ko ang tawag niya.

"Oo pasensya na, nahuli kasi ako ng gising." Sagot ko habang kinukuha ang sapatos ko sa shoe rack.

"Dalian mo. Panigiradong masesermunan ka ni Boss."

"Oo sige na. Paalam." At binaba ko na ang tawag.

Humarap akp sa salamin para tingnan kung maayos na ba ako. Pagkatapos ay lumabas na ako at hindi na nag-abala pang kumain ng agahan.

Halos takbuhin ko na palabas ng village namin. Ang hirap talaga pag walang sariling sasakyan.

Napahinto ako ng makarinig ako ng isang busina. Maya maya'y may humintong motor sa tabi ko.

"Magandang umaga." Bati niya.

Si Gab.

"M-magandang umaga rin." Kinakabahang sagot ko.

Bakit nga ba ako kinakabahan??

"Nagmamadali ka yata? Tingnan mo, pawisan ka na."

"Oo eh. Late na kasi ako sa trabaho."

"Ganoon ba? Tara, hatid na kita sa trabaho mo."

"Naku wag na! Nakakahiya."

"Wag ka ng mahiya. Tara na. Baka mapagalitan ka pa nyan."

"Pero kasi..." napatingin ako sa motor niya at sa suot ko. Nakapalda kasi ako eh. Natatakot akong masilipan.

"Oo nga pala. Pasensya na." Nagulat ako ng hubarin niya ang suot niyang jacket.

"Ito, itakip mo sa magandang binti mo." Ngumiti ako at kinuha iyon sa kanya.

Sumakay na ako ng patagilid sa motor niya at kumapit ako sa balikat niya.

"Huwag ka diyan kumapit. Dito." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa kanyang bewang.

Ito na naman. Nararamdaman ko na naman ang kuryente.

"Kapit ka ng mabuti." Sabi niya at pinaandar na ang motor.

Pakiramdam ko habang bumabyahe kami ay napakabagal ng oras. Natatakot akong idikit ang katawan ko sa kanya. Baka kasi maramdaman niya ang tibok ng puso ko na sing bilis ng mga nagkakarerang kabayo.

Ngayon ko lang ito nararanasan. Iba itong nararamdaman ko kumpara sa damdamin ko noon para kay Daniel.

Ang bango niya. Napaka natural ang amoy niya. Halatang di gumagamit ng kahit anong pabango. Dama ko rin ang tikas ng kanyang katawan. Lalaking lalaki.

Nakarating kami sa trabaho ko. Panay ang tanong niya kung saan ang daan at itinuturo ko naman.

Pinagtitinginan ako ng ilang kasamahan ko ng bumaba ako sa motor niya. Paniguradong pag-uusapan ako ng mga ito mamaya.

Nakaalis na siya ng mapagtantong di ko naibalik ang jacket niya. Mamaya ko na lang ito isosoli pag-uwi ko.

"Sino 'yon?" Tanong ni Connie.

"Kaibigan." Sagot ko.

"Kaibigan ba talaga? Baka siya dahilan ng pagiging late mo ah."

"Hindi ah. Talagang nalate ako nagising."

"Alam mo Nami, ngayon lang ulit kitang nakitang ngumiti."

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 279 48
A man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a monster, the complete opposite of his a...
282K 5.2K 21
Doesn't focus on two. Kung ayaw mong mabitin, makulangan, madismaya. 'Wag mo nalang BASAHIN. Warning! R-16 Highest ranked #119 in General Fiction ©Cr...
561K 13.2K 52
Book5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang...
239K 4.7K 26
She made a mistake and that was to let her self free for the mean time. The Giving Up My Virginity series number 3 is now finally COMPLETED! ----- ...