The Martyr Girlfriend

By danchan07

205K 2.3K 363

The Martyr Girlfriend Si Ash, isang typical girl na ibinigay ang lahat ng pag-ibig para sa lalaking kanyang k... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 The Intro
CHAPTER 2 Text Messages
CHAPTER 3 Tipsy
CHAPTER 4 Worried Face
CHAPTER 5 Choco Moist
CHAPTER 6 Questions and Doubts
CHAPTER 7 Waiting in Vain
CHAPTER 8 The Past
CHAPTER 9 The Other POV
CHAPTER 10 The Rumor
CHAPTER 11 Unsuccessful Report
CHAPTER 12 Elexis
CHAPTER 13 The Truth Hurts
CHAPTER 14 Hindi Ko Kaya
CHAPTER 15 The Talk
CHAPTER 16 Josette's Story
CHAPTER 17 The Moving On Brigade
CHAPTER 18 The Moving On Partner
CHAPTER 19 The Martyr GF, Martyr BFF and the Martyr Boy...err, Boy na Friend XD
CHAPTER 20 His Regret
CHAPTER 21 Grey's Anatomy
CHAPTER 22 1251
CHAPTER 23 The Party
CHAPTER 24 The Dance
CHAPTER 25 The Comeback
CHAPTER 26 Elexis' Side of Story
CHAPTER 27 Grey's Efforts
CHAPTER 28 Sembreak
CHAPTER 29 Sembreak Ver. 2.0
CHAPTER 30 Grey's Efforts Ver. 2.0
CHAPTER 31 Swirming Feelings [Josette x Sky]
CHAPTER 33 The Part-Time Girl ♥
CHAPTER 34 Her Flashback
CHAPTER 35 Sky and Josette ♥
CHAPTER 36 The Martyr

CHAPTER 32 The Everything

2.5K 48 9
By danchan07

"Best, nakapagreport ba kami ni Sky kanina sa PhyChem?" tanong ni Josette sa akin. Ginising ko siya nang makita ko itong natutulog.

 "Oo, best. Hahaha. Wala ka kasi sa sarili mo kanina kaya siguro wala kang maalala." sagot ko dito. Napakamot lang ito nang ulo marahil hindi niya nagets ang mga sinabi ko.

"What do you mean sa ‘wala ako sa sarili’?" tanong ulit ni best sa akin. Kitam? Wala nga talaga siya sa sarili.

Pinigil ko ang napipinto kong pagtawa pero natatawa parin akong sinagot siya, "Paano ba naman best eh, hindi ka man lang nagsalita sa harap.Hahahaha. Si Sky na lang ang nagreport dahil mukhang nag-iispace out ka!" paliwanag ko dito. "Buti na lang at maganda ang pagkadeliver ni Sky nang research ninyo kaya wala masiyadong nasabi si prof." dagdag ko pa rito.

Nakita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ni best na wari'y nag-iisip pagkatapos napalitan ito nang pagkadismaya sa sarili dahil napahampas ito sa noo niya.

"Seriously best? Eh di, totoo nga iyon!" bulalas ni Josette tapos dismayadong inuntog nang mahina ang noo niya sa armchair.

"Hoy! Baliw ka na bang babae ka?" tanong ko dito.

"Huwag! huwag na huwag mo ng babanggitin iyang baliw na iyan! Huwag!" bulalas niya na ikinagulat ko naman dahil bigla itong napatayo. Nanindig naman ang balahibo ko dahil sa inasal niya!

Wah. Baliw na nga si best?

"Ms. Scheemer! Nananaginip ka pa yata. You can go now!" sita nang current prof namin kay best dahil napalakas yata ang sigaw niya at agaw-atensyon naman ang pagtayo niya.

Hay, nakalimutan niya rin yata na nasa gitna pa kami nang klase. Inis namang lumabas si best habang pinagtataka ko ang inasal niya.

"Baka nga naman nanaginip lang..." bulong ko sa sarili at ibinalik na lamang ang atensyon sa klase habang nag-aalala para sa kaibigan.

~

Tahimik si best ngayong lunch break ah? Nasaan iyong jolly na Josette kapag walang klase? May sakit kaya ito? Baka nga may sakit na ito sa pag-iisip, chaaar.

“Best? Are you okay?” tanong ko dito dahil napansin kong hindi niya ginalaw ang pagkain niya. Napatingin lang ito sa akin at umiling.

HOOOEMGII, don’t tell me nanakawan na naman ito nang first kiss? Weh?

“May sakit ka ba?” tanong ko dito tapos chineck ko iyong temperature niya sa noo pero hindi naman ito nilalagnat.

“Kanina pa ganyan ‘yan, simula noong nagreport sila ni Sky sa PhyChem.” Bulalas naman ni Steph na kasama naming naglulunch ngayon sa cafeteria.

“Oo nga, inano ba iyan ni Sky?” tanong naman ni Kristine. Napasweatdrop naman kami sa ginamit niyang term.

“G*ge! Inano nadin?” taka naman ni Grace tapos binatukan si Kristine. Nagtawanan naman sina May at Angelie dahil sa inasal nila.

“Best?” tanong ko dito pero tahimik parin ito at mukhang wala talaga sa mood. “Gusto mo bang dalhin na lang kita sa clinic mamaya?” alok ko dito. Umiling lang ito tapos nagsimula na siyang kumain.

Baka alam ni Sky kung bakit nagkakaganito si best. Ano na naman kaya ang ginawa nang lalaking iyon?

~

“Ash! Josette!” tawag ni Sky buhat sa aming likuran. Mukhang masaya si Sky ngayon ah? At nag-eemit nang magandang aura habang slow motion itong tumatakbo papunta sa amin. Mamaya pa kasi ang susunod naming klase at marami pa kaming oras para maghayahay.

“Sky!” bati ko naman dito nang maabutan niya kami. “Tamang-tama, balak naming tumambay ni best sa rooftop para magpahangin!” bulalas ko dito. Nang makalapit ito napalingon naman ako sa katabi ko at laking gulat ko na wala na sa tabi ko si Josette!!!!

“Best?!!!!” tawag ko dito pero ni-isang anino niya wala na kaming nakita. May lahi bang ninja iyon? Nawawala na lang bigla. Napansin ko naman ang biglang pagbago nang expression ni Sky, naging seryoso ito.

Ganoon din ang mga sumunod na araw, sa hindi ko malamang dahilan, tuwing lalapit sa amin ni best si Sky ay umaalis o kaya naman ay nagtatago si best. Bakit kaya? May hindi ba ako alam sa dalawang ito? 

Sky’s POV

Ito na yata ang pinakamahirap na pagdadaanan ko ngayon. Iniiwasan ako nang taong gusto ko, na mahal ko na yata, at nagpapabilis nang puso ko.

Dub.dub.dub.dub. Napakabilis nang tibok nang puso ko ngayon. Dahil ba nasa tabi ko lang siya? Dahil ba naaamoy ko ang pabango niya? O dahil lang ba sa presensiya niya?

Tumahimik siya kaya naman napatingin ako sa kanya nang diretso, seryoso. Kinakabahan akong hinawakan ang kanyang kamay.

“Jo-Josette, kinakabahan ako…”  kinakabahan ako habang katabi kita. Dub.dub.dub.dub.

“Ngayon ka pa kakabahan eh magrereport lang naman tayo…” react niya habang pilit niyang tinatanggal ang hawak kong kamay niya. Gusto kong ilapit sa aking pisngi ang palad nito, napakalambot nang kamay niya at pakiramdam ko ay sa kanyang kamay ako magiging panatag.

“Huwag, huwag mong tanggalin…” mahina kong sabi pero nagmamatigas ito kaya naman lumaban din ako sa pagmamatigas niya. Iba na talaga ang tama mo Sky?!!!! Gusto ko nang angkinin ang kanyang kamay.

Tiningnan lang niya ako na tila nagtataka sa aking kakaibang inaasal.

“Baliw ka na ba, Sky?” tanong ni Josette sa akin pero nakalock ang mga tingin ko sa kanyang mga mata.

“Oo, Josette, mukhang nababaliw na yata ako sa iyo…” dub.dub.dub.dub.

Waaaaaah, naalala ko na naman ang weird na banat na iyon! Ako nga ba talaga iyon? Ang cheeeeeeesssssy!!!! Pero, pero, napaka-assuming ko ba para isiping tatanggapin ako ni Josette? Alam ko namang hindi easy-to-get ang babaeng iyon at halata namang wala pa siyang experience pagdating sa mga relationships *nagsalita ang mayroon na*.

Nakita ko siya kanina habang naglalakad sa corridor, tinawag ko siya pero mabilis naman agad itong umalis. Hinabol ko siya pero mukhang nagtago na ito. Noong lunch break nakita ko sila ni Ash na naglalakad, tatambay ata sa rooftop pero nang makalapit naman ako, nawala na lamang siyang parang bula.

Wala na ba siyang nararamdaman para sa akin? Huli na ba ang lahat para sa aming dalawa? Huli na ba ako? May iba na ba siyang gusto?

Parang mababaliw na yata ako nang tuluyan sa mga lumilipas na araw. Ganoon parin ang nangyayari, iniiwasan niya na talaga ako pero hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit?!!!!

~

Ash’s POV

I’m so bothered by the way Josette and Sky is going through. Nag-away ba sila? Hindi tuloy kami magkasama-samang tatlo. Kapag kasama ko si Sky, wala si Josette, kapag si Josette naman ang kasama ko wala naman si Sky. Hindi man dapat ako nanghihimasok sa mala-LQ nilang sitwasyon eh nag-aalala naman ako sa kanilang dalawa. Mas masaya parin iyong nag-aasaran lang sila at nagtatawanan hindi iyong nagkakasakitan na.

Kaya naman, ngayong weekend, niyaya ko silang magmovie marathon without telling them na kaming tatlo ang magkakasama ngayon dito sa bahay. Yayayain ko rin sana si Grey pero mukhang mas gugulo ang sitwasyon kapag nadamay pa siya hahaha.

[Ash, be sure to talk with them, nicely. Malay mo may pinagdadaanan lang iyang dalawang iyan at ayaw nilang sabihin sa iyo..]

Kausap ko si Grey ngayon sa phone, tuwing weekends kasi ay tumatawag ito kapag hindi kami lumalabas.

“Yup, I know. I just want to know the truth kung bakit ilang silang dalawa sa isa’t-isa malay mo mapagbati ko sila.” Paliwanag ko kay Grey.

[Eversince talaga! Pagdating sa mga kaibigan mo, hindi ka nagpapahuli…] react naman niya.

“Oo naman, tinutulungan naman nila ako. This time, ako naman!” bulalas ko.

[Right, that’s my girl!]

DIIIIIIIINNNG DOOOOOONG! *doorbell rings*

“Got to go, Grey! Nandiyan na ata ang mga bisita ko…” pagpapaalam ko kay Grey.

[Make Sure, hindi ka madadamay sa WW nila ha?] nag-aalalang sabi nito.

“Opo, don’t worry about me, bye!”

[Bye!] then, inend ko na ang call at bumaba na sa sala para ipagbukas ng pinto ang una kong bisita.

“Best!!!!!!!” pambungad sa akin ni Josette at dinamba niya ako nang yakap, muntik na akong ma-out of balance pero mukha namang masaya ito. Hindi kaya magalit ito sa akin kapag nalaman niyang friname ko sila ni Sky dito sa movie marathon na ito?

“Best!” bati ko dito. “So, what are we going to watch?” tanong nito sa akin at mukhang napakataas nang energy nito ngayon kumpara noong mga nagdaang araw. Hinablot ko siya at dali-daling inakyat sa kwarto.

Nakaready na ang LCD screen, laptop at usb. “May Insidious 2 ako, The Conjuring, WWZ..” inisa-isa ko sa kanya ang mga movies ko.

“Wait, wait best! Horror lahat nang iyan eh!” reklamo niya. Ayaw na ayaw nga pala ni Josette nang Horror movies dahil raw masama ito sa pag-iisip nang tao at nakakapanghina nang faith kay God which is honestly, sinasang-ayunan ko naman.

“Oh, hindi lang naman kasi iyan! Malay ko ba if you want to watch them haha.” Pang-aasar ko dito tapos sinimangutan naman ako.

“Bully mo ha? Oh siya, ako na ang pipili baka naman porn pa ang ipanuod mo sa akin!” bulalas ni best, napatawa naman ako sa sinabi niya.

DIIIIIINGGGG DOOOOOONG! *another doorbell*

“Best, wait! May nagdoorbell…” pagpapaalam ko sa kanya tapos lumabas na ako nang kwarto na kinakabahan. Whew. 

Here goes nothing!

Binuksan na ni mommy ang pinto nang makababa ako at nasa sala na namin si Sky. May dala-dala itong popcorn at softdrinks. “Anak, si Sky…” tawag ni mommy sa akin, sinenyasan ko naman ito nang huwag maingay.

“Ash! Nasaan ang iba?” nagtatakang tanong nito sa akin. Lumapit ako sa kanya at bumulong, “Ikaw lang at si Josette ang inimbitahan ko…” bulong ko dito.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa narinig. “What?!! Alam ba ito ni Josette?” tanong ni Sky sa akin. “Nope, ang alam niya dalawa lang kaming manunuod..” paliwanag ko dito.

“Bakit ginawa mo ito?” tanong naman ni Sky sa akin na puno nang pagtataka. “Kasi naman, para mapagbati ko na kayong dalawa..” paliwanag ko dito.

“Hindi naman kami magkaaway, Ash?” sagot nito sa akin na ikinataka ko naman. “I better go now, Ash! Josette will not gonna like this!” sabi sa akin ni Sky, tumango ito.

“Bakit naman, Sky? Ano bang problema?!” tanong ko dito nang hilain ko siya pabalik nang tumalikod na ito.

“Doesn’t matter, Ash. Heto ang popcorn at softdrinks…” sabay iniabot niya sa akin ang dala-dala niya.

“You shouldn’t worry…” pag-aassume nito sa akin matapos ko siyang sabayan palabas nang bahay. “Mas mabuti na munang ganito..” paliwanag niya. Hindi ko man naintindihan pero minabuti ko na lamang na irespeto ang desisyon ni Sky. Umalis ito nang tahimik sa bahay na walang kaalam-alam si Josette.

Malungkot akong bumalik sa kwarto habang bitbit-bitbit ang iniwan ni Sky. Mukhang nabigo ako sa binabalak ko at mas lalo pang naguluhan sa kanilang dalawa. Hindi kaya?

“Ash, ang tagal mo ha?” reklamo ni Josette sa akin pagkapasok ko sa loob, nanunuod na ito nang movie na ang genre ay comedy.

“Popcorn and softdrinks!” sagot ko naman dito at iniabot sa kanya ang plastic na pinaglalagyan nito.

“You shouldn’t bother!”nakangiting tanggap ni Josette sa daladala ko.

Right, kahit na dahil sa pagkain ang mga sinabi ni Josette, mukhang tinamaan ako sa sinabi niya. Maybe I shouldn’t bother sa problema nilang dalawa ni Sky. After all, sabi naman ni Sky sa akin ay mas makakabuti ito.

Naupo na ako sa papag sa tabi ni Josette, tawang-tawa na ito na parang baliw sa pinapanuod na comedy habang nilalamutak na ang popcorn na galing kay Sky. Tiningnan ko lang ito, mukhang masaya siya kaya kahit papaano ay hindi ko na muna ito kakausapin tungkol sa kanila ni Sky.

The next day, maaga akong pumasok. Wash day namin ngayon kaya naman free kaming magsuot nang civilian sa loob nang school. Bukod pa doon ay school day naman nila Grey, ibig sabihin, academic muna sila at walang duty sa hospital.

Suot ko ang paborito kong skinny jeans at v-neck na tee pagkatapos ay nakaflat shoes. Hindi naman ako maporma tulad nang ibang girls, tama na sa akin ang makasuot nang damit. Kararating ko lang sa harap nang building namin na masumpungan ko na si Grey na nag-aabang sa harap nito.

“Yoh!” bati nito sa akin sabay kaway. “Oh Grey! Ang aga mo yata?” bati ko naman dito pabalik. Nilapitan niya ako at buhat sa kanyang likuran ay binigla niya ako nang isang rose! Oo, isang rose lang, hindi bouquet ha?

“Oh! Saang bakuran mo naman pinitas iyan ha? Mr. Crosswing?!” pang-aasar ko dito. Namula naman siya sa sinabi ko. “Sa bakuran nang nanay mo nu?” natatawa kong bulalas sa kanya.

“Hindi nu?! Ito naman, porket nakasanayan mo nang bouquet ang binibigay ko sa iyo, feeling mo pinitas ko lang itong isang rose na ito?” balik naman niyang sagot sa akin. Tinanggap ko iyong rose at nilanghap ang amoy nito. Sa kasamaang palad, may pumasok na insekto sa butas nang ilong ko. Chaaaar… hahaha, joke lang.

“Loko, hindi naman ganun ang ibig kong sabihin, hahahaha.” Paliwanag ko dito. Ngumiti lang si Grey sa akin at natatawa ito habang pinanunuod akong inaamoy ang bulaklak.

“Oh, anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya nang nakakalokong tingin. “Kasi naman, kung amuyin mo iyong rose parang walang bukas! Eh mas mabango ka pa diyan eh!” bulalas nito. Napamulahan ako nang mukha sa narinig at pinaghahampas siya.

“Aray! Aray naman, mana ka narin ba kay Josette at amasona ka narin?” pabiro nitong tanong sa akin. Pinanggigilan ko siya saglit pero nawala narin ito dahil naalala ko na naman si best.

Napansin ni Grey ang biglaang pagbaba nang energy ko kaya naman tinanong niya ako, “Anong nangyari sa movie marathon ninyo kagabi?” tanong nito sa akin, seryoso at sa tono nang boses nito ay nag-aalala siya.

“Perfect na sana kaso umuwi si Sky, hindi siya nagpakita kay Josette dahil magagalit daw ito.” Kwento ko kay Grey.

“Ha? so, magkaaway nga talaga sila?” tanong niya ulit sa akin. “Hindi eh..” sagot ko naman.

“Well, kung anong mayroon sa dalawang iyon, huwag ka na nilang idamay pa dahil ayaw kong masaktan ka nila.” Paliwanag nito sa akin. Pinat niya ang ulo ko at sabay na napangiti.

“Oh siya, pumasok ka na! Kita na lang tayo mamayang uwian kahit 6p.m. pa! hihintayin kita!” bulalas nito at patakbong umalis. Ngumiti lang ako sa effort na pinapakita nang lalaking mahal ko.

Sky’s POV

Si Ash talaga kahit kailan basta kaibigan ang usapan. Iniisip ko parin iyong naunsiyaming panunuod namin nang movie. Gahd, sa part ko lang pala naunsiyami dahil natuloy naman sila! Hay, ang aga-aga ang lalim na agad nang pagbubuntong hininga ko.

Naglalakad pa lamang ako papunta sa building namin nang mamataan ko ang paparating na si Josette, and gahd! Ang hot niya sa suot niya ngayon! Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ito.

Nakadress ito na pastel ang kulay na bumagay sa maganda niyang kutis at hanggang hita lang ang haba nito kaya naman litaw na litaw ang kanyang mga binti! Wetwew, sa ganda nang legs! Nangingibabaw!  Hahaha, Sky, maniac! Noooossssebleeeeeed!

Dumaan lang siya sa harapan ko, mala-commercial nang Palmolive, sunsilk at olay ang dating niya! Napanganga ako sa ganda niya! Pero nawala ang pagdidaydream ko dahil hindi na naman ako nito pinansin!

“Jo—“ tatawagin ko na sana ito nang may isang lalaki ang lumapit sa kanya. Napamulahan ako nang mukha sa inis eh hindi niya naman kilala iyon at kung makadikit naman sa kanya kala mo lang linta!

Eh mukha namang suso! Snail ba? Snail?!!! Mga isip nito!

“Hi, the name’s Kim...” narinig kong sabi nang lalaking lumapit sa kanya. Tinulungan niya itong magbuhat nang mga librong yakap-yakap ni Josette at nagpatulong naman ang babaeng iyon! GRRRRR….

Linta! Suso! Paminta!

Inis na inis akong sinusundan silang dalawa habang masamang-masama ang tingin sa lalaking Kim Sam Soon ata ang pangalan! Baka Kim Sam Suso! Hahahahahaha…. >.<

“Baka may free time ka mamaya, treat kita nang lunch!” sabi ulit noong suso. ARRRRGH, parang tumaas ata ang alta presyon ko at nararamdaman kong hindi lang tubig ang kumukulo pati narin ang dugo ko!!!!

Kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito!!!!!!!

“Ah, no thanks…” sagot naman ni Josette na ikinaluwag naman nang loob ko. Ha! Asa kang Suso ka!

“Alam mo bang ang ganda mo ngayon…” banat na naman noong suso, mukhang naiinis narin sa kanya si Josette dahil umiiba na ang aura nito.

“Marami nang lalaking manloloko ang nagsabi niyan sa mga babae…” Kahit kailan talaga man-hater itong si Josette.

“Hindi naman kita niloloko…” patweetums noong Kim tapos akma niyang aakbayan si Josette nang hindi nito namamalayan.

Maswerte siya dahil nasa likod niya lang ako kaya naman madali ko lang siyang tinuhod sa tuhod! Hahaha.

BOOOOOGGGG! Parang lampayatot na bumagsak sa lupa si Kim Sam Suso at nabitawan niya ang hawak-hawak niyang mga libro.

“Hala!” sigaw naman ni Josette dahil nabigla siya sa nangyari at napatingin naman sa akin. “Sorry! Hindi ko sinasadya?!” paliwanag ko pero nakangiti akong humarap kay Josette. Inis namang tumayo iyong Kim at umalis.

“Magbabayad ka sa ginawa mo!” sigaw nito at halos mangiyak-ngiyak dahil sa nangyari.

Sabay naman naming pinulot ni Josette ang nagkalat nitong mga libro sa lupa. Hindi niya ako tinitignan pero ako tinitingnan ko siya…

“Josette, yung panty mo… nakikita..” namumula kong sabi habang nakatungko kami at nagpupulot nang libro. 

“KYYYYYYYYYAAAAAAA!!!!! Bastos!!!!!!” sigaw niya at pinaghahampas ako nang mga napulot niyang libro sa ulo. “Aray! Aray! Buti nga sinabi ko sa iyo eh! Paano if may iba pang nakakita ha?!!!!!!” react ko naman dito, pakiramdam ko ay may tumulo nang dugo hindi lamang sa ilong ko patin narin sa ulo ko. Bakit ba nakakakita ako nang mga panty, may third eye na ba ako?

Itinigil niya ang paghampas sa akin at pulang-pulang tumayo habang nakahawak sa palda nito. “Bastos ka parin!” bulalas nito. “Dapat nga magpasalamat ka pa dahil sinabi ko sa iyo!” sagot ko naman dito. Mukhang napahiya ito kaya naman kahit mukhang labag sa loob niya ay nagpasalamat naman ito sa akin.

“Oh Hayan, Salaaaamaaat…” pacute niyang sabi tapos may pabow-bow pa siyang nalalaman na parang prinsesa dahil nakahawak pa siya sa gilid nang palda niya. Parang napanuod ko na ito?

Hindi ko naman matago ang kilig kaya naman napalihis ako nang tingin.

“Sa susunod kasi, magsuot ka nang shorts!” reklamo ko dito. Tapos tinulungan ko nang bitbitin nang kumpleto ang kanyang mga libro at sabay na kaming pumasok sa building namin. Weird. Parang kagabi lang nahihiya akong makita siya, ngayon naman parang ayaw ko nang mawala siya sa aking paningin!

~

Josette’s POV

So much for today! Ang daming nangyari ha? Especially kaninang umaga! Sky is so persistent pero hindi ko alam if totoo nga ba iyong nararamdaman niya sa akin o baka nadadala lang siya dahil sa mga nangyari. Ayokong maging rebound kaya naman ayokong mag-assume na dream came true na lahat nang ito.

“Oo, Josette, mukhang nababaliw na yata ako sa iyo…”

“Oo, Josette, mukhang nababaliw na yata ako sa iyo…”

“Oo, Josette, mukhang nababaliw na yata ako sa iyo…”

Nagpaulit-ulit na parang sirang plaka iyong sinabi ni Sky sa akin noong nakaraan lang. Iyon na nga lang ang mga salitang naaalala ko sa conversation namin na iyon pero bakit?!!!! Bakit?!!! Ang hirap paniwalaan?!!!!

Hay, napabuntong hininga na lamang ako. Nag-iisa na lang ako sa classroom nang student council dahil pagkatapos nang klase namin nung 6p.m. ay dumeretso na ako sa meeting.

“Sh*t! nakalimutan ko yata ang libro ko ng advance math sa room! May quiz pa naman kami bukas!” naalarma ako sa sarili nang makitang hindi kasama sa mga libro ko na ilalagay sa locker ang libro ko sa Admath na dapat ay iuuwi ko dahil pagrereviewhan ko.

 Napaakyat muli ako sa taas nang building at nagmamadaling pumunta sa classroom  na pinakahuli naming klase, hoping na bukas parin ang room na ito. Kinakabahan ako at hinihingal dahil medyo madilim narin sa corridor nang second floor dahil patay na ang ibang ilaw rito.

 “Gahd. Sana bukas pa, sana may tao pa…” bulong ko sa sarili habang papalapit sa kinaroroonan nang classroom namin. Mukhang dininig naman ako nang langit-islash-Sky haha dahil nakita kong nakabukas ang ilaw nang room at mukhang may mga tao pa rito.

 Nasa harap na ako nang pintuan at hawak na ang dorr knob nang…

“Ano bang problema mo Sky?!!!! Sabihin mo nga sa akin?!” sigaw nang isang pamilyar na boses mula sa loob nang classroom.

“Bakit hindi mo ba maintindihan ha?! Nagseselos ako! Nagseselos!” Napatakip ako nang bibig nang marinig ang sagot ni Sky mula sa babaeng kausap niya.

“Pero wala ka sa lugar para magselos…” ang mahinang tugon ni Ash.

Sa narinig ko, tila nagmute ang lahat! Para akong nabingi sa masakit na katotohanang aking natuklasan! Pinaasa lang ako ni Sky, pineke niya ang mga katagang binitiwan niya noong araw na iyon! Sinamantala niya ang tiwala at nararamdaman ko sa kanya!

Bakit ba ako umaasang mamahalin niya? Eh si ASH PADIN NAMAN ANG MAHAL NIYA?!!!!!

Ang tanga-tanga ko…

 Baka! (Idiot!), baboy at manok naman oh?!!!! Umaagos na naman ang mga luha ko sa aking mga pisngi!

 BOOOGGG… Nanghina ako kaya naman napaupo ako sa gilid nang pinto. Gumawa ito nang ingay na nagpaalarma sa akin at sa mga taong naroroon sa loob nang classroom.

 TTCCCCHHHK. *Mabilisang pagbukas nang pinto haha*

Sky’s POV

 “Hay sawakas uwian narin!” bulalas ko. Isaisa nang naglalabasan sa loob nang classroom namin ang aking mga kaklase. Pinagmamasdan ko naman sa may likuran sina Ash at Josette na nagmamadaling magligpit nang gamit.

 “Bye Best! Kita na lang tayo mamaya if maabutan pa kita!” bulalas ni Josette at nagmamadali itong lumabas nang classroom, hindi man lang tumingin sa akin nang madaanan niya ako sa harap. Habang naiwan naman si Ash na nagliligpit parin nang mga gamit niya.

“Sure best!” nakangiti namang sagot ni Ash kay Josette pabalik.

Binuhat ko narin ang aking mga bag at akma nang lalabas nang classroom nang biglang tawagin ako ni Ash.

“Wait Sky! I need to talk to you!” sigaw nito. Napahawak ako nang mahigpit sa strap nang bag ko, kapag si Ash ang nakikiusap hindi ko matanggihan. Well, kahit papaano ay naging isa naman siya sa mga mahahalagang tao sa akin through the years kaya siguro normal lang na ganoon ang magiging reaction ko dito.

“Oh Ash, bakit?” tanong ko dito. “Nauna na si Josette umuwi sa iyo?” dagdag kong tanong dito.

“Ah, hindi… may meeting kasi sila sa student council eh.” Sagot naman ni Ash nang makalapit ito sa akin sa harap nang classroom.

“Ganoon ba, six na ah? May meeting parin sila?” tanong ko kay Ash, mukhang hindi ito ang gustong topic na pag-usapan namin ni Ash dahil nakatingin na sa akin ang babaeng ito nang seryoso.

“Okay, okay. Chillax babe! Ano ba iyong pag-uusapan natin Ash?” cheerful kong pang-aasar dito baka atakihin na ako nang titan na babaeng ito dahil mukhang kakainin niya na ako nang buhay!

Napayuko ito at mukhang humuhugot nang lakas para sa kanyang sasabihin. Ano naman kaya iyon? Inilibot ko ang paningin ko sa loob nang classroom at napansin kong dadalawa nalang kaming natira ni Ash ngayon dito dahil nagsipag-uwian na sila.

“It’s about… you and Josette, I mean best.” Panimula niya tapos tumingin ito sa akin na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

Napasalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. Pero hindi ko naman matago ang nararamdamang kaba habang nakikita kong naghihintay si Ash nang aking sasabihin.

Napalunok na lang ako nang laway dahil honestly, hindi ko talaga alam ang aking sasabihin.

“What about me and her?” balik kong tanong dito.

“That, that awkward feeling for both of you! Halos hindi na nga kayo nagbabatian kahit magkasalubong kayo eh?! May nangyari ba sa inyo nang hindi ko alam?” para namang nanay kong umasta itong si Ash, mukhang hindi ko na ito mapipigilan dahil mukhang nag-aalala talaga siya para sa aming dalawa ni Josette.

“I told you, this doesn’t matter. Mas pinili naming ganito eh?! Siya nga diyan iyong dapat mong tanungin dahil siya nang pasimula nang cold treatment eh! Sinabi ko lang naman ang totoo na nababaliw na ako sa kanya---, Uhmp!” napatakip ako bigla nang aking bibig sa gulat dahil mukhang I spilled out something na hindi na dapat nalaman ni Ash.

Nakita ko namang shocked siya sa nangyari. Mukhang hindi niya ineexpect iyong sinabi ko.

“Yeah, hindi ka man maniwala, Ash. But I think I fell inlove with Josette, the moment I realized it noong nahulog kami sa bangin. I was like feeling that I couldn’t live without her kapag nawala siya. Kaya naman ako na lang iyong sumalo nang lahat nang bali huwag lang siyang masaktan at mapuruhan…” paliwanag ko dito.

Hindi parin makapaniwala si Ash sa mga narinig kaya naman naiintindihan ko ang pananahimik niya.

“But then…” napakagat ako ako sa labi dahil nararamdaman ko iyong sakit habang pilit na isinisiwalat kay Ash ang katotohanan.

“But then what?”

“But then,  hindi niya tinanggap ang confession ko dahil hanggang ngayon ay umiiwas parin siya sa akin.” Paliwanag ko dito. Pati ako naguguluhan na talaga sa inaasal ni Josette.

“Nakita ko siya, kinakausap naman ang iba nating mga classmate na lalaki. Pati si Jake! Kung entertainin niya! Okay naman kami noong gumagawa kami nang report lumala lang dahil out of nowhere iyong pagtatapat ko..” kwento ko kay Ash, nakikinig lang ito sa akin habang hinihintay na ibuo ang aking kwento.

“Isa pa iyong Kim Sam Soon na iyon kaninang umaga! Kung makalapit sa kanya kala mo Suso lang eh! Actually, hindi ko naman talaga alam ang buong pangalan nun eh! Kim Sam Soon lang tawag ko.” Paliwanag ko pa ulit.

Pakiramdam ko pagmamay-ari ko na si Josette dahil sa mga binitiwan kong salita pero sa totoo nagkakamali lang pala ako. Masiyado lang akong assuming at sariling nararamdaman ko lang ang aking iniisip.

“Ano bang problema mo Sky?!!!! Sabihin mo nga sa akin?!” sigaw ni Ash sa akin, out of nowhere naninigaw?

“Bakit hindi mo ba maintindihan ha?! Nagseselos ako! Nagseselos!”  seryoso ko namang sagot dito. Napataas lang ito nang kilay sa sagot ko.

“Pero wala ka sa lugar para magselos…” ang mahinang tugon ni Ash na nagmulat sa aking mga mata at puso na hindi ko nga talaga pag-aari si Josette at kapag wala pa akong ginawa para maging akin siya….

Makukuha na siya nang iba…

BOOOOG..

Sabay kaming napalingon ni Ash sa pinanggalingan nang tunog, sa may pinto! May taong nakikinig sa amin?

Nagmadali akong lapitan ang pinto para alamin kung sino o ano ang dahilan nang ingay na iyon.

TTTTCCCCCCHHHHK.

At laking gulat ko nang makita kong sino ito, si Josette….

Umiiyak ito at nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Tumayo siya tapos ay nagtatakbo pababa nang hagdan. Bakit? Sh*t!

“Sky! Habulin mo si best?!” sigaw naman ni Ash sa akin na nagpatrigger naman nang adrenaline rush ko kaya naman hinabol ko ang papalayong mahal ko…

Josette…

Huwag kang lumayo…

Ash’s POV

Napahampas na lamang ako sa noo dahil sa mga narinig at nasaksihan ngayon. Akalain mong nakapagmove on na nang tuluyan sa akin si Sky dahil si best na ang gusto nito? Tapos itong si best kaya pala napakaweird nang mga kinikilos dahil naconfessan!!!! Auuuugggh, I know hindi niya alam ang gagawin kaya naman hindi niya alam kung paano niya paniniwalaan ang mga sinabi ni Sky.

If only she told me na ganoon nga ang nangyari eh di sana natulungan ko siya…

Well, anyway, this is Sky’s part now. Siya naman ang gumawa nang hakbang para maibalik niya si Josette. Siya narin ang bahalang magpaliwanag kay best dahil tingin ko ay namisunderstood nito ang mga narinig kaya naman umiiyak at nasasaktan ang best ko ngayon.

If it’ll turn out great then magiging masaya ako para sa kanila.

BZZZZZZT.  BZZZZZZT.  BZZZZZZZT. BZZZZZZZT. *Cellphone Vibrates*

Naputol ang pagmomoment ko dahil paulit ulit na nagvavibrate ang cellphone ko sa bulsa daig ko pa ang may vibrator ha? sino kaya naman ang tumatawag?

Grey Calling….

Answer    End

“OMG! Si Grey?! Nakalimutan kong may usapan kami!” bulalas ko at nagpapanic na sinagot ang call.

“Grey!” sigaw ko.

[Damn, Ash. Kanina pa kita hinahanap? Nag-uwian na mga classmates mo eh! Nag-aalala ako, nasaan ka?] bulalas ni Grey, kung datirati’y nag-aalburuto na ito kapag nahuhuli ako nang uwi at naghihintay naman siya ngayon hindi na. Sweet na itong magalit at nararamdaman kong nag-aalala talaga siya dahil sa boses pa lang niya alam ko na.

“I’m still here sa classroom namin..” paliwanag ko dito.

[Great! Come up here..] sagot nito.

“Up here? Where?” balik ko namang tanong dahil nagtataka ako sa sinabi niya.

[To heaven! Joke. Nandito ako sa rooftop nang building ninyo?] sagot nito sa akin at nakaramdam naman ako nang takot.

“Grey! Huwag! Maraming nagmamahal sa iyo! Huwag mong gawin sa amin iyan! Huwag mo kaming iwan!” paghihysterical ko sa phone at halos manghina na napaupo sa sahig.

[Gage! Porket nasa rooftop lang magpapakamatay na agad? Pwede bang nagpapahangin lang nang kilikili?] kahit kailan talaga ito sa sense of humor oh?

“Kilikili?”

[Ano ba naman iyan? Paghihintayin mo pa ako dito?! Dali…] reklamo niya, aba’t bakit hindi na lang siya bumaba dito.

[Ano? Aakyat ka ba o uuwi ka na?] tanong niya.

“Uuwi na ako nu?! Hahahahaha, joke! Siya aakyat na..”

Ano na naman ang binabalak nang lalaking ito at pinapaakyat niya ako sa rooftop. Hoemgiiiii, baka pagsamantalahan niya ako dahil dadalawa lang kami sa rooftop nang ganitong oras!!!!!!

Assuming…

Hanggang ngayon ba namang second semester wala parin ba silang balak na maglagay man lang nang escalator or elevator dito sa mga building nang school? Agay ha… ang sakit na nang mga binti ko sa kakaakyat! Nasa fourth floor narin naman ako at papunta na sa pintuan nang rooftop.

Pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto, sumalubong sa akin ang malamig na simoy nang hangin kasabay nang isang napakagandang gabi.

Napatakip naman ako nang bibig sa nakita…

“Ash?”  salubong ni Grey sa akin. He really never fail to amaze me. Unlike noong nasa resort kami, isang dinner sa tabi nang dagat, ngayon naman ay dinner sa tabi nang langit hahaha…

Tanaw na tanaw mo ba naman ang buong kalangitan dito sa rooftop, ang maliwanag na buwan at maraming bituin sa langit.

“Oh my God Grey! Nagkaoras ka pa para gawin ang mga bagay na ito?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa nagkalat na mga petals nang roses sa sahig, nagfiflicker na apoy sa kandila na maihipan lang nang konti nang hangin ay sumasayaw na at sa background music na malaorchestra ang tunog.

“Ash, somewhere in our life, we sometimes fail…” panimula nito habang hawak niya ang aking mga kamay.

“We sometimes get hurt. We sometimes get lost. But those ‘sometimes’ are the reasons why we stand up again. Why we learn to mend our wounds, why we learn to ask directions, why after a storm there’s a rainbow…” nakangiti niyang sabi sa akin. Natatawa ako sa kabaduyan niya pero kinikilig parin. Bakit kaya ganun?

“Everything happens for a reason kaya naman narealized ko kung bakit pinaghiwalay tayo. Ito ay upang malaman ko ang tunay mong halaga…” dugtong niya sa makapagdamdamin niyang speech.

“Sa buhay ko…

… at sa puso ko..”

Hindi ko na siya pinagsalita ulit dahil niyakap ko na siya nang mahigpit. Niyakap niya rin naman ako pabalik.

“Will you be my girlfriend for the second time around? I promise that you’re the only one, Jollibee…” bulalas nito sa aking harapan matapos naming magbitaw sa pagkakayakap.

Saglit na natawa ako sa kanyang sinabi tapos tumingin ako sa kanyang mga mata habang magkahawak parin kami ng mga kamay.

Pi-noke ko ang ilong niya at nagsabing, “I’ll be, you’re one and only…” tapos binuhat niya na ako at pinaikot-ikot na parang sira. Masayang masaya si Grey at pati ang puso naming dalawa ay nagtatalon sa tuwa habang pumapalakpak ang mga tainga hahaha.

“Yes! Yes! Ash! Hindi ka magsisisi! I love you, I love you!!!!!” bulalas nito.

“I love you, too…” sagot ko naman sa ilalim nang maliwanag na buwan at tanging kumikislap na bituin at maliwanag na langit an gaming saksi sa panibagong yugto nang pagmamahalan namin. A chance, given to those who are worth it.

At sa tingin ko naman ay worth it ang pinagbigyan ko, hindi lang nang chance pati narin nang puso ko.

“Wait Ash… may surpresa pa ako..” saglit na umalis sa tabi ko si Grey at nagtungo sa hindi kalayuan. May kung ano siyang ginalaw na hindi ko maaninag na dahil nagulat ako sa biglaang pagputok nito.

BOOOOOOM! Swwwwiiiiissssh! Boooooom! Swwwwisshiiiiwissssh! BOOOOM! BOOM! Booom! *Fireworks*

Nagmistulang new year sa school dahil sa makukulay na fire works na sinindihan ni Grey, sobrang saya ko nang makita ang mga ito kaya naman nagtatalon din ako sa tuwa tapos tumakbo papalapit kay Grey at niyakapa siya nang pagkahigpit-higpit!

“Do you like it?” tanong niya.

“Salamat, Grey!!!!” bulalas ko naman.

Siyempre hindi magtatapos ang pagsusumpaan nang panibagong pagmamahalan kung hindi ito isesealed nang isang kiss….

Nakayakap ako sa kanyang leeg habang nakahawak siya sa aking baywang. It was a passionate kiss, only true love can keep it real…

Sky’s POV

Pakiramdam ko sumali ako sa marathon at hinihingal habang nagmamadaling bumaba sa hagdan, mukhang hindi ko siya naabutan. Hindi ko na ito nakita sa harapan nang building namin at maging sa mga estante nang lalagyan nang mga sapatos o kaya naman sa lockers.

“Arrrgggh! Saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon?” bulalas ko dito. Ginulo ko ang aking buhok nang hindi oras dahil sa inis…

“Josette…” bulong ko dahil nag-aalala na ako sa kanya at unti-unti naring tumutulo ang aking mga luha.

“Damn you, Sky! Napakatanga mo talaga!” inis kong sabi sa sarili. Bilog ang buwan kaya naman napakaliwanag nito, idagdag mo pa ang pagiging maaliwalas ng langit kaya naman hindi ko maitatanggi na maganda ang gabi na ito.

Iisa lang ang lugar na pumasok sa isipan ko, kung saan maaaring naroroon si Josette!!!

Sa likod nang building! Sa harap nang baseball field!

~

Hinihingal ako nang makarating sa likod nang building namin at tama nga ang hinala ko dahil nakita ko siyang nakatayo rito at umiiyak!

Napatakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod. Nagulat ito kaya naman nagpumiglas ito sa yakap ko pero hindi ko siya binitiwan.

Umiyak lang ito nang umiyak na parang bata sa aking mga bisig, nakatalikod man siya sa akin at hindi ko makita ang kanyang mukha ay nararamdaman kong nasasaktan ito.

“Josette…” mahina kong bulong dito, umiiyak parin siya, at lumuluha naman ako…

Gahd, bakit ba sinasaktan namin ang mga sarili namin?!!!!

“Sinungaling ka Sky! Sinungaling ka!” sigaw nito habang pumapalag sa aking mga bisig!

“Nagkakamali ka Josette, hindi mo naiintindihan?” sagot ko dito.

“Hindi ko nga naintindihan eh, kaya nga nasasaktan ako ngayon dahil pinaniwala mo ako sa bagay na hindi naman totoo!” sigaw nito sa akin.. hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya para hindi na siya magpumiglas.

“All of what you heard kanina are all wrong! Lahat namisunderstood mo!” reklamo ko dito, tumigil siya pero umiiyak parin siya.

“Anong namisunderstood ko doon, eh rinig na rinig kong si Ash parin ang mahal mo..” bulalas niya at halatang may pinanghuhugutan ito sa kanyang mga sinasabi.

“Stupid Sette!” sagot ko naman dito tapos natigilan siya.

“Just…” putol ko…

Yakap ko parin siya mula sa likod habang nanghihinang umiiyak ito.

“Just be with me today…” ang nasambit ko.

“And I’ll be with you forever…”

BOOOOOOM! Swwwwiiiiissssh! Boooooom! Swwwwisshiiiiwissssh! BOOOOM! BOOM! Booom! *Fireworks*

Matapos ko iyong sambitin ay sunod-sunod na pagputok nang mga fireworks ang aming narinig at nasaksihan. Mukhang galing ito sa roof top…

Pareho kaming nabigla sa makukulay na paputok sa langit kaya naman naagaw nito ang atensyon naming dalawa.

Humarap naman sa akin si Josette, at mahigpit niya akong niyakap pabalik habang patuloy parin itong umiiyak sa aking dibdib.

To love is nothing, to be loved is something.

But to love and to be loved by the one you love…

That’s EVERYTHING.

Thank you po sa walang sawang pagsuporta sa TMG, hindi pa po ito ang katapusan pero nalalapit na ito.

Please do vote, follow and comment!!!!!! :D

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...