TROPA (BoyXBoy)

By cutiepogi004

218K 4.3K 366

Paulit-ulit sinaktan, inalipusta at minaliit. Ganyan ang buhay ng isang tagilid, tila hanggang tingala na lam... More

TROPA
Kabanata I
Author's Note
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI (Part 1)
Kabanata XVI (Part 2)
Kabanata XVII
Kabanata XVIII

Kabanata XII

7.7K 170 12
By cutiepogi004

Kabanata XII

Jejo's POV

Dama ko ang lamig na bumabalot sa lugar kung nasaan ako. Ramdam ko rin ang kaunting pananakit ng dibdib ko at ulo.

Ano nga ba ang nangyari kanina?

Ahh, nalunod ako. Bakit kasi sa dinami-rami ng ng magiging phobia ko ehh sa paglangoy pa? Naturingan akong sirena pero nalulunod.

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang aking kwarto. Nakahiga ako, tutok ang electricfan at nang mapalingon ako sa gilid ng kama ay nakita ko ang mahimbing na natutulog din na si Robin. Halatang pagod na pagod ito at nangitim din ang kulay. May mga sugat at gasgas sa braso, marahil dahil ito sa pag-akyat namin sa bundok.

Muling nagbalik sa akin ang mga nangyari bago at pagkatapos kong malunod. Kung paano pagalitan ni Robin ang sarili dahil sa pagmamahal sa isang taong alam ko na kung sino, ako. Kung papaano niya ako sinagip at ang pagtatapat niya ng pag-ibig sa akin. Sa ngayon, nahihirapan akong isipin kung tatanggapin ko ba yun o hindi. Ayokong umasa at ayoko ring magpaasa. Sapat na ang mga naramdaman ko noon dati, sa piling ni Donis na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako at lokohin sa huli.

Kahit masama ang pakiramdam ay napilitan akong bumangon. Alas-onse na pala ng gabi ng mapatingin ako sa wallclock na nakasabit malapit sa may bintana. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Dahil na rin siguro sa wala pa akong kinakain magmula kaninang tanghali.

Hindi ko na ginising pa si Robin, halata naman kasing nasa kasarapan siya ng pagtulog. Malamang ay kumain na rin ito kanina habang hinihintay akong magising.

Bago lumabas ng kwarto ay nilapitan ko muna ang bintanang nakalimutan yatang isarado ng pinsan ko. Pumapasok lang kasi ang hamog. Ngunit, nang mapasulyap ako sa labas ay may naaninag akong parang isang lalaki na nakatayo't pasilip silip sa aming bahay. Medyo pamilyar ang pigura ng kaniyang katawan at ayos ng buhok. Hindi ko lamang matandaan kung sino kaya't minabuti ko na lamang bumaba at puntahan kung sino man iyon.

Tulog na ang lahat, patay ang ilaw sa sala at tanging huni na lamang ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Diniretso ko na ang pinto at marahan itong binuksan. Dahan dahan na akong lumakad papunta sa may gate at ng silipin ko kung sino ang nasa labas ay kaagad ko itong nakilala. Si Michael na nakaupo sa gilid ng kalsada habang nakayuko't nakahawak sa kaniyang sintido.

"Michael?" tawag ko rito habang binubuksan ang gate na kaagad namang nagpalingon sa kanya. Lumapit ito sa akin ngunit tila hindi alam kung ano ang gagawin.

Dahil sa liwanag ng buwan ay napansin ko ang dalawang band aid sa mukha niya at ang mga pasa at ang namamagang labi niya. Marahil ay talagang napakatindi ng pagkakabugbog sa kaniya ni Arlis. May kung anong awa tuloy akong naramdaman para sa kaniya.

"A-anong ginagawa mo dito? Gabi na ahh. Tara, pasok ka muna sa bahay." sabi ko habang niyayapos ang sarili. Malamig kasi dito sa labas.

"Ayy, wagna, gusto ko lang naman humingi ng sorry." sagot niya na para bang nahihiya pa.

"Ahh, ehh, okay na iyon. Kalimutan na lang natin."

Nakita ko siya na umupo ulid sa gilid ng kalsada.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko ulit.

"Ahh, kaninang alas-syete pa ako dito. Inaantay ka. Gusto ko sanang pumasok kanina pero pinapaalis ako ni Robin. Sorry talaga hah?"

"Wala na nga sabi yun. Kalimutan na lang natin." sagot ko sabay bigay ng matamis na ngiti.

"Matutulog ka na ba?" tanong niya ulit.

"Hah? Kagigising ko nga lang, matutulog ulit?" natatawa kong sagot.

"Ahh, tabi ka muna sakin. Kwentuhan tayo?" yaya niya habang pinapagpagan ng alikabok ang katabi niyang espasyo.

Sumunod naman ako. Kung tutuosin, wala na sa akin ang nangyari kanina. Ang gusto ko lamang ay magmove-on, kagaya ng palagi kong ginagawa.

"Alam mo, pinagsisisihan ko na ang nagawa ko sayo. Wala na akong nagawang matino simula ng dumating ka sa barkada. Lagi na lamang kitang inaasar, pinapahiya. At kanina, muntikan ka pang madisgrasya ng dahil sa kademonyuhan ko. Sana hindi pa huli ang lahat para makabawi ako sayo. Sa totoo lang, mabuti ka namang kaibigan, despite of your sexual preference, ipinapakita mo pa rin kung paano irespeto ang ibang tao maging ang sarili mo. Dahil kung ibang bakla yan, nagminanyak na kaming magkakatropa." mahaba niyang sabi.

Sus, konti lang Michael. Hindi lang halata. Hehehe XD

"Kagaya ng lagi kong sinasabi, bakla ako, alam ko yun, pero hindi ako gagawa ng ikasisira ko. Hindi ako pokpok. Ako nga dapat ang humihingi ng dispensa sa inyong magkakatropa, obvious naman kasi na ayaw niyo sa akin, ipinagpipilitan ko pa ang sarili ko. Pero alam mo Michael, ginagawa ko yung lahat para maging okay sa inyo, iyon ngang pagpapakalalaki, inaccept ko yun, para lang maging kaibigan kayo. Pero, mukha talagang ayaw niyo sa akin. Bayaan mo, iiwas na lang ako para maging maayos na ulit ang takbo ng tropa mo." sabi ko na hindi namamalayang tumutulo na pala ang luha ko. Pilit ko mang itago kay Michael ngunit huli na, nakita na niya ako. Pero, ang hindi ko inaasahan, ay ang pahiramin niya ako ng panyo niya. Nag-aalinlangan pa nga ako kung kukunin ko o hindi, pero sa huli, kinuha ko pa rin.

Agad humarap sa akin si Michael. Nandoon yung mukhang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko sa kanya.

"Hah? Iiwas ka? Paano pa ako makakabawi sayo niyan?"

"Naku, huwag mo nang isipin iyon. Ayaw mo ba non? Wala ng sagabal sa tropa niyo." sabi ko pero deep inside, nalulungkot ako. Napamahal na kasi sa akin ang mga to, lalo na si Arlis, ngayong nalaman ko na ang totoong estado niya sa buhay, kung bakit siya nagiging suplado at mainitin ang ulo. Pero alam ko, may mabuting puso si Arlis, nakikita ko na iyon sa kanya.

"Hindi, hindi ka na aalis sa tropa, pangako, hindi na kita iinisin. Magiging isang mabuting kaibigan na ako sayo magmula ngayon." ani niya sabay bigay ng isang matamis na ngiti.

"Tsk, ganon? Kailangan pa pala akong madisgrasiya bago mo matanggap sa tropa mo." maktol ko.

"Baliw. Hmmmm, pwede rin?"

"Hah? Loko ka." sabi ko sabay hampas sa braso niya, tigas.

Tumawa naman siya. Ang cute lang, siguro, kung ganito lang siya lagi sa akin, magkakasundo kami. At ngayong nangangako na siyang magiging mabuting kaibigan sa akin, mukhang magiging officially member na ako ng tropa niya.

Marami pa kaming pinag-usapan. About sa tropa niya, sa kanya mismo at kung anu-ano pa. Nganga nga ako ehh, mga running for honor pala itong mga to, si Michael, mula elementary, honor na, si Miguel, ganun din, si Arlis, mula sa pinaglipatan niyang school, honor din. Si Gygs, Melo at Aaron, mga player naman ng Basketball at Sepak Takraw. Isa pa'y magkababata na sila, kasi magkakatropa din daw mga magulang nila. Galing no?

Si Michael at Miguel, may kaya sila sa buhay, sa kabilang kanto lang daw ang bahay nila. Nakapagtapos na daw kasi ang kanilang mga kapatid at may magandang trabaho kaya't gumaan na daw ang buhay nila. Ganon din sina Gygs at Melo.

Samantalang si Aaron at Arlis, ulila na sa ama, tanging lola na lamang nila ang gumagabay sa kanila. Ang nanay naman ng mga ito ay nasa abroad, sa Dubai, isang katulong, ngunit ang problema, ilang buwan na daw itong hindi kumocontact sa kanila. Kaya't nag-aalala na ang magkapatid sa kalagayan ng kanilang ina.

Awang-awa naman ako sa nalaman ko sa mga kwento ni Michael. Hindi ko na nga talaga ipagtataka kung bakit magaspang ang ugali ni Arlis. Imbis na maasar ako sa kanya tuwing pagsasalitaan niya ako ng hindi maganda ay marapat na lang sigurong intindihin at unawain ko na lamang siya.

Habang tumatakbo ang oras ay gumagaan na ang loob ko sa kasama kong si Michael. Taliwas sa ugaling ipinapakita niya sa akin bago pa man ako malunod, panay tawa lang kami dahil sa mga banat niyang kahit corny ay nakakatawa naman.

Napagkasunduan na naming matulog na, kanina ko pa kasi siya napapansin na pahikab hikab. Bago siya umalis ay ikinagulat ko pa ng bigla niya akong niyakap.

"Welcome to the group, Jejo. Promise, hindi mo na pagsisisihan na naging kaibigan mo kami." iyon lamang at nagtatakbo na ito papauwi sa kanila.

Agad naman akong pumasok sa bahay, ngunit bago matulog ulit ay kumain muna ako.

Bumungad sa akin ang nakahigang si Robin. Nakanganga ito at humihilik ng mahina.

Ang sarap niya lang pagmasdan. Alam ko kasi na sa tabi niya, ligtas ako, na pakiramdam ko, walang mananakit sa akin. Si Robin lang ang nagparamdam sa akin na kahit ano pa ako, tanggap na tanggap niya.

Tumabi ako sa kanya at saka humalik sa pisngi.

"Sana hindi ka magbago Robin. Malay natin balang araw, buksan ko ang puso ko para sayo. Kahit alam ko na bawal dahil magpinsan tayo, basta ipakita mo lang na ipinaglalaban mo ako, hinding-hindi rin ako bibitaw sayo." sabi ko sabay halik ulit sa pisngi niya. Hehe, nakakarami na ako.

Humiga na ako ng ayos at ipinikit ang mga mata. Ngunit naramdaman ko naman na gumalaw si Robin at kaagad akong niyapos. Hinalikan niya rin ako sa pisngi.

Nyayy! Gising naman yata ang loko. Tsk.

At natulog na ulit ako XD


LUMIPAS ang ilang araw ay ibang iba na ang turing sa akin ng mga katropa ko. Lalo na si Michael na gabi-gabi na yatang tumatambay sa amin. Si Arlis? Nagbago naman kahit papaano. Naging mabait na rin siya at hindi na mainitin ang ulo, sa taas :') Ganoon din ang iba pa naming katropa na sina Miguel, Gygs, maliban kay Melo na panay pa rin ang pang-iinis sa akin. Si Aaron naman kasi, natural nang mabait yun, kaya wala akong problema don.

Si Robin? Ayon, napakasweet. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya pero, para kasing naaamoy na ng mga magulang ko na may something si Robin sa akin ehh. Paano ba naman, susubuan pa ako kapag kumakain kami, kapag umaalis siya, pumupunta ng gym sa bayan ehh lagi na lang may pasalubong sakin na mga tsokolate at isang rosas. OMG! Tapos iaabot pa sakin kaharap ang parents ko?!! Naman.

Actually, last week sumama na ako kay Robin sa paggigym, kasi di ba? May kasunduan kami ng tropa na kailangan kong magpakalalaki? Kahit talagang ayaw na ayaw ko ehh, sinunod ko pa rin. Kasi, sabi ni Robin sa akin, may mga bakla naman daw na lalaki tignan. Mas maayos pa nga daw yun kasi karesperespeto, kaysa daw maging cross-dresser ako?

Kaya heto, nagkakalaman na ako, may hugis na ang chest, braso, at gumuguhit na rin ang abs ko. Namo ? Habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin ang paggigym. Isa pa'y ang dami kayang nakabanderang ulam doon. Haha, tsalap.

PAPASOK pa lang ako sa gate ng makita ko na nakapaskil ang aking pangalan sa malaking cartolina na nakadikit sa bulletin board bago pumasok ng school. Nakalagay:

ANNOUNCEMENT !!

The following students must go to the Math Club Office immediately.

Tapos panglima ako!

May nakasulat ding ibang mga estudyante, nakalagay full name, year and section at ng bumaba pa ang mata ko sa list of students--

16. MARK ROBIN VIDANEZ, I-B
17. MICHAEL RIVERA- I-A

Pinsan ko  ang isa dito ahh? At kung di ako nagkakamali, si Michael ay ang katropa namin ni Robin.

Anong meron at nakalagay ang mga pangalan namin dito?

Kaagad akong nagtatakbo papunta sa office ng mga Math Club Officers. Malayo pa lamang ako ehh tanaw na tanaw na ang mga nag-uumpukang kababaihan at kabaklaan sa labas ng naturang opisina. At ng makalapit ako ehh kaagad kong isiniksik ang sarili sa kumpulan ng makakate. At success, nakalusot naman ako ng kigtas.

Nang makapasok ako sa loob ng office ay kakaibang aura kaagad ang bumulaga sa akin, tila seryoso ang lahat, umagaw pa nga ako ng pansin sa nagsasalitang lalaki na nakasalamin at payat na payat. Siguro nalusaw ang mga taba nito kakasolve ng mga equation? Tindi ehh, pwede nang isabit sa Science Room.

Luminga-linga ako, marahil ehh nasa trenta kalalakihan ang naandito sa loob, at halos lahat, wow, kung nainform lang akong fiestahan pala dito ng mga gwapo edi sana nagdala ako ng sako para may naitake out ako. At hayon, kumaway mula sa dulo sina Michael at Robin. Todo ngiti ang dalawa at sinesenyasan akong lumapit sa kanila.

Ngunit, papalakad pa lang ako ng bigla akong hinarang nung isang parang bouncer, sa laki ba naman ng taba niya sa braso, panigurado, sa labugan ng karne, pang isang linggo ito. Tinitigan niya ako ng masama at saka tinutulak papalayo.

"Bawal dito ang bakla, para sa Mr. Math-Alino ito at hindi Ms. Gay." ani dambuhala habang walang tigil pa rin sa pagtulak.

Napanganga naman ako. Di pa rin kasi rumirihistro sa utak ko na para ito sa Mr. Math-Alino, at nakasulat ang pangalan ko! What on earth is happening?

May biglang pumigil dun sa mataba sa pagtulak sa akin, at nang tignan ko kung sino.

"Arlis?"

Ngumiti lang siya saka itinuro ang lokasyon kung nasaan sina Robin at Michael.

"Lumapit ka na sa kanila at ieexplain ng aming club president kung bakit kayo naandito." sabi niya sabay nguso sa lugar ng dalawa naming katropa.

Ngumiti lang ako subalit imbis na gumanti din siya ng ngiti ay isang nakakalusaw na kindat ang ibinato niya sa akin. Hala! Ang kepay ko, mauutot na! Hahaha.

At ayon, lumapit na ako sa dalawa at ng tinanong ko sila kung ano ang idea nila sa meeting na ito ay kibit balikat silang sumagot. Kaya no choice, kailangan kong makinig. Kung about to sa Pageant ng Search for Mr. Math-Alino, hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Tumikhim pa yung lalaking payat na siguro'y ang Math Club President para makuha ang atensyon naming lahat.

"I am glad that all of you, have given time to attend this unexpected meeting. For now? All I wanted to say is, prepare for the pageant, my co-officers will guide you for everything, and, our principal is expecting all of you, not to back out! Whether you like it or not! You have to join the pageant!! Good Luck!!"

Ako --->


Hala! Panigurado, dahil sa pageant na ito, magtatransform si Jejo!
- Abangan ang mga pasabog ni bakla .

At ang mga sisingaw na baho ng bawat isa!

TROPA
- CUTIEPOGI

Continue Reading

You'll Also Like

260K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
959K 16.1K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
503K 5.9K 44
When Royse's parents died, all the responsibilities of his siblings and their business were left to him. He never had a chance to mourn his parents'...
672K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...