Kabanata XVI (Part 1)

5K 109 10
                                    

KABANATA XVI (Part 1)

Jejo's POV

"Oh? Jayson, tulala ka na naman? Kahapon ka pa ahh." Puna sakin ng gwapong gwapong si Arlis na kasabay naming naglalakad papuntang academy.

"Oo nga. Pansin ko rin yan. Ano bang tinira mo?" Tanong naman ni Michael na pinagpapawisan dahil sa mga dala nitong costume namin para sa pictorial mamaya.

"Huh?"

"Huh ka pa dyan. O baka naman ikaw tong tinira? Aminin mo na." Loko talaga tong si Miguel, mga naiisip ehh.

"Para kang tanga. Sapakin kita ehh." Pakunwari ehh naiinis ako. Haha

"Oo nga naman Jejo, hindi naman kita pinagod kagabi ahh."

"Ihh! Gago ka Robin! Sumakay ka pa sa mga trip ng balugang ito. Ano kasi, ahmm." Ano ba to, paano ko ba sasabihin ang dahilan kung bakit kanina pa ako lutang.

"Ano? Sabihin mo na." Halos sabay sabay na sabi ng mga kasama ko.

"Wait lang. Mga abnong ito! Baka kasi pagtawanan niyo ko."

"Ehh ano nga kasi yon." Ani Aaron.

"Kasi, noong kanina, naliligo si Robin, may kumatok sa bahay namin." Pagsisimula ko, tapos sila, napahinto sa paglalakad at maiging nakinig sakin.

"Oh tapos?" Inip na singit ni Melo.

"Ehh ayon, tapos na. The end."

Tok!

"Aray ko po! Bakit mo ko binatukan Arlis! Epal ka huh, wag mong sabihing gwapo ka ngayon kaya ganyan ka." Langya, ang gwapo niya lang talaga ngayon.

"Gago! Ano nga kasi ehh. Panay ka kalokohan." Badtrip niyang sagot.

"Heto na! Bwiset." hinga muna ng malalim, " noong binuksan ko yung pinto, wala namang tao, maliban dun sa--", ano ba yan, itutuloy ko pa ba to?

"Ano! Puta!" Bulyaw ni Gygs.

"Ang OA huh? Kasing OA niyang muscle mong di naman bumagay dyan sa bansot mong katawan." Kaloka! Sapakin ko to ehh, murahin ba naman ako.

"Ehh ano nga kasi yon? Maliban dun sa ano?" halatang inis na rin si Aaron.

"Paglingon ko kasi, may lalaking naglalakad papalayo, tapos bigla siyang humarap" hinga ulit ng malalim,"tapos, yung mukha niya, kamukha ko."

"O edi wow. Dalawa na kayong pangit."

Langya tong si Melo, kung makapagsabi ng pangit, lintek.

"Coming from you pa talaga huh?" Inis kong sabi.

"Ay, di ba may tawag don, doppelganger?" Sabi ni Michael.

"Nakkatakot naman." bulong ni Gygs.

"Oo matakot kang walang hiya ka! Kasura." Imbyerna, palunukin kita ng pukeke dyan ehh.

"Hay naku. Imahinasyon mo lang yun Jayson. huwag ka kasing titira huh? Masama yan sa katawan mo, bottom ka lang dapat."

Nyemas!

"Ehh kung ikaw kaya ibottom ko dyan Arlis? Pasabugin ko yang puwet mo ewan ko lang kung makalakad ka pa."

Alam niyo na naman siguro kung sino ang nagsabi non?

"Tsk. Umepal na naman ang kupal." nasambit na lang ni Arlis.

NANDITO na kami sa school. Ready na ang set for the pictorial. Me gass lang! Daming fafa!

Una kasi niyan, ahggg, swimming trunks, sunod school uniform at casual wear.

Nakakauhaw ang paligid, nahihilo ako! Tulong! Pinalilibutan ako ng mga manoy! Nanlalamot ang mga tuhod ko, parang gusto kong lumuhod na lang forever sa harap ng mga fafang to.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now