Kabanata VIII

7.9K 185 11
                                    

Jejo's POV

"Hahahahahahaha!"

"Hahaahahahahahahahahahah!!!!!"

Anak ng malanding bulate! Kay aga-aga, halakhakan ng halakhakan ang mga abnormal na tao dito sa aming bahay. Ang aga pa! Diosme, napuyat na nga kagabi dahil sa kahihintay dito sa abnormal na Robin na ito, heto pa't nag-iingay itong mga ...

"HAAAIIYAAA!!!!!!"

"Ay pepeng-kalabaw! Ano ba--------Aaron? Oh, anong ginagawa mo dito? Makapanggulat ka hah? May pakarakarate pa tong yoyeng na to!" ani ko sa lalaking nakasampa sa aking kama at nagmamala-Jackie Chan pa kung pumorma. Muntik na akong makapatay ng gwapo sa mundo sa sobrang gulat.

"An gaga-aga, ang taray ng prinsesa." Biro ng loko sabay pacute. Potek! Pakilock nga nung pinto, haha!

"Hoy! Ano namang ginagawa mo dito sa kwart---", nya'y, amoy bulok na daga.

"Magmumog ka kaya. Buti may sipon ako ngayon dahil malamang, nahimatay na ako dito kapag naamoy ko yang kasumpa-sumpa mong hininga." Sabay tawa ng malakas? Edi wow!

"Ahh, ganun pala hah, ehh ako lang naman ang nagligtas sayo-"

"Oo na madam! Magmumog ka na, di ko na kerie!"

"Heh! Letse! Alam ko naming sabik na sabik ka sa labi ko." Haha, ambisyosa ang gaga.

"Arlis! Melo! Robin! Mga TROPA! Tawag kayo ni Jejo, may ipapaamoy daw sila sa-"

Ano? Nandito sila ngayon? Agad kong tinakpan ang bibig ni Aaron ng hintuturo ko para tumigil na siya sa kakasigaw. Pero kaagad niya itong tinabig palayo.

"Pwe! Ang baho, nagdukit ka 'no?" sabay tawa na naman! Kaimbyerna.

Agad na akong nagdiretso sa banyo para magsipilyo na para bang wala nang bukas. Sinimulan ko na ring maligo para naman hindi nakakahiya sa mapreskong si Aaron. Hiyang-hiya naman ako sa itsura niya, ni may muta pa nga siya sa kaliwang mata niya, naawa lang akong sabihin dahil baka maoffend ko siya.

Teka, bakit nga pala naandito ang mga loko? Ano na naming trip ng mga taong kalyeng iyon. Kailangan ko ng maghanda sa mga panlalait ng itang si Melo, at kung nandyan din ang mga kambal na ubod ng kasama magsalita sakin, talagang masisira ang araw ko.
Pinatay ko na ang shower at agad hinagilap ang twalya ko-Tengene! Waley? Hindi pala ako nakapagdala dito sa banyo. Lentek na, sana nakaalis na si Aaron dahil kung hindi, di ko magagawang lisanin tong banyo hangga't nasa paligid lamang siya.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto ngunit di ko pa naibubuka ng bahagya ay sumambulat na sa akin ang mga boses ng kalalakihan sa loob ng aking kwarto! Ohh My Gas! Nananadya ang tadhana.

Arlis' POV

"Kuya, may tao bas a CR? Kanina pa ako naiihi ehh." Paalam ko sa kuya kong walang tigil sa kakatawa. Hindi niya yata napansin na nagtanong ako at patuloy pa rin siya sa pagkukwento ng wala naming kabuluhang bagay.
Naandito kami ngayon sa bahay ni Jayson dahil napagkasunduan ng tropa na daanan siya dahil sa pinangako niyang magpapakalalaki na siya. Hindi ko nga alam kung bakit kinagat niya ang plano ko, sa totoo lang naman, hindi big deal sakin ang may kaibigang bakla. Sa nakikita ko kasi, mabait si Jejo, palatawa kahit paminsan minsan ay nangbabara. Yung unang pagkikita namin, may malaking pinagdadaanan lang ako nun kaya ko siya nasabihan ng di maganda. At ang palagi kong pang-aasar sa kaniya, trip ko lang, kasi ang cute niyang maasar. Yun bang namumula ang mukha at nagsasalubong ang kilay, basta ang cute-cute niya.
Si Robin naman, medyo badtrip lang ako sa kaniya ng konte. Ang OA kasi, akala mo kung sinong boyfriend ni Jayson. Sarap niyang bigwasan sa mukha kapag nkikisabat sa mga usapan ng barkada na para bang siya ang "mayor" ng tropa.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama ni Jayson. Tinungo ko ang nakasaradong pinto ng banyo at walang pasabing binuksan ko iyon. Tila naman may natamaan akong nakaharang na bagay at kaagad na nagkalabog sa sahig.

TROPA (BoyXBoy)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin