Kabanata I

26.7K 390 7
                                    

Kabanata I

AKO si Jeyson Joey na mas kilala sa katawagang Jejo. Alam ko, bata pa ako para maramdaman ang pag-ibig na yan. Siguro infatuation o kung anu man lang ang nararamdaman ko. Pero may puso ako, tao din akong nakakaramdam ng saya at lungkot. Tao lang din akong nagmamahal. Second year high school ako ng makilala ko si Donis, magkaapelyido kami. Pero kailanman ay hindi ko siya itinuring na pinsan, minahal ko siya dahil nararamdaman ko. Kahit alam kong hindi pupwede.

Oo, isa akong nilalang na may pusong babae na tinakluban ng katawang sa lalaki. Mahirap ang ganitong sitwasyon, panay panglalait, panghuhusga at katawa-tawa ang natatanggap ng katulad ko sa mga taong hindi alam ang importansya ng mga katulad namin. Hindi nila kami kayang pahalagahan, dahil salot daw kami sa lipunan.

Nakatira ako sa Laguna, galing sa may kayang pamilya. Matalino at magaling sa larangan ng sayaw, kanta at sining. Multi-talented nga daw, sabi nila.

Iyon ang mga bagay na hindi ko pa kayang ipakita sa tao, dahil, isa iyon sa ipinanghuhusga sa akin. Minsan nga, gusto ko na lamanh umiyak sa tuwing lalaitin ako. Ano ba ang nagawa ko sa mga katulad nilang makikitid ang utak? May namatay ba o minalas sila ng maging bakla ako? Wala naman di ba? Pero bakit inis na inis sila sa katulad ko?

Isa lamang akong hamak na tao, nasasaktan din, nalulungkot. Ang gusto ko lamang ay taong magtatanggol sa tuwing may mang-aapi sa akin, taong magmamahal sa akin kahit ano pa ako.

Pero, bakit sa patuloy kong pagmamahal? Nasasaktan lamang ako? Nagmahal lamang naman ako. Nagpahalaga sa taong inakala kong papahalahan din ako.


PATULOY lang sa pagpatak ang aking luha. Ang sakit lang, bakit nagawa niya iyon sa akin? Bakit nagawa niyang lokohin ako!

Ginawa ko ang lahat para lamang sa kanya. Akala ko mahal niya rin ako, pero hindi. Isa siyang manloloko!

Nakatayo lamang ako sa nakasaradong pinto. Doon, patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha. Ayoko nang marinig pa ang mga salitang tila patalim na tumutusok sa aking puso. Donis, bakit! Bakit!

"Hahahaha. No, Krisna, I am just fooling him. Ayoko sa mga kagaya niya, besides, magpinsan kami. Hindi ba niya alam na hindi maganda yon?" boses iyon ni Donis, galing sa loob ng nakasaradong silid-aralan namin.

"Pero bakit mo siya pinaasa? Malayong magpinsan naman kayo diba?" ani ng isang babae. Si Krisna nga, ang isa sa mga kaibigan ko.

"Mapera siya, iyon lamang ang gusto ko sa kanya. Kaya huwag na siyang umasang talagang magkakagusto ako sa kanya, hindi siya babae!".

Dahil sa mga narinig kong iyon, kusang tumakbo palayo ang aking mga paa. Kasabay nito ang walang tigil na buhos ng aking mga luha. Ang sakit-sakit.

Ganito pala ang mabigo sa pag-ibig, para kang pinapatay, daig ko pa ang binawian ng buhay. Wala ng pag-asa. Ang tanging naging inspirasyon ko para makamit ang tagumpay, nawala na. Paano ko na lamang itutuloy ang lahat?

Nakita ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa ilalim ng puno ng talisay. Walang patid pa rin ang pag-agos ng aking luha. Isa akong talunan, niloko at pinaasa.

Dali-dali kong kinuhan ang slamnote na naging mitsa ng lalong pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, wala na, tuluyan ng sumabog at naglaho ang lahat. Ayoko na, ayoko nang magmahal pang muli.

Who is your crush?

Iyan ang tanong na talagang inabangan ko noong pasagutin ko si Donis sa aking slamnote. Kinakabahan pa akong binasa iyon, at laking lundag ng puso ko ng ang nakasulat ay ... "JEJO".

Iyon ang nagbigay sa akin ng pag-asa na maaari nga akong magmahal at mahalin din. Kahit noong una pa lamang ay alam kong hindi pupwede dahil magpinsan kami ni Donis, pero mahal ko siya, kaya wala akog pakialam.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now