Kabanata II

15K 291 15
                                    

Kabanata II

Mabilis na dumaan ang mga araw. Kapansin-pansin ang patuloy kong pag-iwas kay Donis. Marami nga sa mga kaklase ko na sinasabihan kami ng LQ daw kami.

Pansin ko rin ang pagiging epal ni Donis sa akin. Panay palibre at pangongopya pa rin ang ginagawa niya. Gusto ko mang pagsabihan siyang iwasan na ako, pero hindi ko magawa. Pababayaan ko siyang matuklasan sa sarili niyang, hindi ko siya kailangan.

Kasama ko ngayon ang kaibigan kong si Chaila. Bakla siya na lantaran. Malandi pero masarap kasama. One of my closefriend at sobra ang ingay.

Hindi ko alam kung bakit ba naandito kami sa entrance ng school. May inaantay daw siyang 'papa' kuno.

Ganyan naman talaga iyang si Chaila, kahit chaka marami pa ring boylet. Siguro kahit mga second year high school pa lang kami, gabola na ng baseball ang butas ng kaniyang puwit. Haha, ehh iyan nga ang nagbibigay sa akin ng mga da-moves na dapat kong gawin kapag kasama ko noon si Donis, pero malaki ang respeto ko sa sarili ko. Ayokong gumawa ng isang bagay na ikasisira ko. Bakla na nga ako, magpapakapokpok pa ba ako? No way.

Panay ang sulyap ni Chaila sa mga estudyanteng dumaraan. Para bang sinusuyo kung sino-sino ang dumadating.

Ako naman, nakasandal lang sa may pader habang nakikipagtext kung kani-kanino. Swerte ko dahil ipinamana na sa akin ng aking tita ang kaniyang cellphone na Nokia 3315, ito pa naman kasi ang uso ehh. Tsaka, ang pamilya ko ay maraming pinaglalaanan sa pera nila. Kaloka!

Narinig kong nagtitili si Chaila. Sabay hiklat sa braso ko upang tignan kung sino ang paparating.

"Mars, nandyan na siya! Paparating na!" malanding sabi ni Chaila na hindi matinag ang paningin sa lalaking paparating.

Nang mapatingin ako sa lalaki. Shit! Nanlaki talaga ang mata ko kahit natural nang malaki. Yung lalaking nakabungguan ko. Patay!

"Chaila, alis na ako. Ayokong makita niya ako." sabi ko pero agad niya akong pinigilan sa paglalakad palayo.

"Gaga! Hindi mo ba notice ang kagwapuhan niya? Siya si Arlis, ang pinakagwapong freshmen!" pigil niya pa rin sa akin.

"Teh! Bubugbugin ako niya! Ayoko! Aalis na ako!" pero hindi talaga ako makawala sa bruha. Gusto niya yatang mapanood kung paano ako lampasuhin ng gwapong sinasabi niya.

"Ayan na siya teh!"

At bago pa man ako makatakbo. Naharangan na ni Chaila si Arlis sabay hatak sa akin palalapit sa kanilang dalawa.

Napayuko na lamang ako. Ayokong makita niya ang pagmumukha ko dahil baka totoohanin niya ang bantang mata ko lang ang walang latay.

"Excuse me papa." sabi ni Chaila sa lalaki.

Hindi umimik ang lalaki, lalakad na sana ulit ito ng lalo pang humarang si Chaila.

"Teka, ako nga pala si Chaila. Ang dyosa ng mga magaganda. At ito si Jejo, dyosa din yan, hindi lang halata." malanding sabi ni Chaila.

"Pwede ba? Padaanin ninyo ako! Mga BAYOT! SALOT!" galit na bulyaw nito na sabay naming ikinagulat ni Chaila.

Napatingin tuloy ako sa paligid. Maraming estudyante ang nakatingin sa amin. At sa hindi na naman sinasadya, nagtama ang mga mata namin ni Arlis. Lalong nagliyab ang mga matang iyon, at tiim bagang na tinitigan ako.

"Ikaw na naman!!!" bulyaw niya sa mukha ko. Nagmistula naman akong asong nabahag ang buntot dahil sa takot.

"Mars? Magkakilala kayo?" baling na tanong sa akin ni Chaila.

Hindi ako umimik.

"Ayy, teka, Arlis name mo right? Type ka ng bestfriend ko." sabay turo sa akin.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now