Kabanata XVII

1.9K 55 4
                                    

KABANATA

Jejo's POV

"Ohh, pikit na bhesh para sa huling patong ko ng powder dyan sa mukha mo." Ani ng aking bestfriend na siya ng nag-ayos sakin para ngayong gabi sa pageant.

Naandito kami sa likod ng stage kung saan inaayusan ang mga candidate. Kasama ko rin si Robin at Michael na may kanya kanya ding tigaayos. Talagang napakagagwapo nila, lalo na ang mahal ko.

Sa totoo lang, kanina pa kami magkalapit nitong si Robin, kanina pa nga siya sulyap ng sulyap sakin kasi baka daw babuyin ni Chaila ang itsura ko, agad daw niya itong susuntukin.

"Bhesh, ang tagal mo naman maglagay ng powder."reklamo ko habang nakapikit pa rin.

Dahil naiinip na ako, nagmulat ako ng mata at talaga namang nagulat ng sinasakal na pala ni Robin si Chaila.

"Robin! Tama na!" Sigaw ko at agad umawat.

Bigla bumitaw si Robin at uubo-ubo naman ng makawala itong si Chaila.

"Robin, ano bang nangyari? Bakit paaagahin mo ang extinction ng lahi ni Chaila? Sobrang rare ng lahi niyan ahh." Sabi ko habang inaalalayan ang bestfriend.

"Aray teh hah, bagay na bagay nga kayo niyang si Robin, mga mapanakit!" reklamo nito na hinihimas - himas pa ang kaniyang leeg.

"Sorna. Ehh ano ba kasing nangyari?"

"Ehh hahalikan ka lang namang ng baklang yan."singit ni Robin na hindi maitatago ang pagkainis.

"Ayy, ang seloso naman pala ng jowa mo. Bibiruin ko lang naman tong si Jejo na kunwari ikikiss ko siya, ikaw lang naman tong over makareact." paliwanag nito.

Napabuntong hininga na lang ako.

Itinuloy na lang ni Chaila ang pag-aayos niya sa akin. Pero, yung totoo, naiilang ako sa pag-aayos sakin ng baklang ito. Iimagine mo nga na minemake-up-an ka ni Chutae? Katakot di ba? Eh hawig sila ehh.

Narinig ko na lang na nagsalita na yung host sa may stage. Magsisimula na daw ang pageant. Pinasalamatan nito lahat ng nagsponsor at ang aming butihing makating prinsipal na nagsuot ng barong na tila rainbow sa dami ng kulay!

Pinapila na kami ng mga math officer na nag-aasikaso dito sa backstage base sa aming pagkakasunod sunod. Pang-walo ako, sunod sakin si Robin at panglabing lima si Michael.

Hinawakan ni Robin ang kamay ko at pinisil pisil. Hindi ko kasi maiwasan na kabahan dahil first time kong sumabak sa ganitong patimpalak. Although, nagpractice naman ako at sinunod ko ang mga payo ng aming trainer nung rehearsal, para pa ring may kung anong sasabog sa kaibuturan ko.

Agad namang napansin iyon ni Robin.

"Mahal, anong problema?" Bulong niya sakin para hindi marinig ng iba. Kinilig naman ako ng bahagya.

"Natatae ako."

Napangiti naman ito ng marinig ang sagot ko.

"Haha, kinakabahan ka lang. Kiss na lang kita para mawala? Gusto mo?"

"Loko. Eh kung may makakita satin dito sa pila? Edi nadisqualify pa tayo? Mamaya na lang, sa bahay." Haha! Kire.

"Sabi mo yan huh." nagningning na naman ang mata ni loko.

Ngumiti na lang ako.

Matapos ang ilang mensahe mula sa aming principal at mga panauhing pandangal, ipinakilala na ang mga judges. May mga bigating hurado mula sa mga sikat na TV Network at ohh my! Oh my! Nikko ng Hashtags, ang ultimate crush ko! My gosh!

Dahil hindi maitago ang aking kahibangan sa pagsilay sa aking crush, isang di kalakasang tapak sa paa ang aking natanggap sa seloso kong boyfriend na kanina pa pala akong pinagmamasdan.

TROPA (BoyXBoy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن