Kabanata XVI (Part 2)

7.5K 198 62
                                    

Kabanata VI (Part 2)

Hindi ko na alam kung ano pa ang sunod na nangyari, ng lumakad ito papalayo ay siya rin namang pagtayo ko sa aking kinauupuan at sinundan ito.

Tinanong pa ako nila Robin at Arlis kung saan daa ako pupunta pero hindi ko na sila nasagot pa.

Tila kasi, may humahatak sakin para sundan ang lalaking kamukhang kamukha ko. Gusto kong malaman kung namamalikmata lang ba ako o tunay ang lalaking nakikita ko.

Mabilis itong maglakad. Minsan ay sinusulyapan ako na para bang sinasabi saking sundan ko lang siya.

Pumasok siya sa isang iskenita, ganon din ako. Kung saan siya pupunta, sunod lang ako. Hanggang sa hindi ko na alam kung nasan na ba ako. Hindi ko na gamay ang lugar na nilalakaran ko.

Habang naglalakad ay masusi ko rin naman itong pinagmamasdan.

Sa tantsa ko ay mas matangkad ito kaysa sakin. Medyo maitim ang kulay at mas malaki ang katawan. Naisipan kong mas bilisan pa ang paglalakad para maabutan ko siya ng bigla namang may tumawag sakin mula sa likuran ko.

"Jejo!"

"Jayson!"

Tinignan ko kung sino sino ang tumawag. Sila Robin at Arlis pala na tumatakbo papalapit sa akin.

"Oh? Bakit kayo nandito?" Taka kong tanong na medyo hinihingal pa dahil matagal tagal na rin akong naglalakad .

"Ikaw! Anong ginagawa mo dito! Kanina ka pa namin sinusundan kaso ang bilis bilis mo lang maglakad." medyo inis na sambit ni Arlis.

"Teka? Saan ka ba pupunta Jejo? Ang layo na nito satin." Tanong naman ni Robin.

"May sinusundan ak-" ngunit paglingon ko, wala na ang lalaking kanina lamang ay tinitignan ko habang sinusundan ko siya. Nawala ito. Nasan na siya? Nagpalinga linga pa ako, naglakad ng kaunti, naghanap ngunit parang tanga lang akong naghahanap sa wala. Naglaho siya na parang bula.

"Ano bang hinahanap mo?" Kunot noong tanong ni Arlis.

"Yung sinusundan ko kanina. Iyong kamukha ko!" Giit ko pero binigyan lang nila ako ng nagtatakang reaksyon.

"Ano? May sinusundan ka ba kanina? Parang wala naman ahh." Ani Robin.

Bigla akong kinilabutan. Posible kayang wala naman talaga akong sinusundan? baka naman minumulto na ako? Hayss. Nasisiraan na yata ako ng bait.

"Yung totoo Jejo? Nagdadrugs ka ba?" seryosong tanong Michael. Naglalakad na kami papunta ng bahay, alas syete na ng gabi kaya't sabi nung tatlo, Aaron, Arlis at Michael na ihahatid na daw nila kami ng pinsan ko.

"Hindi ahh. Kay Robin lang, adik na ako." sagot ko na nagpatawa sa tropa.

"Baliw. Ikaw Jayson ha! Huwag kang pupunta punta kung saan saan. Delikado na ngayon. Baka yung nakikita mong kamukha mo ehh senyales na may masamang mangyayari sayo. Kaya wag mo n ulit itong susundan. Okay?" Pangaral ni Aaron.

"Opo. Di na po mauulit." Sagot ko na lang na para bang maamong tupa.

"Yan. Galing ng baby natin." Sabi nito na ginulo pa ang aking buhok.

"Anong baby natin? Baby ko lang yan Arlis. Humanap ka ng sayo." Pagtutol ni Robin.

"Ehh di ba magpapakalalaki yang si Jejo?" Singit ni Michael.

Oo nga no, may napagkasunduan nga pala kaming magpapakalalaki na ako para mapasok sa tropa. Haisst.

"Oo nga. Pero, yung sinabi kong yun, nakadepende pa rin kay Jayson. Tsaka, nung time kasi na hinamon ko siya ng ganung usapan ehh, tinotopak lang naman ako non. Pero tignan mo ngayon si Jayson, lalaking lalaki na. Gwapong gwapo. Mas okay ngayon kaysa don sa bading niyang look. Mas karesperespeto at kaaya aya sa paningin." Mahabang paliwanag ni Arlis.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now