Kabanata IV

11.9K 227 11
                                    

Kabanata IV

Naging maayos din ang buong linggo ko. Tuluyan ko nang iniwasan si Donis. Naroon man ang sakit pero ang nakaraan ay nakaraan na. Kinakalimutan at nagsisimula muli.

Hindi ko lang alam kung sinusubok ba talaga ako ng tadhana o binibigyan ulit ng matinding pasakit. Ayokong umasa sa mga binigkas ni Robin. Marahil ay nagbibiro lamang siya sa pagkakalat na magboyfriend kami.

Pero, magmula ng dumating si Robin sa buhay ko. Nakaramdam ako ng isang tunay na masasandalan. Magiging kaibigan at kasangga sa anu mang oras.

Naging mabait sa akin si Robin. Dinaig nya pa talaga ang tunay na boyfriend sa pag-aalaga sa akin. Nandyan siya kapagnalulungkot ako o kaya ay nasasaktan pisikal man o emosyonal.

Marami nga ang nagtatanong sa akin kung boyfriend ko nga daw ba si Robin. Pero sinasagot ko sila na magpinsan kami at kahit sino pa ang muling sumubok sa puso ko. Mananatili itong manhid at nakasarado.

Ayoko nang umasa muli, masaktan at ang maiwanan. Tama na ang masaktan ako ng isang beses. Nakakadala na.

Tapos na ang lunchbreak at nagsimula na ang klase.

Dumating na ang guro naming si Sir.Nicole upang ituro ang asignaturang Ingles. Nagsisimula na siyang magturo ng bigla namang kumulo ang tiyan ko at pakiramdam ko'y magluluwal ako ng mabahong nilalang.

"Pprruut-pot,'' mahina pero sapat na para mapansin ng mga katabi ko ang kakaibang ringtone ko. Ano nga ba ulit ang kinain ko kaninang lunch?

Bicol Express, pakbet, maha, at bumili din ako ng mangga na ang sawsawan ay alamang. Hindi kaya--

"Jejo, kanina ka pa yata tinatawagan ng kalikasan, nakailang missed calls na at message. Sagutin mo na sa banyo, dali." Bulong sa akin ni Joshua.

Nang tumingin ako sa paligid ay ibayong hiya ang naramdaman ko.

Ikaw ba naman ang pagtinginan ng mga kaklase at guro mo. Mga ateng, tae lang to at hindi bomba. Kung makatingin kayo sakin daig ko pa suicide bomber.

"Oo, lalabas na! Parang ako lang nakaexperience nito ahh." Sabi ko sabay walkout.

Papalabas na sana ako ng classroom ng,"PRUUT-POT!! BOKK!!''

Napakapit tuloy ako sa pwit ko. Pakiusap, huwag ka munang lalabas. Fairy godmother! Tulungan mo ako.

Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo. Pakiramdam ko ilang sandali na lang ay sasabog na ang lagim. Isang lagim na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan.

Nang tumapat ako sa CR ng building namin ay lalo akong kinabahan para sa unexpected explosion na maaari kong pakawalan.

OUT OF SERVICE. Ayan kaagad ang bumulaga sa akin. Lintik naman oh. Ampupu ko, lalabas na.

Wala akong nagawa kundi ang takbuhin ang CR ng mga freshmen. Grabe, malapit na talagang lumabas. Panigurado, mukha nang tanga ang itsura ko dahil sa pagpipigil.

Atlast. Nakarating din sa destinasyon ko. At swerte, walang tao. Kaagad akong lumapit sa cubicle at agad binuksan ito.

Tila isang nagniningning na bowl ang bumulaga sa akin. Para akong isang reynang uupo sa kaniyang trono. Taray!!

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Agad kong ibinaba ang aking pants kasama ang underwear kong may mantsa ng paglalabor.

Nagmistulang bagong taon sa loob ng CR. Nakakabingi ang puntukan galing sa aking lagusan. Sa wakas!!

Said na said at halos wala na akong itinira.

Konting pahinga lang ang inilaan ko. Pakiramdam ko pa kasi ay sobra akong napagod. Pinindot ko na ang flush para matapos na ang paghahasik ko ng kadiliman dito sa loob ng CR ng mga freshmen. Swertet ko lang talaga dahil walang tao dito sa loob dahil panigurado, kung meron man, nagsitakbuhan na ang mga iyon dahil sa kapangyarihang pinakawalan ko.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now