Kabanata XII

7.6K 170 12
                                    

Kabanata XII

Jejo's POV

Dama ko ang lamig na bumabalot sa lugar kung nasaan ako. Ramdam ko rin ang kaunting pananakit ng dibdib ko at ulo.

Ano nga ba ang nangyari kanina?

Ahh, nalunod ako. Bakit kasi sa dinami-rami ng ng magiging phobia ko ehh sa paglangoy pa? Naturingan akong sirena pero nalulunod.

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang aking kwarto. Nakahiga ako, tutok ang electricfan at nang mapalingon ako sa gilid ng kama ay nakita ko ang mahimbing na natutulog din na si Robin. Halatang pagod na pagod ito at nangitim din ang kulay. May mga sugat at gasgas sa braso, marahil dahil ito sa pag-akyat namin sa bundok.

Muling nagbalik sa akin ang mga nangyari bago at pagkatapos kong malunod. Kung paano pagalitan ni Robin ang sarili dahil sa pagmamahal sa isang taong alam ko na kung sino, ako. Kung papaano niya ako sinagip at ang pagtatapat niya ng pag-ibig sa akin. Sa ngayon, nahihirapan akong isipin kung tatanggapin ko ba yun o hindi. Ayokong umasa at ayoko ring magpaasa. Sapat na ang mga naramdaman ko noon dati, sa piling ni Donis na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako at lokohin sa huli.

Kahit masama ang pakiramdam ay napilitan akong bumangon. Alas-onse na pala ng gabi ng mapatingin ako sa wallclock na nakasabit malapit sa may bintana. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Dahil na rin siguro sa wala pa akong kinakain magmula kaninang tanghali.

Hindi ko na ginising pa si Robin, halata naman kasing nasa kasarapan siya ng pagtulog. Malamang ay kumain na rin ito kanina habang hinihintay akong magising.

Bago lumabas ng kwarto ay nilapitan ko muna ang bintanang nakalimutan yatang isarado ng pinsan ko. Pumapasok lang kasi ang hamog. Ngunit, nang mapasulyap ako sa labas ay may naaninag akong parang isang lalaki na nakatayo't pasilip silip sa aming bahay. Medyo pamilyar ang pigura ng kaniyang katawan at ayos ng buhok. Hindi ko lamang matandaan kung sino kaya't minabuti ko na lamang bumaba at puntahan kung sino man iyon.

Tulog na ang lahat, patay ang ilaw sa sala at tanging huni na lamang ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Diniretso ko na ang pinto at marahan itong binuksan. Dahan dahan na akong lumakad papunta sa may gate at ng silipin ko kung sino ang nasa labas ay kaagad ko itong nakilala. Si Michael na nakaupo sa gilid ng kalsada habang nakayuko't nakahawak sa kaniyang sintido.

"Michael?" tawag ko rito habang binubuksan ang gate na kaagad namang nagpalingon sa kanya. Lumapit ito sa akin ngunit tila hindi alam kung ano ang gagawin.

Dahil sa liwanag ng buwan ay napansin ko ang dalawang band aid sa mukha niya at ang mga pasa at ang namamagang labi niya. Marahil ay talagang napakatindi ng pagkakabugbog sa kaniya ni Arlis. May kung anong awa tuloy akong naramdaman para sa kaniya.

"A-anong ginagawa mo dito? Gabi na ahh. Tara, pasok ka muna sa bahay." sabi ko habang niyayapos ang sarili. Malamig kasi dito sa labas.

"Ayy, wagna, gusto ko lang naman humingi ng sorry." sagot niya na para bang nahihiya pa.

"Ahh, ehh, okay na iyon. Kalimutan na lang natin."

Nakita ko siya na umupo ulid sa gilid ng kalsada.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko ulit.

"Ahh, kaninang alas-syete pa ako dito. Inaantay ka. Gusto ko sanang pumasok kanina pero pinapaalis ako ni Robin. Sorry talaga hah?"

"Wala na nga sabi yun. Kalimutan na lang natin." sagot ko sabay bigay ng matamis na ngiti.

"Matutulog ka na ba?" tanong niya ulit.

"Hah? Kagigising ko nga lang, matutulog ulit?" natatawa kong sagot.

"Ahh, tabi ka muna sakin. Kwentuhan tayo?" yaya niya habang pinapagpagan ng alikabok ang katabi niyang espasyo.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now