Kabanata V

10.3K 258 10
                                    

Kabanata V

''Ang kapatid ko, nasaan?" tanong ni Arlis ng pagbuksan ko siya ng pinto. Hindi ko kaagad siya nasagot dahil sa pagkabigla. Nakasuot lamang siya ng jersey sando at short na may pagkaluma na dahil sa kupas nitong kulay.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niyang na kahit hindi kaputian ay makinis naman. Mukhang barumbado ang dating pero napakagwapo pa rin.

Lalong inilabas ng kanyang suot ang napakagandang hugis ng kaniyang katawan. At ng mapadako ako sa umbok na nasa pagitan ng kaniyang mga hita ngunit natatakluban lamang ng kaniyang short ay hindi ko maiwasang mapalunok. Mukhang malaki rin.

''Tsk. Iyan pa talaga ang inuna mo sa halip na sagutin ang tanong ko. Ganyan ka na ba kauhaw sa gatas hah? Parehong-pareho kayo ng kaibigan mong halimaw!" pang-iinis na sumbat sa akin ni Arlis.

Tila napahiya naman ako sa mga sinabi niya at the same time ay nainis. Grabe lamang siyang mang-alipusta. Sobrang napakasakit sa damdamin. Hahaha

''Ang kapal naman ng mukha mo. Wala ka nang hiya na naandito ka sa teritoryo namin. Baka gusto mong idemanda kita ng trespassing?" kainis lang kasi. Masyadong mapang-alipusta, hindi porket gwapo sya hindi ko na siya papatulan.

"Nasaan ba kasi ang kapatid ko? Baka naman ginahasa mo na? Mga bakla nga naman oh, kahit yung taong walang malay, nagagawa pang halayin makapagparaos lang. Lupit mo din no?"

"Aba'y sumosobra ka na ha! Para sabihin ko sayo, hindi ganon kaitim ang budhi ko! Hindi mo kagaya! Daig pa ang tunay na bakla sa sob--"

"Jayson! Ano bang nangyayari dyan sa labas? Bakit parang may kaaway ka?"sigaw ng papa ko galing kusina.

"Ahh, wala po Pa. Dumating po kasi yung kamember ko sa theatrical guild. Nagsasaulo lang kami ng script para sa play namin bukas!" palusot ko habang pinangdudulatan ng mata si Arlis. Siya naman ay tila nagtataka sa mga pinagsasabi ko.

"B-bakit iyon ang sinabi mo?'' takang tanong ni Arlis.

"Pakialam mo? Ayaw ng papa ko ng eskandalo hindi katulad mong sobrang kitid ng utak. Daig mo pa ang kepyas na atat na atat dapuan ng ahas." nagulat na lamang ako ng may biglang kumiliti sa akin mula sa aking likuran.

"Sino bang bisita mo Je-" bulong ni Robin at ng mapatingin sa taong nasa labas ay kaagad niya akong hinila papunta sa likod niya at siya ang humarap sa lalaking maangas pa ring nakatingin sa amin."Ikaw na naman! Tang ina! Ang kapal naman ng kupal mo sa mukha para pumunta dito!" galit na bulyaw ni Robin at ng akma na itong susugod ay maagap kong napigilan siya.

"Ano ba yan Jayson?! Grabe naman yang script niyo. Bakit may mura?" patay, nakikinig pa rin pala si papa.

"Wala po pa, nag-adlib lang po si Robin. Para kasing engot tong isang to." sabi ko sabay pekeng tawa. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para umalis na dito si Arlis.

"Ahh? Kasali din ba si Robin? Anong ganap niya?" tanong ulit ni papa, ang kulit lang?

"Yung mangrerape po sa anak niyo!" sigaw na sagot ni Arlis. Tila naman nakaramdam ako ng ibayong kaba dahil sa isinagot ng hayop na ito.

"Ano??!" gulat na sigaw ni papa galing pa ring kusina.

Patay! Kailangan kong makaisip ng paraan. Heto pang tukmol na Robin na to, nagpupumiglas na sa pag-awat ko. Gustong gusto nang upakan itong pahamak na si Arlis.

"Ahh, wala po pa! Uuwi na daw itong kamember ko." sagot ko habang sinesenyasan na umalis na itong si Arlis pero sa halip na sumunod ay nagmatigas pa ito.

"Teka Jayson. Dito mo na pakainin ng hapunan iyang kamember mo. Mamaya mo na pauwiin. Malapit nang maluto itong pininyahang manok na ulam natin." really Pa? Inaaya niyo pa tong utak-lamok na ito na kumain dito? Bulong ko sa isip ko.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now