Kabanata X

7.9K 230 18
                                    

Kabanata X

Jejo's POV

Halos mapanganga ako sa tanawing nakikita ko. Kahit napakahaba ng nilakad namin at kahit mainit ang panahon ay talagang masasabi kong sulit ang lahat.

Nakatayo ako sa isang malaking bato na tanaw na tanaw ang kabuuan ng talon. Maliit lamang ito ngunit napakaperpekto ng pwesto at ang paglagaslas ng tubig mula sa itaan. May iba't iba ring halaman ang tumutubo sa paligid na may makukulay na bulaklak. Mapuputi din ang mga batong nagmistulang latag na kumikinang pa kapag nasisinagan ng araw. At ang tubig mula sa talon ay talaga namang napakalinaw. Kitang-kinta ang mga isdang nagsisilanguyan sa ilalim nito. Perpektong perpekto, iyon bang para kang nasa isang paraiso?

"Di ba ang ganda?" basag ni Aaron sa aking pagmumuni.

Abala ako sa paglanghap ng sariwang hangin. Gusto ko mang sumagot ngunit sapat na sana ang reaksyong ipinapakita ko sa kanya.

"Si lolo ang may ari nito. Bata pa lang kami, lagi na kaming pumupunta dito ng kapatid ko at mga pinsan. Nakakarelax no? Pinepreserve talaga ng lolo ko ang talon na ito. Marami kasi siyang ala-ala na binuo sa lugar na ito. Isa pa, masasayang ang likha ng diyos kung masisira lamang ito." paliwanag niya at ng mapatingin ako sa kanya ay tila na-star struck naman ako sa kanya. Topless, may abs, may chest, ang braso, kahit hindi kalakihan, halatang batak. In short, nakakatakam.

"O-oo nga, an-ang ganda ng tanawin." pagsang ayon ko, ngunit hindi ako sa talon nakatingin kundi sa kanya.

"Tsk. Babatuktukan kita dyan. Hindi ako, yung talon." sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Alam mo, ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigang lalaki. Yung straight, I mean." pagpapaliwanag ko habang ibinabalik ang paningin sa di matatawarang ganda ng lugar.

"Ako rin naman. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang katulad mo." pagsagot niya.

"Bakit naman?"

"Kasi mabait ka."

"Jayson! Kuya! Tara na dito sa baba ng makapagluto na tayo." sigaw ni Arlis na abala sa paghahanap ng tuyong kahoy upang gamitin pangluto.

Agad na kaming bumaba ni Aaron. Umakbay pa nga siya sa akin habang panay pa rin ang kwento ng kung anu-ano. Pero kahit ganon, nakakaaliw pa rin siyang kasama. Iyon bang, para siyang isang kuya sa akin? Isang kuya na gagabay at poprotekta sayo.

Pagkababa namin mula sa malaking bato ay kaagad akong sinalubong ni Robin. Topless din siya at halatang nauna ng naligo dahil sa tumutulong tubig mula sa kaniyang katawan. Napakagwapo rin niya, maalaga, maaalahanin, at napakahot. Isa siya sa mga taong ayaw kong mawala sa buhay ko. Para ko na siyang kapatid, bestfriend, kaya kung may mamahalin man siya, di ko papayagang masaktan lang siya.

Bigla akong niyakap ni Robin na talaga namang nagpagulat sa akin. Nagtinginan din ang mga kasamahan namin at nagtapon ng nagtatakang sulyap.

"Ayy! Robin! Basa ka. Mamaya pa ako maliligo." basag ko na lang sa katahimikang namagitan sa aming lahat. Kitang kita ko rin ang pag-alis ni Arlis ng makita niyang nakayakap sa akin si Robin.

"Tara. Ligo na tayo. Ang sarap ng tubig. Tara na." pagpupumilit ni Robin habang hinihila ang kamay ko papuntang tubig.

"Mamaya pa ako. Ikaw na lang muna." sabi ko ngunit di niya pa rin ako tinitigilan.

"Ano ba Robin? Ayoko pa nga! Ayoko pa!" sigaw ko na tila naman nagpagulat sa kanya maging sakin din.

Agad nalungkot ang mukha ni Robin sabay bitaw sa kamay ko. Gusto ko mang humingi ng paumanhin ngunit pinapangunahan ako ng hiya. Agad itong naglakad patungong talon at doon ay ipinagpatuloy ang kaniyang pagligo. Hinayaan ko na lamang ang nangyari sa aming dalawa. Mamaya rin naman ay babalik na ang lahat sa dati. Magkakabati rin kami.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now