Night Owl Assassin 2

By silver_n_red

75.5K 1.6K 270

Cyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea... More

Night Owl Assassin 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 20

1.7K 36 4
By silver_n_red

Cyrus's POV

Hindi ko kayang makitang umiiyak sa harapan ko si Erika lalo na kung wala din naman akong magagawa para pakalmahin siya dahil kasama namin si Creed, kaya minarapat ko nalang na umalis ng hindi nagsasabi sa kanila.

Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan si Jagger at Trixie para ipaalam sa kanila ang nangyari sa amin at ang pagkakabaril kay James ng isa sa mga assassin na pumatay sa father niya.

"Kung hindi pala talaga hinila ni Skyblue si James para halikan ito ay diretsong sa puso niya tatama ang bala, Boss Ja------"

"Jagger. Don't call me boss, Cyrus. Para sa akin, lahat tayo ay boss ng secret agency natin. Anyway, ang swerte pala ni James kung ganoon? Dahil dalawang beses na niyang natakasan ang mga pumapatay sa kanya. Paniguradong mas matindi na ang galit ng taong nagpapapatay sa kanya ngayon, kaya malamang niyan ay mas lalong hindi niya tigilang hanapin si James para patayin ito."

"Tama ka, kaya kailangang mas higpitan pa ang pagbabantay sa kanya ngayon. Buti nalang din talaga ay bulletproof at malapit lang din kami sa sasakyan ko dahil kung hindi ay baka hindi lang si James ang nabaril sa amin."

"Yeah, baka nadamay pa si Erika kung sakali. How's my sister? Is she alright?" Nag-aalalang tanong ni Jagger sa akin.

"She's fine. Magkasama nga sila ng papa mo ngayon. At alam mo na ba na balak nilang umalis ng bansa kasama si James?"

"What? I don't know about that. Pero bakit daw?"

"Dahil siguro sa nangyari, lalo na nang muntik ng mahulog sa hagdan ang mama mo dahil hinimatay siya ng malaman nilang kasama ni James si Erika ng mabaril ito. Para na din siguro sa kaligtasan nilang lahat kaya gustong umalis ng bansa ng papa mo. Ang tanong eh kung sasama ka ba sa kanila?"

"I can't. I'm the boss now-----"

"Hey! Boss din naman ako ng secret agency natin kaya kung gusto mong sumama sa kanila okay lang sa akin, honey. Ako na ang bahala dito, basta panandalian lang naman yan diba?" Sabi ni Trixie.

"No! Kung nasaan ako dapat nandoon ka din, kaya kung aalis ako dapat kasama kita. Si dad na ang bahala sa kanila at tayo na ang bahala sa agency natin."

"Oh! I love you, honey." Trixie said and smiled before she kissed Jagger on his mouth.

"Fuck, guys!" Natatawang sabi ko ng maghalikan sila sa harapan ko. "I'm out of here." Sabi ko pa at didiretso na sana ako sa pintuan nang bumukas iyon at matigil sa paghahalikan ang dalawa.

"Dad! I thought Erika's with you?"

"I told her to wait in my car. I need to talk to Cyrus."

"What about?"

"Ano ang sinabi sa 'yo nung assassin bago mo siya pinatay?"

"Sinabi niya sa akin kung sino ang nag-utos na ipapatay ang father ni James at na gusto nitong patayin na din si James para mawala na ang kalaban nila sa business nila. Iyon lang din ang dahilan kung bakit sila ipinapapatay ng taong iyon."

"And you didn't told me about that a while ago, why?"

"Because I've decided to take care of it myself before I tell you anything about it. Ako na ang bahalang maghanap sa kanila para ang iisipin mo nalang ay ang pamilya mo, Creed."

"Very well, then. But no matter what, aalis parin kami ng pamilya ko ng bansa. Jagger-----"

"I'm not coming."

"I know, I just wanted to tell you to take care of yourself, too. Ayokong mababalitaan ko na nabaril ka na naman."

"Mag-iingat ako, dad, at sana ganoon din kayo lalo na si Erika at buntis pa naman siya. Pero dad, saang bansa kayo pupunta at hanggang kailan kayo doon?"

"I'm thinking of Italy. At yung tungkol naman sa hanggang kailan kami doon ay hindi ko alam. Actually, wala na sana akong balak pang bumalik dito dahil gusto kong ilayo si Erika sa lalaking nakabuntis sa kanya kung nandito man siya sa bansa."

What?! Hindi ko makikita ang paglaki ng anak ko?

Huh?

Shit!!! I didn't just thought that! Sinabi ko ng hindi ko sila matatanggap ni Erika at iyon ang dapat na mangyari!

"Hindi kayo uuwi kahit na napatay ko na ang may kagagawan nito sa father ni James at sa kanya na din?" Mahinang tanong ko kay Creed kahit na gusto ng magwala ng kalooban ko na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Yeah, that's my plan. I already talked to James and he agreed to come with us after his father's burial which is three days from now, at sa araw na iyon ay maaaring naghihilom na din ang sugat niya kaya maaari na siyang bumiyahe ng malayo. You think you can take care of the businessman who hired the assassins before the burial of his father?"

"I think so lalo na kung hindi naman siya nagtatago matapos mapatay ang father ni James. Kung nagtatago siya, maaaring matagalan ang paghahanap ko sa kanya kaya 'pag nagkaganoon nga ay uunahin ko nalang ang dalawa pang assassin na kasama ng pinatay ko lang kanina. Alam ko din kasi kung saang agency siya nanggaling. The one I killed was Hail and his two companions are Storm and Thunder."

"You sure about that?"

"If Hail was lying to me, I will still hunt those two guys and kill them before I search the real guys involved."

"Okay, do what you must. Aalis na ako at naghihintay sa akin si Erika sa labas. Ako na din ang magpapaalam kay Reid sa mga nangyari pati na din ang pag-alis namin ng bansa dahil baka gusto din nila ni Katarina na sumama na sa amin. Ikaw naman Jagger magpagaling ka dahil ayokong aalis nalang kami ay hindi ka pa rin maayos."

"Gwapo ako, dad, maayos na ako."

"Tss! Makaalis na nga din. Sige, Trixie, mag-ingat------di bale na nga lang, tulog na pala siya." Sabi ko ng makita kong nakapikit na ang mga mata niya habang nakayakap kay Jagger.

"She's tired at palagi din kasing kulang ang tulog niya lalo na gising kami kapag madaling-araw."

"What the fuck?! Don't tell me nakakaya mo pa siyang pagudin niyan sa lagay mong yan? Iba ka talaga, pre!" Natatawang sabi ko at pati si Creed ay natawa na din.

"Hahaha umalis na lang kayo kung ayaw ninyong mainggit." Sabi niya at ganoon na nga ang ginawa namin.

Pero saka ko lang din narealize na matagal ko na ngang hindi nagagawa iyon at si Erika na ang huling babaeng nakasama ko sa kama. Hindi ko akalain na tatagal din pala ako ng walang kasama gabi-gabi dahil nasanay na nga akong palaging kasama si Clover noon. And I must admit, since the day that something happened between me and Erika, mas madalas na siyang sumagi sa isip ko at parang gusto kong kasama siya palagi ng kaming dalawa lang. Nararamdaman ko din ang kasiyahang kay Clover ko lang naramdaman noon kapag nakikita ko ito. Kaya mas nararapat siguro na lumayo na nga siya at hindi na magbalik pa sa bansa.

Pero bakit ako nalulungkot? Bakit parang may bahagi ng utak ko na hindi gustong umalis siya at hindi na magbalik pa gaya ng gustong mangyari ni Creed? Bakit ngayon ay parang gusto ko nalang siyang itakas sa pamilya niya para hindi kami magkahiwalay? Bakit kung kailan ko naman sinabi sa kanya na lalayo na ako at hindi ko na siya guguluhin pa ay kabaligtaran naman noon ang gusto ko ng mangyari ngayon?

Bago pa man kami makalabas ni Creed ng hospital ay may sumalubong na sa amin na member din ng secret agency na gusto siyang makausap kaya nauna na akong lumabas sa kanya.

Didiretso na sana ako sa kotse ko na katabi lang ng sasakyan ni Creed nang makita ko si Erika na nakasakay doon habang diretsong nakatingin lang din sa akin.

Balak ko nalang sanang kumaway para magpaalam sa kanya dahil mukhang ito na ang huling magkikita pa kami matapos ang nangyari, at dahil na din sa nalalapit nilang pag-alis ng bansa nang maalala ko ang mga gamit niyang nasa loob pa pala ng sasakyan ko.

Kinuha ko ang lahat ng ipinamili niya sa sasakyan ko at dahan-dahang lumapit sa kinaroroon niya habang nakatingin kaming pareho sa isa't isa.

Nang makalapit ako sa sasakyan ni Creed ay ako na din ang nagbukas noon para iabot sa kanya ang mga gamit niya na kinuha naman niya sa akin bago niya iniiwas ang tingin niya sa akin.

Sinasabi na ng utak ko na umalis na ako sa lugar na iyon, pero ayaw namang makisama ng katawan ko at patuloy parin akong nakatitig lang kay Erika.

Hanggang sa hawakan ko na ang mukha niya para iharap siya sa akin na ginawa din naman niya.

"Erika." Sabi ko pero wala na akong maisip pang sasabihin sa kanya.

"Cyrus." Malungkot na sabi niya.

Bakit siya malungkot? At bakit parang ganoon din ang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa mukha niya?

Dahan-dahan akong yumuko papalapit sa kanya hanggang sa maramdaman ko nalang na dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya. Nakalapat lang ang mga labi namin sa isa't isa at walang kumikilos sa aming dalawa hanggang sa ako na ang lumayo sa kanya at bitawan ang mukha niya.

"I will miss you, Erika. Please, be safe." Narinig ko nalang ang sarili kong nagsalita na parang may sarili itong buhay kaya nagmamadali na akong naglakad pabalik sa sasakyan ko dahil ayoko ng may masabi pa ako sa kanya na pagsisisihan ko din sa bandang huli.

Pero bago pa man ako makapasok ng tuluyan sa kotse ko ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Gusto ko mang hindi na siya linguning muli ay ginawa ko parin para makita ko pa siya sa huling pagkakataon.

"I love you." Sabi niya sa akin habang tahimik siyang lumuluha.

At sa halip na sagutin ng kung ano man ang sinabi niya sa akin ay nagmadali pa akong isara ang sasakyan ko para umalis na sa lugar na iyon. At sa paglayo ko sa kanya ay nararamdaman kong parang unti-unting binibiyak ang puso ko na hindi ko naramdaman ng iwan ako ni Clover.

Pagdating ko sa hideout namin ay hindi ko maintindihan ang kakulangang naramdaman ko pagpasok ko palang sa loob ng bahay at kahit na makarating na ako sa kwarto ko.

Hindi din ako mapakali sa loob ng kwarto ko kaya naisipan ko nalang na lumabas nalang muli at pumunta sa Reckless bar.

Nang makarating naman ako doon ay halos titigan ko lang din ang mga alak na nasa harapan ko at titigan isa isa ang mga taong pumapasok sa Reckless bar.

What the fuck? And what the hell is happening to me?

___________________

Nagising ako kinabukasan na parang may hang-over kahit na wala naman akong ininom ni isa sa mga alak na inorder ko sa bar. Nagising ako na parang may kulang sa paligid ko at na parang may hinahanap ako, at hindi ko alam kung ano iyon. Kaya naisipan ko nalang na simulan ng hanapin si Dominic Balderama, ang businessman na nagpapatay sa ama ni James at pati na din ang tangkang pagpatay sa kanya.

I searched his name at the internet to find the name of his company dahil gusto kong simulang kilalanin si Balderama sa pamamagitan ng pagpunta sa kumpanya niya bago ko alamin ang personal niyang buhay. Dahil alam kong maliit ang tiyansang may makuha akong impormasyon kapag pumunta pa ako sa tinitirahan ng pamilya niya, dahil hindi lahat ng masasamang tao ay dinadala ang kasamaan nila sa loob ng bahay nila.

While searching Dominic Balderama's company ay hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang isang litrato niya na may kasamang halos kasing edad lang din niya na matandang lalaki at ang nasa likuran nila ay ang company mismo ni Balderama.

Nagulat ako sa nakita ko pero ang mas ikinagulat ko ay nang mabasa ko na ang kasama niya sa litrato ay ang lalaking matalik niyang kaibigan, at na kasama niya ito ng itayo ang kumpanyang pag-aari pala nilang dalawa.

Sa kalagitnaan ng pag-angat ng business nila ay saka naman naisipan ng kaibigan niya na ibenta ang shares nito para magtayo ng sarili niyang kumpanya. At ang lalaking ito ay walang iba kundi ang ama ni James, ang taong ipinapatay ni Balderama na si Francis Evangelista.

Pakiramdam siguro ni Balderama ay niloko siya ni Evangelista at na hindi niya ito mapatawad sa ginawa nitong pag-alis sa kumpanyang itinayo nilang dalawa at na ngayon ay mas malago na ang kumpanya ni Evangelista kaysa sa kumpanya ni Balderama kaya kahit na naging matalik silang magkaibigan ay nagawa parin niya itong ipapatay.

May bahagi ng utak ko na nagsasabing hindi ko kailangang patayin si Balderama at na kailangan ko lang siyang paaminin sa ginawa niyang pag-utos sa mga assassin para patayin si Evangelista.

Pero ang ipinagtataka ko ay bakit pareho sila ng klase ng business na itinayo? They're both manufacturers of an engine for larger vehicles like buses, trucks and trailers. But Evangelista was smart enough to make one, too, for fancy and small vehicles, at dahil doon ay mas tinatangkilik ng mga client ang business niya kaysa kay Balderama. And maybe, it's the reason why Balderama wants him dead.

At para malaman ko ang lahat ng tungkol doon ay kailangan kong makausap si Balderama ng harap-harapan. I will make him talk first before I decide of what I am going to do with him and because I know Creed wants to know the whole reason behind his friend's death.

Or maybe, I should find the two assassins first and kill them before they got a chance to hurt James again. Kahit na may mga nakabantay na sa kanya ngayon ay mas mabuti parin na mawala na ang threat sa buhay niya para hindi na siya muling mapahamak pa. Hindi din naman namin alam kung ititigil nila ang pagpatay kay James kahit na magawa kong makausap si Balderama tungkol doon.

All I have to do now is find Thunder and kill him before I go find Storm and do the same to her.

Continue Reading

You'll Also Like

14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
1M 23.7K 52
D E A T H S E R I E S I Nakaratay lang sa ospital ng ilang buwan. Paggising, nakaumbok na ang tiyan.
25.1M 628K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...