My Cold Beautiful Man

By Mrs_ZhangKZ

435 67 0

This is a sequel of His Cellphone Diary. Like HCD, this is also a story that is divided into two parts: The f... More

P R O L O G U E
C H A P T E R - T W O
C H A P T E R - T H R E E
C H A P T E R - F O U R
C H A P T E R - F I V E
C H A P T E R - S I X
C H A P T E R - S E V E N
C H A P T E R - E I G H T
C H A P T E R - N I N E
C H A P T E R - T E N
C H A P T E R - E L E V E N
C H A P T E R - T W E L V E
C H A P T E R - T H I R T E E N
C H A P T E R - F O U R T E E N
C H A P T E R - F I F T E E N
E P I L O G U E
Another Secrets
Another Secrets Chapter #1
Another Secrets Chapter #2
The Another Secrets Chapter #3
The Another Secrets Chapter #4

C H A P T E R - O N E

60 5 0
By Mrs_ZhangKZ

Neil's POV

Maybe this is not yet time to know me so much. I'm Neil... not nail but kneel! Ganyan ipronounce ang name ko. I'm in my new condo. Masyadong malaki ang mansion para sa iisang taong iniwan ng parents nya. Pero kahit ganun sinosoportahan pa rin nila ko. Ang laki kaya ng weekly allowance ko. Nasaan na nga kaya sila? Eh nasaan na din ba ang susi ng condo ko? Kanina ko pa hinahanap yun sa bag ko ah.

"Aray!" angal ko nang may bumangga sa akin. At ako pa talaga ang nadapa.

"Sorry." Sabi nya at naglakad ulit paalis. Nakahead set sya, naka leather jacket na black, nakashades. Ang astig ng porma nya lalakeng lalake pero ang boses parang babae, siguro hindi sya pinalad sa boses. May nararamdaman din akong iba sa aura nya. Parang iba. Tumayo na lang ulit ako. At ayun nakita ko na ang susi ng condo ko. Kung di pa ko nabunggo ng lalakeng yun di ko pa makikita.

Bago pa ko makapasok sa loob ng condo unit ko may nakita pa kong nag-uusap sa labas ng kabilang unit. Parang may pagtatalong nagaganap. Teka? Yung lalakeng nabangga ko yun kanina ha. Makinig kaya ako? Kunware di ko mahanap ang susi ko.

"Anong outfit yan?" sigaw nung kausap nya.

"Damit!" sagot nung lalakeng astig.

"Lumayas ka lang ng bahay nagbago ka na ng pananaw sa buhay!" nakita kong binuksan nung astig ang condo nya. Pumasok sila nung lalake. "Lumayas ka lang asfhjanefhoehalkvnk..." ano ba yan pumasok na sila sa loob. Yung kasama nya mukhang good boy, sya naman parang bad boy. Sino kaya yun.

Ayan nawawala nanaman yung susi ko. May narinig naman akong lumabas ng pinto sa unit nung lalake.

"So brat!" Narinig kong buntong hininga nung good boy pagkadaan nya sa akin. Asan na naman ba ang susi ko, nawala nanamn. Naramdaman ko namang tumigil yung lalake. "Bro, sa likod ng paa mo." Ngumiti pa sya nang lingunin ko sya. He seems familiar. Kinuha ko naman yung susi.

"Thanks!" sabi ko. Umalis na naman sya. They are really different! Sino kaya sila?

Nakalipas na ang summer vacation at magpapasukan nanaman. Grade 10 na ko. At papasok ako sa pinakamalapit na school sa condo na to, kaya nga ako lumipat sa condo na to kasi ang lapit lang sa school namin. Syempre tamad ako eh!

"Neil! Narinig mo na ba ang bagong policy sa school?" tanong sa akin ng kaklase kong fealing close.

"Nope!" sagot ko. Mag-eenroll pa lang naman kasi ako di ba?

"Bro! Wala na tayong uniform! Papasok daw kasi ang kambal na anak ng may ari ng school na to! At ayaw ng isa sa kanila na mag-uniform! Dahil sa wala ang parents nila, ayon sila ang nasunod." Daldal nya.

"Seriously?!"

"Actually narinig ko lang sa chismis. Hehehe! So what's up?" hinayaan ko na lang syang sumunod sa akin. At di ko na sya sinagot. "Ahmmm~ Balita ko babae lalake ang anak ng may-ari ng school. Chicks sana yung babae." Napangiti naman ako ng lihim, so new girl... new victim.

"Chismis again?" tanong ko. Ngumiti naman sya ng alanganin. I knew it he's not sure from everything. Lagi naman. I know him for 3 years. Since grade 7 magkasama na kami and mukhang until now. Sya lang ang natagal sa akin. Naalala ko naman tuloy ang dalawang lalakeng naging kabarkada ko nung bata pa ko, bukod dito kay Sky sila lang ang nakatagal sa ugali ko. Sa isip lang naman ako madaldal pero hindi ako palasalita. Yes, ang madaldal na to ay si Sky, ang tinuturing akong bestfriend kahit never ko naman syang kinausap ng ayos. Wala naman akong kinakausap ng tino. Girls lang ang kinakausap ko ng ayos, well I wouldn't deny, chickboy nga ko kung tawagin. Sila ang lumalapit sa akin, not me.

"Ahhh~ Neil, bakit Neil ang ginagamit mo? Di ba sabi mo dati hindi yun ang totoo mong pangalan?" Tanong nya. Napangiti naman ako nang maalala ko ang dahilan.

"Wala lang. Pero there's someone who hated my name kaya siguro hindi ko na din ginamit ang real name ko, saka may iba pang dahilan pero secret." sagot ko. Nakita ko namang mangiyak ngiyak si Sky.

"Bestfriend na nga ang turing mo sa akin! After 3 years na pagpipilit ko na magkaron ng sikat at kakaibang bestfriend na tulad mo, sa wakas! Ang haba ng sagot mo man with few words! Dahil ba sa pinaalala ko yung someone." I just smile for a bit at binilisan ang paglalakad papuntang cashier para magbayad ng tuition ko. "Isusulat ko to sa notepad ko para di ko makalimutan na bestfriend na tayo!" nakita ko pang kinuha nya ang tab nya. Makakalimutin talaga. "Wala ka bang itatanong sa akin" di na lang ako nagsalita. Kahit naman di ako magtanong magkwekwento pa rin sya eh tulad nung bakit 18 na sya Grade 10 pa lang sya, sabi nya 2 years syang naggrade 1 dahil hindi daw sya makapagbasa noon.

After ilang days pasukan na. At tulad ng inaasahan ko may meeting dahil sa pagdating ng kambal. Akala ko babae-lalake ang anak ng may-ari ng school na to na hanggang ngayon ay unknown pa rin kung sino, pareho palang lalake, hindi sila identical. At familiar sila pareho... Ahhh! Sila yung nag-aaway sa condo nung simula ng summer vacation. Magkapatid pala sila at total opposite. Si Rey at Rham Lee... weird names. Napansin ko lang na pareho silang mukhang babae.

"Kala ko bro babae lalake! Nga pala kaklase natin sila. Gusto kong kaibiganin yung cool. Mahilig talaga kong makipagkaibigan sa mga cold eh." Tiningnan ko naman sya ng masama. So cold ako? "Ahhh~ S-sabi ko cool." Tumingin na lang ulit ako sa stage at pinagmasdan ang magkapatid. Matanda ako ng months sa kanila. 17 na ko sila magseseventeen palang, it is base sa mga nalaman kong info galing kay Sky.

Mayamaya pinabalik na kami sa room and guess what. Katabi ko yung bad boy sa kanan, sa kaliwa ko naman si Sky at yung good boy katabi ng bad boy sa kanan.

Sky Me Rham Rey

Gets? Nang matapos ang paulit ulit na pagpapakilala. Lunch na din sa wakas! Nagtaka naman ako na nilagpasan ako ni Sky. Sinundan ko sya ng tingin.

"Hi! Ako si Sky!" inabot ni Sky ang kamay nya pero di pinansin yun ni Rham. Parang ang lakas ng tugtog sa headphone nya. "Ahhh~ Okay lang kung di ka na magpakilala, kilala na naman kita." Dahan dahang ibinaba naman ni Sky ang kamay nya. Nakita ko namang hinabol ni Rey ang kamay nya.

"Ako si Rey! Nice to meet you!" sabi nito. At nakipagshake hands kay Sky. Nang matapos ang pagpapakilala nya. Tumingin sya sa akin.

"Ahhh~ Sya nga pala si Neil! Bestfriend ko!" pagpapakilala sa akin ni Sky. Tumingin naman ng sandali si Rham.

"Hi Neil... wait! Key seeker?" napakunot naman ang noo ko. Napanganga naman si Sky. "Ako yung lalakeng tinuro yung susi sa likod ng paa mo. I'm Rey."

"Yeah~ Thanks." Sabi ko sa kanya.

"Magkakilala na pala kayo ni Rey." Sabi naman ni Sky.

"Nagkita na kameng tatlo." Sabi ko.

"Pati si Rham?" mangha ni Sky

"Oo. Magkatabi lang kasi ang condo unit nila ni Rham." Sagot ni Rey.

"Cool! Tara maglunch!" aya ni Sky. Agad namang tumayo si Rham. Tumayo na rin ako nakita ko namang nakasunod sa amin sina Sky at Rey.

"Pasensya na kay Neil sadyang man with few words sya." Bulong ni Sky na rinig ko naman.

"Sanay na ko! 16 years akong may kasamang kasing cold nya." Sagot ni Rey. Grabe! Parang wala ako dito ah.

Malayo ang agwat naming tatlo kay Rham. Ang bilis nyang maglakad. Nasa likod ko lang ang dalawa. Nakita ko naman ang sikat na gang ng school na to. Mukhang inaalok nila si Rham na sumali sa kanila. Tulad na lang nung inalok nila ako noon. Pero tinanggihan ko kaya binalikan nila ko, pagnatalo ko sila saka nila ko lulubayan pero pag nanalo sila sasama ko sa grupo nila. Sariwa pa sa akin ang ginawa nilang pandaraya last year may mga dala silang pamupok na kahoy at baseball bat buti na lang alam ni Sky na kakatagpuin ko sila kaya dumating ang mga tauhan ng parents ko at pinagbantaan ang gang nila. Ilang araw din ako sa ospital non. Malakas nga ang backer ko kaya kinatakutan nila ako. Kung pwede nga lang gumamit ng kapangyarihan nagamit ko na, kaso hindi pwede... it's impossible.

Tumigil ako sa paglalakad. Napatigil naman sa tabi ko ang dalawa. "Hindi ba sina Philip yun? Yan yung grupong bumugbog sayo last year ahhh! Loko ang gang na yun ah si Rham pa ang gustong isali!" maglalakad na sana si Sky para sumugod nang hawakan ko sya sa braso.

"Gusto mo bang ikaw ang mabugbog?" tanong ko sa kanya.

"Sino sila?" tanong ni Rey.

"Ako na!" Sabi ko at naunang maglakad para puntahan si Rham. Narinig ko pang kwinento ni Sky ang lahat kay Rey, lahat naman kinekwento nya.

"Hi Rham!" bati ni Philip. Sandali naman akong huminto at nangapa lang sa mga susunod na mangyayare. Derederetso lang na naglakad si Rham, nairita tuloy si Philip at biglang hinablot ang headphone ni Rham.

"Ibalik mo yan sa akin!" sigaw nya. Nakita kong napangiti si Philip at biglang inihagis ng malakas sa sahig ang headphone na hawak nya.

"Rham!" Narinig kong sigaw ni Rey. Napahakbang ako ng isa papalapit. Masyadong mabilis ang pangyayare nakatanggap ng isang malakas na suntok si Philip galing kay Rham dahilan ng pagbagsak nito. Agad namang hinawakan ng mga kagrupo ni Philip si Rham at di na nakapalag. Kahit gaano ka pa kalakas makakapalag ka ba sa anim na malalaking lalake? Kaya lumapit na ako.

"Bitawan nyo sya!" mahinahon pero tama naman ang lakas para marinig ni Philip. Nakatayo na sya.

"Bakit kami matatakot? Wala ka namang backer ngayon?" sabi ni Philip at lumapit sa akin. Agad naman akong nakaporma at nagkaron ng chance na atakihin si Philip. Hawak ko na ngayon ang leeg nya.

"Bitawan nyo si Rham o mamamatay to!" lahat naman nakatingin kay Philip.

"Di nya ko kayang patayin!" pagtawa naman ni Philip. Agad ko namang itinulak si Philip.

"Di nga kita kayang patayin... DITO!" sagot ko at hinawakan sya sa kwelyo at hinila... Nakita ko namang binitawan ng mga alagad nya si Rham at akmang susugod sa akin kaya inihagis ko sa kanila si Philip. Nasalo naman nila ito. Sandaling sinamaan ako ng tingin ni Philip.

"Humanda kayong dalawa sa akin." Sabi pa ni Philip at naglakad na paalis.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Rham na nakaupo na sa sahig at sinusubukang isalba ang nasira nyang headphone.

"Am... R-Rham... A-ayoth ka lang?" kinakabahan ba si Rey? Agad na napalingon si Rham kay Rey.

"Inaatake ka nanaman ng sakit mo. Ayos lang ako." Sabi ni Rham at tumayo. Mukhang babalik sya ng room namin. Sinundan ko sya ng tingin.

"Hindi sya pwedeng mag-isa lalo na ngayon." Sabi ko sa kanila.

"Ano ang sakit mo Rey? Kumalma ka na, tapos na yung gulo." Mahinahong pag-aalo ni Sky.

"P-panic attackths..." sabi nya. "T-thsuthsundan ko na thsi Rham." At nagsimula na syang maglakad.

"Interdental lisp?" bulong ko. May kilala rin akong may interdental lisp o ang /s/ nagiging /th/, pero iba ang lisp ni Rey, kada nagkakapanic attacks lang sya nalabas, yung kilala ko lahat ng salita nya may problema ang 's' sound.

"Ha? Tarang bumili ng lunch, dalhin na lang natin sa room." Alok ni Sky. Tumango na lang ako at umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

373K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...