Deciphered -=ViceRylle=-

Bởi iShare

138K 4.2K 806

How can they be together when they can't even change their reality? Xem Thêm

Deciphered -=ViceRylle=-
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 16

2.8K 144 40
Bởi iShare

Sinamahan ni Vice si Karylle sa guestroom. Nang gabi na 'yon hindi siya makatulog kaya lumabas na muna siya ng kwarto para magpaantok gamit ang ipad niya. Nagpunta siya sa sala at humiga sa sofa. Tingin lang sa twitter at youtube. Nag-check ng updates. Halos isang oras din ang lumipas nang makita niyang bumababa si Karylle sa hagdan. Bagong gising. Magulong tali ng buhok. Suot ang shorts at maluwag na white shirt ni Vice. Lumapit siya kay Vice nang hindi nagsasalita. Tinignan lang din siya ni Vice. Kinuha ni K ang ipad na hawak niya at pinatong ito sa center table. Humiga siya sa tabi ni Vice na patalikod.

Vice: *niyakap* Bakit ka nagising?

Hindi sumagot si Karylle. Sinilip siya ni Vice, nakita niya itong nakapikit. Niyakap na lang niya si Karylle habang ang isang kamay niya ay humawak sa isang kamay din ni K, finger-to-finger. Maya-maya pa ay bumitaw ng bahagya si K at kumilos paharap kay Vice.

Karylle: Bakit di mo ko tinatabihan matulog?

Vice: Katabi mo 'ko kanina.

Karylle: Wala ka pagkagising ko.

Vice: Hindi kasi ako makatulog pa.

Karylle: Di ka ba komportableng katabi ko?

Vice: Di naman. Grabe 'to. *niyakap si Karylle sa bewang* Siguro hindi pa lang din ako sanay na may katabing babae sa pagtulog.

Karylle: Nagkatabi na tayo dati ah. Sa beach. Sa Batangas.

Vice: Oo nga.

Karylle: Pero mula no'n twice mo na kong iniiwasang makatabi.

Vice: Huh? Anong twice?

Karylle: Una no'ng kasal ko dapat. Naaalala mo? Dapat tumabi ka na lang sa 'kin no'n pero kahit inaaya kita ayaw mo. Tapos ngayon.

Vice: *huminga ng malalim* K, babae ka kasi. At kahit bakla ako, naiilang ako makatabi sa pagtulog ang mga babae. Hindi dahil babae kayo, kung hindi dahil lalake pa rin ako. Yo'n lang.

Karylle: Mine *humawak sa dibdib ni Vice* hindi naman porket tatabihan mo 'ko sa pagtulog may gagawin na tayo. Hindi naman ako gano'n mag-isip.

Vice: Alam ko. *hawi ng buhok ni K* Iniingatan lang kita. *hinalikan si K sa noo*


Hindi na nagsalita si Karylle pero nakatingin siya na medyo weird sa isip ni Vice. Nakatitig siya sa mukha niya.


Vice: Hoy, K! Ano bang tinitignan mo sa mukha ko?

Karylle: Mine...

Vice: Ano?

Karylle: *hipo sa balbas ni Vice* Mine, tumutubo na ang balbas mo. May bigote ka na rin. Binata ka na! *hipo ulit sa maliliit na balbas ni Vice*

Vice: K!!! *nakikiliti* Tumigil ka nga! *tinataboy ang kamay ni Karylle*

Karylle: *humihipo pa rin sa balbas* Ang cute!!! Bagay kaya sa 'yo may ganito.

Vice: Sige na. Tumigil ka na. *nakikiliti talaga*

Karylle: *natatawa* Mine, pahipo lang naman eh.

Vice: *napapapikit kasi parang nakukuryente na 'yong buong katawan niya* Karylle!!! *naninigas na talaga sa sobrang pigil*

Karylle: Hahaha. Sige na. Sige na. Hihinto na 'ko. *hinalikan ng mabilis si Vice sa labi* Grabe nanggigil ako sa 'yo!

Vice: Mukha nga. *ang bilis ng tibok ng puso niya*


Tumayo muna si Vice at nagstretch. Inayos ang damit. Kinuha na rin niya ang ipad niya sa lamesa.


Vice: Tara na, Mine. *hinatak si K patayo* Matulog na tayo.

Karylle: Ayoko. Di mo naman ako tatabihan eh.

Vice: Mine...


Magkatinginan lang sila.


Vice: Magdamag na lang tayong di matutulog? May trabaho pa tayo.

Karylle: Tabihan mo na kasi ako.

Vice: Hay, ang kulit!

Karylle: *lumapit kay Vice* Wala tayong gagawin. Matutulog lang tayo. Kung gusto mo may pillow pa in-between natin. Gusto ko lang nasa tabi kita.

Vice: Sa guestroom?

Karylle: Sa guestroom.

Vice: *napauntong hininga na lang* Sige na. Wala na ring pillow in-between. Pampasikip lang 'yon.

Karylle: *napangiti ng malaki* Totoo?

Vice: Totoo. So, okay ka na?


Tumango na lang si Karylle.

Hinatak na siya ni Vice paakyat sa kwarto. Pagpasok nila sa guestroom, pinahiga na muna ni Vice ang girlfriend niya sa kama tapos ay pinatay na niya ang ilaw at ni-lock ang pinto. Tumabi siya kay Karylle at niyakap ito. Hindi sobrang dumikit si K para hindi mailang si Vice.


Vice: Goodnight, K.

Karylle: Goodnight. Wala na lang kiss ha so you won't feel uncomfortable.

Vice: Okay. I love you.

Karylle: I love you.


...


Kinaumagahan. Maaga namang nagising si Karylle kaya maaga siyang nakaligo at nakapagbihis. Tulog pa noon si Vice. Nang medyo late na at saka na lang nagkaroon ng lakas ng loob si K na gisingin ang boyfriend niya. Medyo seryoso ang aura ni Vice 'pag bagong gising. Hindi ito masyadong nagsasalita. Habang naliligo ito, bumaba muna si K para kumain dahil sobrang gutom na talaga siya. Maya-maya, bumaba na si Vice. Walang make-up. Naka-messy style ang buhok. Wearing Jeans. Black printed shirt and white nike shoes. Lumapit siya kay Karylle at hinalikan ito sa noo. Uminom lang siya ng juice. Tapos naglakad na siya palayo.


Karylle: Vice, hindi ka ba kakain?

Vice: Wala pa 'kong gana.

Karylle: Wala ka pang kinakain.

Vice: Mamaya na lang.

Karylle: Vicey...

Vice: K... hindi talaga ko kumakain ng almusal.

Karylle: Ayoko ng gano'n kasi... masama 'yon.

Vice: Sige na kumain ka na diyan.

Karylle: Mine...

Vice: K, seryoso... okay lang ako. *umupo na sa sofa*

Karylle: Kapag hindi ka kumain, mag-aaway tayo.

Vice: Karylle, kahit magalit ka pa. Wala talaga akong gana.


Tumalikod na si K at hindi na kinausap si Vice. Tumitingin si Vice sa cellphone niya hanggang sa mapansin niyang hindi na siya kinakausap ni K. Lumapit na lang siya ulit sa dining.


Vice: Galit ka na nga?


Hindi pa rin nagsalita si Karylle.


Vice: Sige na kakain na 'ko.


Sa umpisa hindi pa rin umiimik si Karylle pero di naman nagtagal, nakipagkwentuhan na rin siya kay Vice.

Habang nasa sasakyan silang dalawa seryoso namang kinausap ni Vice si Karylle sa mga bagay tungkol sa setup nilang dalawa.


Vice: K...

Karylle: Hmm?

Vice: Pwede ba 'kong maging open sa 'yo?

Karylle: Vice, no'ng last time na naging open o honest ka sa 'kin, nakipaghiwalay ka.

Vice: *natawa* Na-trauma ka? Wala akong planong makipagbreak.

Karylle: Tungkol sa'n ba 'yan?

Vice: *hinawakan ang kamay ni K* Hindi pa kasi ako sanay sa pakikipag-girlfriend. Alam mo naman 'yon di ba? Medyo bago sa akin 'tong ganitong relationship natin. I just want you to give me more time to adapt to changes sa buhay natin. Medyo nahihirapan pa kasi ako.

Karylle: May nagawa ba 'ko?

Vice: Wala... Wala. Kaya lang tulad kagabi, naninibago pa 'ko na kasama kita sa bahay ko tapos katabi pa kitang matulog. Medyo naiilang pa kasi talaga ako. Tapos kanina, sa pagkain... Mine, medyo may sarili kasi akong oras sa pagkain.

Karylle: I'm sorry... gusto lang talaga kitang kasama sa pagtulog at alam ko hindi ka kumakain sa tamang oras. Kaya gusto ko sana baguhin mo 'yong bad habit mo na 'yon.

Vice: Alam ko. Naappreciate ko 'yon. *hinalikan ang kamay ni K* Kaya humihingi lang ako ng time para mag-adjust. Submissive naman ako sa lahat ng jowa ko, kasama ka na do'n. Mahal kita kaya hindi kita mahindian. Please give me time. For sure, darating din 'yong araw na ako na mismo ang sasabay sa 'yo kumain at mag-aayang matulog katabi ka.

Karylle: Sige. Walang problema.

Vice: Totoo yan ha. Walang tampo?

Karylle: Wala.

Vice: Thank you. *hinalikan ulit si K sa noo*

Karylle: Pwede mo naman gawin lahat ng gusto mo. Okay lang. Mahal kita ha. And I sincerely care for you.

Vice: Alam ko. At nagpapasalamat ako para do'n. Ikaw din. Kung may gusto kang gawin, sabihan mo lang ako, hindi kita pagbabawalan. Unless syempre kung sa tingin ko di na okay para sa 'yo 'yon, di kita papayagan. Malaya kang magdecide para sa sarili mo.

Karylle: You sound like a real boyfriend.

Vice: Boyfriend mo nga ako.


Medyo natawa na lang si K kasi nakakapanibago pakinggan si Vice na magsabi ng ganoon.

Pagkarating nila sa studio, niloko sila nina Jugs at Billy dahil sabay silang pumasok. Natatawa nalang si Karylle. Si Vice naman nakikipag-asaran na rin sa dalawa. Nag-ayos lang sila hanggang sa magsimula ang Showtime.

Kinahapunan noon pagkatapos ng kanilang trabaho, nag-aya si Anne, Teddy at Eruption na magpunta ng mall. Nang malaman ni Jhong at Ryan 'yon, sumama na rin sila kasama ang Vicerylle. Magkahawak-kamay sina Vice at Karylle habang naglalakad. Minsan naman naghihiwalay sila dahil sumasama si Vice kina Teddy at si K naman sumasabay kay Anne. Kumain sila. Nanlibre sa araw na 'yon si Anne. Naisipan din bumili ng customized mugs nina Vice at Karylle. Magpartner na white mugs pero sa loob dark red, kung saan 'yong shape ng bawat mug ay heart shape, tapos kapag pinagdikit mo ay mabubuo ang drawing ng animated na Vice at Karylle na magkikiss.

Pagkauwi nila sa bahay ni Karylle, naexcite si Vice na gamitin ang mugs kaya nagtimpla ito ng coffee at tea naman para kay Karylle. Hawak nila ang kanya-kanyang mug at pinagdikit tapos kinuhanan ito ng picture ni Vice kasama ang mga kamay nila at pinost ito sa instagram with a caption: "You are the best thing that ever happened to me. 😍 😘❤️‍"


to be continued...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

3.7K 220 45
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
3K 210 7
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
355K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys