The Martyr Girlfriend

By danchan07

205K 2.3K 363

The Martyr Girlfriend Si Ash, isang typical girl na ibinigay ang lahat ng pag-ibig para sa lalaking kanyang k... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 The Intro
CHAPTER 2 Text Messages
CHAPTER 3 Tipsy
CHAPTER 4 Worried Face
CHAPTER 5 Choco Moist
CHAPTER 6 Questions and Doubts
CHAPTER 7 Waiting in Vain
CHAPTER 8 The Past
CHAPTER 9 The Other POV
CHAPTER 10 The Rumor
CHAPTER 11 Unsuccessful Report
CHAPTER 12 Elexis
CHAPTER 13 The Truth Hurts
CHAPTER 14 Hindi Ko Kaya
CHAPTER 15 The Talk
CHAPTER 16 Josette's Story
CHAPTER 17 The Moving On Brigade
CHAPTER 18 The Moving On Partner
CHAPTER 19 The Martyr GF, Martyr BFF and the Martyr Boy...err, Boy na Friend XD
CHAPTER 20 His Regret
CHAPTER 21 Grey's Anatomy
CHAPTER 22 1251
CHAPTER 23 The Party
CHAPTER 24 The Dance
CHAPTER 25 The Comeback
CHAPTER 26 Elexis' Side of Story
CHAPTER 27 Grey's Efforts
CHAPTER 28 Sembreak
CHAPTER 30 Grey's Efforts Ver. 2.0
CHAPTER 31 Swirming Feelings [Josette x Sky]
CHAPTER 32 The Everything
CHAPTER 33 The Part-Time Girl ♥
CHAPTER 34 Her Flashback
CHAPTER 35 Sky and Josette ♥
CHAPTER 36 The Martyr

CHAPTER 29 Sembreak Ver. 2.0

3.2K 42 20
By danchan07

“Sir, saan po ito ilalagay?” tanong sa akin nang waiter na may hawak-hawak na iba’t-ibang kulay nang scented candles, may maliliit , may malalaki. “Ikalat mo lang sa paligid pero huwag mo masyadong ilayo sa table…” ang sagot ko dito. Dapit-hapon na at abalang-abala ako sa paghahanda nang surprise dinner namin ni Azmaria. Todo effort ang kuya ninyo, hindi pa man ako magpopropose pero hihingiin ko na ang kanyang kamay para ligawan. Oo, hindi nga proposal itong gagawin ko! Atat? Atat? Kundi isang mini dinner para maibalik na ang loob sa akin ng babaeng pinagsisisihan kong iwanan. Akala ninyo ba pumayag na iyon na ligawan ko siya ulit?! Hindi no?!! Nahawa na ata kay Josette iyon nang katarayan eh, kung alam ninyo lang. Basta, wish me luck!

“Grey!” biglang tawag sa akin ni Grace at nagtataka itong lumapit sa akin. “What are all this?” diretsahang tanong niya sa akin.

“A dinner date, a surprise dinner date.” I’m really confident nang sagutin ko ang kanyang tanong. Bakas naman sa mukha ni Grace ang pagkabigla.

“Don’t worry nagpaalam ako kay Angelie and she approved kaya huwag kang magbalak na ispoil ang surprise ko kay Ash kung hindi gigilitan ko nang buhay si Clifford!” pabiro kong explanation kay Grace bago pa siya magratrat sa akin nang mga tanong.

Napasmirk lang ito at halatang natatawa sa ibinanta ko sa kanya. Napangiti siya at masaya niyang pinat ang balikat ko, “I hope it turned out well, Grey. At sana naman seryosohan na talaga iyan? To the highest level na talaga? Wala nang gagohan?” bulalas nito na ikinabigla ko rin. Akala ko she will scold me for this insanely deed at sa takot niya na magilitan ko ang BF niya pero instead ichineer niya pa ako.

“Thanks, Grace…” mahinahon kong sagot sa kanya, naoverwhelmed naman ako. Mas lalo tuloy akong ginanahan sa paghahanda. This is it?!! Kailangang mapahanga ko si Ash sa ginawa kong ito na to the point na she will have to cry! Tears of joy naman, kayo naman oh?! Defensive agad?

Nakaset ang surprise dinner date ko sa beach since she really like the ocean. Mabuti na lang at nakikiayon ang panahon at hindi maulap or uulan. May Japanese table sa gitna nang isang picnic mat sa buhanginan  tapos sa palibot nito ay iba’t-ibang scented candles to light the night. Oh di ba? Anong say ninyo? Nagpahanap pa ako nang mga starfish para gawing mga design at magcompliment sa theme nang dinner namin beside the ocean. Hahahahah, imaginin ninyo na lang ang hirap magdescribe eh. XD

At long last, natapos na ang preparation at tanging ang move ko na lang ang kulang. Tityempuhan ko siya sa night swimming namin mamaya. I know by now nagpiprepare narin sila para maligo. “Okay na ba ang music para mamaya?” tanong ko sa waiter na nag-aayos nang sound system. “Opo, sir…” Yes! Mukhang okay na ang lahat… :D

Kaya mo ito Grey, relax… hindi ka pa naman magpopropose kaya huwag kang kabahan. Ikaw na iyan?! Arrrrrrgh, pero kinakabahan ako hahahahaha. Ano ka ba para ka lang nag-iinject ng gamot sa ugat nang pasyente! ‘Yun na nga eh! Para akong magtuturok nang gamot sa pasyente for the first time! Nakakakaba!!!!

Gahd. Kinakausap ko ang aking sarili hayyyy, I hope it turned out well.

Dali-dali akong pumunta sa pool side, wala pa sila Ash marahil ay nahihiya pang lumabas ang mga iyon dahil required silang magswimsuit sa resort hahahahaha. Nakita kong nandidito narin ang iba. Kung tatanungin ninyo ako, ilang parin ako kina Erwan at Sky pero siyempre kung hindi naman nila ako ginugulo ngayon dito, hindi ko rin sila guguluhin. Sadyang wala na lang pakialamanan.

“Oh Grey? Bakit hindi ka mapakali?” ang tanong sa akin ni Clifford nang makita niya ako. May hawak-hawak na naman itong pagkain. “Ha?! Hindi naman ah? May iniisip lang…” sagot ko kay Clifford at kumagat sa hawak-hawak niyang sandwich. “Hoy! Kumuha ka nang sa iyo?! Problema neto…” reklamo naman niya. Mukhang si Grace lang ang nakakaalam nang plinano ko at wala pa itong pinagsasabihang iba maski sa lalaking ito na katabi ko ngayon.

Please God! Let this dinner turn out great. Kinakabahan talaga ako.

Teletha’s POV

OH MY FREAKING GAHD. Pagkaharap na pagkaharap ko sa salamin napatakip agad ako nang bibig. I wouldn’t say na maganda ang hubog nang katawan ko sa suot kong swimsuit pero hindi ko rin masasabing pangit ito. Sadyang tamang-tama lang. But then, hindi parin ako makapaniwala na nagsuot ako nang ganito ka-daring na swimsuit, courtesy of best.

“I told you, bagay sa iyo iyan…” puri ni Josette sa akin mula sa likuran. Inaayos niya rin ang pagkakasuot niya nang swimsuit niya. “Huwag kang mabigla loka, tama lang kasi nagcocompliment iyan sa kulay mo ngayon…” dagdag nito.

“Pers taym kasi itey antey…” sagot ko sa kanya, napatawa lang ito. Alam niyang inaatake ako nang pagkaignorante sa mga bagay-bagay at pagkaexaggerated. Namumula ako ngayon dahil sa nabilad ako kanina sa araw kaya naman hindi namin maitanggi ni best na nanognog kami.

Best wore a halter black bikini top tapos bikini na match naman sa kanyang bra, nagsuot siya nang see-through na blouse to compliment her outfit. Ako naman, aaaaaahhhhh……. …

Hindi parin ako makapaniwala sa suot ko ngayon. OH EM JI! Tapos napatakip ako nang dibdib. Tinaasan lang ako nang kilay ni best. “Ano ka ba?! Wala namang masisilip diyan kung wala kang papayagang sumilip diyan nu?!” react ni best. Napafrown ako, tama nga naman siya. “Conscious eh…” dagdag nito.

EF ETCH EHM. Siyempre hindi ko naman madadaig iyong mga nagpopost sa mga men’s mag, kumpara sa kanila, palito lang ako nang posporo sunog pa. “Tama na nga iyan best labas na tayo hahaha…” tinawanan ako ni Josette dahil alam kong nakikita niya sa mukha ko ngayon ang sobrang pagkahiya!

“Here goes nothing…” bulong ko sa sarili ko. Bakit ba ako kinakabahan sa suot ko ngayon? Dapat nga maging confident ako di ba?! Be proud! Sa bestfriend ko ito hahahaha.

Patiptoed akong lumabas sa kwarto, nakita ko naman na naghihintay sa akin si best sa hallway. Maganda talaga ang katawan ni Josette, iyon lang ang masasabi ko. Oo nga pala, nakastriped naman ako na black and white bikini, pakiramdam ko mamaya-maya lang ay kakalas na ang tali sa likod nito. Tama na ang description, nahaharass ako huhuhu. Ano daw?

Nang makarating kami sa pool, namangha kami ni best sa ganda. Eventhough gabi na, makikita mo parin ang buong pool dahil sa mga ilaw nito sa ilalim. Hindi lang iyon, dahil ang gaganda rin nang mga kasama namin sa kani-kanilang mga swimwear! Hinanap ko agad si Grey dahil magpapasalamat ako rito pero hindi ko siya nakita, sabi sa akin ni Clifford nasa men’s shower room daw kaya naman hindi na ako nag-abalang hanapin pa  siya.

“Ash?! Josette?!!!” bati sa amin nila Steph at May na nakaupo sa may gilid nang pool at nagtatampisaw sa malamig na tubig nito. Para lang silang mga sirena sa ganda sa ilalim nang liwanag nang buwan hahaha.

“Wow! Ang gaganda ninyo ah?!” puri ni Steph sa amin, Inirapan lang namin siya kunwari pademure kami hahahaha. “Ikaw kaya diyan ang maganda…” balik kong papuri naman sa prinsesa nang swimming pool hahahaha.

Sabay kaming naupo ni Josette sa gilid nang pool. Nagtatawanan pa kami habang nag-aasaran sa suot na mga swimsuit. Siyempre ako naman ang pinaulanan nila nang pang-aasar. Nasa kabilang side sina Angelie, Kristine at ang kanilang mga boyfriend, mukhang nagmomoment ang sarap lang picturan.

Napalingon ako at nagulat nang makitang nakasunod lang pala sa amin dumating sina Sky at ang kasama nito na si Gizelle na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso na parang higad. “Oh Sky?!!! Hi Gizelle!!!” bati ko nang lumapit sila sa amin. Napalingon din si best tapos inisnob lang ang dalawa. “Hello Ash!!” bati naman sa akin pabalik ni Gizelle.

Nakita ko kung paano nagbago ang expression nang mukha ni Sky. Mukhang nabanas ito sa inasal ni best. Hinablot niya ang braso niya mula kay Gizelle at sabay na nagwalk-out palabas nang poolside. Ikinataka naman namin ang nangyari.

“Anong problema niya?” parang nasaktang tanong ni Gizelle dahil napahawak ito sa wrist niya na hinugot ni Sky para tanggalin ang braso niya. Pero mas lalo kong ikinagulat ang pagtayo ni best at nagmamadaling sinundan si Sky nang walang pasabi. Tangka namang susunod si Gizelle pero pinigilan ko ito. Hindi ito ang tamang oras para sundan niya si Sky. For some reasons, alam kong may tinatago ang dalawang ito at marahil nagseselos si Josette sa babaeng higad. Nag-aalala ako para sa kanilang dalawa.

~

“Ash?!!!” out of nowhere tinawag ako ni Grey. Nakababad ako sa bandang 5 ft nang pool ngayon, sorry naman dahil ako ang sirenang hindi marunong lumangoy. “Woi, tinatawag ka nang irog mo…” sabi naman ni Kristine na nalangoy sa gilid ko. Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses at sumesenyas ito na umahon raw ako. Ikinamula ko naman ang pag-aaya niya. Sadyang mapagbiro ang imagination ko at ang unang lumabas sa isipan ko ay ang pag-ahon ko sa pool na nakaslow motion at hot and seductive habang papalapit sa kanya. Nasuka ako sa ideyang iyon.

Kaya naman pasimple lang akong umakyat nang hagdan at lumapit sa kanya nang basa. Nakanganga ito habang nakatingin sa akin. Natatawa tuloy ako sa itsura niya, parang nakakita nang kung ano. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay tumayo na ito at inabutan ako nang bathrobe.

“Magtuwalya ka! Magtuwalya ka…” nagpapanic nitong sabi sa akin habang inaabot ang bathrobe. Hindi niya magawang tumingin sa akin kaya naman inililihis niya ang kanyang mga tingin sa labas. Sa hindi ko malamang dahilan, tinanggap ko naman ang bathrobe at isinuot ito nang dahan-dahan.

“Sh*t..” ang narinig kong bulong niya. Hindi parin ito tumitingin sa akin. “Kailan ka pa natutong magsuot nang ganyan?” tanong sa akin ni Grey, hinarap niya na ako nang makita niyang nakasuot na ako nang bathrobe. “Gahd, you’re damn hot…” namumula nitong bulong pero narinig ko naman. Ikinamula ko ang sinabi niya at tahimik lang na napayuko.

“Bakit mo ako tinawag, Grey?” tanong ko sa kanya. Nakatingin parin ito sa akin pero parang nawawala ito sa sarili niya dahil pati ang itinanong ko ang tagal niyang sagutin. It took seconds bago pa siya sumagot.

“Ash, don’t ever wear that bikini again nang wala ako..” simula niya, ikinakunot naman nang noo ko ang narinig niya. “Bakit? Hindi ba maganda? Katawa-tawa ba?” balik kong tanong sa kanya. “No, it’s not like that! It’s just that….” And then, he trailed off…

Hindi niya magawang sabihin ang gusto niyang sabihin sa akin. Marahil ay ikagagalit ko ito. “Anyway, Ash…. Uhm…” dagdag niya.

Ano ba talaga, Grey? Bakit ka nagkakaganyan?

“Speak. Gusto ko pa sanang magswimming…” sagot ko sa kanya. Maybe a little cruelty won’t hurt him. “No, wait! Ahm, I wanna let you see something…” seryosong sabi nito. He looked nervous at pinagpapawisan talaga ito. He’s giving effort para mahold ako sa kanya bago pa tuluyang magmade up ako nang mind at maligo na lang ulit.

“See something? Like what?” curious kong tanong sa kanya. Naririnig kong nag-aasaran ang iba sa pool at masayang nagwrewrestle sa tubig kasama nang kani-kanilang hagikhikan. Samantalang ako, nandito sa tabi at pinipilit na sumama sa kanya para pakitaan lang nang kung ano.

“Please, baby please?” tapos lumuhod ito sa harap ko, nagmamakaawa. Oh gahd. Pangalawa na siya sa lalaking lumuluhod sa harapan ko. “Ano ka ba, Grey?! Tumayo ka na diyan okay?! Basta make sure na interesting iyang ipapakita mo sa akin kundi ipapakain ko iyan sa iyo nang buhay!” tapos tinulungan ko na siyang makatayo. Nakahinga ito nang maluwag nang pumayag akong sumama sa kanya.

He would try to hug me pero napaatras ako. “No hugs, no hugs…” para lang akong sira na nagwagayway nang kamay sa harapan niya. “I understand, maybe mamaya pwede na?” makulit nitong sagot sa akin. “No!” sigaw ko naman dito. “Okay, okay… wala na, happy?”pang-asar naman ni Grey na sagot.

Alam ko hindi na uso ang blindfold sa mga surprises na ganito. Pero pakiramdam ko para akong nabulag nang makita ko kung gaano kaganda ang surprise na gustong ipakita sa akin ni Grey. Ako naman ngayon ata ang napanganga sa ginawa niya. Napatakip ako nang bibig sa gulat. Hindi ko inaasahan na gagawa siya nang pakulo ngayon, dito mismo sa resort, sa mismong beach!

“Do you like it?” tanong nito sa akin. Hindi ko magawang magsalita at ipaalam sa kanya ang labis na kaligayahan na nararamdaman ko ngayon. Pinipigilan kong maluha at pakiramdam ko nanglalambot na ang aking puso. Bakit sa sandaling panahon ang bilis kong makalimot? Bakit sa sandaling panahon ang bilis niya akong maibalik? Bakit sa sandaling panahon napatibok na naman niya ang puso ko? Bakit sa sandaling panahon…..

Mahal ko na naman siya….

Napatango lang ako sa tanong niya. Parang may iaalay lang sila sa dami nang kandilang nakapalibot sa diner set na nakapatong sa isang picnic mat. Orasyon ba ito? Ako na ba ang ‘the chosen one’? ang iaalay na birhen? Anong kulto ba nabibilang si Grey? Bakit may ganito? Hahahahahha. Char. Candles make the dinner more romantic, ika nga… kaya naman hindi ko mapigilang kiligin nang marating namin ang kinaroroonan nang diner set.

“Grey…” tanging pagtawag lang sa pangalan niya ang kaya kong sambitin. Nagsisiliparan na ang mga paru-paro sa tiyan ko kaya naman parang lilipad narin ang kaluluwa ko sa sobrang kilig.

Nakangiti ito habang inaalalayan akong umupo sa picnic mat. I like the setting!!!! Hindi lang iyong setting, iyong picnic mat, iyong pagkajapanese style! At OMG! Mga starfish! Mga totoong starfish?!!!! Gahd. It’s Patrick star!! Nag-effort pa siyang kumuha nang mga ito?! Pati iyong candles na nagfiflicker sa dilim. OMG! Super romantic! I really like it!... No, wait, hindi. I really really love it!

Lalo na ang taong nasa harapan ko ngayon. After all the things na nangyari, I still couldn’t hate him at all…

Tapos ganito pa ang ginawa niya…

“Just want to do the things na hindi ko man lang nagawa noong tayo pa…” panimula ni Grey. May background music na piniplay mula sa sound system na hindi naman kalayuan sa amin. “I hope you like it, first time ko gumawa nang ganitong surprise…” paliwanag nito sa akin.

Napipi ata ako, bakit ayaw lumabas nang mga salita sa bibig ko gayong gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano ko naaappreciate ang ginawa niyang ito. Kanina nabulag, ngayon napipi, mamaya bingi na tapos pilay pa. OMG! Nakakadisable naman pala itong si Grey!

Ngumiti lang ako, hindi ko talaga matago ang kilig. Tapos pinipigil ko pang tumulo ang aking mga luha. Diyahe naman kasi, bakit ba napakababaw nang mga luha ko?!

Maya-maya may waiter na lumapit sa kanya, daladala nito ang isang bouquet nang roses. Kinuha niya ito sa waiter at marahang tumayo para iabot ito sa akin. “Roses for my only one,now, you’re really my only ONE.” Inemphasize niya iyong word na ‘ONE’ to let me know na ako na lang talaga ang mahal niya. Nakangiti ko namang tinanggap ang bouquet mula sa kanya. Fresh flowers at mukhang bagong pitas lang ito dahil napakabango pa nila. Siya nga pala, white roses ang ibinigay niya sa akin, tainted lang nang color blue since favorite ko nga ang kulay blue. “Thank you…” mahina kong response dito, nahihiya pa talaga ako.

Napatawa naman si Grey. “Ehehe, ang awkward ba? Ang tahimik mo eh…” sabi niya. Kahit may mellow na background music, naririnig ko parin ang hampas nang mga alon sa dalampasigan at nararamdaman ang mahinang ihip nang hangin mula rito.

“Hindi lang ako makapaniwala…” Atlast! May nasabi rin ako. Kinakabahan pa ako habang sinasambit ito.

“Ha? Hindi ka makapaniwala, saan?” balik tanong nito. Napapout ako nang labi dahil umaaktong nagmamaang-maangan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Alam ko naman na alam niya ang ibig kong sabihin sa mga sinambit ko.

“Biro lang, ikaw naman oh! Huwag ka ngang magpout nang ganyan! Ikikiss kita, sige ka…” panunukso nito kaya naman inilipat ko sa ngiti ang expression nang mukha ko. “Ganyan?! Ganyan dapat…” pabiro nitong pang-aasar sa akin. “ I really love your smile..” seryoso nitong dagdag.

OMG! Nasaan na ba sina Josette o kaya naman si Sky? Please naman oh, iligtas ninyo na ako dito, anytime matsutsugi na ako dahil sa pagpapalpitate nang puso ko…

“No longer by now, nandiyan na ang dinner natin..” nakangiting sabi ni Grey. Mukhang Japanese foods ang aming kakainin dahil sa itsura palang nang mga platong nakalagay sa table ay pangjapanese na! may bamboo chopsticks pa sa may gilid.

“Okay, hindi pa naman ako gutom..” ang nasabi ko naman para may masabi lang.

Tumayo ito na ikinataka ko naman. May kung ano siyang kinuha mula sa tent nang sound system sa unahan. Isang gitara! Mukhang manghaharana ito?!!!! Gahd. 50 bps, 60 bps, 70 bps, 110 bps, 120 bps!!!!! AHHHHHHHHHHH!!!!!

Papalapit na siya sa akin at nang makabalik siya sa kinaroroonan ko, pakiramdam ko sasabog na ako. Alam kong namumula na ako sa sobrang kilig at hiya na rin at the same time. Ngumiti ulit si Grey, sh*t pwede ba huwag ka nang ngumiti dahil hindi ko na kakayanin pa ito.

“I’m gonna sing a song to you for a while habang hinihintay natin maserve ang pagkain…” paliwanag ni Grey. Tumango lang ako, hindi ko kayang magsalita pa dahil baka malaman niya kung gaano niya ako napapakilig ngayon.

“Sh*t kinakabahan ako.” Bigla niyang sabi. What?!!!! Kinakabahan siya?!!! Tapos dumukot siya nang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan niya ang kanyang pinagpapawisang noo.

Napaupo na ito, nakaindian-sit siya habang hawak-hawak niya ang gitara. Hinahanda na nito ang kanyang sarili sa pagkanta. Maya-maya lang tumugtog na ito at nagstrum nang intro…

Napakaganda nang intro….

Tapos halos matunaw ako sa mga tingin niya habang sinisimulan niya ang pagkanta.

~ Bucket full of tears

Baby, know I'm here…

I'm here waiting…

Close your precious eyes

And just realize…

I'm still fighting…

For you to be with me…

And sit under this tree…

We can watch the sunrise

We can watch the sunrise

Wake up feel the air that I'm breathing…

I can't explain this feeling that I'm feeling…

I won't go another day without you…~

Ramdam na ramdam niya ang bawat lyrics nang kanta kaya naman may buhay ang musikang itinutogtog niya. Nakikita kong masaya siya tapos may nararamdamang pait habang umaawit ito. Alam kong he’s swirming again in the memories that we have shared when we were still together. Nakatingin lang ako sa kanya, after all of what we have been through…

Can we able to make it? Can we able to do it again? Can we still be together? Pagod na ako di ba? Pagod na akong magmahal pero why does it feel like we’re seeing the sunrise again? Another chance, another start….

~I know it feels like no one's around

But baby, you're wrong

Just get rid of the fear

Promise that I'm here…

I'll never be gone…

So baby come with me

And we can fly away and we can watch the stars shine

And baby you can be my love, oohhhh... ~

Hindi ko namalayan na dumadaloy na pala ang maiinit na likido sa aking mga pisngi. I was so overwhelmed by how the song pierced through my heart. At alam kong saktong-sakto lang ito sa amin ni Grey. He was hoping to be with me again…

Napangiti sa akin si Grey at alam kong maging siya ay natatamaan din sa kantang kanyang inaawit.

~Wake up feel the air that I'm breathing

I can't explain this feeling that I'm feeling

I won't go another day without you

Without you

Hold on I promise it gets brighter

When it rains I'll hold you even tighter

I won't go another day without you

Without you

This is me tonight

There's no more games and no more lies

And I know it's right

Cause of the way you look into my eyes

And when I hold you tight

The worries disappear I'm glad you're in my life…~

 Napahinto si Grey sa pagkanta tapos saglit na pinunasan niya ang kanyang mga luha. Pati siya ay umiiyak narin. “Hindi ko pala kaya nang wala ka, Ash…” sambit nito at napayuko. Alam kong nagtatago ito sa aking mga tingin dahil hindi niya naring kayang pigilan ang kanyang nararamdamang emosyon. “Akala ko it’s okay to be without you dahil nakakilala ako nang iba. Akala ko she can be what I’m looking for…pero, pero…” napasinghot ito at alam kong umiiyak na siya. “She can never replace you and that without you, my life is a mess!” halatang naiinis ito sa sarili.

“I’m a big jerk for hurting you! So stupid to be even called as your boyfriend back then!…” Grey was full of regret. Pinakikinggan ko lamang siya, wala akong masabi sa kanyang mga hinaing…

I know he’s hurt too.

“Pero now that I realized na ikaw ang mahal ko, ayoko nang mawala ka pa sa akin! So, please, Ash…” nagmamakaawa ito ngayon. Dahan-dahang nawawasak ang aking puso habang nakikita siyang nasasaktan, habang nararamdaman naming nasasaktan kami…

“Kahit pahirapan mo pa ako, kahit pagtabuyan mo ako, kahit saktan mo pa ako pero hinding-hindi ako susuko. Kahit makipag-away pa ako kay Sky at sa mga kaklase mo basta mapansin mo lang ulit ako. Basta, maging akin ka lang ulit…” bulalas nito, desperadong maibalik ako sa kanya.

“Kapag nangyari iyon, I will never ever let you go. I may sound selfish but it’s the truth…” dagdag nito. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata, punong-puno nang nagtatalong emosyon ang aking dibdib. Ang galit ko dahil sa mga ginawa niyang kagaguhan sa akin at ang pagkasabik na makasama siya ulit. Patuloy parin ang aking mga luha sa pagtulo. Heto na naman sila eh, walang balak na huminto.

Hinawakan ulit ni Grey ang naitabi niyang gitara at mukhang ipagpapatuloy niya ang kanyang pagkanta. Napapasinghot pa ito dahil narin sa umiyak ito. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi niya ako pinilit na magkomento sa kanyang mga sinabi. Alam kong binibigyan niya pa ako nang oras para makapag-isip.

~ Wake up feel the air that I'm breathing

I can't explain this feeling that I'm feeling

I won't go another day without you

Hold on I promise it's gets brighter

And when it rains I'll hold you even tighter

I won't go another day without you

Without you…

And I won't go another day without you…~

Tila panaginip lang ang lahat nang ito.

Sky’s POV

Naimulat ko ang aking mga mata at naalarma nang makita ang kinaroroonan ko ngayon. I tried to move pero hinugot ako pabalik nang sakit na nararamdaman ko sa dati kong posisyon. Mukhang may bali akong natamo sa aking kanang binti at kaliwang braso kaya naman naging mahirap para sa akin ang gumalaw. “Ouch!” Masakit din ang aking ulo, nahawakan ko ang parte kung saan kumikirot at nakitang may dugo ito. Malamang ay tumama ito sa isa sa mga sanga o bato na ginulungan namin nang malaglag kami.

Gladly, buhay pa kami…

Teka?!! Kami? Then, biglang pumasok sa aking isipan si Josette!

“Josette?!!!!” sigaw ko. Namataan ko siya hindi kalayuan sa aking pwesto.Nakatagilid ito at walang malay. Nakaswimsuit ito kaya naman, matindi ang tinamo niyang mga galos at sugat nang mahulog kami sa bangin.

“Josette?” parang mangiyak-ngiyak akong nakatangin sa walang malay na katawan ni Josette. Hindi ako makagalaw dahil sobrang sakit nang aking binti. Naisipan kong idrag ang aking sarili papunta kay Josette gamit ang kanan kong braso. This is the worst!

“Josette?!” kinakabahan ako habang tinatawag siya, baka sakaling magising ito. Hindi pwedeng mawalan ito nang buhay. “J-Josette…” mahinahon kong chineck ang pulse nito nang makarating ako sa kanya. Luckily ay tumitibok pa ito. I tried to reached her, to be able to hold her hanggang sa kanyang paggising pero what if hindi na ito magising?..

Gahd. Napatingin ako sa itaas. Madilim buti nalang at maliwanag ang buwan kaya naman hindi naging mahirap sa akin na makita ko kung gaano katas ang kinalaglagan naming bangin. Estimating it, mga nasa 8 feet ang taas nito. Kaya napakaswerte parin namin at nabuhay kami ni Josette.

I decided to remove my shirt kahit na napakadumi na ito. Sobrang hirap dahil hindi ko magawang hugutin ito dahil bali ang kaliwa kong braso pero may awa parin ang Diyos at nagawa kong tiisin ang sakit mahubad lang ang suot kong tshirt.

Now what?! Ang hirap namang isuot ito sa kanya…

Nakita kong gumalaw ito konti. Mukhang magkakamalay na ito. Thank God!

“Uhmmmm, hnnnnngggg…” dahan-dahan itong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking mga hita.

“Salamat at gising ka na, Josette… May masakit ba sa iyo?” tanong ko rito. Hindi ko naman pinapahalata na may tama ang isa kong binti at braso dahil alam kong mag-aalala ito.

Nang makabangon ito, agad niyang hinipo ang kanyang ulo. Marahil masakit din ang ulo nito pero bukod pa doon wala na akong napansing masakit sa kanya dahil iyong tama niya lang sa ulo ang dinadaing niya.

“S-Skkkky…” ang tanging nasambit ni Josette tapos napatingin na ito sa akin. Puros galos ang maganda niyang mukha. Panay gasgas din ang kanyang mga braso at binti.

“Wala bang masakit sa iyo?” paniniguro ko. “HMM, masakit ang ulo ko at katawan…” mahina nitong saad. “Pero wala kang sprain or fracture?” balik kong tanong sa kanya. Saglit na chineck niya ang kanyang binti at mga braso pero napailing ito sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang malaman kong wala itong mga bali. “Good, isuot mo itong t-shirt ko…” iniabot ko ang damit ko sa kanya gamit ang kanang kamay ko. Napatingin siya sa damit at walang tanong-tanong ay tinanggap ito ni Josette at sinuot.

“Ikaw? May masakit ba sa iyo?” tanong niya sa akin pabalik. Napataas nang sabay ang aking mga kilay sa pagkabigla, siyempre idinenay ko naman agad ang aking mga bali. Tumayo ito, mukhang nanghihina pa siya dahil hindi pa niya kayang tumayo nang maayos. Inalukan niya naman ako nang kamay upang tulungan akong makatayo.

“Tara, Sky… humanap tayo nang daan para makabalik.” Opinion ni Josette, magandang ideya iyon pero mukhang hindi ko siya matutulungan sa nais niyang gawing solusyon. Nakatingin lang ako sa nakalantad niyang palad sa harap ko. “I-I… I c-can’t” ang tangi kong nasambit. Nagbago ang expression nang mukha ni Josette, nawala ang pagkadeterminado nito at napalitan nang pag-aalala.

“You told me there’s nothing wrong pero ngayon, hindi mo magawang makatayo?!!” siya pa ang galit ngayon. “A-a-a-a-a-a-araaay…” sigaw ko nang hawakan niya nang marahan ang aking binti. “Saan pa ang masakit?” tanong nito sa akin. Sumimangot lang ako. Ayokong pag-alalahin pa siya.

“Wala na, iyong binti ko lang…” paliwanag ko pero mukhang hindi siya kumbinsido sa aking sinabi kaya naman hinawakan niya ang magkabila kong mga braso at saka itinaas nang dahan-dahan.

“ARRRRRRRRAAAAAAAAAYYYYYYY!” M*THER F*CKING *SSHOLE!!!!!!!! Ang sakit!!!!!! Nagngingit ang mga ngipin ko sa magkabilang side nang bibig ko sa sobrang sakit.

“Wala na palang iba ha?” react naman ni Josette sa akin. Umiiyak ako. Ikaw ba naman masaktan nang ganoon, akala ko mamamatay na ako. “Kasi naman! Hindi mo naman kailangang iforce out of me iyan eh…” mangiyak-ngiyak kong sabi. “Sorry, sorry naman ha?” sagot nito.

Nakasandal ako ngayon sa gilid nang bangin. Kung magkakalandslide man, siguradong tepok ako nito. Samantalang nakaupo sa aking harapan si Josette, malaya siyang nakakagalaw dahil hindi siya nagtamo nang ano mang bali sa katawan.

“Sky…” malungkot na tinig ni Josette, alam kong nag-aalala siya. “Sorry for causing you this…” saad ni Josette tapos nagulat na lamang ako sa kanyang ginawa. Mula sa aking harapan, lumapit siya sa akin at niyakap niya ako sa leeg. “Thank you for saving me…”

FLASHBACK.

Hawak-hawak ko ang kamay niya sa aking kanang kamay, sa kaliwa ko naman ang sanga nang punong nakapitan ko. Anytime, bibigay na ito and we’re doomed.

“Humawak ka, Josette?!” sigaw ko sa kanya.

“I can’t hold on any longer, Sky…” paliwanag niya dahil mukhang nagslaslide na ang kanyang kamay mula sa aking kamay. “Keep holding on…” pati ako nahihirapan narin sa sitwasyon naming dalawa dahil narin nahuhugot ang mga braso ko. Mukhang pabigay narin ang sanga na pinanghahawakan ko nang pag-asa para sa aming dalawa. Are we going to die now?

“Sky?! Save yourself! Walang makakatulong sa atin ngayon dahil lahat sila busy sa pagsasaya. They’re just going to look for us kapag nalaman nilang nawawala na tayo and that would happen kapag we’re hours and hours na nawawala…” mangiyak-ngiyak nitong sabi sa akin.

“I won’t save myself, we’re going to die together…”  saan ko ba hinuhugot ang mga sinasabi ko, now that we where at the middle of life and death.

“Sky, I-I… I L—“ but before Josette continue what she was about to say, the branch broke off.

Iisa lang ang pumasok sa isipan ko, dapat mabuhay si Josette, dapat mabuhay siya kaya naman niyakap ko siya para hindi ito masaktan nang husto. Tamang ako na lang ang sasalo nang mga tama sa bato at sanga na nadadaanan namin habang pagulong-gulong kami pababa. Hanggang sa….

Naaalala ko na ang nangyari kaya naman I tried to hug her in return pero gamit lang ang kanang braso ko. She was sobbing heavily sa aking mga balikat. “Thank God, you’re safe! Akala ko patay ka na, hindi pupwede iyon dahil kawawa naman ang maiiwan mong mga alagang sharks, hehe..” awkward pa akong tumawa habang pinipilit na pasayahin ang atmosphere sa gitna nang aming sitwasyon.

“HUHUHUHU, you jerk! Sinakripisyo mo pa iyang katawan mo para lang hindi ako masaktan nang husto! Nagagawa mo pang magbiro diyan eh halos baldado ka na..” paliwanag ni Josette, hindi niya parin ako binibitawan sa kanyang pagkakayakap.

“Stupid, Sette…” bulong ko naman sa kanya. She’s still crying habang mahinang hinahampas ako sa dibdib. She was crying because I saved her and she was crying because I hurt her. She was crying dahil alam niyang kahit anong gawin namin hindi parin namin mababago ang aming mga nararamdaman.

The night was long, so long na pakiramdam ko ay wala na itong katapusan. Josette tried to find any solutions para makahingi kami nang tulong pero bawat labas niya e dead end na. Iisa lang ang daaanan pabalik, kung saan kami nahulog.

Pakiramdam ko namamanhid na ang buong katawan ko. Ang tagal naman nang tulong. Ilang oras na ba kaming nandidito ni Josette, hindi parin ba nila kami hahanapin?

“Maybe hindi pa nila napapansin na nawawala tayo?” biglang sabi ni Josette sa aking tabi. Tumango lang ako. I’m really not feeling well. Kumusta naman kaya si Ash? Paano kong hinarass na ito ni Grey?

Napalingon ako kay Josette na katabi ko lang na nakasandig sa gilid nang bangin. Nakatingala ito habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. For some reasons, may something kay Josette na hindi ko maintindihan. Am I attracted to her? Baka dahil lang sa BFF niya si Ash kaya naman I’m strating to like her.

“Uhmm, sorry pala about the kiss last time..”

Mukhang nabigla si Josette sa aking sinabi dahil namula ito. Napalihis ito nang tingin sa kabila imbis na humarap ito sa akin. “I’m not angry, binigla mo lang kasi ako…” sagot naman niya sa akin.

“If you’re not angry, bakit ganoon iyong reaction mo kanina nang makita ako?” tanong ko sa kanya. Honestly, nainis ako nang isnabin niya ako. Nakita kong naging seryoso ang kanyang mukha nang humarap na ito sa akin.

“Because you’re a jerk.” Sabay pokerfaced niya akong tiningnan. “Seriously?” tanong ko sa kanya, akala ko naman ay seryoso na talaga ito.

Napayuko ito, holding her legs habang nakatungo ang ulo nito sa kanyang mga tuhod. “It’s because you already stole my first kiss tapos nakikipaglandian ka pa sa higad na iyon.” Reklamo nito sa akin. Napatawa ako at hindi ko mapigilan ang sarili sa pagtawa.

“You’re really jealous about Gizelle? Hahahhahaha.” Bulalas ko sa kanya. Hindi ko macontained ang tawa na namumuo sa ideyang iyon. “Actually, I’m just being nice to her that’s all and talking about your first kiss, hindi ko naman alam na you’re never been kissed.” Paliwanag ko dito.

Napalingon lang ito sa akin, nakikinig sa bawat salitang sinasabi ko. “Besides, hindi naman maganda iyong Gizelle na iyon eh! You’re better than her.” Pagpapalakas ko nang loob niya pero honestly, mas maganda talaga si Josette dito.

I think she’s flattered dahil nakikita kong namumula ito. “Would you mine taking back what you have stolen?” mahinang saad ni Josette habang nakatingin ito nang diretso sa aking mga mata. Bumilis naman ang tibok nang puso ko, what does she mean by that?!

“Taking back what?” tanong ko, tapos saka lang pumasok sa aking isipan ang ibig niyang sabihin. “You mean your first kiss?” dagdag kong tanong sa kanya.

Sa ilalim nang maliwanag na buwan, hindi ko narin napigilan ang aking sarili. Matapos yata naming mahulog sa bangin ay nahulog narin ang puso ko sa babaeng kasama ko ngayon. Naglapat ang aming mga labi for the second time. Unlike last time, mas naging intimate ang halik na ito sa pagitan naming dalawa.

~

Teletha’s POV

“ASSSSSHHHH! ASSSSHHHH!” tarantang dumating sa kinaroroonan namin sina Kristine at ang iba pa. natigil ang pagmomoment namin ni Grey sa dalampasigan dahil tila nagkaroon nang emergency. “Bakit?! Anong nangyayari?” tanong ko sa kanila.

“So sorry, Grey for interrupting your plans pero kailangan na kailangan eh!” bulalas naman ni Grace. Lahat sila ay may takot sa kani-kanilang mga mukha. “Anong nangyayari ba kasi?” tanong ni Grey namn matapos niyang ibaba ang gitara.

“Josette!!!!!!! Skkkkkkkyyyyyy?!!!!!” sigaw ko ngayon. Hinahanap namin ang nawawala kong mga kaibigan sa kagubatan at mangiyak-ngiyak ako sa pag-aalala sa kanila. What if- what if may nangyari sa kanilang masama? Tinap ni Grey ang balikat ko, assuring me na everything’s gonna be okay.

“Makikita natin sila, Ash..” saad ni Grey habang kasama ko siya ngayong naghahanap kina Josette at Sky. Ang natatandaan ko kasi sinundan ni Josette si Sky dito sa kagubatan. Sabi naman nila Grace, mahigit isang oras na silang nawawala. And to think na wala sila sa loob nang resort ay kinabahan na raw sila lalo pa’t madilim at gabi na.

“Naku, nasaan na ba kasi pumunta iyong dalawang iyon?!!!! JOSSSSSSEEEETTTTE?!!!! SKKKKKYYYY?” naririnig kong sigaw nila Grace.

“SKY?!!!!!!” sigaw naman ni Gizelle. Mukhang hindi narin ito mapakali at naiiyak na. Sinamahan rin kami nang mga pulis at security nang resort nila Angelie.

“Best?” nag-aalala na talaga ako sa kanila. Hindi namin sila makita. Naghiwahiwalay sa dalawang grupo ang search and rescue team namin, kasama ang mga pulis. Sina Steph, May at Angelie naman ang naiwan sa resort para abangan sina Josette sakalaing makabalik na ito.

“JOSETTTTTTE?!!!!!!! SSSSSSSSKkkkkkky?!!!!!” sigaw ko at kahit mabali na ang litid sa leeg ko ay bahala na basta marinig lang nila ako.

“Dito!!!! Dito…may bakas nang mga paa!” tawag nang isang pulis sa hindi kalayuan, mukhang nasa dulo na siya nang isang matarik na bangin. At doon pumasok sa isipan ko kung nasaan sina Josette, pero labis akong kinakabahan kaya naman itinanggi ko sa sarili ko ang ideyang pumasok sa aking isipan.

~

“BESSSSSSSSSTTTTTTTTTT!!!!!!!” nakayakap ako kay Josette ngayon, nakita kong marami siyang natamong galos, pasa at sugat nang mahulog ito sa bangin. “Ash…” mangiyak-ngiyak naman ito nang mahagkan ko. Inilagay naman sa stretcher si Sky at agad namang inilagay sa ambulance para dalhin sa hospital, sa tindi nang mga bali ni Sky mukhang mapapauwi kami agad sa bayan.

“I hope he’ll be okay…” mahinang saad ni Josette, suot nito ang tshirt ni Sky. “Next time na ang kwento sa totoong nangyari best, we better go din sa hospital.” Ang suhestiyon ko ngayon kay Josette. Inalalayan ko siyang sumakay sa ambulance at nagtungo kami sa hospital.

Nakatingin lang ako sa walang malay na si Sky na nakahiga sa stretcher, kay Josette na hindi mabitawan ang kamay nang lalaking ito sa sobrang pag-aalala at kay Grey na nakatingin sa akin ngayon. Napakabilis nang mga pangyayari at bumabyahe na kami ngayon papunta sa hospital. Tumawag narin sina Grace sa mga magulang ni Sky kaya naman naisipan narin namin na bumalik sa bayan tomorrow agad.

“Sorry for spoiling the vacation, best..” mahinang sambit ni Josette sa akin, umiiyak ito. “Nah, you don’t need to be sorry. Ang importante ay ligtas at buhay kayo ni Sky…” sagot ko sa bestfriend ko.

If you find someone who makes you smile, who checks up on you often to see if you’re okay, who watches out for you and wants the very best for you, don’t ever let them go. Keep them close instead…

Me and Grey

Josette and Sky

Thank you fro reading the UD

Please vote, comment and follow :3

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...