Guns and Roses (COMPLETED)

By GiveMeSomeLoveDust

23.5K 708 3

"Humanda na ang may mga atraso sa akin. Panahon na para maningil. At wala akong sasantuhin ni isa sa inyo. Si... More

Guns and Roses
Prologo
ISA
TATLO
APAT
LIMA
ANIM
PITO
WALO
SIYAM
SAMPU
LABING ISA
LABING DALAWA
LABING TATLO
LABING APAT
LABING LIMA
LABING ANIM
LABING PITO
LABING WALO
LABING SIYAM
DALAWAMPU
EPILOGO
MENSAHE MULA KAY LOVEDUST

DALAWA

1.2K 41 0
By GiveMeSomeLoveDust

DALAWA

Hanggang ngayon ay di ko pa rin makalimutan 'yung lalaking sa convinience store. Tatlong araw na ang lumipas simula nang makita ko siya pero nandito pa rin ang kakaibang pakiramdam. Pakiramdam ko, ang daming paru-paro ang nagliliparan sa tiyan ko. Unang beses kong makaramdam ng ganito.

Tuwang tuwa ang editor-in-chief namin sa ipinasa kong artikulo. Tungkol ito sa kung totoo ba ang kabilang buhay. Kung magkakailala pa rin ba ang mga yumao nating mahal sa buhay. Saan ba dapat tayo mapunta kung mawala na tayo sa mundong ibabaw? Tatlo lang naman ang paroroonan nating lahat: ang langit kung saan payapa ang lahat, purgatoryo kung saan purong kadiliman ang mararanasan at impyerno kung saan puro panaghoy ang maririnig.

Si Daniel ang iniisip ko habang isinusulat ko ito. Para kanya itong entry ko. Alam kong nasa langit siya dahil sobrang bait niya.

Ngayong araw ay day off ko. Dahil wala naman akong magawa ay lumabas na lang ako at nagtungo sa mall.

Hindi naman ako gaanong nag-enjoy sa mall. Hindi masaya kung nag-iisa ka lang. Kaya naisipan kong pumasyal na lang sa parke.

Naupo ako sa isa sa mga benches na nandoon. Pinagmasdan ko ang mga batang masayang naglalaro dito.

Maya maya'y may napansin akong nakaitim na hoodie. Ewan ko ba pero bigla na lamang akong kinabahan. Naalala ko naman ang lalaking iyon.

Nawala ang kaba ko ng makitang hindi ito ang lalaking iyon ng alisin niya ang hood ng jacket nito.

Kailan ko kaya siya muling makikita?

Oh GOD! Bakit gusto ko siyang muling makita? Samantalang hindi naman kami magkakilala. Ni hindi ko alam ang pangalan niya. Nahihibang na ba ako?

Wala ng araw ng makarating ako sa bahay. Ang tahimik. Sobrang tahimik. Nilapitan ko ang stereo component ko at nagpatugtog na lamang. Para maibsan naman ang katahimikan ng bahay ko.

When the wind is blowing in your face
And the whole world is on your chase
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love...

Kumuha na lan ako ng left over na pagkain sa pridyeder at ininit ito. Tinamad na kasi akong magluto.

Ilang sandali pa ay nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay napansin kong may ilaw ang bahay sa tapat ko.

May tao na pala doon? Halos walong taon na din ang lumipas nang may huling tumira doon.

As you go hungry, I could be black and blue
I could go down in the avenue
know that there is nothing that I woudn't do
To make you feel my love...

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay para silipin kung may tao ba talaga. Pasensya na may pagkatsismosa ako. Pero sakto lang naman eh.

Nakita ko ang isang lalaki na nagbababa ng mga gamit niya mula sa kotse. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong na pantalon. Marahil ay naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya tumigil siya at lumingon sa gawi ko.

Naramdaman ko ang pag-rigodon ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko.

I could make you happy make your dreams come true
There is nothing that I woudn't do
Go to yhe ends of earth for you
To make you feel my love
To make you feel my love...

Ang misteryosong lalaki sa convinience store.

Song used: Make you feel my Love by Adele

Continue Reading

You'll Also Like

238K 9.1K 53
The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niy...
78.6K 3.6K 49
Section D,lower section kung tawagin ng iba.Kapag nasa lower section ka napapunta,iisipin ng mga tao na bobo at barumbado ka.Well,hindi naman lahat.M...
343K 7.9K 28
The Lycan Series #1 GABRIEL: Her Destined Lycan Highest Rank: #25 in Werewolf (August 7, 2018) Rassy lived a simple life like any other ordinary peop...
833K 15.5K 36
I'm Hiding the Billionaire's Daughter ~~~~ HIGHEST RANKINGS #1 in Morris #1 in Running #11 in Hiding #5 in Hidden #9 in Short story #...