"Sigurado ka ba dito Jess?'' Tanong ni Henry kay Jessica habang papasok sila ng classroom.
"Naka-enroll ka na noh? Syempre sigurado! Ako kasi bahala." Confident na sabi ni Jessica sa kanya.
''Basta ikaw bahala. Pag--''
''Ou nga kase! I-i-stapler ko na yang bibig mo eh!'' Pinutol na ni Jess yung sasabihin ni Henry.
''Taray talaga!'' mahinang sabi ni Henry.
''May sinasabi ka?''
"Wala, sabi ko tara na. Ahehe. Ang talas pala ng pandinig mo, siguro may lahi kang paniki, mukha ka namang aswang eh. Hehe."
Inirapan lang siya ni Jess at pumasok na sila ng classroom...
Henry's POV
Pumasok na ko ng room. Taktipot nakatingin sakin lahat ah! Tsk! Ang gwapo ko daw kasi. Sawa na siguro sila sa pagmumukha ng isat isa. Yung iba kasi, mukhang hipon, pating, shokoy, yung isa mukhang butanding. Aist!
Kinakabahan ako! May seating arrangement na sila kaya sa likod nalang ako umupo. May katabi ako, babae. Ahuhu ang layo ni Jess! Help me Jess! Wala pa namang professor pero naka-ayos na silang lahat.
Nilabas ko yung notebook ko at nagdoodle. Doodle doodle doodle doo--
''Hey, what's that?''
Sino ba 'tong chismosa sa gilid ko, englishera pa, wala pang common sense, nakita na ngang nagdo-doodle ako eh! May pa hey what's that pang nalalaman!
''Uhm, wala naman, medyo naiinip lang.'' Sagot ko. Tinignan ko siya. Whoa! Ang ganda! Ang sexy pa! Bwiset Henry yang utak mo kung anu nanaman iniisip mo! Eh ang sexy eh...
''Ako nga pala si Jasmine.''
Nilahad niya yung kamay niya.
''Henry.'' Pakilala ko at nag shake hands kami. Ang lambot lang ng kamay niya.
''Ah, nice name.'' Ngumiti siya sabay kawit ng buhok sa tenga. Shet! Bigla naman pumasok yung prof at umayos na kaming lahat.
''Good morning class, balita ko may transfer daw dito? Asan siya?'' Sabi ng professor. Nagtaas ako ng kamay saka ako tumayo.
''Okay, will you please introduce yourself?'' Sabi ng prof sa kalmadong tono. Gi-nesture niyj pa 'ko papunta sa harapan.
''Yes sir! No prob.'' Naglakad na ako papuntang harapan at nagpakilala. Pinraktis ko na yung sasabihin ko na turo pa sakin ni Jess.
Nagpakilala na ko, kaso na ba-blanko yung utak ko dahil ang daming pares ng mata ang nakatingin sakin. ''Hai, Henry James nga pala.''
''Will you tell us some interesting things about you?''
Nag isip ako. Anu 'bang interesting sakin? Hmm… Isa 'kong wizard. Tama, eh panu 'ko ba 'yun sasabihin? 'Di yun pwede.
''Uhm, secret nalang 'po .'' Yun ang sinabi ko.
''AHAHAHAHAHAHAHAHA!'' Napuno ng tawanan ang buong classroom. May mali ba sa sinabi ko?
''Ok mr. De Guzman, you may take your seat.'' Parang galit na sabi niya. Bat naman kaya?
''Why sir?'' Tanong ko.
''Tapos ka naman ng magpakilala pwede ka ng maupo.''
''Ah, akala ko pinapakuha niyo po yung upuan, sabi niyo po kasi take your seat, anyway, thank you sir.''
Biglang nagtawanan ulit yung mga estudyante. Anu ba? anu bang meron sa sinabi ko? Tsk!
Naglakad na ko papuntang upuan ko.Nakita ko si Jess na ang sama ng tingin sakin.
~~~
Jessica's POV
''Uy ayun siya oh, yung transfer, balita ko napahiya niya si Sir Dan. Terror pa naman yun.''
''Oh talaga, pero parang may lahi siya 'no? Tingnan mo 'yung buhok niya.''
''Natural kaya 'yun? Pero infairness may hitsura.''
''Yan ba 'yung transfer? Ang gwapo naman. Sheyt! I think I'm inlooOVE again!''
Punyetiks! Naririndi na ko! Bakit ba ang daming malandi sa school na toh! Puro Henry ang naririnig ko! Diyusko pati mga lalake abay siya ang topic! Nyemas, akala 'ko sa mga nobela lang may mga ganitong scenario, yung pagbubulungan yung mga gwapong transfer! Pero totoo pala! Shete!
At kung matanong niyo pala kung 'pano ko napa-enroll si Henry, well, secret lang natin 'to pero maraming nagagawa ang pera sa private school na 'to.
At eto siya ngayon, hatak ko, kakausapin ko lang naman siya dahil pinahiya niya sir Dan. Pinagtitinginan kami habang naglalakad kami sa hall. Nakarating kami sa hindi mataong lugar, at bum-welo muna ko bago nagsalita.
''Ayan saka ka magexplain saken.' Hinarap ko siya. Binigyan niya ko ng what-are-you-talking-about look.
''Henry, pina enroll kita dahil gusto mo kamong mag alam-mo-na, mag pretend, hindi para mambastos ng prof!'' Sermon ko sa kanya.
''Jess, hindi ko kasi ma-gets yung sinasabi niya kanina eh! Malay ko ba kasi! Hindi ko sinasadya!'' Pag aapologize niya at, pagtingin ko sa mukha niya, mukha namang sincere yung hitsura niya.
''Ok, next time, pag may tinanong sayo na hindi mo magets oh hindi mo alam ang sagot, oo oh hindi lang isasagot mo ah?'' Bilin ko. Pero parang mali, hindi naman lahat ng tanong eh answerable by yes or no.
''Naintidihan mo ba?'' Pag aassure ko.
''Opo!''
''Tara kumain tayo, anu gusto mo, libre ko na.''
''Oo.'' Sagot niya. Anu daw?
''Ha? Sabi ko anung gusto mo kainin '' Tanong ko ulit, baka di niya naintindihan.
''Oo nga!''
''Kaya nga, anu nga gusto mo?''
''Oo.''
''Eh bakit ba kasi oo yung sagot mo? Slow ka ba?''
''Ikaw ang slow! Sabi mo pag 'di ko alam ang sagot, oo oh hindi lang. Hindi ko alam kung anu gusto kong kainin eh kaya oo nalang.''
Nag-init yung mukha ko at napangiwi nalang. Shete talagang lalaking 'to oh.
''Impakto ka talaga! Dahil jan drinks lang bibilin ko sayo. Magutom ka.'' Nauna na kong naglakad papuntang canteen, lunch time na, ok naman si Henry don sa tatlong subject after nung kay Sir Dan... Ang kaso nga eh pag hindi pa dumadating yong next na prof, dinudumog siya ng mga kaklase namin na , alam niyo na yung term para sa kanila, minsan nga pinag aagawan pa siya eh!
Nagpunta na kami ng canteen at kumain AKO pagkaupo namin sa isang vacant na table, isang large coke lang binigay ko sa kanya. Wala siyang pera! At wala ako sa mood manlibre.
''Hai Henry, bakit inumin lang ang lunch mo, gusto mo libre kita?'' Sabi ng isang babaeng lumapit kay Henry. Mukha namang kabayo! Tsk!
''Thank you!'' Nag smile si Henry sa kanya. Langya, playboy pala 'to.
''Halika na!'' Hinatak siya ng kabayo. Kumain lang ako at hinayaan kung anung gagawin ni Henry.
''Sabi ko 'thank you' hindi ko sinabing oo!''
Ops! Marunong din pala tong mambara. Ahaha buti nga sa babae. Nagulat yong girl at nag-walk out.
''Jess!'' Biglang dumating si Gen kasama si Chris. Naupo sila sa tabi ko. Good for 8 kasi tong inupuan namin ni Henry para pag dumating yung iba sakto lang.
''Gen! Sorry kung iniwan ko kayo sa room, may pinuntahan lang ako.'' Pag aapologize ko sa kanya. Panu naman kasi, iniwan ko sila para sermonan ko si Henry kanina.
''Bruha ka! Kanina ka pa namin hinahanap!'' Medyo malakas na sabi niya.
''Gutom lang yan Gen, tara um-order ka na.'' At hinatak ko na siya papuntang counter, iniwan ko muna yung pagkain 'ko sa table.
Si Chris at si Henry nag bibidahan. Inantay kong umorder si Gen. Bumili na rin ako ng para kay Henry, kawawa naman baka pumayat pa ih.
Bumalik na kami sa upuan, saktong pagdating naman ng tatlong mga chef, si Adriel, Ced at Karen. Si Kaye nalang ang wala, nasa broadcasting room pa ata, dun ibino-broadcast pag may announcement, dinig ng buong campus dahil nagkalat ang mga speaker.
''Ahem, may balita akong nasagap!'' Masayang bati ni Karen.
''Ano nanaman chismosa ka talaga Karen.'' Sabi sa kanya ni Gen, pero alam kong excited siyang malaman yun.
''Kasalanan ko ba kasing naging obvious yung balita?'' Kontra ni Karen sa kanya.
"Anu ba kasi yun?"
''Ah chismosa ka din naman pala Gen eh.'' Natatawang sabi ni Chris.
''Epal ka!''
''Maya ko na sabihin pagdating ni Kaye.'' Sabay ngiti pa ni Karen.
Alam ko na kung anung balita ni Karen. About yun kay Ced at kay Kaye. Sila na nga pala, nakita ko sa facebook yung post ni Cedric eh. Tinignan ko si Ced. Ang aliwalas ng mukha niya. Halatang good mood pero tahimik lang.
Biglang natahimik si Gen. Papalapit kasi si Aaron Cruz samin, yung manliligaw niya. Naka suot siya ng varsity jacket at nakataas yung buhok. Ang gwapo kaya ni Aaron! Siya yung crush ko simula pa dati, nung high school pa 'ko. Pero siyempre, inuuna ko yung pag aaral ko at wala akong intensiyon sa relationship.
Isa rin si Aaron sa mga kinababaliwan ng mga girls dito eh. Ang swerte lang ni Gen. Natahimik kaming lahat.
''Ahm guys pwede bang makausap si Gen saglet?'' Pag papaalam niya samin. Tumango naman kaming lahat maliban kay Henry, sarap na sarap sa Carbonara, first time niyang makatikim niyan for sure.
''Kaylangan mo?'' Parang naiiritang tanong ni Gen.
''Sumama ka na Gen, saglit lang naman daw. Pagbigyan mo na. '' singit ni Karen.
Tumango naman si Aaron, totoo kayang playboy to? Mukhang hindi naman eh. Mukhang nagdalawang isip pa si Gen, pero sumama na din siya.
''Wala kang gagawing kabulastugan kay Genevieve ah? Kung ayaw mong makatikim.'' Pagbabanta ni Chris nang magsimula ng maglakad yung dalawa papalayo.
Maya maya, dumating na si Kaye. Naka earphones nanaman. Di kaya toh nagsasawa sa music niya? Aist!
''Kaye, ilan lahat ng music mo?'' Tanong ko. Naupo siya sa tabi ni Karen at tinanggal ang earphones niya.
''5 lang, Breakaway, Dark Side, Since You've Been Gone, Stronger, saka yong Catch My Breath.''siya.
''Adie ikaw na may idol kay Kelly Clarkson, di ka ba nagsasawa sa mga kanta mo? Diyuske hanggang mamaya mo pa papakinggan.'' Sabi ni Karen sa kanya.
''Hindi, ganda kaya ng mga kanta ni Kelly.'' Sagot ni Kaye. Idol talaga niya si Kelly Clarkson, idol ko din yun eh.
''Alam mo Kaye, sa pagsusuot mo ng earphones, dadami ang germs mo sa tenga ng 700 times kada oras.'' Sabi ni Chris na ngumunguya ng fried chicken. Kahit makulit at baliw yan may tinatago din yang katalinuhan. Weird na katalinuhan nga lang.
''Weh? Totoo ba Chris?'' Dudang tanong ni Karen.
''True the fire.''
''Hindi ako naniniwala.'' Sabi ni Kaye at kumurot sa chicken ni Chris.
''Itanong mo pa kay Adriel the genius. Diba Ad? Totoo naman?'' Paninigurado ni Chris at tiningnan niya si Ad habang isang strip ng chicken yung nakalawit sa bibig niya at hawak hawak pa niya yung drumstick sa kamay.
''Yep.'' Walang ganang sabi ni Adriel.
''Oh ano 'niwala ka na?'' Tanong ni Chris, kina Karen at Kaye.
''Oo, naniniwala na ako, kapani-paniwala naman kasi pag si Adriel ang nagsabi eh.'' Sabi lang ni Kaye.
''Edi wow!'' nagpatuloy na sa pagkain si Chris. Ang tahimik ni Ced. Di pa nagsasalita hanggang ngayon.
''Ced, prob? Ang tahimik mo.'' Tanong ko sa kanya.
''Ah wala, inaantok lang ako.'' Sagot naman niya, tinignan siya ni Kaye. Bumalik na si Gen na mukhang iritang irita.
''Alam ko Ced kung bakit.'' Sabad ni Karen na ang lapad ng ngiti.
''Bakit?''
''Kasi hanggang alas tres kayong magkatawagan ni Kaye. Ayiie! Kayo ah, pumapag-ibig!''
Gulat silang lahat habang kami ni Karen ay nakangiti lang. Si Ad at Henry wala lang. Bago pa um-awkward yung katahimikan, biglang kumanta si Karen...
''Oh-oh-oh pag ibig...
Oh-oh-wooh! pag ibig!''
----
Tweet me@JhaydeeQuitua