Ang Kanyang Pag Babalik!

EyJey09

58.4K 1.6K 140

|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! P... Еще

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Last Chapter

Chapter 19

1.7K 51 2
EyJey09

Patrick POV

"Riza!" Napatingin ako kay Christian nang tawagin nya ang pangalan ni Riza. Kararating lang nila kaya naman lumapit kami sa kanila.

"Ok lang ba kayo?" Tanong ko

"Riza, bakit ang dumi nang damit mo? Anong nang yari sayo?" Tanong ni Christian, kaya napatingin ako sa damit ni Riza. Lalapitan ko sana sya para samahan mag palit nang damit pero naunahan ako ni Christian "halika, mag palit ka muna nang damit"

"Sige, ahm Patrick ikaw muna bahala kay Alexis ha"

"Ok" sabi ko nalang tapos ay umalis na sila. Tiningnan ko si Alexis, nakatingin sya sa loob mismo nang bahay nila Brix, nandito lang kasi kami ngayon sa garahe nila. Halata sa muka ni Alexis yung lungkot, kasi nandyan yung katawan ni Brix at pinag lalamayan na. "Gusto mo samahan kita tingnan sya?" Tanong ko, umiling lang sya.

"Mamaya na siguro. Ihahanda ko muna yung sarili ko, para kapag tiningnan ko sya hi-hindi ako iiyak nang sobra" malungkot nyang sabi.

"Alexis... Sorry ha, siguro kung hindi ako umalis sa tabi nyo hindi mang yayari ang lahat nang 'to. At sorry din kung sinisi kita noon" sabi ko, tumingin sya sa akin at bahagyang ngumiti

"Ok lang, nang yari na eh. Tska tama ka naman eh. Kasalanan ko ang lahat nang 'to. Wag kang mag alala pag tapos nang libing ni Brix matatahimik na kayo" sabi nya

"T-teka? Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong

"Wala kalimutan mo na yung sinabi ko. Paki tulak naman tong wheelchair papuntang garden nila, pwde?"

"Ok? Sige" sabi ko nalang at tinulak ko na yung wheelchair nya.

-

Pag dating namin sa garden, pinaalis na muna nya ako dahil gusto nya muna daw mag isa. Kaya ito, nakatanaw lang ako sa kanya dito sa malayo.

"Patrick" tawag sa akin ni Riza kaya napatingin ako sa kanya

"Si Christian?" Tanong ko

"Nandoon sa loob, inaasikaso yung mga nakikilamay" sagot nya, tumango lang ako at tumingin ulit kay Alexis.

"Sabihin mo, anong nang yari sa inyo? Bakit ang dumi nang damit mo?" Tanong ko

"Dahil kay Marco" sagot nya kaya napatingin ulit ako sa kanya

"Sinaktan ka ba nya?" Pag aalala kong tanong.

"Hindi, kasi napigilan sya ni Alexis, kapalit nang..." Tumingin sya sa dereksyon ni Alexis bago ituloy yung sinasabi nya "sasama na sya kay Marco"

"Ano?!" Kunot noo kong tanong

"Nakapag disisyon na sya, yun na ang gusto nyang gawin" sagot nya

"Hindi ko hahayaan na mang yari yun! Hindi pwde dahil alam kong di yun magugustuhan ni Brix"

"Alam ko, pero di ko na sya mapigilan. Kasi sa tingin nya ang pag sama lang nya kay Marco ang paraan para tumigil na yung kamalasan na nang yayari sa atin" sabi nya

"Kung gano'n gagawa ako nang para matigil na ang lahat nang 'to! Hindi ko hahayaan na mawala pa sa atin si Alexis!" Sabi ko

"Patrick!" Napatingin kami ni Riza sa tumawag sa akin.

"D-dad?"

"Kala mo ba hindi kita mahahanap ha! Umuwi na tayo!" galit na galit nyang sabi, tapos ay hinawakan nya yung kamay ko pero agad ko yung tinanggal.

"Pwde ba dad, respeto naman oh! Nandito tayo sa burol nang kaibigan ko, sa kaibigan ko na tinuring ko nang kapatid! Kaya pwde bang hayaan nyo muna ako dito! Tska ano bang kinakatakot nyo dad ha? Ang masaktan ako!"

"Oo! Iisa ka lang namin anak kaya ayokong may mang yari sayong masama! Kaya umuwi na tayo!"

"Tss, ayoko dad. Hindi na ako bata! At isa pa pulis kayo dad, kaya hahayaan nyo nalang ba ako na maging mahina? Hindi nyo ba ako hahayaan na tumayo sa sarili kong paa? Hahayaan nyo nalang ba ako na laitin nang iba at apihin na wala man lang kalaban laban?! Kilala nyo ako dad noon, isa akong nerd na laging binubully! Pero nang dahil sa kanila, nakaramdam ako nang acceptance! Binago nila ako dad, kaya nga ngayon hindi na ako nerd diba? Hindi na ako binubully nang iba! At isa pa, sila ang nag tanggol sa akin noon! Kaya naman IPAGTATANGGOL ko rin sila ngayon! Hinding hindi ko sila iiwan dad, kaylangan nila ako ngayon!" Pagmamatigas ko. At dahil duon nawala na yung galit sa muka nya. Tumingin sya kay Riza saglit, tapos ay umalis na sya.

"Natauhan na ata ang dad mo" sabi ni Riza

"Alam ko na mahal na mahal nila ako. Pero hindi na ako bata, dapat marunong ko nang ipagtanggol ang sarili ko na wala sila. At isa pa..." Tumingin ako sa kanya "nandito na kasi yung kaligayahan ko. Nasa tabi ko lang" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ang korny mo Patrick" natatawa nyang sabi "alam mo tara na, tulungan na lang natin si Christian" sabi nya tapos ay nag lakad na sya palayo sa akin kaya naman sinundan ko na sya.

...

Alexis POV

"Pag tanda natin, dito tayo titira sa amin. Wala naman kasi lagi sila mom at dad kaya sobrang lungkot dito sa bahay. Kaya gusto ko dito tatayo bubuo nang masayang pamilya. Tapos dito sa garden, dito mag lalaro ang mga anak natin" sabi ni Brix sa akin habang nakangiti pa

"Anak talaga agad ha. Wala pa nga tayong isang taon eh" sabi ko

"Mas masaya kasi diba kung yung future mo na agad yung inisiip mo? Tulad ngayon, hindi ko lang iniisip yung future ko kasi katabi ko pa sya" sabi nya sabay sundot nang tagiliran ko.

"Ano ba! Brix naman eh!" Sabi ko dahil nakikiliti ako.

"Oh bakit?" Tanong nya sabay sundot ulit sa tagiliran ko. At dahil ayaw nyang tumigil nag habulan tuloy kami dito sa garden nila.

Isang alala na kahit kaylan ay hindi na pwdeng balikan.

Pinunasan ko yung luha na tumulo. Kahit ayoko na umiyak, hindi ko mapigilan na di pumatak ang mga luha ko kapag na aalala ko sya eh. Mag iisang taon palang kami, madami pa kaming pangarap. At yung pangarap na yun, hindi na pwdeng matupad pa dahil wala na sya. Iniwan na nya ako.

Ang daya mo Brix, akala ko pa naman mag kasama tayong tatanda. Pero mukang ako nalang ang tatandang mag isa -

"Alexis" nilingon ko yung tumawag sa akin.

"Christian, bakit?" Tanong ko

"Tara na sa loob, mag ga-gabi na. Masyado nang malamok dito" sabi nya, tumingin ako ss wrist watch ko, 5:30pm na pala.

"Sige, paki tulungan nalang ako itulak yung wheelchair ko" sabi ko

"Ok" tapos ay tinulak na nya yung wheelchair ko papasok sa loob

...

Pag pasok namin sa loob, pumuwesto ako sa likuran. Ayoko muna kasi lumapit, parang di ko kaya makita syang nasa loob nang kabaong! Kasi naman eh, yung dating masaya at makulit na Brix, ngayon tahimik na, habang buhay. At kahit kaylan hindi ko na maririnig ang boses nya, lalo na yung mga katagang i love you babe.

"Alexis, kain muna tayo" aya ni Riza sa akin

"Ah mamaya na siguro, mauna na kayo" sabi ko

"Umm sige, dyan lang kami sa labas ha, kakaen muna kami. Tawagin mo kami pag may kaylangan ka"

"Sige" sabi ko kaya lumabas na sya.

May limang tao pa na nakikiramay dito sa loob, mga kapit bahay sila ni Brix. Yung ibang kamag anak nya, hindi ko alam kung kaylan sila mag sisipuntahan dito. Basta ang alam ko lang bukas na ang dating nang parents nya. Sisihin nila rin kaya ako sa nang yari sa anak nila? Tulad nang pag sisi ko sa anak nila nung nawala sila dad?

"Ineng?"

"P-po?" Sabi ko at napatingin ako sa matandang nakikiramay.

"Ayos ka lang ba? Naiyak ka kasi" tanong nya

"Ho?" Kinapa ko yung pisngi ko, naiyak nga ako nang di ko alam "ah ok lang po ako" sagot ko

"Sigurado ka?"

"Opo" nakangiti kong sabi

"Ok, osya ineng mauuna na kami ha. Babalik nalang kami mamaya para tumulong sa pag aasikaso dito" paalam nya

"Ay sige po, salamat po" sabi ko sabay ngiti nang pilit

"Wala yun, sige mauuna na kami" sabi nya tapos ay umalis na sila lima. Kaya ang nang yari ako nalang ang mag isa dito sa loob, ay mali dalawa pala kami dito. Yun nga lang wala nang buhay yung isa.

"Psst"

Napatingin ako sa sumitsit.

"Riza?" Tanong ko, pero walang sumagot

"Psst!"

Hinanap nang mga mata ko kung nasaan ba yung nasitsit na yun. At nakarating yung mga paningin ko sa kusina nila Brix, may daan doon papunta sa garden nila. Nakitang kong may nakatayo doon at nakatingin sa akin. Sobrang itim nya at nanlilisik ang mga mata nya.

"A-Arleen?" Tanong ko pero di sya nasagot "RIZA, PATRICK!" tawag ko sa kanila habang ang nga paningin ko ay nakay Arleen lang. Hindi ako pwdeng mag kami, sya yan. "RIZA! PATRICK!" tawag ko ulit

"Alexis? Alexis bakit?" Tanong ni Riza kaya napatingin ako sa kanila. Patakbo silang lumapit sa akin, halata sa muka nila ang pag aalala.

"Si Arleen, nandito sya!" Sabi ko

"Ha? Saan?" Kunot noo kong tanong

"Nanduon" tinuro ko kung saan ko sya nakita, pero wala na sya

"Wala naman tao ha" sabi ni Christian

"Pero sigurado akong nakita ko sya! Maniwala kayo, nakatingin pa nga sya sa akin eh" sabi ko

"Paano mang yayari yun eh naka kulong sya" sabi naman ni Patrick

"Hi-hindi ko alam... Tatawagan ko si sir Kim para makasigurado ako sa nakita ko" sabi ko, tapos ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si sir Kim.

Nakailang ring muna bago nya ito sinagot.

... "hello, Alexis buti napatawag ka. Tatawagan sana kita eh" sabi nya pag sagot nya nang tawag.

"Po? Bakit nyo po ako tatawagan? Dahil po ba kay Arleen?" Tanong ko

... "Oo tungkol nga sa kanya"

"Kung ganon tama ako, sya nga yung nakita ko dito. Nakawala po sya diba?" Tanong ko

"Ano? Imposibleng makita mo sya dyan, hindi sya nakawala Alexis.... Kasi patay na sya, nag pakamatay sya kanina" sabi nya kaya naman natigilan ako at hindi makapag salita.

Naramdaman kong nag tayuan ang mga balahibo ko at nangangatog ako sa nalaman ko. Kung patay na si Arleen, ibig sabigin... Kaluluwa nya yung nakita ko?! Minumulto nya ako kung ganon!

...

Itutuloy...

A/N: pag natapos na 'to, may next horror story akong ipapalit dito. Sana po suportahan nyo rin sya :)

Продолжить чтение

Вам также понравится

240K 9.7K 31
Paano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay...
K-High (Korosu High) Under Revision Juneau

Детектив / Триллер

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
1.6K 93 7
Makipagsapalaran at tuklasin ang hiwaga, misteryo at peligro ng Vishaya, ang mundo ng mga Mangkukulam.
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)