Ang Kanyang Pag Babalik!

By EyJey09

58.4K 1.6K 140

|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! P... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Last Chapter

Chapter 18

1.8K 63 6
By EyJey09

Alexis POV

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Brix kung saan sya.... ibuburol. Wala pa dito yung bangkay nya pero maya-maya daw ay dadalhin narin dito.

Si mommy at daddy nakita na sila pero nasa hospital parin sila para makapag pahinga daw ng lubusan. Si Riza at ako naman pinayagan na kami lumabas ng hospital kaya ngayon nandito na kami. Si Christian naman kasama siya ni Patrick ngayon, sila ang nag aayos nang lahat nang kaylangan sa burol ni Brix. At si Arleen, naka kulong na sya.

"Alexis, pauwi na raw sila" sabi ni Riza. Tinawagan kasi nya yung parents ni Brix na nasa ibang bansa.

"Ok" wala kong ganang sabi. Sino ba naman kasi ang gaganahan sa nang yayari ngayon? Ako mismo ang nag aayos ng burol nang boyfriend ko! Hindi ko na mapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon eh, nag halohalo na!

"Gusto mo mag pahinga muna?" Tanong nya

"Hindi, ayoko, hindi ako pwde mag pahinga. May kaylangan pa akong tapusin" sabi ko tapos ay iginulong ko na yung ano nang wheelchair ko, hindi ko pa kasi kaya maglakad dahil naka semento pa yung paa ko.

"Saan ka pupunta? Saka ano ang tatapusin mo?" Tanong nya kaya huminto muna ako.

"Sasama na ako kay Marco" sagot ko

"ANO?!" Lumapit sya sa harapan ko "nababaliw ka na ba ha?! Pagtapos isakripisyo ni Brix yung buhay nya para lang sayo, ngayon mag didisisyon kang sumama nalang kay Marco! Ano bang kalokohan 'to Alexis ha!" Galit na galit nyang sabi

"Hindi 'to kalokohan Riza! Ayoko lang na may madamay pang iba! Gusto mo bang may mamatay pa ha?! Kasi ako ayoko na!!! Ayoko na may mamatay pa dahil alam kong kasalanan ko kung bakit sila mawawala!!!" Paliwanag ko... "Riza pagod na ako eh, pagod na akong sisihin ang sarili ko sa mga nang yayari. Pagod na ako na may masaktan pa nang dahil saakin. Pagod na ako Riza, pagod na pagod na ako" tapos ay pumatak na naman ang mga luha ko.

"Tahan na Alexis, wala ka nang ginawa kundi ang umiyak. Gusto mo ba na bumalik nanaman nang hospital ha? Tahan na" mahinahon na nyang sabi habang hinahagod nya yung likuran ko.

"Hayaan mo nalang sa gusto kong mangyari. Para sa inyo din 'to, para sa ikabubuti nang lahat"

"Pero kung gagawin mo ba 'to, satingin mo matutuwa si Brix nyan ha?" Tanong nya kaya tumingin ako sa kanya

"Wala na sya Riza, kaya hindi ko na alam kung matutuwa ba sya o hindi sa gagawin ko" sagot ko

"Pero satingin ko hindi sya matutuwa sa gagawin mo" sabi niya, umiling lang ako.

"Gagawin ko ang dapat, matuwa man sya o hindi" sabi ko tapos ay pinaandar ko na ulit yung wheelchair.

"Kung disidido ka na talaga sa gusto mong gawin, sasamahan kita" sabi nya kaya napahinto ulit ako at tumingin sa kanya.

"Sasamahan mo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo" lumapit ulit sya saakin "ayoko nang maging duwag, ayoko nang makulong sa nakaraan. Kaya naman haharapin ko na yung takot ko. Sasama ako sayo" nakangiti nyang sabi.

"Magpapakuha karin kay Marco?" Kunot noo kong tanong

"Hindi noh! Syempre ikaw lang, sasamahan lang kita" sabi niya kaya napalo ko sya nang mahina sa braso

"Loka ka talaga, tara na nga!" Sabi ko kaya sya na yung nag tulak nang wheelchair ko.

Sumakay kami sa kotse ni Patrick kasi na kay Riza naman yung susi, sya narin yung nag drive nang kotse dahil may lisensya naman sya.

"Saan tayo pupunta ngayon? Hindi naman natin alam kung saan nag tatago si Marco" tanong nya

"Gusto ko muna pumunta sa Presinto, gusto ko makita si Arleen. Gusto ko tanungin sa kanya kung bakit nya ginawa yun, gusto kong tanungin sa kanya kung masaya na ba sya ngayon" sagot ko.

"Ok sige" sabi nalang nya. Kaya naman pumunta kami ng presinto kung saan naka kulong si Arleen. Sinabi naman kasi samin ni sir Kim kung saan syang presinto dinala.

...

Presinto...

"Ayan na sya" sabi ni Riza kaya napatingin ako kay Arleen na papalapit saamin. Umupo sya sa tapat namin at sobran sama ng tingin nya saakin.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong nya

"Sabihin mo, bakit mo dinamay si Brix, bakit sya pa ha?! Masaya ka naba dahil naka bawi kana ha?!" Galit kong tanong

"Masaya? Tss, syempre hindi pa ako masaya kasi buhay ka pa! Akala mo ba porket nandito na ako sa kulungan matatahimik kana ha?! Sinasabi ko sayo Alexis, kahit kaylan hindi ka sasaya! Hanggang sa magiging apo mo dadalhin yung kamalasan na binigay mo samin, SINUSUMPA KO YAN! Hindi kayo sasaya!"

"MANAHIMIK KANA!" sigaw ko sa kanya. Natahimik sya saglit, tapos ay bigla nalang nya akong sinabunutan.

"SINUSUMPA KITA! SINUSUMPA KITA!" sigaw nya habang patuloy nya akong sinasabunutan.

"Bitawan mo ako!"

"Tama na yan! Kunin nyo na sya!" Sabi ni Riza

"Tumigil kana!" Sabi nang pulis tapos ay hinigit na nila palayo saakin si Arleen.

"Mabubulok ka dito, tandaan mo yan!" Sabi ko sa kanya tapos ay itinulak na ni Riza yun wheelchair ko palabas ng presinto.

"Ok ka lang ba ha? Gusto mo bumalik na tayo sa bahay ni Brix?" Pag aalalang tanong ni Riza saakin

"Wag muna, gusto ko munang pumunta sa sementeryo. Matagal na nating di nadadalaw sila Renz... puntahan muna natin sila"

"Sige" sabi nya tapos ay sumakay na ulit kami sa kotse.

*kriinngg!* kinuha ni Riza yung cellphone nya nang tumunog ito.

"Sagutin mo nga" sabi ni Riza at inabot nya saakin yung cellphone nya.

Christian calling...

"Hello?" Sabi ko pag sagot ko nang tawag.

... "Alexis? Si Patrick 'to nasaan kayo ha?" Tanong nya

"Papunta kami ngayon sa sementeryo dadalawin lang namin sila Renz" sagot ko

... "Ngayon nyo pa naisipan dalawin sila kung kaylan padating na dito yung ano ni Brix. Saka isa pa Alexis hindi pa kayo ligtas na lumabas na kayo lang lalo kana, gusto nyo bang mapahamak na naman kayo ha?"

"Saglit lang naman kami eh, babalik din kami agad. Basta wag nyo na kaming sundan, dyan nalang kayo asikasuhin nyo nalang dyan" sabi ko tapos ay pinatay ko na yung tawag.

"Huling tanong Alexis, sure ka na ba talaga sa gusto mong gawin? Talaga bang sasama kana kay Marco?" Paninigurado nya

"Oo, sure na sure na ako. Para matapos na ang lahat ng 'to. Para wala nang mapahamak pa" sagot ko, napailing nalang sya at napabuntong hininga.

...

Pagdating namin sa sementeryo. May nakita kaming tao na nag huhukay sa tabi ng puntod ni Ria.

"Hoy sino ka? Anong ginagawa mo dyan?!" Tanong ni Riza sa kanya kaya napatigil sya sa ginagawa nya at dahan dahang tumingin saamin. "Ma-Marco?" Sabi nya nung nakita na namin yung sunog nyang muka.

"Oh, kamusta?" Tanong nya sabay ngiti

"Anong ginagawa mo ha? Bakit mo hinuhukay yan?" Tanong ko, binitawan nya yung pala at umalis sa hukay

"Ito ba? Hinahanda ko na yung libingan ni Brix, para naman may matulong ako kahit papaano sa kaibigan ko" sagot nya na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Kaibigan? Pag tapos mo syang patayin, ngayon kaibigan ang tawag mo sa kanya?!" Galit kong sabi.

"Oopss, correction, hindi ako yung pumatay sa kanya. Hindi ako yung sumaksak sa kanya, ako lang yung sumira nang generator sa hospital at nang transformer nang kuryente nila"

"Ganon narin yun! Kung hindi mo ginawa yun, baka buhay parin sya hanggang ngayon! Baka naagapan pa yung buhay nya!"

"Ah ganon ba yun?" Inosente nyang sabi. "Pero alam nyo, may naisip akong paraan para masukat kung tama na ba yung hinukay ko para kay Brix, siguro mas maganda kung may ililibing muna ako dyan pansantala habang wala pa si Brix" tapos ay lumapit sya saamin.

"Alexis umalis na tayo!" Sabi ni Riza tapos ay itutulak na nya sana yung wheelchair ko pero nahawakan sya ni Marco.

"Halika dito! Wag kayong tumakas!" Sabi nya tapos ay hinila nya si Riza papunta duon sa hukay.

"Teka Marco itigil mo yan!" Awat ko

"Bitawan mo ako!" Sabi ni Riza habang nag pupumiglas sya.

"Dyan ka!" Sabi ni Marco tapos ay tinulak nya si Riza sa hukay at kinuha nya yung pala, ihahampas na nya sana yun kay Riza pero natigilan sya nung sinabi kong....

"TAMA NA MARCO! SASAMA NA AKO SAYO!" sigaw ko kaya natigilan sya. At napatingin saakin.

"Anong sabi mo? Paki ulit nga?!" Tanong nya.

"Ang sabi ko sasama na ako sayo, itigil mo lang lahat nang 'to. Tigilan mo lang yung barkada ko at mga mahal ko sa buhay. Ayoko nang may mapahamak pang iba kaya sasama na ako sayo" sagot ko

"Alexis" tawag saakin ni Riza

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo ha!" Paninigurado nya

"Oo, sigurado ako. Pero may hiling lang sana ako sayo bago ako sumama sayo" sabi ko

"Sige, ano yon?" Tanong nya

"Hayaan mo na muna sanang makasama ko si Brix hanggang sa huling sandali nya, gusto ko munang ipagluksa sya. Pagtapos, pag nailibing na sya sasama na ako sayo"

"At paano naman ako makakasigurado na tutupad ka sa sinasabi mo ha?!"

"Kilala mo ako Marco, kaya sana mag tiwala ka lang. At sana, please lang wag ka nang mananakit nang tao, wag mo nang sasaktan yung mga mahal ko sa buhay. Ayoko na silang madamay pa" sabi ko, napaisip naman sya saglit.

"Sige.... tutupad ako sa gusto mo. Pero oras na hindi mo tuparin ang sinasabi mo, patayin ko silang lahat. Kilala mo rin ako Alexis kaya kong gawin ang lahat!" Sabi nya pagtapos ay inihagis nya kay Riza na ngayon ay nakatayo na yung pala "mag paiwan ka dito pagtapos nang libing ni Brix, ikaw lang at wala nang iba pa! Dahil kung hindi, isasama kita agad sa libing ng ex mo!" Tapos non ay umalis na sya.

"Riza" tawag ko sa kanya kaya agad syang lumapit saakin at agad akong niyakap.

"Na-natakot ako ng sobra, a-akala ko gagawin na naman nya yung ginawa nya saakin noon" nanginginig nyang sabi.

"Wag ka mag alala Riza, huli na 'to. Hinding hindi na nya ulit kayo guguluhin pa. Pangako"

...

Itutuloy...

A/N: ilang chapter nalang po matatapos na sya. Advance thankyou na po sa mga magbabasa nito hanggang huli :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 489 21
Babala: Hindi pangkaraniwan ang mga kuwentong mababasa mo rito. Kung mahina ang iyong loob, huwag mo nang ituloy ang pagbabasa.
18.1K 559 16
Ito ang mga kuwentong hindi gugustuhin ng publiko na makita mo. Makatulog ka pa kaya?
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
16.7K 3.4K 44
Kung sinuman ang pumatay sa kanya, sisiguraduhin kong magbabayad siya! Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula ng panibagong buhay ngayong wa...