The Martyr Girlfriend

By danchan07

205K 2.3K 363

The Martyr Girlfriend Si Ash, isang typical girl na ibinigay ang lahat ng pag-ibig para sa lalaking kanyang k... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 The Intro
CHAPTER 2 Text Messages
CHAPTER 3 Tipsy
CHAPTER 4 Worried Face
CHAPTER 5 Choco Moist
CHAPTER 6 Questions and Doubts
CHAPTER 7 Waiting in Vain
CHAPTER 8 The Past
CHAPTER 9 The Other POV
CHAPTER 10 The Rumor
CHAPTER 11 Unsuccessful Report
CHAPTER 12 Elexis
CHAPTER 13 The Truth Hurts
CHAPTER 14 Hindi Ko Kaya
CHAPTER 15 The Talk
CHAPTER 16 Josette's Story
CHAPTER 17 The Moving On Brigade
CHAPTER 18 The Moving On Partner
CHAPTER 19 The Martyr GF, Martyr BFF and the Martyr Boy...err, Boy na Friend XD
CHAPTER 20 His Regret
CHAPTER 22 1251
CHAPTER 23 The Party
CHAPTER 24 The Dance
CHAPTER 25 The Comeback
CHAPTER 26 Elexis' Side of Story
CHAPTER 27 Grey's Efforts
CHAPTER 28 Sembreak
CHAPTER 29 Sembreak Ver. 2.0
CHAPTER 30 Grey's Efforts Ver. 2.0
CHAPTER 31 Swirming Feelings [Josette x Sky]
CHAPTER 32 The Everything
CHAPTER 33 The Part-Time Girl ♥
CHAPTER 34 Her Flashback
CHAPTER 35 Sky and Josette ♥
CHAPTER 36 The Martyr

CHAPTER 21 Grey's Anatomy

5.7K 69 25
By danchan07

A few weeks ago after nang closure namin ni Ash.

Napakagaan sa pakiramdam na wala ka nang iniintinding problema.  Okay? Hindi ko naman sinabing problema si Ash nu?! Makapagreact naman ito. What I mean is wala na akong iisiping sama ng loob at guilt ngayon dahil nakapagclosure na kami.

Kami na ni Elexis ngayon. Siguro nagtataka kayo kung paano kami naging kami?? Basta, naging close na lang kami sa isa’t- isa dahil minsan naging magkagrupo kami sa duty.

Childish. Demure. Cute. At sobrang bait. Wala atang lalake ang hindi magkakagusto sa babaeng iyon eh. Pangarap kaya siya nang mga classmates naming lalaki at laking gulat nila na sa akin pa siya napunta. Haha, gwapo eeh.

For some reasons, hindi ko mapigilang maakit at mainlove sa kanya. She’s always there for me, malambing tapos ang bango pa lagi. Haha, ano Grey?! >.<

Ganito na ang buhay ko ngayon. Literally, iba na ang girlfriend ko.

Oo masaya ako, nagtatawanan nga lang kasama nang barkada, bar hopping kasama nang mga Nursing at dates kasama si Elexis.

“LOVE!” sigaw ko habang hinahabol sa hallway ng pedia ward si Elexis. Niyakap ko siya mula sa likod kaya naman nabigla ito.

“OMG! Love! Nakakagulat ka naman…” balik niya sa akin tapos napatingin siya sa mukha ko, nakayakap parin ako sa kanya. Ang sexy niya sa suot niyang uniform, oo, bagay sa kanya iyong uniform naming pang nurse tuwing duty. May daladala siyang medicine tray at medyo napatabingi pa ata ang nakapin niyang cap sa kanyang buhok nang yakapin ko siya. Ang bango talaga niya! Hmmmmmmm.

Napansin naman namin na nasa amin ang mga mata nang ibang mga taong napaparaan sa may hallway, PDA na kung PDA hahaha, pakialam ba nila.

“Naku, may patient pa ako na kailangang painumin nang gamot nu?! Bumalik ka na sa ward mo, mahuli pa tayo nang CI.” Sabi niya sa akin tapos umalis siya sa pagkakayakap ko. Kinindatan niya lang ako saka lumakad ulit papasok sa pedia ward.

“Sige Love! Bye, see you mamayang lunch.” Kaway ko naman sa kanya.

Nasa morning shift kami pareho ngayon kaya labis ang aking tuwa ng magkakitaan kami sa iisang hospital. Hahahahaha, akalain mo iyon! Mag-aantay na lang ako nang lunch para makita siya ulit tapos bumalik na agad ako sa assigned ward ko.

~

Party naman paggabi, a month kasi bago magpalit ng shifting sa duty kaya naman after duty nagbabar hopping kami. Madilim sa loob nang makapasok ako sa bar, agad ko namang hinanap si Elexis. Hindi ko siya nadaanan sa kanila dahil sabi niya dito na lang daw kami magkita.

Sobrang lakas nang tugtog, sabayan pa ng patay-sinding ilaw at amoy nang usok nang sigarilyo. Ganito ang loob ng isang bar. Laking tuwa ko naman at maganda ang napili ng Nursing ngayon na bar para magsaya.

Isang bar, sa isang hotel. Okay. Maganda nga, para dirediretso na. Hahaha mga tao talaga oh.

“Hey! Nakita mo ba si Elex?” tanong ko sa classmate kong si Elaine na napadaan sa kinaroroonan ko. Tumingin lang ito sa akin at nagmake face na hindi niya narinig ang mga sinabi ko.

“ANG SABI KO… NAKITA MO BA SI ELEXISSSS?!” pasigaw kong tanong sa babaeng mukhang lasing na.

“Ahh, iyong pademure mong gf?! Hahaha, Si Elex?! Nasa dance Floor! Ang daming kasayaw na lalaki!” sabi niya sa akin na ikinabigla ko naman kaya hindi na ako nag-atubiling hanapin si Elex sa dance floor.

Dahil sa usok at patay-sinding ilaw, nagsisiksikang tao, nahirapan akong makita si Elexis. Medyo nabadtrip ako dahil sa mga narinig ko kanina. Bakit naman siya nakikipagsayaw sa iba?

“Uy Grey! Nandito ka na pala!” bati sa akin nang classmate ko na lalaki na si Stephen tapos tinapik niya ako sa balikat.

“Nakita mob a si Elex?” direktang tanong ko sa kanya medyo naiinis na kasi ako at hindi ko parin mahagilap ang babaeng iyon.

“Si Elex?! Pare, ang galing pala sumayaw nun ‘eh! Todo bigay talaga! Swerte mo naman sa kanya.” Bulalas ni Stephen na lalong ikinainis ko.

“Asaan nga siya?!” Badtrip. Sobrang inis ko muntik ko na siyang mabatukan sa ulo. Pero napigilan ko naman ang aking sarili at iniwan na si Stephen na mukhang napatulala sa inasal ko.

Ilang minuto pa ang itinagal bago ko pa nakita si Elexis. Tama nga ang mga sinabi nila, magaling ngang sumayaw si Elexis, hindi literally na sayaw ha?! Sayaw na nang-aakit. Dirty dancing! Gad!

Nakamini skirt siya at sleeveless blouse na may blazer, obviously napakababa nang cut ng blouse niya kaya naman nakikita na ang cleavage nito.

Ang mas nakakabanas pa, nagdidirty dancing siya sa harap nang ibang lalaki. Eh kung sa akin e di hindi ako nagalit di ba? Nag-enjoy pa ako. Gad.

Mabilis akong lumapit at humarang sa lalaking kasayaw ni Elexis at sa kanya.

“Anong ginagawa mo?” asar na tanong ko sa kanya tapos hinawakan ko na siya sa kamay para hilain pabalik sa mga mesa.

“Ano ba, Grey?!” sigaw naman ni Elexis na tila ayaw pang magpaawat, mukhang nakainom na ito kaya ang lakas nang loob na magdirty dancing dito ngayon.

“Brad, teka nga lang, ayaw ng babae oh! Nagsasayawan pa kami, humanap ka nang ibang kasayaw mo! Nauna ako oh…” sabi nang lalaking kasayaw niya na medyo chinito at matangkad bahagya sa akin.

Napapikit ako nang di oras, pinipigil iyong inis at galit na nararamdaman ko. Hinarap ko ito at sinuntok!

BOOOOOOG!

“Layuan mo girlfriend ko!” sigaw ko nanlilisik na ang aking mga mata sa galit. Nandidilim lalo ang aking paningin habang tinitingnan ang lalaking napadapa sa sahig dahil sa tama ng suntok ko sa kanyang mukha.

Narinig kong nagpanic si Elexis sa aking tabi habang hinihila niya na ang aking braso upang awatin.

“Pare, anong problema mo?! Eh di sana sinabi mo agad na girlfriend mo yang babaeng yan!” balik sa akin nang lalaking sinuntok ko nang siya ay makatayo.

“Eh gago ka pala eh! Bakit ko pa ipapaalam sa iyo, eh nilapitan ko na nga!” akmang susuntukin ko na ulit siya sa sobrang pikon pero inawat na ako nang mga kaklase ko.

“Tama na, Grey”

“Pare, tama na, hayaan mo na iyan…”

Sabay-sabay kong naririnig silang umaawat sa akin. Turumpukan naman ang lahat upang mapanuod nang mabuti ang gulo sa pagitan namin.

“Pare! Siya naman nagsabing walang magagalit kung makipagsayaw ako sa kanya eh. Matatanggihan ko ba siya? Eh lalaki din naman ako?!” paliwanag noong lalaking nasuntok ko habang tinuturo si Elexis na nasa gilid ko lang.

Napatingin ako kay Elexis, sobrang inis ko gusto ko na din siyang suntukin pero hindi ko magawa.

“Grey, hindi totoo i-iyan…” mangiyak ngiyak na sabi ni Elexis. Tapos kumalma na ako. Ayokong nakikita siyang umiiyak.

“Pare, sorry…” mahinahon kong sambit sa lalaki tapos nagsmirk lang siya at tinanggihan ang pakikipagkamay ko sabay umalis na.

Nagbalik naman ang lahat sa dati. Nandiyan na naman ang malakas na music at nagsasayawang mga tao sa dance floor. As if parang walang nangyaring gulo. Sinundan ko naman si Elexis na patakbong pumunta sa wash room nang mga babae.

Nasa labas lang ako nang CR habang hinihintay siyang lumabas.

Nang makalabas siya, hindi ko alam kong ano ang aking sasabihin sa ginawa niya.

“Kung ako na lang sana ang sinayawan mo, sana hindi ko pa nasuntok iyong lalaking iyon!” reklamo ko sa kanya. Mukhang naghilamos siya dahil kahit papaano ay nahimasmasan na siya.

Nakatayo lang siya sa harap ko, wala ring kibo.

“Kanina ka pa ba dito? Bakit mukhang madami ka nang nainom?” tanong ko kay Elexis. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

“Oh God! May tumatawag, wait!” tapos bumalik na naman siya sa loob nang CR para kausapin ang kung sino mang tumawag sa kanya.

Shit. Nasasaktan ako. Bakit ganyan siya? Minsan sweet, minsan naman parang walang pakialam. Ano ba talaga? Mahal ba talaga ako nang babaeng ito.

Maya maya pa ay lumabas na siya sa CR.

“Umuwi na tayo, Love. Hatid mo ako ha?” pasweet niya pang sabi sa akin. Ang weird talaga nang babaeng ito. Lumapit siya sa akin sabay patiptoed na humalik sa akin. Amoy alak siya kaya hindi niya maitatanggi sa akin na marami na siyang nainom. Hinalikan ko naman siya pabalik. Alam kong gustong gusto niyang pinapamper siya.

Kaya naman hindi na ako nakapagpigil at itinuloy namin ang pagmimake out sa labas nang CR. Wala masyadong nadadaang tao dito maliban sa mga babaeng nagCCR kaya naman ayos lang kung maghalikan kami dito.

Napakainit ng mga labi niya habang hawak hawak ko siya sa bewang. Siya naman nakakapit sa aking leeg. Tapos huminto kami para huminga.

“Let’s Go…” yaya niya sa akin, bakit ba nagmamadaling umuwi ang babaeng ito gayong passed 9 palang ng gabi and the fact na kakarating ko lang no?

“Bakit ka nagmamadaling umuwi? Hindi ka ba nagpaalam na aalis ka?” tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti, isang pilyang ngiti. Okay I get it. Tumakas lang nga siya.

“Okay Fine! Ihahatid na kita, papakilala mo ba ako sa parents mo?” pabiro kong tanong sa kanya. Mukhang nabigla siya sa sinabi ko dahil natigilan siya.

“NOOOOO!”bulalas niya at halatang nagpanic. Napataas na lang ako nang kilay sa kanyang pagreact.

What the f?! is her problem?

~

Pagweekends nagmomovie date lang kami ni Elexis, don’t worry shoulder ko ang lahat, lalake eh…

“Looooove?!” tawag sa akin ni Elexis nang makarating siya sa meeting place namin. Ayaw niyang sinusundo siya sa kanila. Napatingin ako sa relo ko, Gad! She’s an hour late!

“Natraffic ako eh..” bati niya sa akin. Nawala naman ang inis ko sa paghihintay nang makita ko ang itsura niya. Nakadress siya na above the knee ang haba at talagang bumagay sa kulay nang kutis niya.

Shoot. >.<

Habang naglalakad kami at nagpaplano kung saan kakain at manunuod, hindi ko maiwasan na mainis sa lahat nang mga nakakasalubong namin. Panay ‘Hi Miss’ at tingin sila kay Elexis. Ganito na ba kaganda ang girlfriend ko?

Tapos kumain kami sa pizza hut. Habang hinihintay namin iyong inorder namin, hindi naman mapakali sa kakatext itong si Elexis.

“Sino bayang katext mo ha?!” tanong ko sa kanya tapos tangkang aagawin sa kanya ang cellphone niya.

“Ano ba, Grey!” mukhang pissed off siya sa ginawa ko kaya naman napasimangot na lang ako at nanahimik.

For some reasons, pinagtataka ko talaga ang pagtetext niya habang kasama ko siya.

During the movie, nagtetext siya. Disurbing na nga sa mga nanunuod dahil maliwanag ang phone niya, hanggang paglabas namin sa movie house, sa mall at tila buong date namin, may tinetext siya. >.<

“It’s Dad. Tinatanong niya if saan na daw tayo?” tapos natigilan naman ako sa isinagot niya sa tanong ko. The heck? May curfew ba siya? Tirik yung araw oh? Buti sana kung gabi na?

Weird.

Then, naisipan naming pumunta sa amusement park. Yeah, nakaabot kami sa amusement park. Tuwang tuwa si Elexis na naglibot libot sa park habang ako naman pinagmamasdan siya. She’s so care-free pero parang may mali sa kanya na hindi ko alam kung ano.

Am I inlove with her for real?

~

Sometimes nakakapagkwentuhan kami nang mga classmate kong lalaki sa room tuwing may klase kami sa school at walang duty. All would talk about Elexis.

“Grey, hanep ka talaga! Mukhang lakas nang tama natin sa bago mong gf ha?” bulalas ni Clifford sa akin at naupo sa tabi ko nang matapos na ang klase namin sa physiology.

“Pinagpalit mo iyong ex mo kay Elexis?” tapos natawa naman si Chris sa kanyang sinabi na para bang may gusting ipahiwatig. Tinapik naman siya ni Clifford.

“Anong masama doon, Chris?” tanong ko sa kanya pabalik.

“Mukha pa lang nila magkaiba na, pareho lang sa kutis, yummy hahaha.” dagdag ni Clifford  tapos nagaction action pa nang nakadila.

“Gago! Yummy ka diyan! Parang hindi ex ko at gf ko iyong pinag-uusapan natin dito ah?” pabirong reklamo ko kay Clifford tapos mahinang sinuntok ito sa braso.

“Grey naman hindi na mabiro…” Napakamot lang si Clifford nang ulo.

“Pero Grey, hindi mo pa lubos kilala si Elexis…” seryosong singit naman ni Gary sa amin at napalapit ito upang makisali sa amin.

Nagkakagulo sa loob nang room dahil walang klase, iilan lang kaming lalaki sa aming block kaya naman hindi maiwasan na tumumpok kami na parang tae sa isang sulok. Paano nadodominant kami nang mga girls.

Napatingin kami kay Gary at napaisip sa sinabi niya.

“As if naman kilala mo si Elexis ha, Gary?” tanong sa kanya ni Clifford.

“Pademure lang iyan siya, paisip bata, isip bata pero sa loob ang kulo niyan.” Pabulong na sabi ni Gary sa amin. Medyo nainis ako sa kanya, kilala niya bas i Elexis nang husto at nagagawa niyang sabihin ang mga bagay na iyon.

“Kaya ikaw Grey, huwag kang papauto diyan!” tapos tinusok niya nang point finger niya ang noo ko.

“Aray naman, Gary! Teka… kilala mo ba talaga si Elexis?”  napasulyap na lang ako sa gf ko na nakaupo sa di kalayuan at nakikipagkwentuhan sa kapwa niya mga babae.

Kumindat lang sa akin si Gary na parang binabae kaya naman lalo ako nainis. Babanatan ko na sana siya nang biglang pumasok na ang prof namin sa susunod na subject.

Sa di malamang dahilan, natorete ako sa sinabi ni Gary.

“Kaya ikaw Grey, huwag kang papauto diyan!”

~

Just in a few weeks madaming nagbago sa buhay ko. In just a few weeks, marami akong nalaman sa pagkatao ko. Duwag naman talaga ako eh. Madali pa matempt. Bobo, sira ulo, moron, inutil, tanga, pipitsugin… Aiiiish. Kailangan ko na atang magpatingin sa psychiatrist nito ah? Mukhang nasisiraan na ako nang bait.

I tried drugs, cigarettes, alcohol… char >.< walang drugs, pure marijuana lang. Char lang ulit.

Ano bayan? Nanunuod lang ako nang Grey’s Anatomy nagkaganito ganito na ang pag-iisip ko >.<

Parang may kulang sa buong linggong dumadaan sa buhay ko, napakaordinary at feeling ko napakaunspecial ko. May word bang unspecial? Kahit nandiyan si Elexis, feeling ko hindi ako importante.

Napasulyap ako sa cellphone ko. Picture nga ni Elexis iyong DP ng phone ko pero may profile name naman na Ash? Hindi ko pa pala napapalitan iyon.

Tama! Alam ko na, lagi ngang nagtetext si Elexis time to time pero hindi naman ako yung tinetext niya and the fact na minsan lang kami magkatextsan ? samantalang si Ash, tinetext ako if okay lang ba ako today, if nakauwi na ba ako galing duty? Etc..

Pinagcocompare ko ba sila?....

Nababaliw na nga ako.

~

I’m frozen. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita ko siyang kasama ni Sky sa mall at hawak hawak ng lalaking iyon ang kamay niya?

Sila na ba?

Hindi ko kinaya iyong nakita ko kaya naman napalabas ako sa activity area nang hindi oras. Pakiramdam ko para akong sasabog sa selos nang makita sila.

Pero bakit?!

Bakit ako nagseselos gayong ako naman ang nang iwan sa kanya?

Naupo ako sa isang bench sa may food court tapos nakita ako ng mga kasama ko sa duty na papaalis na.

“Greeeey! Kanina ka pa namin hinahanap?” bulalas ni Seth sa akin. Nakayuko lang ako at hindi siya pinapansin, err sila pala dahil lumapit nadin sa akin sina Rubee at April.

“Saan ka ba galing lalaki ka? Tapos na kami magmerienda” sabi naman ni Rubee tapos nakapamaywang na.

Napatingin ako sa mga ito. Nagmomoment eh, nanggugulo.

“Sumakit tiyan ko kaya napadaan ako sa may CR” palusot ko sa kanila. Pinigil naman nang tatlo ang matawa sa sinabi ko. Kinagat nila iyon??

Inilibot ko ang aking paningin upang maghanap nang mapipiling kainin pero mukhang nawalan na ako nang gana kaya naman pinili ko na lamang na maupo sa kinauupuan ko at magreminisce sa mga bagay bagay.

Pero naglaho ang lahat nang ito nang magpanic na si Rubee…

“Grey!!!!! Asaan na ang plastic bag na may laman nang mga pinaili natin?!!!” makabasag-litid na sigaw niya dahil nagpapanic na siya. Napalundag naman ako sa kinauupuan ko dahil pati ako ay nagulat sa kanya.

Nasaan nga naman ang plastic na daladala ko kanina??! >.<

“Hanapin natin iyon Grey!” bulalas ni April.

“Baka nasa CR iyon or sa mga dinaanan mo..” suggestion ni Seth.

Maaaring naiwan koi yon sa Activity Center kanina sa sobrang siksikan ay hindi ko namalayan na nabitiwan ko na pala.

“Problema nga naman...” reklamo ko at napatayo na upang bumalik sa mga pinanggalingan para hanapin ang nawawalang plastic.

~

Teletha’s POV

Hinila ko ang kamay ko papalayo sa palad ni Sky. Naiilang ako at hindi ko malaman ang sasabihin kaya naman humanap ako nang dahilan para maalis ang awkward feeling na nararamdaman ko ngayon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin if may maganda akong topic na pwede sabihin kay Sky. Sa kabutihang palad, nakakita ako.

“Hala Sky! Look oh?! May nakaiwan nang plastic bag sa sahig doon, nakakalat na iyong mga materials!” pag-iiba ko nang usapan sa kanya matapos ituro ang nakakalat na plastic at mga school supplies sa sahig na hindi naman kalayuan sa inuupuan namin.

Dinadaan daanan lang ito nang mga tao habang napapatingin sa mga laman nito. Samantalang napatilt naman nang ulo si Sky upang makita ang aking tinuturo.

“Uyyyyy, libreng school supplies!” biglang sigla ni Sky sabay nilapitan niya iyong mga nagkalat na gamit at isa-isang pinulot ito.

“Hala Sky! Ibalik natin sa may ari iyan!” reklamo ko sa kanya pero mukhang hindi niya na ako narinig.

_____________________________________________________________________________________

Thank youagain for reading! ♥

Kindly vote, share and comment!

Para ganahan magupdate! ^.~

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...