I Swear This Time I Mean It

By justbetch

34.6K 638 35

Eunice is an innocent teenage girl who has an ultimate crush on her cousin's bestfriend named Kim, who do not... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO:
CHAPTER THREE:
CHAPTER FOUR:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
EPILOGUE:
Author's Note:

CHAPTER THIRTEEN:

832 22 3
By justbetch

"Anong meron bakit ang daming foods?" tanong ko agad pagkapunta na pagkapunta ko sa kusina. Ang dami kasing pagkain sa lamesa, yung mga pagkaing panghandaan. May carbonara, pansit, cake, fried chicken, vegetable salad, at ang aking favorite lumpiang shanghai, at kung ano ano pa, Hahaha.

"Grabe berdugz ang sama mo" napatingin ako bigla kay Kim.

"Bakit?"

"Birthday ni Kim Babe" sagot naman ni Keith kaya napaisip ako bigla, ano bang date ngayon? April 7 nga pala ngayon, tsk. hahaha.

"Tawa ka pa eh, grabe parang hindi mo ako tropa ah"

"Ang drama mo Kimpot, hahaha, eh bakit ang aga ng handaan?" tanong ko pa sabay kuha ng isang lumpiang shanghai.

"Anong maaga, pass 1pm na oi!!" sabay sabay na sagot nila Jude, Christian, Kim, Francis, Ace, Stephen, Mark, Gabriel, Jason, Patrick at Harrold na natatawa pa.

"Ay so kailangan sabay sabay?"

"Grabe berdugz, ang aga mo na ngang natulog kagabi late ka pa ding nagising ngayon? Hanep!" -Christian.

"Eh ang lamig sa kwarto eh, nakatodo yata yung aircon, ang hirap bumangon"

"Ayun, sinisi pa yung aircon" -Stephen

"Ang sabihin mo sugapa ka lang talaga sa tulog" -Patrick.

Batukan ko kaya tong mga tukmol na to. Ako nanaman ang nakita eh.

"Nasan si Jd?" tanong ko bigla, wala kasi yung loko.

"Ayun naman eh, si Jd agad ang hinanap" pang-aasar ni Jude.

"Eh wala siya dito eh, hahanapin ko ba siya kung nandito siya? Sige nga sagutin mo ko"

"Sabi ko sayo pag-isipan mo muna yung sasabihin mo kay berdugz para di ka nababara eh" bulong bigla ni Francis kay Jude saka kami nagtawanan.

"Nasa labas si Jd, kasama si Josh, inaayos yung sound system" -Jason.

"Soundsystem? Party party talaga?" -Ako

"Hindi actually magluluksa tayo kaya may sound system" pambabara ni Jude. Gago to gumaganti ah.

"Ah talaga? Ganun na pala uso ngayon sound system pagnagluluksa?" syemre papatibag ba ako? Sagot lang ng sagot.

"Argh! Nakakainis! Ang taba ng utak mo Berdugz! Bakit ba di kita magawang barahin!" sabay sabunot ni Jude sa sarili.

"Kasi hindi ako lababo para mabara"

"Tang ina Boss dama ka namin wag kang mag-alala" sabay tapik ni Francis sa balikat ni Jude na nag-iinarte na parang umiiyak. Parang mga siraulo tong mga to. Nagtawanan nalang kaming lahat.

"Eh si Eunice nasaan?" tanong ko pa.

"On the way na daw" -Franicis.

"Kanina pa nga yun on the way eh" sabat ni Kim na halatang naiinis.

"Eto si birthday boy masyadong excited eh, halos araw araw na nga kayong magkasama namimiss mo pa din?" pang-aasar pa ni Mark.

"Nangangaelam?" sagot naman ni Kim.

"O sapakan na yan oh" natatawa ko naman sabi kaya nagtawanan sila. Yung totoo?? Mga siraulo lang at lahat ng sasabihin ko nakakatawa?

Maya-maya lang din dumating na si Eunice na may dalang cake. Kaya ayun abot tainga ang ngiti ni Kimpot ng makita ang girlfiend, akala mo ang tagal na di nagkita eh. Tsk. bat di nalang kaya sila magpakasal?

Mga bandang 2:30 nagdatingan na din ang mga shota nila Francis, Christian, Ace, Stephen, Mark, Jude Patrick, Harrold, at Gabriel. Nagvivideo oke sila sa garahe.

"Anong gift mo kay Kimpot?" tanong bigla ni Keith kay Eunice habang nasa kusina kaming tatlo.

"Secret muna, mamaya nalang pag-naibigay ko na"

"Okay"

Hahaha, nakita ko nakaya yung gift niya kay Kim nung binabalutan niya sa kwarto namin, hahaha, pero syempre hindi ko muna sasabihin, mamaya nalang.

"Bots video oke tayo." napatingin ako bigla kay Jd na papasok sa loob ng bahay.

"Eh ayoko nga, alam ng ang pangit ng boses ko pakakantahin mo pa ako dun."

"Ee sama ka pala sakin dun sa labas, na-o-OP ako dun eh" sabay pout niya. Tong lalaking to ang hilig magfacial expression ng ganyan. Parang bata.

"Please?" sabay beautiful eyes niya pa kaya natawa ako bigla.

"Oo na nga!" sabay kurot ko sa ilong niya.

"Grabe Bots, bat naman sa ilong"

"Haha, ang tangos eh"

Habang nagkakantahan yung mga loko kami naman nila Jd kumakain lang.

"Uy Kimpot may surprise kami sayo" napatingin kami bigla kay Stephen na papasok ng gate.

"Ano nanaman?" sabay tayo ni Kim.

"Nasan si Francis, si Jude at si Gab?" tanong ko bigla kay Jd ng mapansing wala yung tatlong mokong.

"Pumunta sa grocery, bumili ng alcoholic beverages"

"Ah ganun" sabay tingin ko ulit kayla Kim.

"Ano ba kasing surprise yun?" tanong ulit ni Kim na natigigilan nalang ng may pumasok na babae sa gate.

"Hi Kim" sabay yakap nung babae kay Kimpot. At take note hindi yung yakap na basta yakap kundi yung posture na yung dalawang kamay niya nakapalupot sa leeg ni Kim at sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Mildred?" di makapaniwalang sabi ni Kim.

"I miss you Kim" at ang mas kinagulat naming lahat ay ng halikan niya si Kim.

Hindi sa pisngi.

Kundi sa LABI!!

Hala ka, yung girlfriend po nasa loob ng bah--

"Patay tayo dyan ah..." napatingin nalang ako kay Jd saka napansing nakatingin siya sa pintuan ng bahay kung nasaan si Eunice na nanlalaki ang mga mata sa nakikita, eh pano ba naman hindi pa naghihiwalay yung dalawa.

"Shit..." bulong ko.

Sinara agad ni Eunice ang pintuan at saktong pagkasara niya saka humiwalay yung babae sa pagkakahalik kay Kim.

Kibale ang nakasaksi lang sa kiss na naganap ay ako, si Jd, si Stephen, at si Eunice dahil yung iba busy sa pagkanta sa video oke.

"Mildred..."

"Ako nga Kimmy" nakangiting sabi nung babae.

"K-Kelan ka pa dumating?"

"Kagabi lang, sinakto ko talagang pumunta dito ngayong birthday mo para surprise, I miss you Kimmy" sabay yakap pa nung babae kay Kim.

Sige lang Kim, yakap pa, tigpay ka mamaya kay Eunice.

Tumayo na agad ako saka pumasok sa loob ng bahay.

"Kat si Eunice?" tanong ko agadkay Keith pagkapasok ko sa loob.

"Pumunta sa kwarto, inaantok daw"

Umakyat agad ako sa kwarto namin nila Eunice at nakitang nakahiga siya sa kama. Nakaharap siya sa pader. Tsk. siguradong umiiyak tong babaitang to.

Umupo agad ako sa bandang likod niya saka ko narinig na umiiyak siya.

Tsk. paano ba magcomfort?

" 'Nice..." mukhang nagulat siya ng marinig ang bosed ko dahil napaupo siya bigla saka ko nakita ang mga luha na dumadaloy sa mga pisngi niya.

"Bat ka umiiyak?" tanga lang Elle? Nakita niya kayang may kalips to lips yung boyfriend niya!

"Elle..." sabay yakap niya sakin.

"Shh...tama na 'nice" hinaplos ko lang ang likod niya habang nakayakap pa din sakin.

"B-Bakit sa harap ko pa...*sob* bakit ganun *sob* Elle..." iyak padin siya ng iyak. tsk naiinis tuloy ako kay Kim eh.

"Tama na 'nice, gusto mo bang makita ka ni Francis na ganyan ang itsura pagdating nila?"

"Anong gagawin ko Elle?"

"Hindi naman si Kim yung humalik eh, yung babae, nagulat lang siguro si Kim kaya napatagal. Wag ka ng umiyak 'nice"

Pinunasan niya agad ang mga luha niya.

"Tsk. ayan na ang pangit mo na tuloy, namumula pa yung ilong mo" sabay punas ko pa sa pisngi niya.

"Maghilamos ka para hindi mamaga yang mata mo" pagkasabi ko nun tumayo siya agad saka pumunta sa cr para maghilamos.

Maya-maya lumabas din siya.

"Ngiti ka na, parang ganito o" sabay toothy grin ko kaya natawa siya.

"O diba masarap sa pakiramdam ang nakatawa?"

"Matutulog nalang muna siguro ako"

"Okay sige, basta wala ng iyak ah?" tumangolang siya kaya tumayo na ako saka lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko nakasalubong ko agad si Jd.

"Umiyak?" tanong niya agad.

"Malamang ikaw kayang makita ang boyfriend mo na may kalips to lips na ibang babae?"

"Bakit galit ka?" sabay pout niya. Tsk bata ba tong lalaking to.

"Hindi naman ah? Hindi kaya ako galit"

"Eh parang galit ka eh, nagtatanong lang naman ako bots eh" sabay simangot niya.

"Para kang bata alam mo yun?" sabay guloko sa buhok niya.

"Si Kim nasan?"

"Nasa labas kasama yung Mildred"

"Tignan mo yung lalaking yun, hindi niya alam na umiiyak na yung shota niya"

"Hindi niya kasi alam bots"

"Tss. yun nga eh, so parang walang nangyari ganun?"

"Bat sakin ka nagagalit?" :(

"Para kang baliw alam mo yun? Hindi naman ako nagagalit ah?"

"Tsk. tara na nga kain nalang tayo"

Paglabas namin nakita naming kasama ni Kim yung Mildred, para tuloy imbis na hindi ako maiinis sa kanya dahil sa nangyari nagkaroon ako ng reason para mabwisit. Sarap talaga batukan ng mokong na to minsan eh.

"Dumating na ba sila Fra?" tanong ko bigla kay Jd kaya napatingin siya sakin.

"Hindi pa, bakit?"

"Patay tong si Kimpot pagnalaman ni Francis yung nangyari"

"Tsk. Oo nga eh, mukhang gulo nanaman to, umiiyak pa ba si Eunice?"

"Hindi na ata"

Grabe lang makadikit yung babae kay Kim ah parang wala ng bukas, eto namang si lalaki parang walang girlfriend. Sarap pag-untugin.

--------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you sa lahat ng nagbabasa, comment na din kayo for me to hear your thoughts.

Continue Reading

You'll Also Like

98.3K 158 55
Enjoy
380K 7.5K 29
Teaser..... Si Darylle Miller ay anak ng kilalang pamilya sa bansa at siya rin ang panganay sa kambal nina Duane Miller at Margaux Samonte-Miller... ...
1.4K 115 21
In her bloody traumatic past nakulong ang puso at isipan ni Leia. When she decided to move her life on nakilala niya sa isang life and death situatio...
Gapang By vhfc_13

Short Story

25.6K 50 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)