Her Virgin Brother

By crushyrushy

1.4M 19.7K 1.5K

'Ikaw. Ayoko sayo.' sabi ni EDRIK sa Bestfriend ng kapatid niyang si Colyn. Pero ng dahil sa isang pagkakamal... More

Her Virgin Brother
HVB 1: The Elevator.. Uhmmm..
HVB 2: The Stripper
HVB 3: Strip na iyan!
HVB: He's LIME
HVB 6 : Past is Past
HVB 7: Two Lines
HVB 8: Panagutan na iyan!
HVB 9: First Step
HVB 11: *Pagkain*
HVB 12: Bulaklak
HVB 13
HVB 14:
HVB 15: I'm Starting to...
HVB 16: DEAD
HVB 17: Regrets
HVB 18: Manipulative Hawk
HVB 19: FIVE Reasons
Her Virgin Brother: EPILOGUE

HVB 10

52K 862 50
By crushyrushy

Ingat sa Habagat at Bagyo guys. Sana tumigil na ung ulan. Grabee lang. :(

******

HVB: 10

<Colyn's POV>

"Wow. Ang ganda ng condo mo."

Nilock nito yung pintuan at saka binaba ang bag ko. Nakatayo lang ako sa salas niya.

Lahat ng madaanan ng paningin ko, nagpapatunay na nagiisa lang siya sa Condo niyang iyon.

Black and White ang theme ng condo niya. Paano kaya siya nagkaroon ng ganitong Condo kung student pa lang siya?

Napangiti ako. Magkasama na kami sa isang bubong.. Para na kaming pamilya kung titingnan. Isa-isa ng mabubuo yung pangarap ko sa buhay.

"Hey."

Napatingin ako dito. Nasa may Bar ito at naglagay ng water sa baso bago uminom.

"Yun yung CR." Tinuro niya yung nasa kanan niya. "Kwarto. Katabi ng CR. May CR din sa loob ng kwarto. Yung isa don, Library ko. At yung isang pinto doon, wag mong buksan."

"Eh, nasaan iyong kwarto ko?"

"Sa kwarto ko."

Mas lumaki pa yung ngumiti ko at lumapit sa kanya.

"Magkasama tayo sa iisang kwarto? Ang saya-saya naman, Kuya Edrick. Ikaw, Ako, tayong dalawa, plus the baby.. Ang s---"

"Sa sahig ako matutulog sa kama ka." Blank Stare. Tumingin ito sa akin bago tumayo. Tiningnan ko ang bawat kilos nito. Binuhat nito yung bagahe ko saka binuksan yung pinto ng kwarto, niya.. namin.

"Pagkatapos ko magbihis, magbihis ka na din."

"Diba pwedeng sabay na tayo magbihis?"

"Stop teasing. Walang magagawa iyan." Then padabog na sinarado nito yung pintuan.

Hinipo ko yung tiyan ko. Sana di mamana ni Baby yung kasungitan ng Papa niya.

"Pasensya ka na, Anak ha? Medyo.. hindi pa tanggap ni Daddy na nasa buhay niya na tayo.. Basta papangako ni Mommy na di kita iiwan okay?"

Kahit hindi pa naiintindihan ni Baby yung sinasabi ko. Kahit wala pang paa, puso, kamay, yung Baby ko. Kakausapin ko talaga siya.. siya lang kasi ang mayroon ako.

*****

"Paabot ng Tapsi. Kuya,"

Nag-aagahan na kami ng araw na iyon. Naka uniform na kaming dalawa. Pumapasok pa ako sa ngayon. Hindi pa kasi alam sa school na buntis ako. Siguro sa Senior Year ko na sasabihin para hindi na magulat yung mga chismosa kung kaklase at kaschoolmate.

Magkasabay kaming natulog kagabi. Pero parang magisa lang ako, kasi kapag tinatanong ako sa kanya, hindi ito sumasagot.

Sa isang part ng puso ko, nasasaktan ako.. lalo na sa pinapakita niya. Iniisip ko na lang na magbubunga ito sa huli. Parang.. sa una sakit, pero kapag nasa dulo na, puro kasiyahan na yung mararamdaman ko. Ganoon naman pagLove diba?

"Ang dami mo ng nakain."

Kumuha pa din ako ng kanin at Tapsi. Sobrang dami ko ng nakain pero gustong-gusto ko talagang makakain ng Tapsi. Hinahanap-hanap ng dila ko yung lasa..

"Maganda ito, Kuya Edrick. Sa akin. Para kay baby. Para--- Uhm." Natakpan ko yung bunganga ko. Parang may maasim.

"Nung nangyayari sayo?"

Tumayo ako agad saka binuksan yung Pinto ng CR. Humarap sa bowl at saka sumuka.

"Uggg.."

Naramdaman kong pumasok si Kuya Edrick sa CR. Tuloy-tuloy pa din ako sa pagsuka ko.

Naramdaman kong nirurub nito yung Likod ko. Taas Baba..

"Kaya mo iyan. Ganyan talaga sa una.."

"Hmmm.." Napaupo ako ng wala sa lapag. Nakakapanghina talaga yung pagsusuka. Lahat ng kinain ko, halos sinuka ko. "Nanghihina ako.."

Umupo ito sa tabi ko, saka binigay nito sa akin yung isang basong tubig.

"Uminom ka muna."

Tiningnan ko lang yung baso, saka ko tiningnan si Kuya Edrick. Kahit paano pala, may puso ito. Akala ko, buong araw niya akong di papansinin.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan." Inumang nito yung baso sa bibig ko. "Inumin mo ito."

Kukuhanin ko sana yung baso sa kanya ng ilayo nito yung baso.

"Akala ko ba iinom ako?"

"Ako na maghahawak." Inilagay ulit nito yung baso sa tapat ng labi ko. "Inom."

Nagzip lang ako sa baso saka ko hinawakan yung kamay niya at inilayo.

"May masakit ba sayo?"

Tinitigan ko nanaman siya. Ano ba?! Hindi ako sanay! Kinikilig ako! Kahit sabihin niyang hindi para sa akin yung mga ginagawa niya kinikilig pa din ako.

"Bakit ganyan ka makatingin? Tinatanong kita."

"Walang masakit, Kuya."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong tawaging Kuya?"

"Kapag tinawag mo ako sa pangalan ko."

Totoo. Ilang beses ko pa lang narinig na tinawag ako ni Kuya Edrick sa pangalan ko. Ganoon ba talaga siya kagalit? Kadismaya? Ni hindi man lang sabihin yung pangalan ko.

"Colyn."

Napakurap ako. Bakit ganun? Bakit nung binigkas niya yung pangalan ko, kahit sobrang common na yung name ko, nung binigkas niya parang may Uniqueness.

"Colyn." Tumikhim ito. "Happy?"

"Sobra!" Wala sa sariling napayakap ako dito. "Thank You! Thank You!"

Inalis nito yung kamay kong pumalibot sa leeg niya. "Yung uniform ko. Malulukot."

Ngumiti na ang ako. Saka siya tumikhim.

Tatayo na sana ako ng hawakan nito yung balikat ko saka binti.

"Ayy.." Napatingin ako sa kanya ng parang feeling ko iaangat niya ako. "Wag na, Kuya Edrick. Kaya ko---"

"I insist." Tiningnan ako nito na parang kabute. "Again, Yung kuya mo." Naramdaman kong dahan-dahan akong inangat nito. "Nakakahiya kapag narinig na ibang tao na Kuya ang tawag mo sa akin habang lumalaki na iyang bukol sa tiyan mo."

Kumapit ako sa leeg nito at yumuko. Masakit nanaman sa Part ko. Una yung Maleta ko na gusto niyang hawakan kesa sa kamay ko, ngayon yung pangalan ko, dahil nakakahiya sa mga makakarinig. Kailan ba talaga niya mapapansin na sana ako naman..

"E-edrick.."

Dahan-dahan ako nitong binaba sa sofa saka tumitig sa kanya di ko pa din inaalis yung kamay ko sa leeg niya.

Habang tinititigan ko siya, wala kong makitang emosyon sa kanya. Oo, kasama ko siya, magkatabi kami ngayon pero parang wala naman siya sa akin.

Ang swerte swerte naman ni Lime. May lalaking nagmamahal dito sa kanya kahit wala na siya. Eh, ako naanakan niya na lahat-lahat wala pa din.

Unti-unti kong nilapit ang labi ko sa labi niya. Gusto kong iparamdam na nandito ako. Ako na lang....

Kaso bago ko pa magland yung labi ko sa labi niya ay bigla siyang lumayo. Nakalas tuloy yung kamay ko mula sa kanya.

Ang sakit nanaman.. Manhid na ba ako?

Wala sa sariling tumayo ito at saka ako tinalikuran. Umupo naman ako at tiningnan siya papuntang pintuan.

Lumingon ka naman, Edrick....

Kahit isa lang..

Isang beses lang..

Kaya ganoon na lang ang tuwa ko ng bigla na lang itong huminto ng buksan nito ang doorknob.

"Wag ka na pumasok. Magpahinga ka na lang. Saka wag mo na ako hintayin. Dadaan ako kila Nanay mamaya." Tuloy-tuloy na sabi nito at walang lingon na bigla na lang umalis.

"Hindi man lang nagpaalam.." Wala sa sariling sabi ko. Mayamaya naramdaman kong may mainit na dumaloy sa pisngi ko. Agad kong pinahid iyon at ngumiti. Walang magagawa itong luhang ito. Naguumpisa pa lang ako. Susuko na agad ako.

Pero hindi ko rin napigilan ang pagiyak ko. Sunodsunod itong tumulo.

Sige na nga.. Kahit ngayon lang, iiyak ko muna ito..

"Swerte... Ang swerte mo talaga Lime.. Nakakainis ka, bakit iniwan mo si Edrick.."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 80.3K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.
4M 49.6K 55
Si Zelle ay isang anak mayaman, hiredera. Ano kayang mangyayari sa kanya kung papasukin siya sa public school? Kaya niya kaya ang magpanggap na mahir...
6.9M 23.3K 6
Bubbly and fierce, Mariz Ochua, is not a typical secretary. She worked hard and was getting ahead when all of a sudden, the CEO for whom she was a se...
23.9M 386K 60
(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin...