Sir, You’re Mine – Chapter 2: Next Step
/ Rebecca’s POV /
“Eh kumusta na ba kayo ni Sir?”
“Malabo, Roxanne. Sobrang labo. Minsan, malamig. Minsan naman, mainit. Uhm. If you know what I mean.”
“Hindi ko alam Bek. Pero, bhe, ano nga kamo ‘yung tsismis mo sakin? Sa nangyari sa’yo kahapon?”
“May isang babae kasi sa faculty, sabihin niya ba naman sa mga teachers sa loob na “Sir is mine.” Like, what the f ‘di ba friend? Sino ba siya?
Nandito kami sa canteen ng school. Lunch break ni Roxanne kaya naman nagkaro’n kami ng time para makapagkwentuhan. Hindi pa siya graduate ha. Nauna lang talaga ko. Irreg kasi na maraming naiwan na subjects. Anyway, hindi pagka-irreg ko ang problema, ang problema, yung babaeng sana mabaog na sa sobrang pangit ng tabas ng dila.
Napalunok si Roxanne gawa ng huli kong tanong. Tinignan ko siya ng maiigi. Second week pa lang ng klase. Posibleng kilala niya ‘yung teacher na sinasabi ko. “Xanne, kilala mo ba?” tanong ko.
“Bek, kasi ganito ‘yan. ‘Yung nagsabi ba niyan eh babaeng may buhok na halos abot sa bewang? May kulay na medyo red ‘yung buhok at sobrang straight? Maliit bang babae na matinis ang boses? May kakaibang dating?”
Halos i-describe na sakin ni Roxanne ang buong kaluluwa ng babaeng sinasabi ko. “Oo! Eksakto. ‘Yung mismo ‘yung itsura nung babaeng sinasabi ko sa’yo. Sino ba ‘yung batang ‘yun?”
“Bek. Hinay-hinay sa pagsasalita,” tapos tumingin siya sa kaliwa’t kanan. Tumingin siya sa paligid ng buong canteen at kulang na lang eh i-check ‘yung pagkain ng mga kumakain sa loob. “Kasi, si Ma’am Chloe ‘yun.
“Ngayon ko lang narinig ‘yung pangalan na ‘yan. Sino ba ‘yun?”
Bago pa siya sumagot. Nilapit niya ‘yung upuan niya sa akin at tsaka bumulong. “Balita ko, obvious raw ang pagka-crush nun kay Sir. Pero, other than that. Siya ‘yung Values Teacher na pumalit kay Ma’am Capulungan. Jusme, Bek. Values teacher ‘yon, pero kung humarot kay Sir, wagas.”
“T-Tang…” napatigil ako sa pagmumura bago pa ako gumawa ng eksena. Mahirap na. “Anong. Isang buwan lang kaming nag-cool off ni Railey pagkatapos malalaman kong hinaharot na siya agad? Anak ng. Kilala niya ba ako? Matuto siyang lumugar. Nako. Si Rebecca pa ang binangga niya.”
Pagkatapos ko medyo gumawa ng isang speech, napalagok ako ng isang basong ice tea. Grabe. Hindi ko naman aakalain na bigla na lang may maglalakas ng loob para mag-stand out at angkinin bigla si Rye. Oo, maraming nagkakacrush sa kanya,pero hanggang dun lang ‘yon eh. Kaya lang, ‘yung attitude ng babaeng ito ay hindi talaga masukat-sukat.
“Bek. Sobrang nakakaloka nga. Anyways, ano nga ‘yung problema mo? Baka makatulong ako,” nag-aalala niyang sabi sakin.
“Yun na nga eh. May isa na naman akong problema. Kukunin ko na sana ‘yung TOR ko. Kaya lang, nagkaroon raw ng “very rare case” kaya sobrang nagtaka ako. Kasi, nag-march na ko last October. Kaya nakakainis Bhe. Sobrang napapatanong na nga ko kay Lord na, Sobrang sama ko na po ba? Kasi, ang sobrang malas ko lagi…” at naglitaniya na ko sa harapan ni Roxanne.
“Hindi naman porket marami kang problema ay masama ka na. Sobrang lakas mo nga eh, kasi ang daming binigay na challenge sa’yo. Remember, hindi naman ‘yun ibibigay ng walang dahilan. Relax lang, Bek.” At nginitian ako ni Roxanne.
Napabuntong hininga talaga ako. Una, dahil kay Rye. Pangalawang buntong hininga, kay Values Teacher na yun. Pangatlong buntong hininga, sa TOR ko. Kailangan ko na kasi ‘yon. Sobra.
“Salamat sa super words of wisdom mo. Feeling ko tuloy eh TOR lang ang problema ko,” at narelax ako. I was about to say another word nang pigilan niya ko.
“Bek. Bek. Look who are coming! Tingin sa likod dali!” pagkasabi niya no’n, dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at tumingin sa entrance ng canteen.
What the f***. Ano ‘yung nakikita ko? Si Rye at ‘yung Chloe na sinasabi nila? Pero. Parang guguho ang mundo ko. Sobrang. Guguho pala ang mundo nila dahil may ginagawa silang hindi ko talaga nagugustuhan. Nakakainis. Nakakainis.
“Xanne, wait lang. May aayusin lang ako,” paalam ko kay Roxanne.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Hinayaan kong matakpan ng bangs ko ang mukha ko, para hindi sobrang obvious na ako ‘yon. Dala ko ang tray na pinaglagyan ng tray ng pagkain namin ni Roxanne at sinalubong ko sila sa paglalakad nila sa cashier ng canteen.
“Oops. Sorry,” sabi ko nang sinadya kong sanggiin ng tray si Chloe. Like. Duh. Mas makinis pa ko sa kanya. Ang liit pa niya.
Binilisan ko ang lakad ko para diretso na ko sa labas ng canteen para makaiwas na rin sa gulo at sa paghihinganti niya. Kasi, warning lang naman ‘yung pagbangga ko sa kanya. Psh.
“Hey. You. Come here,” nakatalikod na ako at hahawak na sana sa handle ng glass door nang marinig ko ‘to.
Did she just call me? Gusto ko ‘to. Gusto ko ng riot. I just love it.
Tumahimik sa buong canteen. Tumigil sa pagkain lahat ng estudyanteng nasa loob. Nakalimutan nilang huminga at tuluyang tumingin sa amin. Ako, naaalala ko pa kayang huminga. At huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.
“Your problem?” I said, as I faced them.
Si Rye. Worried ‘yung mukha. Nakaawang na. As in, nawawala rin pala ‘yung hotness niya sa ganitong pagkakataon. Hindi pa siguro niya alam na pumunta ako sa school. Hello. Isang buwang walang communication tapos biglang makikita sa ganitong encounter.
“Rebecca. You’re here,” said Railey.
“Absolutely,” I answered. Pagkasagot ko kay Railey, tinaasan ko ng kilay ‘yung maliit na babaena kasama niya. Non-verbal form of communication na ang ibig ko talagang sabihin, “Papatol ka?” ang angas ko.
Ini-scroll niya ang buong katauhan ko simula anit hanggang kuko sa paa. Tinignan niya ko na akala mo may x-ray machine sa mata niya na ma-iidentify ang lahat ng flaws sa katawan ko. Bago siya nagsalita, nagkaroon ng maliit na kurba sa gilid ng kanyang labi. “So, you’re Rebecca. It’s nice to meet you,” then she attempted to make a beso-beso at me.
Like. What the Ef. Did she just say that? Nakakainis. The nerve of that girl. Hindi ko pa siya mabasa. I wonder if she knew what sarcasm is kasi sobrang nauurat ako sa lahat ng ginagawa niya.
“Nice meeting you too, Ma’am,” I said as I inserted SARCASM in every word that I say. Kung hindi ako sasagot, ako ang magmumukhang kakawa. Ang tawag sa strategy na ito ay, “Go lang ng go sa flow.” (definition: to ride along the sarcasms inhibited by a being. A form of defense).
Tuluyan na akong lumabas ng canteen. Tinext ko na lang agad si Roxanne na ilabas ‘yung gamit ko. Antayin ko na lang siya sa may park sa may university.
Gigil is the right term for what I feel at this very moment. Kainis. Pero… Challenging.
***
(A/N: Huminga muna ng malalim bago mag-proceed. XD)
***
“Rebecca. Do you already have Values Teacher?”
Natagalan ako bago sumagot dahil sa isang linggo, wala akong nahanap na teacher na pwedeng mag-accept sakin. Sa katunayan, last day na raw ng adjustment period ngayon at kung hindi pa ko makahanap within this day ng isang professor na hahanap sakin. Patay.
“Ma’am. Wala pa po kasi. Kasi… Ang hirap pong maghanap ng Values Teacher. Lahat sila, hindi na tumatanggap,” sagot ko.
“My dear, don’t worry dahil ako na nakahanap ng teacher para sa’yo. Mabait ‘tong prof na ‘to. Sakto, magkakasundo talaga kayo.” Sa sobrang confident niya sa pagbibigay ng tulong sa akin, tinapik niya pa ako sa balikat upang bumati. Personal touch ata tawag niya dito. Kaya lang naiilang ako eh. Unusual.
“Sige po Ma’am. Kailan po ba ako pwedeng pumasok sa klase niya? Ano pong schedule niya?” tanong ko. Naglabas ako ng isang papel at ballpen para isulat ang sasabihin niya.
“My dear. Very passionate ka talaga sa paghahanap ng solution ano? That’s good. Siya nga pala. Ako na mismo ang kumausap sa kanya ng personal. Ayokong mapagod ka. Tutal, kasalanan rin naming ito. Pasensya na hija.” Sabi naman niya.
“Nako Ma’am. Thank you. Kelan po day-off niyo? Starbucks po tayo minsan.” Pambobola ko.
“Ay na ko hija. Matanda na ko para d’yan. Anlene na lang!” pajoke ata yung sabi niya o ewan.
May inabot siyang index card. May nakasulat na schedule at room number. Kaya lang wala pang pangalan.
“Ma’am, nakalimutan niyo po ‘yung pangalan ng Professor,” at inabot ko ulit sa kanya ‘yung papel.
Tumango naman siya. Kumuha ng ballpen at sinulatan ang papel na ibinalik ko. “Oh heto,” nakangiti siya nang iabot sakin ang papel na iyon.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang pangalan ng professor na ibinigay niya sa akin.
Chloe Solomon.
Dahil dito. Gusto kong palitan ng W, T, at F ang initials niya. Sht.
***
Author's Note: Sensya na sa lame na update. Sana natuwa pa rin kayo. Sana. :( 'Yung fifty votes before this chapter ay pawang gabay lamang. Kasi, kapag napepressure na ko mag-update, nakakagawa ako ng isang chapter eh. Hahaha. Ang kyot. Wala lang. Sana subaybayan niyo pa rin.
fb.com/imtheweirdapple on Facebook or @imtheweirdapple on twitter. Please.
Pa-follow at pa-add <3