Ang Kanyang Pag Babalik!

By EyJey09

58.4K 1.6K 140

|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! P... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Last Chapter

Chapter 13

2K 70 3
By EyJey09

Brix POV

"Ipatingin mo na kaya yang kamay mo, namamaga na oh" sabi sakin ni Riza

"Hindi na, ok lang 'to"

"Pero ikaw hindi ka ok"

"Paano ako magiging ok, kung ilalayo nila sakin si Alexis. Hindi ko kaya yun"

"Makakaya mo din yun. Ako nga eh, nasasanay na, na wala sya. Sa tingin ko nga hindi na yun babalik si Patrick"

"Tss, ano pa nga ba? Duwag sya eh. Hindi man lang nya tayo kayang paglaban sa tatay nya, mas pinili nyang sumama duon kahit alam nyang kaylangan natin sya dito. Tingnan mo ngayon, nakatengga ako dito kesa hanapin ko yung girlfriend ko!" Inis kong sabi

"Wag kang mag-alala. Simula ngayon hindi mo na ako kailangan bantayan"

"Satingin mo kaya kitang iwan dito? Baka pag iniwan kita dito mag isa kunin ka din ni Marco o kung sino man yun, edi doble alalahanin ko non pag nang yari yun. Tapos sakin lahat ang sisi kasi wala akong magawa pars hanapin kayo"

"Oa mo, hindi din naman ako papayag na mag isa lang ako dito noh. May trauma na ako sa ng yari sakin akin non. Kaya may sasama sakin dito habang hinahanap mo si Alexis" ngumiti sya.

"Sino naman yun?" Kunot noo kong tanong.

"Padating na yun, kakatext lang nya sakin na paakyat na daw sya dito" sabi nya, tapos non ay may kumatok sa pintuan at bumakas yun. Pumasok yung isang lalaking matangkad, maputi, matangos ilong, basta para syang koreano, parang si Sixto.

"Hi" bati nya sakin, tumango lang ako. "Riza, hello" tapos ay lumapit sya kay Riza at nag beso silang dalawa.

"Hi, kamusta byahe?" Tanong ni Riza sa kanya

"Ok lang, kumain kana ba? May dala kasing akong pagkain. Yung favorite mong french fries.

"Talaga? Madami ba yan?" Nakangiting tanong ni Riza

"Oo naman, at hot sauce ang sasawan nito" nakangiti ding sagot nung bisita nya.

"Ehem!" Kunwari kong ubo, para kasing nalilimutan nilang may kasama sila dito.

"Uy, gusto mo fries?" Tanong ni Riza sakin

"No thanks" sagot ko tapos ay tiningnan ko yung lalaki.

"Ah si Christian nga pala. Sya yung dapat kong makakasama sa school kung hindi kami naaksidente" pakilala ni Riza duon sa lalaki.

"Ah, oo natatandaan ko, sya yung binanggit mo non na classmate mo"

"Yup, at sya din yung makakasama ko habang hinahanap mo si Alexis"

"Pero paano ang pag-aaral nya? Baka magaya sya satin na siguradong balik 1st year collage"

"Don't worrt bro, home study na kasi ako. So kung kaylangan dito ko na ituloy yung pag ho-home study ko wag ko lang iwan si Riza, gagawin ko. Nakwento na nya sakin lahat ng nang yari sa inyo nung katext ko sya, kaya naman nandito ako para tulungan kayo"

"So ang tawag na doon, hospital study hindi na home study?" -Riza

"Ganun na nga" sabi ni Christian tapos ay nag tawanan sila at nag high five pa.

Isa lang masasabi ko sa ngayon, pag hindi na bumalik yung Patrick na yun, kahit pogi pa sya, kahit nauna pa syang ligawan tong si Riza, malamang mauunahan pa sya nitong si Christian maging girlfriend tong si Riza. Mukang may pagkakaintindihan narin tong dalawa eh.

Napatingin kami sa pintuan ng biglang bumukas ito, at pumasok dito si sir Kim.

"Brix, i have a good news and bad news" sabi nya pag lapit nya sakin.

"Yung good news muna sir ang unahin nyo" sabi ko

"Alright, so ito nakatanggap ako ng sulat galing duon sa taong kumuha sa girlfriend mo. Pasensya na, pero binasa ko na yan para makasigurado akong hindi negative yung sasabihin ko sayo" sabi nya tapos ay inabot nya sakin yung papel.

"Brix, lakasan mo yung pag babasa para marinig ko" sabi ni Riza, tumango ako sa kanya at binasa na yung nakasulat.

"Kung gusto mong makita ang taong mahal mo, mag kita tayo. Mamayang 10pm, kung saan, may darating pang isang sulat sayo at duon mo malalaman yung address kung saan tayo magkikita para sigurado akong susunod ka sa tamang oras. Mag handa ka dahil baka huling araw mo na 'to"

"Walang sinabi dyan na hindi ka pwdeng mag sama na kahit na sino, kaya naman sasamahan kita at ng mga pulis na may hawak ng kaso nyo" sabi ni sir Kim pagtapos kong basahin yung sulat.

"Sinabi nyo na po ba ito sa magulang ni Alexis?" Tanong ko

"Hindi pa, sa totoo lang ang gusto nila ay bigyan ko sila lagi ng update tungkol sa anak nila. Pero mas mabuti kung sayo mismo manggagaling yung balita" sagot nya.

"Sige po, tatawagan ko nalang po sila mamaya" Sabi ko

"Ah sir Kim, sino po nag bigay sa inyo ng sulat?" Tanong ni Riza

"Actually iniwan lang yang sulat na yan sa nurse station, at yung nurse lang ang nag bigay sakin nyan. Tinanong ko sila kung sino nag iwan, pero basta nalang daw nilapag yan duon at tapos ay umalis na agad kaya hindi nila namukaan" sagot ni sir kim.

"Ganun po ba?... Ikaw Brix tawagan mo na parents ni Alexis, baka malaman pa nila sa iba yun, mas lalo pa nilang ilayo si Alexis sayo" sabi ni Riza

"Sige excuse lang" sabi ko tapos ay lumabas muna ako para tawagan yung mommy ni Alexis.

Nung makausap ko mommy ni Alexis sinabi ko sa kanya yung plano ng kumuha sa anak nila. Sinabi nyang pupunta daw sya dito sa hospital para sumama duon sa lugar kung nasaan anak nila. Hindi na ako tumanggi at hinayaan ko nalang sila sa gusto nila para naman hindi na sila masyadong magalit sakin.

...

10pm....

"Ito na yung address Brix" sabi ni sir kim at binigay sakin yung isang maliit na papel

"Tara na, puntahan na natin sya" sabi ko

"Brix mag iingat kayo ha, iligtas mo si Alexis ha" sabi ni Riza

"Gagawin ko ang lahat para mailigtas sya. Mauuna na kami" sabi ko tapos ay lumabas na kami ni sir kim.

"Yung parents ni Alexis nandun na sila sa labas, iniintay na tayo" -sir Kim

"Sige po, nasaan po ang ibang pulis?"

"Yung iba nandito pa, pero yung iba pinauna kuna"

"Hindi ba delikado yun? Baka mapahamak lalo si Alexis"

"Hindi yun, wag ka mag-alala, alam nila ang ginagawa nila" sabi nya tapos ay sumakay na kami ng elevator.

Sana nga makuha na namin si Alexis -

...

Paglabas namin ng hospital pumunta na kami agad kami sa isang van. Pagbukas non sasakay na sana ako pero natigilan ako ng makita ko sa loob yung parents ni Alexis.

"T-tita, tito" sabi ko

"Sumakay kana para makaalis na tayo" walang ganang sabi ni tita. Tumingin muna ako kay sir Kim, tumango lang 'to sakin kaya sumakay narin ako pati narin sya.

Nung umandar na yung van, may nakasunod saming tatlong kotse na puro pulis ang nakasakay.

Kinakabahan ako, baka mamaya mabigo ko ang parents ni Alexis at tuluyan na nila itong ilayo sakin. Pero gagawin ko ang lahat para lang maligtas sya kahit buhay ko pa ang kapalit.

...

"Nandito na tayo" sabi ni sir Kim paghinto ng van. Tumingin ako sa labas ng bintana at tiningnan yung bahay na tinitingnan nya, para tong hunted house sa sobrang laki at luma na.

"Pasukin na natin!" Sabi ni tita

"Wag tayo mag madali dahil baka mapahamak tayo at lalo na yung anak mo" sabi ni sir Kim

"Ano ang gagawin natin?" Tanong ko

"Ikaw lang ang kailangan nila, pero sasamahan kita para makasigurado tayong ligtas ka" sagot ni sir Kim

"Sasama din ako, pwde ba?" Sabi ni tito

"Sige, tara na" sabi ni sir Kim tapos ay lumabas na kami ng van. Lumapit samin yung ibang pulis.

"Sir Kim, anong gagawin namin?" Tanong nung isa.

"Dito lang kayo, palibutan nyo ang buong bahay, kapag may narinig kayong putok ng baril tska lang kayo kikilos. At wag nyo syang iiwan dito, bantayan nyo sya ok" turo nya kay tita.

"Yes sir!"

"Tara na" sabi ni sir Kim kaya pumasok na kami sa loob ng bahay.

Pag pasok namin nakita kong puro agiw at yung mga gamit ay nakataklob pa ng puting tela. Tapos sa unahan namin may tatlong pintuan at duon sa pinaka dulo nandun yubg hagdan papunta sa 2nd floor.

"ALEXIS! ANAK!" Sigaw ni tito.

"ALEXIS!" sigaw ko din.

Napatingin kami sa may 2nd floor ng may narinig kaming yapak. At mula duon nakita namin yung tao na sunog na sunog yung muka.

"Marco?!" Sabi ko

"Nagkakamali ka, hindi ako si Marco. Ako si Steve, kilala mo ako diba tito?" Nakangiti nyang sabi kay tito.

"S-Steve? Yung batang laging natawag kay Alexis na Ale, kaya lagi syang naiyak non" -tito

"Tama ka, ako nga yun"

"Bakit nag kaganyan ka? Anong ng yari sayo? Bakit mo kinuha ang anak ko?!"

"Kasalanan yun ng anak mong PAASA! Pinaasa nya ako na babalikan nya ako tapos hindi naman pala! At sya!" Tinuro nya ako "YUNG LALAKING YAN ANG PINALIT NYA SAKIN! Sa tingin nyo ba ganun nalang kadaling tanggapin yun ha! Yung babaeng mahal mo, may boyfriend na!" galit na galit nyang sabi

"Steve, baka naman pwde natin tong pag usapan" -tito

"Hindi na, pagod na akong makipag usap sa inyo. Bago ko simulan ang laro ko para sa inyo, may bibigay muna akong regalo sa inyo. Wag kayong aalis dyan, dahil kapag gumalaw kayo dyan hinding hindi nyo na makikita pa si Alexis!" Pagkasabi nya non ay umalis na sya.

"May dala kang baril diba? Paputukan na natin sya" sabi ni tito kay sir Kim

"Hindi maaari, kapag napatay natin sya ng di pa natin nakikita ang anak mo baka tuluyan nyo na syang di makita pa" sabi ni sir Kim.

Napatingin ulit kami sa 2nd floor, at parang may hinihila si Steve dahil hirap na hirap sya habang nag lalakad patalikod.

"Tao yun diba?" Tanong ko

"Tao nga" sagot ni tito

"Hey, ito na yung regalo ko sa inyo!" Sabi ni Steve tapos ay binuhat nya yung dala nyang tao at hinulog 'to mula sa 2nd floor na parang laruan lang.

"Cesar!" Sabi ni sir Kim

Yung itsura ng tao, pagbagsak nya yung ulo nya konti nalang mahihiwalay na sa katawan nya.

"Ito pa oh!" Tapos ay may hinulog ulit syang tao. Ganun din ang itsura pag bagsak. Laslas ang leeg.

"Lito?! ANONG GINAWA MO SA KANILA?!" Galit na tanong ni sir Kim

"Pinatay ko, anim nga silang pinauna nyo dito diba? Lahat sila patay na. Yung apat nandito pa, kunin nyo nalang mamaya. Tska isa pa, alam kong madami kayong kasamang pulis. Wag kayong mag alala, susunod na sila pag tapos ko sa inyo" sagot ni Steve

"Nasaan si Alexis? Pinatay mo narin ba sya ha?!" Tanong ko.

"Hindi pa, wag kang maanip kasi dadating din tayo dyan. Pero sa ngayon mag laro muna tayo... Nakikita nyo na ba yang tatlong pinto na nasa harap nyo? Isa dyan nandun sa loob si Alexis, wala syang malay kaya kahit anong sigaw nyo di nya kayo maririnig. Kapag mali ang binuksan nyong pinto, mag iistart ang timer ng bombang nakakibit sa kanya ng 1 second, ang bilis diba? Kaya mag isip kayo kung anong pinto ang bubuksan nyo dyan dahil hindi lang sya ang mamatay kundi pati narin kayo damay. Ngayon bibigyan ko kayo ng 10 seconds para mag isip... Timer start now!" -Steve

Lahat kami natahimik saglit, pabalik balik ang mga mata ko sa tatlong pintuan. Nasaan sya? Ang hirap manghula! Pag maling pinto ang nabuksan namin siguradong mamatay sya, at hindi ako papayag na mang yari yun!

"Teka saan ka pupunta?" Tanong ni sir Kim kay tito.

"Anak ko sya, kaya nararamdaman kong nasa gitna sya!" Sagot ni tito

"Mali ka, sa tingin mo ba ang isang taong nag tatago sa gitna ng dalawang malaking bato sya papasok? Satingin ko ay matalino yang si Steve, kaya hindi nya ilalagay sa gitna o huli ang anak mo" halos pabulong nyang sabi.

"Ibig sabihin nasa unahan si Alexis?" Mahina kong tanong, tumango naman sya.

"Paano ka nakakasigurado ha? Alalahanin mong buhay ng anak ko ang nakasalaylay dito!" Mahina ring sabi ni tito.

"Maniwala lang kayo sakin sir" sabi ni sir Kim. Tiningnan ko yung unang pintuan. Sana nga, sana tama si sir.

"Time's up! Ano na? Mag bukas na kayo ng isang pintuan! At gusto ko ikaw ang mag bubukas non" turo nya sakin ni Steve "BILISAN MO!"

"Buksan mo na yung unahang pinto, wag bibiglain ang pagbukas dahan-dahanin mo lang, at ikaw sir kapag nakapasok na si Brix sumunod ka kaagad sa kanya. Ako na bahala kay Steve" pabulong nyang utos, napabuga muna ako ng hangin at lumapit na sa pintuan.

Tulad ng sinabi ni sir Kim dahan dahan kong binuksan ang pintuan.

"BUKSAN MO NA NG TULUYAN!" sigaw ni sir Kim kaya binukasan ko na yung pinto ng tuluyan at duon ko nakita si Alexis na nakayuko at naka upo sa isang upuan habang nakatali.

"Alexis!" Sabi ko tapos ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya.

*blag!* Napalingon ako sa pinto ng bigla itong sumara.

"Muntik kana dun" may tinuro sya sa taas kaya napatingala ako, at duon ko nakitang may kutsilyo sa taas na naka kabit sa pintuan. Kaya nung binuksan ko yung pinto muntik na tumarak sakin ito.

"Salamat tito" sabi ko, pag tapos ay nakarinig na kami ng mga putok na baril.

"Kalagan mo na si Alexis bilisan mo!" Sabi ni tito kaya naman nag tulong na kaming kalagan si Alexis at agad na lumabas ng kwarto. Pag labas namin wala na si sir Kim at si Steve.

"Alexis, Alexis anak!" Sabi ni tita pag pasok nya. "Wag muna kayo lalabas nag kakagulo sa labas dahil hinahabol nila yung may gawa nito kay Alexis" sabi nya tapos ay niyakap nya anak nya.

"Brix, salamat, kasi niligtas mo anak ko" sabi ni tito sakin

"Salamat din tito at niligtas mo ang buhay ko" sabi ko.

"Ang sweet naman oh, sakto pala ang dating ko may drama" napatingin kaming tatlo sa nag salita.

"Steve?!" Sabi ko dahil sunog din ang muka nya.

"Anong Steve ka dyan? Sebastian ang pangalan ko. At buti naman nakita ko na kayo, masisimulan ko na ang plano kong patayin kayo!" tapos non ay nag smirk sya.

Bwiset! Pag tapos kay Steve, kay Marco naman! -

...

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
56.2K 2.6K 14
He sees you when you're sleeping. He knows when you're awake. He knows if you've been bad or good so be good for goodness sake. YOU better watch out...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
35K 666 33
Isang babae ang magbabago ng buhay ni Yoongi, na siyang magiging kasintahan niya, ngunit hindi pa din sila mamumuhay ng malaya dahil sa kaniyang dati...