Marrying My Ex [MinSul]

Por darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 18

6.8K 150 14
Por darkkkAJ

CHAPTER 18 - KANG-Kong

Jaehee's POV

I was awakened by my ringing phone. Ang aga-aga. Imposible namang si Eungyeol ito. I know how busy that guy is right now.

Calling... Mom.

Oh fudge! Bumangon ako sa sinagot ito. Lumabas ako ng kwarto, baka magising ko ang natutulog na munting prinsipe sa sofa eh.

"Hello, Ma?" I yawned.

(Good morning, princess! Ngayon ang wedding ng bestfriend mo, right?)

"Uh-huh..." Pumunta ako sa kusina at kumuha ang fresh milk sa ref.

(Perfect! I want you to wear a dress for the wedding.) Muntikan ko nang maisuka yung iniinom kong gatas.

"What? I don't wear dress anymore, Mom! You know, I burnt every single dress I have."

(I know. Kaya I asked Lois, my fashion designer high school friend, to bring you dresses there. Those are paid.. already. Pwede ka nang pumili doon ng susuotin mo.) sabi ni Mom. Wala pang 5 minutes, tumunog ang doorbell at rinig ko ang tahol ni Sangchu.

I had no choice but open the door. Tumambad sa akin si Miss Lois at ang mga alalay nitong may dala-dalang sandamakmak na kahon ng mga dress.

"She's here. Talk to you later, Mom." Then I hung up. Baka marining pa nila ang pagtatalo namin ni Mom, nakakahiya naman diba? Pinapasok ko sina Miss Lois at ipinalapag ang mga damit sa sala.

Ipinakita niya ang mga dress sa akin. Syempre ako, walang pakialam. Binigyan niya ako ng mga tips and everything... Psh.

"Aww. Look at your hair. Why did you cut it? It was perfect." Napahaplos naman ako sa buhok ko. Maraming nasasayangan sa buhok ko. Pake ba nila?

"Let me think kung anong gagawin natin sa hair mo." dagdag pa niya.

"No, I'm fine. I can manage. You can go now. Ako na ang bahala dito."

"Are you sure? But your Mom told me to make you look pretty."

"Baka matalbugan ko na yung bride. No, seriously, I'm good. Thanks, Miss Lois." I said politely.

Wala siyang nagawa but to go. Uhhh... What should I do? Kalat-kalat ang mga dress sa buong sala. Wala naman akong gustong isuot dito! I don't want to wear a freakin' dress! Tingnan niyo naman ang itsura ko, hello?

I dialed Mom's number...

(Princess! What do you think about Lois' dresses?)

"Mom..."

(May napili ka na ba?)

"..."

(Oh, and I forgot about Taejoon. I'm sure may isusuot na yun. He's such a boy scout naman eh.)

"Ma naman?! Ano ito?!" napahaplos ako sa batok ko sabay lakad ng pabalik-balik sa sala.

"What? Dresses! Are you raising your voice on me, Goo Jaehee?!"

I shook my head. "Hindi ko isusuot ang kahit na ano dito!"

(You wear the dress or uuwi kami diyan right now at isasabay natin sa kasal ng bestfriend mo ang kasal niyo ni Taejoon.)

I rolled my eyes. "No, you can't do that."

(Of course, we can! In fact, matagal na kaming pwedeng umuwi diyan. It's just that hinahayaan lang namin kayo ni Taejoon na magkaroon ng time na kayong dalawa lang, para maging maayos naman yang relasyon niyo.)

WHAT THE HELL.

"Uhhhh! Okay fine, fine, sige na po. I'll pick a dress at isusuot ko. Okay po? Isusuot ko." Ugh. Talo na naman ako. Biglang lumapit sa akin si Taejoon. Gising na pala siya. May pinulot siyang yellow dress at itinaas ito para tingnan.

(I wanna see pictures, okay?)

"Picture?" What the?! Okay, okay. Just look at the wedding pictures nalang."

(Be nice kay Taejoon, okay?)

"Okay po, Ma. Bye."

Ibinaba ko ang phone. Ugh kainis naman. Pwede na pala silang umuwi pero hindi nila ginagawa para lang makapag-solo kami ni Taejoon? Argh. Nakakainis talaga! Napatingin ako kay Taejoon na mukhang nababading doon sa yellow dress.

"Akin na nga yan!" Hinablot ko yung dress kay Taejoon and the next thing I know, nakasilip ako sa bintana dahil may dumating na bisita at lumabas si Taejoon para tingnan kung sino yun.

Nagulat ako dahil si Krystal pala yun at yinakap pa niya si Taejoon. Nabigla ako kaya isinara ko agad yung bintana, ewan ko kung napansin nila ako. Nagmadali akong pulutin yung mga dress, ang awkward naman kung maabutan pa nila ako dito. Tss.

Pero kahit nagmadali na ako, naabutan pa rin nila ako.

"H-hi..." awkward kong bati. Nakatanga lang siya sa akin kaya umakyat na agad ako sa kwarto. Naalala ko yung mga conversation ni Amber kahapon sa school.

FLASHBACK

Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Amber. Lunch break eh. Sumabay na ako sa kanya since wala si Eungyeol dito, dahil busy pa rin sa wedding nila ni Hanna. Tapos si Taejoon, hindi ko naman mahagilap. Duh, like I care kung anong ginagawa nun sa buhay niya. Bahala siya.

"So, ex mo si Taejoon?" tanong niya. Nasimulan ko na rin kasing ikwento sa kanya yung talambuhay ko. Kinulit kasi ako bakit daw ako naging tomboy.

"Oo." matamlay kong sagot.

"Eh teka, ikakasal rin naman pala kayo ngayon eh. Bakit nag-break pa kayo noon?"

"Hindi naman kami nag-break. More like... iniwan niya ako."

"Ahh! Oo. I remember, si Taejoon pala ang nagrepresent ng Korea sa high jump diba?"

Tumango lang ako.

"Ang alam ko kasi, dapat single ang mga athletes noon."

"What? Ano naman bang kinalaman ng relationship status sa sports?" irita kong tanong.

"Yung ibang athletes kasi noon, may mga girlfriends din, pero masyadong distracted yung iba sa mga girlfriends nila. Napikon yung coach kaya ginawang order na dapat single lahat. Ang babaw ng dahilan noh? Dahil doon, damay si Taejoon. Siguro yun yung dahilan kung bakit iniwan ka niya."

Tsss. Ang babaw nga.

"Ibig sabihin, mas mahalaga talaga ang high jump..." Yumuko ako. "Alam ko naman yun. Pero sana sinabi niya sa akin."

Patuloy lang si Amber sa pag-kain...

"Eh si Krystal, anong meron sa kanila ni Taejoon?"

"Krystal?" tapos tumawa siya. "Wala. Friends din, pero itong si Krystal - she wants more. Pero si Taejoon, walang pakialam. Na-link pa nga si Seol Hanna sa kanya noon eh, pero wala rin naman yun. Tsismis lang."

"Krystal wants more?"

"Patay na patay kay Taejoon yun. Nag-away pa nga sila ni Hanna noon dahil kay Taejoon. Tapos sila yung naglaban sa gymnastics, kung sino ang magrerepresent ng country, at si Hanna ang nanalo. Hindi kasi nakapagfocus si Krystal sa gymnatics. Singer din kasi yung babaeng yun. Kaya lang din siya sumama sa gymnastics ay para kay Taejoon. Kaya ayun, doble kayod siya ngayon - lalo na ngayong ikakasal na si Hanna. Wala na daw kaagaw."

"Alam na ba ni Krystal na ikakasal kami ni Taejoon?"

"Hindi pa ata eh... Ay teka, oo! Alam na niya. Sinabi na ata ni Taejoon. Tapos hello? Talk-of-the-town kayo noh! Ibinalita pa sa TV yung merging party ng Kang Empire at Jaehee GOC."

"Ahh..."

Ano namang laban ko kay Krystal? Ang ganda niya. Sexy. Perfect. Kung hindi lang siguro dahil sa high jump at sa merging ng mga kumpanya, hindi na nagtitiis si Taejoon sa akin at si Krystal ang pipiliin niya. Oh, bakit naman ako nalulungkot? Sana nga piliin nalang niya si Krystal, para hindi matuloy ang kasal namin. Woohoo!

Sigh.

END OF FLASHBACK

Nakatayo lang ako sa likod ng pinto ng kwarto namin, rinig na rinig ko kasi ang boses ni Krystal. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Yung tomboy na yun?! WHY oppa?!” Anong masama kung tomboy ako? Psh.

“Ssssh. Ang ingay mo, baka marinig ka niya.” D U H rinig na rinig ko. Leche kayong dalawa.

“So what? I don’t care kung marinig niya ako. She doesn’t deserve you. Ang kapal ng mukha niya. Ayaw niyang makasal sa iyo?!” Ang lakas ng loob ng babaeng ito ah. Ako pa ang makapal ang mukha ha? So wala talaga siyang pakialam kung naririnig ko yang pinagsasabi niya. At I don’t deserve Taejoon? Another D U H. I don’t need him. Period. Kumukulo na ang dugo ko ngayon. Freaking Hell! >.<

“Noon palang, hindi ka na niya deserve!” Nanginginig na ako. Kapag hindi ako nakapagpigil dito, anak ng tinapa, hindi makakalabas ng buhay yang Krystal na yan dito sa pamamahay ko!

Relax lang, Jaehee. Wag mo nang patulan. Wag ka nalang magpaapekto. Hindi rin naman matutuloy ang lecheng kasal. H-I-N-D-I! bulong ata ng guardian angel ko…or devil?

 

 

 

 

 

Napuno na talaga ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa huling narinig ko… “Why don’t you marry me instead, Taejoon?”

Hindi ko rin alam kung bakit, basta lumabas ako ng kwarto. Pero kinalma ko ang sarili ko at nagbingi-bingihan. Hindi rin magiging maganda kung sabunutan ko itong babaeng ito. Isipin nila, nakikinig ako sa usapan ng may usapan.

Padabog akong bumaba ng hagdan kaya naman napatingin silang dalawa sa akin.

“Oh, andito ka pa pala. Have you eaten your breakfast? Why don’t you join us, Krystal?” Plastic ba. Hahaha. Oh well…

“No, aalis na din ako. May pasok pa. Thanks anyway.” Sabi nito. Pumunta ako sa kusina at nagtoast ng bread. Ito lang talaga kinakain ko tuwing umaga.

“Sige, Taejoon. Alis na ako, think about what I said.” Yumakap pa ito at bumeso kay Taejoon >___< Ugh. Eh ano naman diba? Kahit maglaplapan sila diyan. Wala akong pakialam?! Wala nga ba talaga? Ano ba itong nangyayari sa akin? Habang nakatayo ako doon, may nakapa akong kung anong emosyon sa pinakailalim ng puso ko na matagal ko nang hindi nararamdaman…

…SELOS?

“Huuuy ano ka ba, hindi mo ba naamoy? Nasunog na oh.” Sabi ni Taejoon.

Agad ko namang tinanggal yung bread. Sunog nga. Leche. Itinapon ko nalang sa basurahan at umakyat sa kwarto, hindi na ako lumabas hanggang sa mag-lunch, tapos balik ulit sa kwarto. Nakatulala lang ako doon, iniisip itong nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng magselos. Hindi ako pwedeng mainlove ulit sa Taejoon na yun. Hindi pwedeng ako ulit ang matalo sa larong ito. Oo, isa lang namang laro ito eh. Kapag nainlove ako kay Taejoon, talo ako. Kapag natuloy ang kasal, talo ako. Natalo na ako noon, sa unang laro namin ni Taejoon – noong iniwan niya ako. Hindi pwedeng magpatalo ulit ako ngayon.

Malapit na rin mag-4, kaya naligo na ako. Saktong nasa banyo ako nung pumasok si Taejoon para ata kunin yung isusuot niya. Paglabas ko, wala na siya. Whew, buti nalang. Isinuot ko yung yellow dress. Kyaaa. Ang awkward isuot, parang hindi ako nagddress noon noh? Pero hindi ko na bagay. Para akong lalaking nag-cross dress lang. HAHAHA. Inayos ko ng kaunti yung buhok ko, para naman magmukhang babae kahit papaano. Tapos apply ng light make up. Acheche.

SIGE NA NGA. BABAE AKO NGAYON. SA ARAW NA ITO LANG HA.

Sinilip ko ulit ang sarili ko sa salamin saka ako lumabas, saktong nandoon si Taejoon. Uh-oh. Biglang tumibok ang puso ko, parang naguunahan ang tibok eh. Race lang ang peg?

“H-hindi pa ba tayo aalis?” tanong ko.

Bigla nalang niyang hinawakan ang mga balikat ko. “Wag mo nga akong hawakan!” sigaw ko, kasi parang may kung akong kuryente akong naramdaman. Yung totoo, isa bang good conductor of electricity si Taejoon? Wala pa rin akong nagawa. Iniangat pa niya ang mukha ko para magtitigan kami pero nakakunot ang noo ko at nanlilisik na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

“You’re so beautiful, Jaehee. Sigurado akong mas gaganda ka pa kapag ngumiti ka.”

DUG-DUG. DUG-DUG. DUG-DUG.

Wag kang bibigay, Jaehee. Wag kang maniniwala sa sinasabi niya. Niloloko ka lang niyang para mahulog ka ulit sa kanya. Wag kang tanga! Tila may kung anong nagsasabi sa akin niyan. Hindi ko alam kung guardian angel.

Hindi! Kita mo namang sincere siya diba? Hindi ka niya niloloko. Maniwala ka sa kanya, Jaehee. Walang masama kung maiinlove ka ulit sa kanya! Sabi naman ng kabilang side. Ugh…

Napapikit ako.

“Can you smile for me?” seryoso ang expression ng mukha niya.

Wala na rin akong nagawa kundi ang ngitian siya. Nahalata kaya niyang fake? Tss. Well, wala naman siyang pakialam doon.

***

Naging maayos naman ang wedding. Yun nga lang, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko na kawang mainis o magalit kay Taejoon kaya naman kahit gusto kong sungitan siya, wala! Hindi ko nagawa. Bukod sa kinikilig ako kay Eungyeol at Hanna. Medyo GV ako dahil may epekto ata kay Taejoon yung sinabi ko sa kanyang gusto ko si Eungyeol at ganun din ang nararamdaman niya sa akin.


HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Epic face si Taejoon noong sinabi kong joke ko lang na gusto ko si Eungyeol. HAHAHAAHAHAHAA.

Hindi ko na idedetalye yung nangyari sa kasal kasi sigurado naman akong nadescribe na ni Taejoon yun sa POV niya sa previous chapter, tama? Well, nandito na kami sa school ngayon. Hindi ko siya kasama. Siguro, kasama na naman niya si Krystal. D U H. Lagi naman.

“Hi Jaehee!”  nagulat ako sa parang kabuteng sumulpot sa tabi ko.

“Uy Taemin, ikaw pala. Hi.”

“Mag-isa ka lang? Nasaan si Kang-Kong” tanong nito.

“Kang-Kong?” Tapos tumawa ako.

“Si Kang Taejoon. HAHAHAHAHA” sabi naman niya. Grabe, baliw pala talaga itong si Taemin. Paano kaya kung lima sila? HAHAHAHA.

“Mukhang ang saya niyo ah.” biglang sulpot naman ni Kibum. “Hi Jaehee.”

“Hello!” ^___^ Tapos nagsidatingan na rin yung dalawa pa.

“Ayun si Kang-Kong oh!” sabi ni Jinki. Tumingin ako sa dereksyong tinitingnan nila. Si Kang-Kong nga. Este Taejoon pala. Kasama sina Krystal, Amber, Luna at Victoria. Whoa. Astig ah. Napapaligiran siya ng mga babae, ako naman mga lalaki. Hindi kaya bading siya?

Pumunta na kami sa classroom, total magkakaklase naman kami. Wala pa rin sina Eungyeol at Hanna. Nasa Jeju Island daw, HONEYMOON nila. Naka-score na kaya si EUNggoy? Hahaha. Bale, next week na sila papasok.

“Class, I have a very important announcement.” Hindi man lang nag-goodmorning tong magaling naming teacher. “In 3 months, Annual City Sports and Arts Fest na.”

“OOOOHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.” Sabay-sabay na sabi ng mga classmates namin. Eh? Anong exciting sa bagay na yun? Magkakaroon na naman ng competition.

“I want to tell you, Kang Taejoon, na ikaw ang magrerepresent ng school natin.” Tumayo naman ito at nag-bow. Tapos nagpalakpalakan lahat.

“Pero bago yun, School Level Fest muna. Maglalaban-laban ang tatlong dorms natin.” Sabi ni Mr. Lee. LOL Parang brand lang ng damit.

“Paano naman po yung mga hindi nagdodorm?” tanong ko. Hindi nga kasi ako nagdodorm tapos new student pa ako..

“Ikakalat kayo sa tatlong dorms. Kung anong dorm ang mabubunot ninyo, doon kayo.”

Ahhh… Okay. Ano naman kaya yang mga mangyayari sa Fest na yan?

***

“Dahil bago ka sa school na ito, PARENG JAEHEE, ipapakilala ka namin sa tatlong dorm leaders! Tapos para makabunot ka na rin kung saang dorm ka.” masyang sabi ni PARENG Taemin. Nagpalakpakan naman yung iba, bukod kay Krystal at Taejoon na nagdadaldalan. Asus.

Lumabas kaming lahat at pumunta sa gym. Dito daw matatagpuan yung “dorm leaders”.

Umupo muna kami sa bleachers habang tinatawag nila Taemin yung ‘dorm leaders”.

“Anong dorms kayo?” tanong ko kina Amber.

“3 kami ni Krystal at Luna.” Sagot ni Amber.

“2 ako.” Sabi naman ni Victoria.

“1 kami ni Kibum. 3 si Taemin at Jonhyun.” Sabi ni PARENG Jinki. Oo, “Pare” ko na sila. Saya noh?

“Eh si Taejoon?” tanong ko.

“Dorm 2 siya!” sagot ni Victoria. “Kaya medyo swerte at angat ang dorm namin. Waa sana dorm 2 ka, Jaehee!”

Ngumiti lang ako.

“PRESENTING! ANG TATLONG NAGGWAGWAPUHAN…DAW…NA DORM LEADERS NG GENIE HIGH SCHOOL!” Announcement ni Taemin.

Bigla namang dumating ang tatlong lalaki. Isa-isa silang rumampang parang models. Insert light and sound effects pa ah. Bongga!

“Hello Jaehee! Ako si Jo Youngman ang Dorm Leader ng Dorm 1. Nasa dorm namin ang lahat ng tigasing Taekwondo athletes at ibang kung sinong napadpad lang sa amin na walang kinalaman sa Taekwondo! Sana mapunta ka sa Dorm 1, hindi ka magsisisi! *BOW*”

Nagpalakpakan naman si Jinki at Kibum. Todo cheer! Nakikinig lang ako. Talagang sa akin sila nagpapakilala ah.

“Ako naman si Ha Seungri. Kung hindi ako nagkakamali ay nagkakilala na tayo, Jaehee. Kasi isa ako sa masigasig n crew ni Taejoon. *wink* Ako ang dorm leader ng Dorm 2. Ako rin ang Track Team Chief. Nasa amin ang mga talagang gwapo at magagandamg estudyante kaya sana…sana sa amin ka mapunta.”

Oo, ito si Seungri, yung alipores ni Taejoon noong sinundo niya ako sa airport! Cheer din si Victoria. Si Taejoon naman, wala lang…

“At syempre, save the best for last nga diba? Ako si Na Cheolsoo, dorm leader ng Dorm 3. Nasa amin lahat ng students who love theater and arts. Sana sa amin ka mapunta!”

“WOOOOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!” sabay palakpak Krystal, Luna, Amber, Pareng Taemin at Pareng Jonghyun.” Naks naman.

“Since kilala mo na sila, kailangan mo nang bumunot.” Sabi ni Taemin na hawak na bowl kung saan may mga papel. Huehue. Ano kayang mabubunot ko?

Dahan-dahan kong ipinasok ang kamay ko at bumunot ng papel…

Dahan-dahan ko ring binuksan ito. Lahat sila, nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero may something sa akin na umaasang sana Dorm 2 ako. Para kasama si Taejoon? Ugh. No. Jaehee, please! Umayos ka nga, sapakin kita diyan eh!

Tiningnan ko ang nasa papel.

“Anong dorm?!” sabay-sabay nilang tanong.

Iniharap ko sa kanila yung nabunot ko…

…Dorm 2.

Seguir leyendo

También te gustarán

249K 3.6K 44
I didn't expect that my parents will Arranged me on marriage to someone.I understand them,but i want to marry the man that i loved,i can't dictated m...
695K 2.7K 5
Arranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay...
556K 7.8K 40
Nagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex...
2.2M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...