Vampire's Secretary

By leas_Celyn

1.1M 29K 1.4K

Can you be his secretary? More

Teaser
Author's note
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
45
46
47
48
49
Epilogue
Author's note
Special Chapter
Another Author's Note

44

14.8K 463 41
By leas_Celyn

Candice

Halos isang buwan na lang kasal na namin.

Somehow, hindi na ganun ka dami ang gagawin. Checking things and some additional details na lang.

Isang bwan na lang!

Ikakasal na kami!

Isang buwan na paghihintay! I feel excited and nervous at the same time. Minsan parang gusto ko na higitin ang araw para mabilis itong dumaan. Minsan naman parang gusto ko tumigil ang oras, hindi ko alam, Dahil ata sa nalalapit na kasal, kaya mas lalong lumala ang takot na nararamdaman ko. Normal pa daw to sabi ng iba. Pero I don't feel normal. Pag malapit si Ciro, I feel scared! Hindi ko maintindihan, minsan pag namimisss ko sya, ako ang kusang lumalapit sa kanya, but once na anjan na sya, bigla akong nilulukuban ng takot kaya bigla din akong tatalikod at lalayo sa kanya.

Alam kong napapansin na nya ang ginagawa ko. Pero iniintindi nya ako, sabi nya masyado lang daw akong stressed. Hindi na muna nya ako pinapasok sa opisina para mabawasan ang stress ko, kaya halos hindi na kami nagkikita.

Sa gabi, wala sya dahil pumapasok sya sa opisina o kaya umaalis papunta sa site.

Sa umaga naman, pumupunta ako kay Megan.

Nalulungkot nga ako pag wala sya, I missed him!

"Ano namang sinisimangot mo jan?" Untag sa akin ni Megan.

"Namimiss ko si Ciro." Sabi ko sa kanya, tinaasan nya ako ng kilay na para bang napaka laking kalokohan ng sinabi ko.

"Candice, magkasama kaya kayo sa bahay!" She exclaimed.

"Oo nga, magkasama kami, pero hindi ko sya nakikita at hindi ko sya mahawakan." Kunot noong tumingin sya sa akin. Hindi nya ako maintindihan. "I dont know Megan. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko sya, at namimiss ko na sya, gusto ko sa yakapin.. Alam mo yun, pero hindi ko din maintindihan, natatakot akong lumapit sa kanya." Sumbong ko sa kanya. Ang hirap nito, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito, nakakafrustrate!

"Baka naman nape-pressure ka?" Sabi naman nya. Now it is my turn to look at her with questions. Bumuga muna nya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "Sa nikikita ko, nape-pressure kang maging asawa nya. Hindi ako sure ha! Hindi pa naman ako kinakasal! Pero your sub-conscious are afraid, maybe because of your expectations? Or siguro, naiisip mo ang expectations ni Vladimier sayo. Kaya natatakot ka sa kanya." Napaisip ako.. Ganun ba yun? Hindi ko din alam, ngayon ko lang to naramdaman at ngayon lang ako ikakasal diba? I see her point, siguro tama sya sa mga sinabi nya.

"Give it some time! Malalampasan nyo yan. Alam ko naman mahal mo sya eh! Saksi ako don!" Pag-encourage nya sa akin. I smiled at her. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Oo nga, hindi ko kailangan mag-isip! Mas pinahihirapan ko lang sarili ko. Kaya siguro hindi mawala yung takot ko dahil dinidiligan ko sya ng pag-aalala, sa halip na mamatay ang takot, lalo ko lang sya napapalago.

Ang mahalaga, mahal namin isa't isa.







Saturday morning, abala ako sa pag hahanda ng umagahan. Wala pa si Ciro dahil may pasok sya kagabi. Gusto ko sana na nakahanda na ako pag dumating sya.

I want heavy breakfast this morning kaya nagpasya akong magluto ng roast chicken thighs at fried rice. Naghihiwa ako ng carrots na ilalagay ko sa sinangag nang may yumakap mula sa likod ko.

"Ay palaka!" Nagulat ako napasigaw at nabitawan ang kutsilyo na hawak ko. By reflex, itinulak ko sya para lumayo sya sa akin. Eto na naman ang kakaibang takot na bumabalot sa akin.

"Ano bang nangyayari sa'yo Candice?" Naguguluhan nyang tanong. "You've been rejecting me for weeks!!" He exclaimed. Habol ang hiningang tumingin ako sa kanya! Nirereject ko ba sya? Yun ba nararamdaman nya?

"No! Hindi kita nirereject!" Marahas akong umiling gusto ko magpaliwanag pero hindi ko alam kung ano ipapaliwanag ko!

"Then, why are you pushing me away!" Mataas ang boses na sabi nya sa akin. I flinched. Nakadagdag ng takot ko ang pagsigaw nya. Ngayon lang nya ako sinigawan.

"I don't know.." Biglang tumulo ang luha ko, nanghihinang napasandal ako sa counter. "Hindi ko alam.." Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatingin sya sa akin. Nakikita kong nahihirapan din sya sa mga nangyayari. "Promise, hindi kita ni-rereject!  I want you to hold me. I want to hold you too!" I desperately explained. Totoo yun! Sinasabi ng utak at puso ko na mahal ko sya. "Pero.. Pero.." Pero hindi ko maipaliwanag bakit ko sya tinutulak palayo pag lumalapit sya.

In lightning speed, ikinulong nya ako sa bisig nya at marahas akong hinalikan.   My body shiver under his touch but it's not because of pleasure. Nanginginig ang katawan ko sa takot. No!

Buong pwersa ko syang tinulak! Nanlaki ang mga matang tumingin ulit ako sa kanya. No! I did it again. Umiling ako, I don't want to do that! I don't want to push him. Hindi ko talaga maintindihan!

Sinubukan nya muling lumapit kaya umatras ako at napahawak sa kutsilyo na ginagamit ko kanina.

"Aww." My hand bleeds dahil sa hiwa na nakuha ko don. Nag-aalalang lumapit sya sa akin at kinuha ang kamay kong nasugatan.

"Ssshh.. Gagamutin ko lang" sabi nya nang tanggakain kong hilain ang kamay ko.

He licks my wound there pero bigla nya itong bitawan at lumayo sa akin. Umuubong pumunta sya lababo at nagmumog ng tubig doon.

"Ciro! Anong nangyari??!" Nagtataka at nag aalalang sinubukan kong lumapit pero isang hakbang lang ang nagawa ko.

"Your blood.." Tiningnan ko ang sugat ko. "It taste like poison." What? Pano nangyari yun?! "It seems like your body's rejecting me." Naguguluhang sabi nya.

My body? Nirereject ng katawan ko si Ciro? Tuluyan akong napaupo sa sa panghihina. I cried so hard that moment lalo na nang lumabas si Ciro ng kusina. Hindi ko alam kung saan sya pupunta.

Hindi ko alam kung gano katagal akong nasa ganung pwesto hanggang bumalik si Ciro.

"Come here Candice." Untag nya. Nasa may pinto lang sya ng kusina at hindi lumapin sa akin. "I set up a video call with mommy. Itatanong natin sa kanya ang nangyayari." Tahimik akong tumayo at sumunod sa kanya hanggang sa opisina nya dito sa bahay.

Pinaupo nya ako sa harap ng laptop nya hanbang pabalik balik sya ng lakad sa likod ko. I bit my lips nang bumukas ang skype at bumungad sa akin ang mukha ni tita.

"Hija! Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May ginawa ba si Vladimier?!" Aligagang tanong nito sa akin. Naninikip ang dibdib ko at parang may bara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapag-salita. Para akong batang hindi mapigilan ang pagiyak at paghikbi.

"Mom! Is it possible to turn someone's blood to poison?!" Tanong ni Ciro sa likod ko.

"What?!" Nagulat na tanong ni Tita.

Bumuntong hininga si Ciro at nagpaliwanag

"Candice's been keeping her distance away from me this past few week." Simula nya. "We just ignore it at first pero kanina, nang tikman ko ang dugo nya, it tastes like poison!" Desperations are written in his every words. "We just want to know what's happening.." Nanghihina na din nyang sabi. Nanginginig ang labing tumingin ako kay tita. Gusto ko din malaman ang dahilan bakit ganito ang nangyayari.

Ilang sandaling tumahimik si tita at parang nag-iisip. Sana alam nya ang sagot sa problema namin..

"I read this once, sa isang old scripture. Akala ko noon isa lang itong alamat.." Simula ni tita. Nabuhayan ako ng loob na alam nga nya ang dahilan. Hindi ko masyadong maaninag ang itsura ni tita nang nagpapaliwanag my eyes are clouded with tears.

"Nabasa ko, na a woman whose blood turns to poison.

Is pregnant.

With a vampire

Child."

----------

Hahahaa

Sana may justice ang story!

Feel free to comment.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 254 25
Harmonica, daughter of the Alpha King but despite being the child of a strong Alpha she was born wolfless. She is a weak wolf. That's why she is kept...
51.9K 744 48
Isang rebeldeng anak ng mayor na lumayas sa kanila. Pero bakit nga ba siya naglayas? At ano ang kahihinatnan niya sa kaniyang paglayas?
202K 5.6K 65
"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)
311K 7.3K 50
"Our strings are connected all along.." Highest Ranking 🏆: #4 in Romance Highest Ranking 🏆: #4 in Teen Fiction Highest Ranking 🏆: #8 in Action 🏷:...