Ang Kanyang Pag Babalik!

By EyJey09

58.4K 1.6K 140

|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! P... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Last Chapter

Chapter 4

2.3K 74 4
By EyJey09

Patrick POV

"Hi-hindi.... Hindi! WAAAAHHH!" lahat kami napatingin kay Alexis.

"Ma'am, ma'am anong ng yari?!" Tanong nung waiter.

"Alexis" hinawakan ko yung kamay nya. Nanginginig sya.

"Alexis, bakit anong problema?" Pag aalalang tanong ni Brix. Hinawakan nito ang muka ni Alexis at pinaharap sa kanya "sabihin mo anong problema? Bakit ka sumigaw? Bakit nanginginig ka?"

"B-Brix si Marco.... Si Marco" tinuro ni Alexis yung waiter kaya napatingin kami dito.

"Alexis hindi sya si Marco" sabi ni Riza.

"Alexis hindi sya si Marco, huminahon ka" sabi ni Brix, dahan dahan naman syang lumingon sa waiter.

"A-akala ko sya si Marco" sabi ni Alexis.

"Boss makakaalis kana" sabi ko sa waiter. Tumango naman ito at umalis na.

"Alexis ano ba, masyado ka ng nag aalala tingnan mo pinag titingnan tuloy tayo" sabi ni Riza

"S-sorry, sorry talaga" kinuha ni Alexis yung mga gamit nya tapos tumayo na sya at nag lakad na palabas

"Teka Alexis saglit lang" sabi ni Brix agad nyang sinundan si Alexis.

"Tara na" sabi ko kay Riza

"Ano pa nga ba" niligpit na nya yung gamit nya tapos sinundan na namin yung dalawa.

___

Alexis POV

Nakakahiya! Sobra akong nahihiya sa ng yari kanina.

"Alexis wait" humarang sa dadaanan ko si Brix.

"Brix please gusto ko muna mag isa"

"Alexis no! Pag tapos ng nang yari sa tingin mo hahayaan kita mag isa?" Hinawakan nya yung mga kamay ko "Alexis kung ano man yang pinag dadaanan mo alam namin yan, kaya nga kami nandito diba? Dadamayan ka namin ok?"

"Brix kasi..." Hindi ko na napigilang umiyak "kasi naman eh, masyado akong nag aalala sa kalagayan natin ngayon. Hindi ko na alam yung dapat kong gawin ngayon na bumalik si Marco"

"Alexis ang dapat mo lang gawin ang mag tiwala samin. Hindi ka namin iiwan, haharapin natin 'to ng sama sama" sabi nya pag tapos niyakap nya ako.

"Umuwi na tayo" sabi ko sa kanya.

...

Umuwi na kami tulad ng sinabi ko sa kay Brix. Nung nasa tapat na kami ng pinto ng condo ni Riza, may nakita kaming maliit na box dun. Nilapitan yun ni Patrick at kinuha.

"Atin ba 'to?" Tanong nya

"Tingnan mo yung card" utos ni Riza kaya tiningnan ni Patrick yung card.

"From: Alexis To: S" basa nya dito.

"S?" Tanong ni Brix.

"Sakin yan? Tska sinong S?" Pag tataka kong tanong

"Malay ko. Buksan mo kaya" inabot nya sakin yung box kaya kinuha ko ito. Tiningnan ko muna si Brix bago ko ito buksan.

"Sige na buksan mo na" sabi nya, tumango ako sa kanya at binuksana yung box. Pag bukas ko....

"Yuck!" Sabi ko kinuha agad sakin ni Brix yung kahon, halos maduwal duwal ako dahil sa laman nito.

"Urgh! Sino ba nag dala nito!" -Brix

"Bakit ano bang laman?" Tanong ni Riza, lumapit sya sakin at hinimas himas yung likod ko dahil parang gusto ko talagang masuka.

"Wag mo ng alamin. Pero kailangan natin ireport 'to" sagot ni Brix

"Sige pre samahan kita" sabi ni Patrick

"Riza pumasok na kayo sa loob bilisan nyo at wag na wag kayong lalabas ok?" Utos ni Brix

"O-ok, tara na Alexis" sabi ni Riza kaya pumasok na kami, agad naman naming nilock yung pinto.

Pumunta ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

"Alexis ano bang ng yayari? Ano ba yung nakita mo? Bakit biglang nataranta si Brix?" Sunod sunod nyang tanong

"Wag mo ng alimin yung nakita ko" sagot ko sa kanya

"Alexis naman, hindi pwdeng wala akong alam dito. Barkada tayo diba?" Tumingin ako sa kanya, tiningnan ko sya ng seryoso.

"Riza... Sige sasabihin ko kung ano yun" napabuntong hininga ako "Nakita ko sa box ay isang... Ma-mata, para syang dinukot sa isang tao. Nakakadiri sya dahil may dugo pa tapos---"

"Tama na, oo na may nakita kang mata oo, mata yung nakita mo na dinukot sa isang tao" putol nya sa sinasabi ko. Halatang nasusuka sya sa sinasabi ko.

Miski ako nasusuka sa nakita ko, nakakadiri sya dahil parang may mga uod pa yung mata at nadugo dugo pa.

"Grabe na tong ng yayari. Mas grabe kesa nuon, dati robot lang yung kalaban natin. Pero ngayon sya na mismo" sabi ko

"Tama ka, at siguro kaya S yung nakalagay kung saan ng galing yun kasi Sebastian ang totoo nyang pangalan. S for Sebastian" hinawakan ko yung kamay nya.

"Bumalik na ata talaga sya" natatakot kong sabi.

"Wag ka ng mag alala Alexis nandito lang kami nila Patrick para sayo" sabi nya at niyakap nya ako. Alam ko kahit di nya ipahalata, alam kong natatakot din sya sa ng yayari.

___

Brix POV

"Sir pasensya na po talaga, hindi ko po talaga alam kung sino may dala nyan" sabi nung guard.

"Pasensya?! Nakikita mo ba ito ha?! Nakakadiri diba! Tapos sasabihin mo di mo alam kung sino may gawa nito?!" Inis na inis kong sabi, nung buksan 'to ni Alexis, nakatingin din ako. Miski ako nandiri sa nakita ko.

"Pwde ba namin makita yung kuha ng cctv?" Tanong ni Patrick.

"Sige po sir, itatawag ko lang po para masamahan kayo" sabi nya tapos nag radio na sya.

"Makakapatay ako nito eh! Nakakagigil!" Mahina kong sabi

"Easy lang pre" tinapik ni Patrick yung balikat ko.

"Sir ito na po sya, sasamahan nya po kayo" sabi nung guard nung dumating yung isa pang guard.

"Sige tara na" sabi ko kaya nag lakad na kami.

Pag dating namin sa isang room. Pinanuod agad namin yung kuha ng cctv.

"Ayun oh, mag kaparehas yung kahon na hawak nya. Sa kahon na hawak namin ngayon" turo ko sa lalaking pumasok. Naka woodie jacket sya kaya hindi makita ng cctv yung muka nya.

"Paki zoom po" sabi ni Patrick. Pag zoom ng kuha, hindi parin makita yung muka nya dahil kayuko sya.

"Badtrip! Ang utak nya!" Inis kong sabi.

"Sir gusto nyo bang ireport po namin 'to?" Sabi nung guard.

"Syempre anong gusto nyong gawin ha?! At isa pa kailangan namin ng guard sa 5th floor na mag iikot dun, dahil oras na may mang yari saming masama kasalanan nyo yun kasi di kayo nag iingat" binigay namin sa kanya yung kahon. "Ilibing mo yan!" Sabi ko sa kanya at umalis na ako.

...

Bumalik na kami ni Brix sa room namin. Bago kami pumasok, nakita ko si Sixto.

"Brix" tawag nya sakin, napatingin sya sa room namin. "Dyan ba kayo? Malapit lang pala sa room ko"

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya

"Nothing, pero bakit nag cutting kayo?"

"Wala kana dun" sabi ko at pumasok na ako sa loob. Sumunod naman sakin si Patrick.

"Ano nalaman nyo ba kung sino may gawa nito?" Tanong agad ni Alexis.

"Hindi eh, hindi maaninag yung muka nya sa cctv" sagot ko. Alam kong na disappoint sya sa sagot ko.

"Paano na ngayon yan? Paano tayo makakasigurado na ligtas tayo dito?

"Nag sabi na ako sa kanila na kailangan natin ng guard na mag iikot dito. Kaya wag kana mag alala ok" sabi ko, tumango naman sya. "May kailangan lang akong tawagan"

"Sino?" Tanong nila.

"Si Jason. Dahil kung si Marco nga talaga yung ng gugulo satin ngayon kailangan nya yun malaman para makapag ingat din sya" sagot ko

"Sigurado ako na malaki din ang galit ni Marco sa kanya dahil nag tangka syang iligtas tayo nuon" sabi ni Patrick

"Sige na tawagan mo na sya" sabi ni Alexis kaya tinawagan ko na si Jason.

Nakailang ring din bago nya sagutin.

"Pre nasaan ka?" Sabi ko

-"nasa bahay ako bakit?"

"Kailangan natin mag kita pre"

-"bakit may problema ba?"

"Oo pre, malaki"

-"ano naman yun?"

"Pre kasi---" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla syang sumigaw

-"AAAAHHHH!"

"Pre bakit? Anong problema pre!" Pag aalala kong tanong, napatingin tuloy sila saking tatlo at parang nag aalala na din.

-"AAAHHH! TAMA NA! ARAAAYYY!" sigaw nya pag tapos parang nabitawan nya yung cellphone nya

"JASON! JASON SUMAGOT KA! ANO BANG NG YAYARI DYAN?!" Sabi ko, pero di na sya nasagot. Tiningnan ko yung cellphone ko pero di pa naman nag eend call.

"Ano bang ng yayari?" Pag aalang tanong ni Riza

"Hindi ko alam bigla nalang syang nag sisigaw" sagot ko.

"JASON SUMAGOT KA NANDYAN KA PA BA?"

-"wala na sya, patay na at dahil tapos na sya. Isusunod ko na kayo" ang hinhin ng boses nya, pero alam ko kung kaninong boses yun. Hindi ako pwdeng mag kamali!

"Marco!" Galit kong sabi. Kung ganun bumalik na nga sya!

...

Continue Reading

You'll Also Like

761 270 54
Daila sworn to herself na hindi niya hahayaang mangyari ang propesiya na nakaambang kay Dirk Izunia Salvatorie. Kaya nga halos gawin na niya ang laha...
181K 4.5K 43
Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat. Sa lugar ng PARANG ..
51.1K 2.7K 59
Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan Kuwento ni Segundo Matias Jr. Guhit ni Jomike Tejido
78.3K 2.9K 31
Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun