Sunshine And You 2 (Completed)

Da IamAyaMyers

91.4K 3.7K 176

Daniel Cavelli-the man with oozing sex appeal, bold, and mysterious-has Porphyria. Hindi ito puwedeng masikat... Altro

Part 1
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57-ending

Part 2

3.3K 96 2
Da IamAyaMyers


"Hmm..." Pag-ungol ni Celine nang maalimpungatan. Agad din siyang napadilat ng mga mata nang hindi niya maramdaman ang pamilyar na init ng katawan ni Daniel—ang kanyang asawa. Lumitaw ang ngiti sa kanyang labi dahil roon. Asawa. Asawa na nga niya si Daniel. At para bang nakaprograma na ang bawat himaymay ng kanyang katawan na kung hindi nakadikit sa kanya ang asawa ay yakap siya ng lalaking siyang kahulugan ng mundo niya. At ang hangin... malumbay iyon kapag hindi taglay ang amoy ni Daniel.

Bagaman wala nga si Daniel sa kanyang tabi, hindi nataranta o nag-alala si Celine. Alam niya kung nasaan ang asawa. Bumangon siya at hinagilap ang remote control ng isang monitor na nasa isang bahagi ng silid. Pinindot niya ang remote control at sa isang iglap ay bumukas ang monitor, doon ay tumambad ang isang eksena na halos magpatunaw sa puso niya.

Tulad ng hinala niya, nasa kuwarto ni Christopher si Daniel. They fondly calls him Christoff—ang unang supling na bunga ng pagmamahalan nila ni Daniel. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang dibdib niya sa larawang naroon sa monitor. Ang kanyang asawa ay nakahiga sa isang divan, at sa dibdib nito ay naroon at nakadapa ang pitong buwang sanggol na si Christoff. Ang mga kamay ng kanyang asawa ay maingat na nakayakap sa katawan ng sanggol. Bahagya pa nga iyong humahaplos.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Celine. Napakabruskong lalaki ni Daniel pero napakagentle nito sa kanilang anak. Ah, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kinahinatnan ng buhay niya. Nakilala niya si Daniel na isang kumplikadong tao pala para mahalin. Pero hindi niya napigilan ang puso, hindi niya gustong pigilan. Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ay heto sila ngayon: masaya at kuntento sa pamilyang binuo nila.

Hindi nakuntento si Celine sa pagtingin lang sa monitor. Bumaba siya ng kama. Isinuot niya ang tsenelas bago tiyak ang mga hakbang na tinungo ang connecting door, ang pinto na patungo sa nursery room.

Maingat na isinara niya ang pinto bago sumandal roon at patuloy na pinagmasdan ang larawan ng kanyang mag-ama. Hinding-hindi niya malilimutan kung papaano dumating sa buhay niya si Daniel—Ang lalaking may napakalakas na personalidad at nag-uumapaw na sex appeal. Ah, they were too hot for each other. Nakakapaso ang atraksiyong namagitan sa kanila. Nag-aapoy iyon, lumalagablab. Still, they both hold no barred. Pareho nilang tinanggap at kinunsumo ang atraksiyong iyon. Pareho nilang sinunod ang isinisigaw ng kanilang mga katawan. Kinunsumo nila ang atraksiyon at pagnanasa. Ah, sex had been always so great. Hanggang sa pareho na silang malulong sa isa't-isa at hindi natakasan ang pag-usbong ang kakaibang damdamin. They both fall in love. Madly in love with each other.

And look at her now. Larawan siya ngayon ng isang babaeng masaya, puno ng pagmamahal, at kuntento. Wala na siyang mahihiling pa. Pero hindi naging ganoon kadali ang mga pinagdaanan nila ni Daniel para makamtan ang lahat ng meron sila ngayon. For Daniel is no ordinary man. Taglay nito ang isa sa pinakapambihirang sakit sa mundo na hindi madaling maunawaan ng tao, ang Porphyria—tinatawag din na Vampire's disease. 

"Jealous?" Sabi ng paos na tinig ni Daniel.  Hindi niya batid kung kanina pa gising ang asawa o naalimpungatan rin lang. Nagmulat ito ng mga mata at binigyan siya ng ngiti na hinding-hindi niya ipagpapalit sa ano mang bagay. Daniel's smile is so bright. Nakakaakit iyon. Hindi puwedeng hindi mapapansin. Oh, lalong hindi puwedeng hindi mapansin ang labing ginigitawan ng ngiting iyon.

Kunwari ay irapan niya ito. Umalis na siya sa pagkakasandal at lumapit sa kanyang mag-ama. Hinagkan niya ang ulo ng anak, ganoon din si Daniel bago siya naupo sa gilid ng divan. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya.

"You know I love doing this," tugon ni Daniel. Ang pagpapadede, ang pagpapalit ng diaper, at ang pagpapatahan sa sanggol ang tinutukoy ni Daniel. Totoo naman iyon. Hands-on sila pagdating kay Christoff, lalo na sa gabi. Bagaman may yaya rin na umaalalay sa kanila.

"He's a daddy's boy. Maamoy ka lang niya tumatahan na siya. Kaya kapag malayo ka, madalas siyang mag-alburuto."

Marahang tumawa si Daniel. "Hindi na maipagkakaila ang bahid ng selos sa tinig mo, sunshine," tudyo nito. Bahagya itong umusog, sapat para bigyan siya ng espasyo at makahiga sa tabi nito. Iniumang nito ang isang bisig para maging unan niya. "Come here." Tumalima naman siya at humiga. Bahagya niyang iniunan sa dibdib ni Daniel ang kanyang ulo. Si Christopher naman ay mahimbing ang tulog at mahinang naghihilik pa. When she was settled, Daniel kisses her head. "Alam mong mahal kita. Crazy for you. Obsess on you. Kayo ni Christoff ang buhay ko." That was true. Hindi lamang sinasabi ni Daniel ang mga salitang iyon, ipinapadama din. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Akala ko ay habang-buhay na akong mag-iisa sa mundo ko. I am a complicated case. Maraming mood swings at depresyon... Then you came and turn my world upside down." Bahagya itong tumawa. "Nagmamahal na pala ako, umiibig na pala ang puso ko. Takot na takot ako noon. Insecured, too. Hindi ko kailanman inakala na may babaeng tatanggapin ako sa kung ano ako. Na may babaeng tatanggapin ako sa kabila ng mga limitasyon ng tulad ko na may pambihirang sakit. I am so blessed."

Tumingala siya sa asawa. "I am so blessed, too." Marami siyang gustong sabihin pero dumagsa ang emosyon sa kanyang dibdib sa puntong pakiramdam niya ay otomatik na tutulo ang mga luha niya sa sandaling ibuka niya muli ang kanyang mga labi. Totoo naman, she was blessed, too. Dumating sa buhay niya si Daniel at iniahon siya mula sa kumunoy ng konsensiya na hindi nagpapatahimik sa kanya. Kumunoy na patuloy siyang hinahatak palubog sa puntong malapit na siyang malunod. "Y-your love saved my lost soul." Nangatal ang labi niya. At hindi nga siya nagkamali dahil tumakas sa mga mata niya ang maiinit na luha. "I love you."

Ang kamay ni Daniel na hindi umaalalay kay Christoff ay dumampi sa pisngi ni Celine at marahang pinahid ang mga luha roon. "I love you, Celine. At handa akong pumatay at mamatay para sa inyo ni Christoff."

Dumaan ang kilabot sa katawan ni Celine. "Don't talk like that," saway niya rito. Kahit pa nga ba alam niyang hindi nagbibitaw ang asawa ng mga salitang hindi nito kayang panindigan. He can walk his talk. Mula sa pagkakahiga ay umupo si Celine. She stared at him lazily, making sure that the sexual insinuation was there.

Umungol si Daniel. Napatawa naman siya. Batid niya kung ano ang epekto niya sa asawa at nakakatuwang isipin na hindi napipingasan ni katiting ang pagnanasa sa kanya ng asawa. Oh, well, the feeling was actually mutual. Pareho silang nagnanasa sa isa't-isa na kahit isang masidhing tingin lamang ay agad ng magiging ang pagnanasa sa katawan nila. 

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

1M 31.9K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
116K 3.3K 18
PHR # 970 Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, wel...
73.4K 2.1K 20
Parang aso't pusa ang samahan nina Billie at Harris. Kapag nagkikita sila ay lagi na lamang silang nag-aaway. Pareho sila ng pinapasukang unibersida...
119K 4.1K 29
Nang maulila si Michelle ay isinama na siya ng tiyahin niya sa pinagta-trabahuhan nitong mansiyon. Nakilala niya ang batang si Oliver, ang anak ng am...