One More Chance Book Two (Com...

Da BubeiYebeb

78.5K 2.8K 96

Ano nga kaya ang mangyayari kung sakaling bumalik yung taong minahal mo ng sobra sobra pero nakapagdisisyon k... Altro

College Life - Meeting an Old Friends
Transferees Shooting Star
Message
The Truth
He's back.
Convo War
He's Back!
Rivals
Concert
Chance
Bonding 1.1
Bonding 1.2
Reality and Rivals
Cute couple
Buloy's Birthday Plan :)
Buloy's Birthday Party (The Reunion)
Akwardness
Conversation
Encounter
Mark and Ashton Convo
Pain Friend
Effort
Decision
Reasons
This will be the Last </3
Leo's Pain
Concert <3
Last Message
Paper and bag "paperbag"
Thank You and Goodbye
Final Confession
Characters Convo

Am I not good enough?

2.3K 97 2
Da BubeiYebeb


Leonard S. Cruz Point of View

Nandito ngayon kami sa lugar kung saan tahimik at wala kang ibang maririnig kundi ang agos ng alon. Dinala ko si sa isang resort. Sa resort na bihira lang may pumunta sa ganitong oras. Yung resort sa Calibuyo Tanza (Villa Buenaflor)

Sinabi ko sa kanyang umuwe na kami. Kanina pa kasi kami dito at isa sinabi sa kanya nung Mark na dapat daw ay 7pm ay nakauwe na siya. 8pm na kaya! Andito parin kami. Hindi parin siya nagsasalita at nakatingin lamang siya sa dulo na may nakatayong parola na patuloy sa pag-ikot ng ilaw.
Inabutan ko siya ng isang bote ng vodka. Kinuha niya iyon at nagsimulang inumin.

"Bakit kaya may mga taong kailangan pang bumalik sa buhay natin?" mahinang sabi ni Ashton habang nakatitig parin sa parola.
Hindi ako sumagot. Hinahaan ko lamang siya. Ayoko kasing bigla nalang siyang tumigil sa pagsasalita. Gusto ko kasing masabi niya muna lahat ng bagay na gusto niyang sabihin. Ramdam ko kasi ang bigat ng kalooban niya.
"Lalo lang tuloy akong naguguluhan sa mga nangyayari sakin ngayon." pagpapatuloy niya sa kanyang pagkukwento.

"Si Mark yung kaunahang taong minahal ko dati. Mahal na mahal ko siya. Palagi niya akong sinusundo at hinahatid dati. Masaya. Napakasaya. Sinabi niya sakin na mahal na mahal daw niya ako. Naniwala ako dun kasi ramdam ko naman ang pagmamahal niya. Sinabi rin niya sakin na hindi niya ako iiwan at hindi niya ako hahayaang masaktan. Napakasaya ko nung mga araw na iyon. Sobrang saya ko." mahabang kwento niya at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Naririnig ko na rin ang mahina niyang paghikbi.
Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at inabot ko sa kanya.

"Pero nagbago ang lahat nung biglang dumating si Steff. Si Steff yung sinabing fiancee niya. Kung mahal niya ako dapat ako ang pinili niya, pero hindi eh. Iniwan niya ako. Umalis siya at hindi man lang niya inisip kung gaanong kasakit sakin ang ginawa niya. Hindi man lang niya pinaliwanag sakin kung bakit ganoon nalang ang nangyari, basta iniwanan niya ako na walang alam at tanging puro sakit at hirap lang ang nararamdaman ko" pagpapatuloy niya.
Ramdam ko yung hirap ng pinagdadaanan niya. Naramdaman ko na ito dati pa nung narinig ko siyang kumanta sa bar. Hindi ko alam na mas mararamdaman ko pa yung hirap at sakit niya habang siya mismo ang nagkukwento sakin.

"Hanggang sa dumating si Ace. Pinawi ni Ace yung sakit na nararamdaman ko dahil kay Mark. Masaya rin kami. Wala siyang pinapalampas na sandali na masaya kami. Halos araw-araw kaming magkasama. Tinanggal niya ang sakit na nararamdaman ko. Pinawi niya yung araw-araw na hirap na nararanasan ko sa pangungulila kay Mark. Tinanggap ko si Ace na maluwag sa puso ko. Dahil naniniwala ako na mapapawi lang ang sakit na nararamdaman ng isang tao kung may taong gagamot nito. Sabi nga nila, kung ano ang pinoproblema mo ay iyon din ang sagot sa problema mo" Inangat muna ni Ashton ang hawak niyang alak bago nagpatuloy.

"Pero dumating yung araw na sinabi niyang aalis siya. Aalis daw siya para daw saming dalawa. Gusto daw niyang maging better man para maipagmalaki ko siya sa mga kaibigan ko at magulang ko. Gusto daw kasi niya na kapag nagsama na kami ay meron na siyang ibubuhay at matatag na trabaho. Iyak ako ng iyak nun. Ayaw ko siyang paalisin, dahil hindi ko naman kailangan ng maranyang buhay. Sapat na sakin na nagmamahalan kaming dalawa at masaya kami" nagsimula nanaman ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Sinabi niyang babalik siya. Nangako siyang pagbalik niya ay magsasama na kaming dalawa. Pero simula nung araw na pag-alis niya ay wala na akong natanggap na mensahe mula sa kanya, hindi siya natawag at hindi rin sumasagot sa mga email ko. Inisip ko baka busy lang siya sa pag-aaral niya kaya hindi siya makaresponse sa lahat ng ginagawa kong paraan para magkausap kami." panandalian siyang tumigil sa pagsasalita at binuksan ang isa pang bote ng vodka at iangat iyon.

"Hanggang sa naisip kong tawagan ang kapatid niya" medyo nauutal nanaman siya dahil sa sobrang pagpigil ng pag-iyak.

Flashback (Pagkukwento ni Ashton)

"Oh napadalaw ka? Musta ka na? Tagal ng huli mong punta dito ah. Ang huli yata ay yung magkasama kayo ni Ace" bati sakin ni Kuya Arfill. Pinaupo niya ako sa sofa at nagpakuha sa kanyang katulong ng juice.
"Oo nga po eh. Musta na po kayo?" masayang sabi ko sa kanya. Iniisip ko kasi na makakamusta ko na at magkakaroon na ako ng balita kay Ace. Isipin ko pang masayang masaya na ako.
Nagkwetuhan kami tungkol sa pamilya niya at pinagkakaabalahan niya.

"Eh Kuya musta naman po s Ace?"
Bigla siyang natigilan at napatingin sakin pagkatapos kong sabihin iyon. Bakas sa mukha ko ang saya dahil malalaman ko rin kung ok ba siya dun o baka sakaling tawagan ni Kuya si Ace para magkausap kami.
"Hindi ba kayo nagkakausap ni Ace?" seryosong balik tanong sakin ni Kuya Arfill.
"Hindi po Kuya. Ang alam ko kasi busy sya sa pag-aaral. Yun kasi ang huling sinabi niya nung huling magkita kami sa airport" nakangiti ko paring sabi sa kanya.
Nahalata kong nabigla at nagtaka si Kuya Arfill sa narinig niyang sinabi ko. Napatitig lang siya sakin at ramdam ko na may mali na sa nangyayari.

"Kuya Arfill bakit? May problema ba?" humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko sabihin iyon. Para kasing may maririnig akong hindi magandang balita mula sa kanya.

"Siguro nga Ashton its time para malaman mo ang totoo" seryosong sabi ni Kuya Arfill sakin.
Nakaramdam ako ng kaba sa anumang bagay na pwede kong marinig kay Kuya. Pero dapat kong malaman ito para na rin malaman ko kung bakit wala akong balita kay Ace.

"Ikakasal na si Ace. Fix marriage. Si Papa ang may plano nun para sa kumpanyang pagmamay-ari namin. Kapag kasi nagjoin ang kumpanya nung mapapangasawa ni Ace ay mas lalong titibay at mapapalago ni Papa ang kanyang kumpanyang unti-unti nang nalulubog at nalulugi"
Bigla akong nanlamig sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko at parang tinutusok ito paulit-ulit ng libo libong karayom.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko sa mga mata ko at nararamdaman kong nanginginig ang dalawang tuhod ko.

"Sorry Ashton. Si Papa ang may kagagawan kung bakit hindi kayo nagkakaroon ng komunikasyon ng kapatid ko. Ako na ang nahingi ng kapatawaran sa nagawa ng papa ko"

End of Ashton Flashback Story

"Umuwe ako ng bahay na wala ako sa sarili ko. Iyak ako ng iyak nun. Hindi halos maprocess ng utak ko ang mga narinig ko. Sinabi ko sa sarili na hindi totoo ang mga sinabi ni Kuya Arfill. Natulog ako at umaasa ako na sa paggising ko ay malalaman kong panaginip lang pala ang lahat. Pero hindi, kahit sa panaginip ko ay ganoon parin. Napagpasyahang kong ilihim nalang ang lahat dahil ayokong pati ang mga kaibigan ko ay mag-alala sakin" tinungga niya ang hawak niyang alak. Bottoms up at mabilis na kumuha pa ng isang bote. Pipigilan ko sana siya pero tumingin siya sakin na nangungusap ang dalawang mugtong mata.

"Pero ang sakit-sakit na Leo. Parang hindi ko na yata kakayanin" dahil sa sinabi niya ay muling bumuhos ang kanyang mga luha. Inakbayan ko siya at inilagay ang kanyang mukha sa dibdib ko. Gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako para sa kanya at hindi ko siya iiwan.

Hinawakan ko ang kanyang dalawang balikat. Nanatili parin siyang nakayuko at walang tigil sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

"Am I not good enough?" mahinang sabi ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tinunghay ang kanyang ulo at nakatingin sakin ang kanyang malamlam na mata.

"Am I not good enough?"

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

88.5K 1.2K 11
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang...
9 Mornings Da Zildjian

Storie d'amore

116K 2.6K 22
Si Laurence Cervantes o maskilala bilang Lance ay may isang nakaraan na siyang sumira sa kanyang masayang buhay at relasyon. Anim na taon ang lumipas...
I'm His Boyfriend Da Harry

Narrativa generale

310K 10.4K 46
Walang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!
902K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.