Leo's Pain

1.6K 66 1
                                    

Leonard S. Cruz Point of View

Ayoko na sana matapos iyong araw na kasama ko si Ashton pero wala akong magagawa. Una, nandiyan na talaga si Ace at sinasabi ng mga kaibigan niya na ikakasal na sila. Pangalawa, si Vincent. Palagi niyang sinasabi na naaapektuhan na raw ang reputasyon ng group namin dahil sa ginagawa ko. Tangina naman! Mali ba na magmahal ako ng isang tao!? Palagi nalang reputasyon ang iniisip niya! Hindi niya ba ako magawang suportahan?

Ang hirap tanggapin itong nangyayari sakin. Akala ko pa naman magiging masaya na talaga ako sa pagbalik ko dito sa pilipinas. Hindi pala.

"Boys balik na tayo sa rehearsal" narinig kong sabi no Connie.

Ilang araw nalang final concert na namin dito. Napagpasyan ko pagkatapos ng araw na iyon ay babalik na ako sa Japan. Para na rin mawala itong nararamdaman ko. Sigurado ako na sa gagawin kong paglayo dito ay mawawala yung sakit na nararamdaman ko.

"Pahinga muna tayo Leo" sabi sakin ni Marcus sabay tapik sa kanang balikat ko.

Pumunta ako sa dressing room at tinungo ko ang phonebooth na malapit doon. Nagdial ako ng number. Ang tagal bago sumagot.

"Hello...hello..." Unti-unti namumuo ang mga luha ko nung narinig ko ang boses niya. Miss na miss na kita Ashton. Mahal na mahal kita.

"Iloveyou so much Ashton..." Mahinang bulong ko sa telepono.
"Babe sinong kausap mo?" Narinig ko sa kabilang linya. Alam ko na kung sino yun. Lalo ako nakaramdam ng sakit nung narinig ko yung nagsalitang iyon.

"Leo..." Sabi ni Marcus mula sa likuran ko dahilan para maibaba ko agad ang hawak hawak kong telepono.

"Gusto mo bang pag-usapan?" Seryosong sabi sakin ni Marcus mula sa likuran ko.

"Ngayon ko lang naramdaman to Marcus. Yung pakiramdam na kaya kong ipagpalit ang lahat para sa kanya, yung pakiramdam na kaya kong isuko ang lahat para sa kanya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagdaloy na ang mga luhang kanina pa namumuo sa mga mata ko.

"Ang sakit sakit na Marcus! Ang sakit sakit na!" Sabi ko sa kanya habang naiyak ako.

"Leonard, you need to understand the situation. You are only complicating the complicated. Engage na siya. Makakasira ka ng relasyon at the same time masisira rin yung pinaghirapan mo" pang-aamo ni Marcus sakin.

Hindi ako makapagsalita. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Ashton na mahal na mahal ko.

"Huwag ka mag-alala. Lilipas din yan. Mawawala rin yan." Huling sabi sakin ni Marcus tapos ay iniwanan na niya ako.
----
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Marcus ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kinausap ko narin si Vincent tungkol sa nangyari at kapwa kami nagkahingian ng pasensya.

May sinabi sakin si Vincent na ikinatuwa ko at hindi pa nangyayari ay pinagpapasalamat ko na agad sa kanya.

Kahit pala ganito ang ugali ng kaibigan kong ito ay iniisip parin ang kalagayan ko.

"Aylabyu bro!" Sabi ko sa kanya ng malawak na pagkakangiti
----

Concert starts 8pm

6pm
Ilang oras nalang - concert na natin!

Sana maging masaya ka kay Ace, Ashton. Mahal na mahal kita.

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now