Final Confession

2.7K 87 21
                                    


Ashton Clarence Point of View

Patuloy ako sa pagtakbo. Kailangan maabutan ko si Leo para malaman niya ang nararamdaman ko sa kanya. Para malaman niya na siya ang mahal ko.

Beeeeeeeeep beeeeeeeeep!

"Ano na! Magpapakamatay ka ba!" Sigaw sakin nung lalaking nagda-drive ng kulay pulang kotse.

Pogi pa naman suplado nga lang! Buset!

"Ayy! Sorry po. Nagmamadali lang po" paghingi ko sa kanya ng pasensya tapos pinagpatuloy ko na ang pagtakbo.

Nagtagumpay naman ako at nakapasok na ako sa loob ng airport. Buti nalang at pinagsuot ako ng maayos ni Ace kanina bago umalis ng bahay.

Saan kita hahanapin Leo...

Napakaraming tao. Ilang minuto nalang ay alam kong aalis na sila. Wala na akong maisip na ibang paraan. Kung iisa-isahin ko pa ang mga tao dito ay aabutin pa ako ng ilang taon sa kahahanap sa kanya.

Tama! Iyon ang gagawin ko!

------

Leonard Cruz Point of View

"Tara Vincent! Baka ma-late pa" yakag ko kay Vincent matapos naming manggaling sa toll fee.

"Huwag ka na nga maglingon-lingon diyan!" Singhal sakin ni Marcus.

"Ehemm! Ehem!"

Bigla akong natigilan sa narinig ko. Napatigil rin sila Vincent sa narinig nila.
Sabay napatingin sakin si Marcus at si Vincent na may tingin na nang-aasar.

"Ikaw na abnormal ka! Iiwanan mo rin ako! Sige! Subukan mong umalis kapag ginawa mo iyon wag na wag ka ng babalik dito kahit kailan!"

Napangiti ako sa narinig ko. Pana'y naman ang katyaw sakin ng dalawa kong kaibigan.

"Subukan mo lang umalis Leonard abnormal! Subukan mo lang at hindi mo na ako makikita kahit kailan! May nalalaman ka pang mahal mo ako tapos iiwanan mo rin pala ako!

Nagtinginan sakin ang lahat ng taong nakapaligid saming magkakaibigan. Yung iba halatang kinikilig sa kanilang naririnig.

"Uyy si Leonard kinikilig!" Panunukso ni Marcus saken.
"Oh ba't namumula ka!? Hahahaha" sabi naman ni Vincent.

"Tananyo!" Sabi ko sa kanila at halatang hindi na ako makapag-intay sa mga mangyayari.

"Sana bago ka bumalik sa Japan, gusto kong malaman mo...na..."

"Teka? Bakit ako pupunta ng Japan?" Takang tanong ko kay Marcus.
"Aba malay ko sa sinasabi ng wierdo mong syota!" Sagot niya at humagalpak ng tawa.

Tiningnan ko si Vincent at nakita ko siyang lihim na tumatawa.

"Teka lang miss... Teka.. Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko... Oy! Leong unggoy mahal kita!"

Bumilis yata ang takbo ng puso ko. Nakaramdam ako ng saya. Ang saya saya ko. Napakasaya ko.

LEONARD! LEONARD!

Narinig kong sigaw ng mga taong nakapaligid saken.

LEONARD! LEONARD!
LEONARD! LEONARD!
LEONARD! LEONARD!

Pati si Vincent at Marcus ay nakikicheer narin sa mga taong nakapaligid saken.

Napakasaya ko sa nalaman ko. Mahal din ako ni Ashton. Mahal din ako ng taong mahal ko.

"Araaaaay!" Sigaw ko nung biglang may tumama sa ulo.

"Yan! Kung aalis ka dalin mo yan! Wag na wag ka ng babalik dito!"

Napatitig ako sa kanya. Wala akong masagot sa sinasabi niya saken.

"Lulunin mo yan! Ibigay mo sa mga taong singkit sa Japan!"

Napangiti nalang ako sa inaasal niya. Nakita ko rin ang mga reaksyon ng mga taong nakapaligid samin. Saming dalawa.

"Teka! Sino ba may sabi sayong pupunta akong Japan!?" Sigaw ko sa kanya.
"Kunwari ka pang lalake ka! Umalis ka na! Goooooo! Shuuuu shoooo!" Sigaw niya habang isinesenyas pa ang pagtataboy saken.

"Ah.. Yun ba ang gusto mo? Sige! Edi aalis! Dun ka sa fiancee mong mas pogi pa ako!" Pang-aasar na sabi ko.

"Talaga! Huwag ka ng babalik pa ditong hudas ka!" Sabi niya.

Aktong tatalikod na, bigla akong tinakbo. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at mabilis ko hinarap ang mukha niya sa mukha ko.

Hindi ko na muna siya pinagsalita, mabilis kong hinalikan ang kanyang malambot na labi. Marahan at maemosyon na halikan ang ginagawa namin.

Bigla ko nalang narinig yung kanta naming search for your love. Lalong naglakasan ang mga hiyawan ng mga taong nasa paligid namin.

Wala akong pakialam kung ano magiging reaksyon ng mga taong makakakita samin. Ang mahalaga ay kasama ko at mahal ako ng taong mahal ko.

"Mahal na mahal kita Ashton" seryosong sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang magkabila niyang pisngi.

Hindi siya sumasagot bagkus nakatingin lamang sa mata ko.

"Ulitin mo naman yung sinabi mo kanina..." Sabi ko sa kanya.

"Ano yun?" Tanong niya.
"Yung ano.. Yung ano mo ako..." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Ah.. Yung namimiss na kita?" Nakangiting sagot niya.

"Hindi.. Yung isa pa.. Yung... Yung..."

"Mahal na mahal kita Leonard..."
"Mahal na mahal din ki-" hindi pinatapos ni Ashton ang sasabihin ko at biglang niya akong hinalikan. Yung halik na ramdam kong ako lang at wala na akong ibang kahati.

Napuno ng palakpakan ang kapaligitan namin at puro hiyawan.

Napakasaya ko.
Sobrang saya ko.

"Osya - tara na!" Yakag ni Vincent samin.
"Teka diba flight niyo na?" Takang tanong ni Ashton habang nakakulong sa mga braso ko.

"Umuwe na nga tayo! Puro kasi kayo pa-tweetams!" Sabi naman ni Marcus.

Pinaliwanag ni Marcus kay Ashton ang planong naisip ni Vincent.

"Mga sinungaling! Nakakahiya tuloy ako!" Sigaw samin ni Ashton na pulang pula ang mukha.

"Hahahaha! Atleast napaamin ka namin Ashton Clarence CRUZ" talagang in-emphasized pa ang word na CRUZ.
.
.
.
"Oh ba't pangiti-ngiti ka diyan!?" Tanong sakin ni Ashton habang nakaupo kami sa bench kung saan una kaming nagkita.

"Wala lang. Napakasaya ko lang. Napakasaya ko kasi kasama kita" sagot ko sa kanya habang akbay akbay ko siya.

"Mahal na mahal kita Ashton..."
"Mahal na mahal din kita Leo..."

Wakas

Now playing: Tadhana - Daniel Ombao.

Maraming salamat sa mga taong magbabasa netong story na to. :)

Sana po basahin niyo rin yung susunod kong gagawin. Maraming salamat po!

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now