Reasons

1.5K 66 0
                                    


Christine "Tin" Point of View

Ano bang masama kung magkalapit si Ashton at si Leonard? Alien ba si Leonard at mahahawa si Ashton? Kaiba rin utak ng mga abnormal kong kaibigan ah! Mga basag trip!

Tatlong araw na simula nung mapagsalitaan ako nung kapatid ni Ace ma si Wendell. Kundi nga lang dahil kay Ashton eh sasagutin ko yung hayup na yun!

"Hindi mo kasi naiintindihan Tin" sabi ni Chris na pinipilit na maging mahinahon.

Hindi namin kasama ngayon si Ashton. Umalis siya kanina at nagpaalam na pupunta muna sa park para maglakad-lakad. Wala rin si Ace kasi tumawag ang papa niya.

"Hindi ko naiintindihan? Edi kailangan pumalakpak ako kasi hindi ko naiintindihan? Kailangan magtatalon ako kasi wala akong alam?" Sarkastikong sabi ko sa kanila.

Napatingin nalang sakin sila Anabel, Joan, Rosemarie pati narin si Chris.

"Hindi magiging maganda ang epekto kay Ashton kung hahayaan natin siyang mapalapit kay Leonard" -Joan.

"Baket? Alien ba si Leonard? Alien ba ang magkakaibigan na yon?" Pilosopong sagot ko na patanong.
"Una, alam natin na engaged na si Ashton..." Paunang sabi ni Chris.

"Oh anong masama kung makipagkaibigan ang engage na?" Muling sagot ko.
Hindi parin nakibo ang ibang mga kasama ko bukod kay Chris

"Pangalawa, alam naman natin na hindi babae si Ashton" sunod na sabi ni Chris.
"Problema don? Porket bakla bawal? Eh baket yang si Buloy halos lumawit na bituka sa kasisigaw sa kanila, okay lang? Walang ganto, walang ganyan" sabi ko na halos ioveracting ko na.

"Umayos ka Tin, baka hindi ako makapagtimpi sayo!" Seryosong sabi ni Buloy.
"Pangatlo, ang dami na naming naririnig na hindi maganda tungkol kay Ashton. Haters. Negative comments at paninira sa social media sites. Gumagawa nalang kami ng paraan para hindi mapansin ni Ashton yung mga yon. Alam at ramdam natin ang nararamdaman ni Leonard para kay Ashton pero mali iyon." Mahabang sabi ni Chris na dahilan para ikanganga ko.

"Tama ang sabi ni Vincent, hindi maganda ang epekto ng pakikipaglapit ni Ashton kay Leonard. Napapabayaan na daw ni Leonard ang kanyang trabaho. At isa pa, sobrang nasasaktan na si Ace sa nangyayari. Nagbubulagbulagan lang siya at ayaw niyang malaman ni Ashton na nasasaktan siya" mahabang dugtong ni Chris sa kanyang sinabi.

Wala ako naisagot pa dahil sa mga sinabi niya. Kaya pala ganoon nalang ang mga tingin ng ibang nakakasalubong namin kay Ashton.

"Napakakulit talaga ng taong yan! Sige pupuntahan namin" narinig kong sabi ni Chris bago itago ang kanyang cellphone.

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now