Conversation

1.7K 74 0
                                    


Leonard S. Cruz Point of View

Humigpit ang pagkakahawak sakin ni Ashton habang nakaupo kami. Hindi ko alam pero parang alam ko na kung bakit biglang nagkaganoon nalang ang sitwasyon namin.

"Tagal natin di nagpakita Ace ah!" Narinig ko iyon sa isa sa kaibigan nila Ashton.

Yun pala yung Ace. Yun pala yung taong nang-iwan kay Ashton. Yun pala yung napakawalang kwentang tao na basta basta nalang nanakit kay Ashton.

"Don't worry. I'm here" paulit-ulit kong sinasabi yun kay Ashton para hindi niya maisip yung ginawang pang-iiwan sa kanya ng mga taong minahal niya.

Kung ako kasi ang lalagay sa sitwasyon nila hindi ko iiwan si Ashton. Hindi ko siya magagawang saktan. Korni man pakinggan pero kaya kong gawin lahat para sa kanya.

"Buloy pwede maki-CR" narinig kong sabi ni Ace kay Buloy. Mabilis naman tumayo si Buloy at sinamahan si Ace sa loob.

Pinagpatuloy namin ang pag-iinom. Napansin kong nakikipagsabayan na rin sa pag-iinom si Ashton. Hindi ko na siya pinigilan, dapat ko sigurong igalang ang nararamdaman niya ngayon, pero hindi ko siya magagawang iwanan.

"Tin san ang CR dito?" Sabi naman ni Vincent. Tinuro ni Tin ang daan at pumasok doon si Vincent.

May napapansin ako kay Vincent nitong mga nagdaang araw. Naninibago ako sa kanya. Sana mali ang hinala ko kasi pagnagkataon ay kaming dalawa ang magkakabangga ngayon.

"Ashton hinay lang sa pag-inom" sabi Joan habang panay ang pagkain ng hotdog.
"Don't worry Joe! Yakang yaka ko to!" Medyo napapalakas na ang boses ni Ashton. Siguradong umeepekto na ang alak sa taong ito.

"Umuwe na yung ibang bisita ni Buloy. Tumakas na. Hahaha! Osya - tabi tabi na tayong lahat" sabi nung Eduardo yata ang pangalan nun.

Nagpatuloy kami sa pag-iinom. Naunang bumalik si Buloy sunod si Ace at huli naman ay si Vincent.
Umupo na muli si Vincent sa pwesto niya sa tabi ni Ashton. Sa dulo naman si Buloy at si Ace sa harap ni Ashton. Si Eduardo at Patrick sa kabilang dulo at si Mark naman ay kaharap ko.

"Musta ka naman Ace?" Tanong nung babaeng sabog ang buhok. Kung di ak nagkakamali Rosemarie yata ang pangalan nun.

"Okay naman ako. Naging busy sa pag-aaral sa ibang bansa" tipid na sagot ni Ace.
"Halos magkasunod lang ang pagbalik niyo ni Mark dito sa Pilipinas aa!" Ikaw naman Mark musta na si Steff?" Sabi naman yun ni Buloy.

Sa totoo lang wala naman ako pakialam sa kanila eh. Tahimik lang kaming tatlo nila Vincent at Marcus kasi hindi kami makasabay sa usapan nila.

"Ah Si Steff? Kinasal na siya. Wag nyo ng ipakwento ang nangyari sakin. Long story" seryosong sagot naman ni Mark.

"Ikaw naman Ace.. Totoo ba yung nabalitaan namin na ikina-"
"Excuse us guys. Pagpahingahin ko lang si Ashton. Mukha laseng na eh" singit ko sa usapan nila. Mukhang hindi na kasi maganda ang kalalabasan ng nangyayari.

"Its okay Leo. I'm okay." Mahinang sabi niya.
Hindi na ulit ako nagsalita at pinagpatuloy ko nalang ang pag-inom sa bawat tagay na ibinibigay samin ni Buloy.

"Edi sobrang saya na ni Ashton ngayon kasi bumalik na ang kanyang long lost boyfriend?" Nakangiting pang-aasar ni Angelica.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya at katahimikan ang namayani samin. Napatakip si Angelica ng bibig halatang nabigla siya sa kanyang sinabi.

"Oh? Bakit ang awkward natin? Hahaha! Yap! I'm happy kasi nagkaroon pa tayo ng pagkakataon na magkasama-sama ng kumpleto" pagbasag ni Ashton sa katahimikang bumalot samin.

"Eh yun naman pala eh - edi party party na uli!" Biglang sigaw ni Buloy.
----
"Can we talk?" Narinig kong sabi ni Ace sa taong katabi ko. Nakatingin sakin si Ace na para bang humihingi rin ng pahintulot sakin.

Lumakad palayo si Ace at si Ashton. Ganito pala kasakit yung pakiramdam na makita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba. Lalo na at ang kasama niya ay yung taong sobra niyang mahal.

Ang buong inaasahan ko ay hindi sasama si Ashton sa pagyaya sa kanya ni Ace. Akala ko hindi niya ako iiwanan dito. Ang sakit isipin. Pero ito na yata ang kinakatakutan ko. Ang bumalik si Ace - si Ace na tunay na minahal ni Ashton.

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now