Last Message

1.6K 67 4
                                    


Leonard S. Cruz Point of View

Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa gitna ng stage habang kinakanta ko ang sarili kong kanta na One-sided love.

Napakaraming tao. Hiyawan at sigawan ang tangi kong naririnig. Nasa magkabilang gilid ang dalawa kong kaibigan.

Habang pinagpapatuloy ko ang kanta at inililibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng stadium, umaasa kasi ako na kahit sa huling sandali ay makita ko ang pinakamamahal ko. Si Ashton.

Am I not good enough?

Yan ang nasa isipan ko habang patuloy kong dinadama ang kinakanta ko.

Hanggang sa mapansin ko ang isang bagay na kumikinang. Hindi ako pwedeng magkamali - iyon yung pinaghirapan kong kunin sa game machine nung magkasama kami ng taong mahal ko.

Nakita ko ang ngiti niya. Yung ngiting araw araw kong gusto makita.

Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin ako sa taong kasama niya. Alam ko magiging masaya siya sa taong kasama niya - sa taong napakatagal niyang hinintay, ang taong sobra niyang minamahal. Si Ace.

Mabilis natapos ang pagkanta ko at naririnig ko na ang instrumental ng pinakagusto kong kanta namin. Search for your love.

Hawak ko ang gitara, si Marcus naman ang drums at si Vincent ang organ.

Ipapadama ko sayo kung gaano kita katagal hinanap Ashton at kung gaano kita kamahal.

---------


Ace Point of View

Napakasaya ko. Kasama ko ngayon ang taong sobra kong mahal. Ang taong pinili ko kesa sa oportunidad ko sa ibang bansa. Mas pinili ko si Ashton kesa sa yaman na kapalit. Hindi ko nanaman kailangan pa magpayaman - sapat na sakin ang meron ako at kasama si Ashton.

Nagsimula ng kumanta ang tatlong miyembro ng Shooting Star Band. Yung kaninang ingay at hiyawan ay biglang nawala nung nagsimula na nilang tugtugin yung kanilang finale na kanta. 

Search for your love.

Search for your love
Search for your love

You shine so brightly
Just like a shooting star
Your smile makes all my pain slowly melt away
I will cherish it forever
(Its everlasting starlight)

Panimula ni Leo sa kanta.
Hindi ko maintindihan pero parang kakaiba ang pakiramdam ko. Ang weird man sabihin pero parang may nabubuong mga imahe sa utak ko at may kakaiba akong nararamdaman.

On that day long ago
I tried my best to hide
All I can do right now is hold back akl my tears
All that's left in me is just pain
(Never forget you sweetheart)

Nararamdaman ko ang pagmamahal at sakit ng nararamdaman ng taong nakanta. Lahat ba kaming nandito ganito ang pakiramdam? O sadyang ako lang? Napatingin ako sa taong nakanta - nakatingin ito sa pwesto namin ng taong mahal ko. Nakatitig siya. Kitang kita sa malaking screen na nasa harapan namin na samin nakatuon ang kanyang malamlam na mata.

Search for your love
An angel sent from heaven
Search for your love
Your tears fall down like raindrops
Search for your love
Now all I need is to love and have you with me

I've always been searching for you
(Searching for you)
Don't you know I live my life for you
(iloveyou)
Tell me if you're still here with me
I love you
My princess

Sana kaya ko rin kumanta ng ganyan para sayo Ashton. God knows how much I love you Ashton. Sana mapasaya kita.
----------


Ashton Clarence Point of View

I've always been searching for you
(Searching for you)
Don't you know I live my life for you
(iloveyou)
Tell me if you're still here with me
Iloveyou
My princess

Nakatingin ba siya sakin? Takte! Oo nga nakatingin siya sakin! Parang yung nasa ferriswheel ako, ganitong ganito yun. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang may kung ano akong nararamdaman sa mga oras na ito. Yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Tumingin ako kay Ace. Nakatitig lang siya sa stage at sa taong nakanta - kay Leonard.

Search for your love
Search for your love....
----

11:30pm

"Maraming maraming salamat po sa lahat! Hope you enjoy the night!" Napakalakas na sabi ni Marcus sa mikropono.

"Naging masaya po kami sa pag-stay dito sa pilipinas!" Dugtong naman ni Vincent.

"Hanggang sa muling pagkikita po natin! Mamimiss ko kayong lahat - lalo ka na cheekbone" huling sabi ni Leo at sabay sabay na silang pumasok sa pintuang kurtina.

Unti-unti narin nagsilabasan ang mga tao sa loob ng stadium.
.
.
.
"Hope you enjoy this night babe" nakangiting sabi sakin ni Ace habang pauwe na kami.
"Thank you so much Ace. Napakasaya ko." Sagot ko sa kanya.

Hinatid na niya ako sa bahay at sinabi niyang susunduin nalang daw niya ako bukas.

Sa sobrang pagod ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

One More Chance Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon