Am I not good enough?

2.3K 97 2
                                    


Leonard S. Cruz Point of View

Nandito ngayon kami sa lugar kung saan tahimik at wala kang ibang maririnig kundi ang agos ng alon. Dinala ko si sa isang resort. Sa resort na bihira lang may pumunta sa ganitong oras. Yung resort sa Calibuyo Tanza (Villa Buenaflor)

Sinabi ko sa kanyang umuwe na kami. Kanina pa kasi kami dito at isa sinabi sa kanya nung Mark na dapat daw ay 7pm ay nakauwe na siya. 8pm na kaya! Andito parin kami. Hindi parin siya nagsasalita at nakatingin lamang siya sa dulo na may nakatayong parola na patuloy sa pag-ikot ng ilaw.
Inabutan ko siya ng isang bote ng vodka. Kinuha niya iyon at nagsimulang inumin.

"Bakit kaya may mga taong kailangan pang bumalik sa buhay natin?" mahinang sabi ni Ashton habang nakatitig parin sa parola.
Hindi ako sumagot. Hinahaan ko lamang siya. Ayoko kasing bigla nalang siyang tumigil sa pagsasalita. Gusto ko kasing masabi niya muna lahat ng bagay na gusto niyang sabihin. Ramdam ko kasi ang bigat ng kalooban niya.
"Lalo lang tuloy akong naguguluhan sa mga nangyayari sakin ngayon." pagpapatuloy niya sa kanyang pagkukwento.

"Si Mark yung kaunahang taong minahal ko dati. Mahal na mahal ko siya. Palagi niya akong sinusundo at hinahatid dati. Masaya. Napakasaya. Sinabi niya sakin na mahal na mahal daw niya ako. Naniwala ako dun kasi ramdam ko naman ang pagmamahal niya. Sinabi rin niya sakin na hindi niya ako iiwan at hindi niya ako hahayaang masaktan. Napakasaya ko nung mga araw na iyon. Sobrang saya ko." mahabang kwento niya at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Naririnig ko na rin ang mahina niyang paghikbi.
Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at inabot ko sa kanya.

"Pero nagbago ang lahat nung biglang dumating si Steff. Si Steff yung sinabing fiancee niya. Kung mahal niya ako dapat ako ang pinili niya, pero hindi eh. Iniwan niya ako. Umalis siya at hindi man lang niya inisip kung gaanong kasakit sakin ang ginawa niya. Hindi man lang niya pinaliwanag sakin kung bakit ganoon nalang ang nangyari, basta iniwanan niya ako na walang alam at tanging puro sakit at hirap lang ang nararamdaman ko" pagpapatuloy niya.
Ramdam ko yung hirap ng pinagdadaanan niya. Naramdaman ko na ito dati pa nung narinig ko siyang kumanta sa bar. Hindi ko alam na mas mararamdaman ko pa yung hirap at sakit niya habang siya mismo ang nagkukwento sakin.

"Hanggang sa dumating si Ace. Pinawi ni Ace yung sakit na nararamdaman ko dahil kay Mark. Masaya rin kami. Wala siyang pinapalampas na sandali na masaya kami. Halos araw-araw kaming magkasama. Tinanggal niya ang sakit na nararamdaman ko. Pinawi niya yung araw-araw na hirap na nararanasan ko sa pangungulila kay Mark. Tinanggap ko si Ace na maluwag sa puso ko. Dahil naniniwala ako na mapapawi lang ang sakit na nararamdaman ng isang tao kung may taong gagamot nito. Sabi nga nila, kung ano ang pinoproblema mo ay iyon din ang sagot sa problema mo" Inangat muna ni Ashton ang hawak niyang alak bago nagpatuloy.

"Pero dumating yung araw na sinabi niyang aalis siya. Aalis daw siya para daw saming dalawa. Gusto daw niyang maging better man para maipagmalaki ko siya sa mga kaibigan ko at magulang ko. Gusto daw kasi niya na kapag nagsama na kami ay meron na siyang ibubuhay at matatag na trabaho. Iyak ako ng iyak nun. Ayaw ko siyang paalisin, dahil hindi ko naman kailangan ng maranyang buhay. Sapat na sakin na nagmamahalan kaming dalawa at masaya kami" nagsimula nanaman ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Sinabi niyang babalik siya. Nangako siyang pagbalik niya ay magsasama na kaming dalawa. Pero simula nung araw na pag-alis niya ay wala na akong natanggap na mensahe mula sa kanya, hindi siya natawag at hindi rin sumasagot sa mga email ko. Inisip ko baka busy lang siya sa pag-aaral niya kaya hindi siya makaresponse sa lahat ng ginagawa kong paraan para magkausap kami." panandalian siyang tumigil sa pagsasalita at binuksan ang isa pang bote ng vodka at iangat iyon.

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now