Concert <3

1.6K 74 3
                                    


Ashton Clarence Point of View

"Babe sinong kausap mo?" biglang sabi ni Ace mula sa likuran ko.
"May tumawag kasi at no number ang nakalagay, hindi naman nagsasalita" sagot ko sa kanya.

Magkasama kami ngayon dito sa bahay nila. Nagdinner kasama ang papa at Kuya Wendell niya.

Dinala ako ni Ace sa pasilyo nila kung saan kaming dalawa lang. Preskong presko dun at sariwa ang hangin dahil sa labas nun may mga malalaking puno.

"Ilang months nalang ikakasal na tayo. Nakausap na ni Mama ang wedding organizer natin dun sa France. Wala nanaman problema sa mama mo kase nakausap ko na rin siya ay masaya siya para satin" masayang sabi ni Ace habang nakapulupot ang dalawa niyang kamay mula sa likuran ko.

"Inimbitahan ko na rin si Mark kaso hindi daw siya makakasabay sa flight natin, dun daw siya manggagaling sa Canada pero pupunta daw siya" dugtong niya.

"Thank for loving me Ace..." Mahinang sabi ko sa kanya.
"I can do anything for you Ashton. Iloveyou. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling magkahiwalay pa tayo.." Sabi niya sakin.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib nung sinabi niya yun sakin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at bigla nalang kusang tumulo ang mga luha ko.

"Oh bakit naiyak ang baby ko?" Tanong niya at iniharap niya ako sa kanya.
Niyakap ko siya. Matagal. Matagal na matagal.
"Iloveyou Ace" mahinang sabi ko sa kanya.
Matapos yun ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at siniil niya ako ng halik.
----
"Oh anak anong problema?" Tanong sakin ni mama nung makitang nasa labas pa ako.

"Aba dapat eh hindi ka malungkot, dapat nga masaya ka na kasi ikakasala ka na! Bakit ba kasi hindi pa gawing legal dito satin ang same sex marriage para naman maisama ko ang ibang mga kaibigan ko" dire-diretsong sabi ni mama.

"Anak may problema ba?"
"Wala Ma... Sige matulog ka na ma" sabi ko sa kanya at bago siya pumasok sa loob ng bahay ay may sinabi siya.

"Anak kung ano ang pinoproblema mo ay yun din ang sagot sa problema mo. Nandito lang palagi kami ni Jairus para sa'yo, mahal ka namin" matapos kong marinig iyon ay narinig ko na ang pagtunog ng sumarang pintuan.
.
.
.
"Hinde pwede Ashton" sagot sakin ni Chris.
"Last nanaman ito" sabi ko. Tinutukoy ko ang concert mamayang gabi.
"Ano nga naman ang masama sa manuod ng concert!?" Pagkampi sakin ni Tin. Salamat Tin. 

"Hi babe! I got two tickets. Nuod tayo?" Biglang pasok ni Ace na nakangiti habang iwinawagayway ang hawak hawak na ticket. Napatingin ako sa kanya at bigla ko siyang nayapos ng mahigpit.

"Thank you Ace! Thank you!" Sabi ko na ramdam ko ang saya saya ko.
"Oh anu ka ngayon? May papigil pigil ka pa! Daig mo pa mapapangasawa!" Narinig kong sabi ni Tin kay Chris.

"Baket? May problema ba?" Takang tanong ni Ace.
"Ay wala Ace. Ang saya saya nga eh... Lakad na Ashton! Go! Magbihis ka na!" Nakangiting sabi ni Tin.
.
.
.
6pm
"Mukhang napakaraming tao ah" sabi ni Ace habang naghahanap kami ng mapaparkan mg sasakyan.
Ilang minuto rin ay nakahanap na kami ng space.

Hawak ni Ace ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Malayo palang rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao.

Laking pasasalamat ko talaga kay Ace dahil ang binili niyang ticket ay yung pwesto na halos nasa unahan na kami. Kitang-kita namin ang stage.
Habang nakaupo kami ni Ace ay hinahawakan ko ang bear crystal na binigay sakin ni Leo dati nung gumala kaming dalawa.

Hindi ko nga nakakalimutan ilagay ito sa necklace ko eh. Nahirapan kasi siyang kunin ito sa game machine para lang sakin.

7:30pm

Kalahating oras nalang magsisimula na. Alam ko dito ko makikita at maririnig ang pinakamagaling na banda. Ang Shooting Star Band.


Leonard S. Cruz Point of View

7:30pm

Kalahating oras nalang.
Ibubuhos ko ang best ko dito. Ayoko masayang yung mga pinaghirapan namin ng kaibigan ko kaya dapat maging successful ito katulad ng iba naming naging concert.

8:00pm

Eto na!

LADIES AND GENTLEMAN THE SHOOTING STAR BAND!

Sabay sabay kaming tumakbo ni Marcus at Vincent sa gitna ng stage. Napakaraming tao. Rinig na rinig ko ang mga hiyawan at malalakas na palakpakan ng mga taong naroon.

MARCUUUUUUUS!!!!!!!!!!

VINCEEEEEEEENT!!!!!!!!

LEONAAAAAAAARD!!!!!!

Nag-vow kami sa gitna ng napakalaking stage at agad na namin tinungo ang aming mga hahawakang instrumento.

Una naming kinanta ang pinakakaunaunahan naming nabuong kanta ang Unreachable feelings.

-----------


Ashton Clarence Point of View

Nagsimula na sila. Ang galing nila. Sumasabay ang halos lahat sa kanilang kinakanta. Kahit ako napapasabay natin. Kung hindi ako nagkakamali unreachable feelings ang kinakanta nila.

Kitang-kita ko sa mukha ng tatlong magkakaibigan na masaya sila sa ginagawa nilang pagpe-perform sa napakalaking stage na nasa harapan namin. Bakas rin sa mukha ng mga tao ang sayang nararamdaman dahil sa pinapanuod silang tatlo.

Matapos nilang kantahin iyon ay nagkaroon silang tatlo ng solo-solong pagkanta. Naunang kumanta si Marcus.

Ngayon ko lang narinig ng ganoon ang boses ni Marcus. Ang gaaaaanda! Naghiyawan ang mga kababaihan ultimo mga lalake at sumisigaw na rin. Sinasabayan pa ng pagsayaw ni Marcus ng sexy dance ang kanyang pagkanta.

hahaha! Ganyan pala talaga si Marcus! Sabi ng isipan ko.

Ilang saglit pa ay bigla naman lumabas sa malaking pintuan na kurtina si Vincent. Nakasuot ng kulay black na leather na hapit na hapit sa katawan.

Nagsimula nang kumanta si Vincent.
Alone at midnight ang kinakanta ni Vincent dahilan na rin ng pagsabay ng mga babae. Lakas talaga ng appeal ng taong ito! Haha suplado lang talaga.

Naghiyawan lalo ang mga tao nung unti-unting lumapit sa Vincent sa mga taong malapit sa kaliwang stage. Nasa kanan na kasi si Marcus. Patuloy parin siya sa pagkanta at halatang ibinibigay niya ang best niya.

Habang nagpe-fade yung instrumental ng kinakanta ni Vincent at unti-unti ko naman naririnig ang instrumental ng One-sided Love.

Lalong lumakas ang sigawan sa loob ng stadium na kilalagyan namin. Naririnig ko ang pagsigaw ng mga tao sa pangalan niya.

Mas napuno ng hiyawan nung lumabas na siya sa pintuan kurtina.

Nakasuot ng Red tuxedo at may nakaipit na pulang rosas sa kanyang suot suot.

Si LEONARD CRUZ

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now