He's Back!

2.6K 104 1
                                    

Author: Nawili ako sa pagbabasa ng The House of Hades. hihi.. Feeling ko isa ako sa mga character dun.

Ashton Clarence Point of View

Yeah. Tama. Tama yung nakwento sanyo ni Leonard. Nandito ako ngayon sa bar. Palagi naman akong nandito. Ang pinagkaiba nga lang eh masyado yata akong wala sa wisyo ko at sumama ako sa mga kaibigan ni Leonard. 

Flashback

Napatanga lang ako nung nakita ko kung sino yung bigla-bigla nalang nagbukas ng kwarto ko. Teka, "doing something?" takte! Parang alam ko na tinatakbo ng isip ng taong ito ah!

Inihatid ko sa gate si Leonard at mabilis na uli ako pumasok sa loob ng bahay. Nung aktong papasok na ako sa loob ng kwarto ko ay bigla nalang akong tinawag ni mama. Sinabi niyang magkakaroon daw kami ng simpleng dinner para na rin ma-i-discuss ang new rules dito sa loob ng bahay. Do's and dont's yata ang tawag dun.

Lahat ng tao sa bahay ay nasa harap ng hapag-kainan. (Long table) Maraming nakahaing pagkain at bakas sa mukha ng mga tao roon ang pagkabigla. Kahit ako nabigla rin. Hindi ko lang pinapahalata kasi ayokong bumalik nanaman ako sa dati.

And then we start eating.
.
.
"So as I was saying a while ago there's a new rules in this house" He emphasized the word RULES gaano ba kadami ang rules na iyon at talagang pinagkakadiinan pa niya. Bullshit thing. Sorry God nasa harap ako ng pagkain pero nagmumura ang aking isipan.

1. Kailangan before 7pm ay nasa loob na ng bahay lahat maliban lang sakin at sa personal driver ko.

Ano to? Bahay ampunan at kailangan pati yung time namin ay kailangan limitado? Teka hindi naman talaga ako katulong dito ah! Bakit ako makikinig sa mga walang kwentang sasabihin niya

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now