Encounter

1.9K 77 3
                                    


Ashton Clarence Point of View

"Tara na Ashton! Kanina pa ako nagugutom eh" yakag ni Tin saken.

Wala nga pala ang Shooting Star Band ngayon, nasa ibang lugar sila. Nalaman kong 2 weeks silang hindi makakapasok.

Isang linggo na rin ang nakakaraan matapos ang Birthday ni Buloy. Wala na nga akong masyadong matandaan kasi sobrang lasing ako nung gabing iyon.

"Kumusta naman kayo ni Ace Ashton?" Tanong ni Tin habang nasa cafeteria kami.

Flashback

"Can we talk?" Biglang sabi saken ni Ace. Tumingin ako sa taong katabi ko. Nakatitig lang siya saken.
Hindi naman siguro masama kung mag-usap kaming dalawa ni Ace. Para na rin magkaroon kami ng closure. May asawa nanaman siya at matagal na kaming wala.

Nandito kami ngayon sa park. Nakaupo kami at kapwa walang naimik saming dalawa.

"Kumusta ka na?" Tanong niya saken.
"Pagkatapos ng ilang buwan na lumipas tatanungin mo ako kung kumusta na ako? Ano sa tingin mo?" Malakas na loob kong tanong sa kanya.

"Sorry..." Sinserong sabi niya saken.

"Sorry? Ace sorry? Pagkatapos ng lahat ng sakit na ginawa mo sakin! Pagkatapos ng mga salitang sinabi mo sakin at pinangako mo sakin! Sorry?" Diretsong sabi ko sa kanya.

Wala akong naririnig na kahit na anong reaksyon sa kanya.

"Shit naman Ace! Sa tingin mo yang salitang sorry matatanggal itong lintek na paghihirap na nararamdaman ko!!" Sabay turo ko sa dibdib ko. Dumaloy na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ace pinaasa mo ako! Sinabi mo dati na hindi mo ako sasaktan! Na hindi mo ako iiwanan! Pero ano!? Anong ginawa mo!? Sinaktan mo ako Ace! Pinagmukha ko akong tanga!" Dire-diretso kong pagsigaw sa kanya. Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko. Kinimkim ko ito sa mahabang panahon at ngayon pagkakataon ko na para ilabas ito.

"Kung hindi ko pa nalaman sa kapatid mo na ikinasal ka na - patuloy parin pala akong magpapakatanga at aasa sa lintek na pangako mo saken!"

"Aasa pala ako sa sinabi mong babalikan mo ako at magsasama na tayong dalawa! Aasa pala ako sa sinabi mong kaya ka pala pupunta sa ibang bansa para sa gusto mong maibigay ang lahat ng gusto ko!"

"Ace Ikaw ang kailangan ko... Hindi yung mga bagay na sinasabi mo!"
Nagtuloy tuloy na ang luhang galing sa mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sa paghikbi ko.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Ace. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"I'm sorry. Nandito na ako..."
Hindi na ako makapagsalita dahil sa patuloy na pagdaloy ng mga luha ko.

"Nandito na ako... Hindi na kita iiwan.."

End of flashback

Uminom muna ako sa inorder kong Iced tea bago ko sinagot ang tanong ni Tin.

"Sinusundo niya ako at hinahatid papunta dito sa school. Naipaliwanag na niya sakin ang lahat, kung bakit siya umalis at kung bakit hindi niya magawang magparamdam saken dati"

"Kaya pala mukhang blooming na blooming ka na ulit" pang-aasar sakin ni Tin.

Sinabi saken ni Ace na tinanggihan niya ang kagustuhan ng papa niya na ikasal sa tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Nalulugi na daw kasi ang kumpayang pinamamahalaan ng papa ni Ace at ang tanging makakapagsalba raw ay ang pagpapakasal niya para daw mahila muli pataan ang kumpanya nila.

Bago daw sila ikasal ay kinausap niya ang papa niya at sinabi niya lahat. Lahat lahat. Naintindihan naman daw ng papa niya ang sitwasyon kaya hinayaan na daw siyang bumalik dito sa pilipinas.

Wala na daw dapat ipagalala pa dahil pumayag naman daw yung kumpanya nung babae na dalahin ang kumpanya nila kahit hindi natuloy ang kanilang kasal.

Acceptable reason naman diba? Grabe namiss ko talaga ng sobra si Ace. Sa kanila ako natulog matapos namin mag-usap nung gabing nandon kami kina Buloy.

Ang dami namin napagkwentuhan.
--
Habang papalabas kami ng gate ng school ay may biglang pumasok na sasakyan. Napanganga pa nga ako sa ganda nito. Napunta lahat don ang atensyon ng mga estudyanteng nandoon. Kahit kami ni Tin.

"Artista din siguro yan?" Sabi nung babaeng nasa tabi namin.

Mga hitad! Porket maganda sasakyan artista na agad! Mga shunga shunga!

Bumaba ang ang taong lulan ng sasakyan. Nakasuot itong itim na salamin, nakasandong hapit na puti dahilan para lumabas at makita ang malaking katawan. Hunks na hunks. Jusko! Pigilan nyo ako. Baka bigla nalang ako tumalbo palapit sa kanya. Nakapantalon na skinny at nakasuot ng havaianas na black. Wow!

Nakatulala ang halos lahat sa kanya. Naglalakad na siya papalapit sa deans office.

"Hi babe!"

Ang gwapo niya! Ang puti!

"Uy! Babe!"
Bigla akong matauhan nung bigla akong kinurot ni Tin.
"Yung laway mo!" Sabi sakin ni Tin.

"Tapos na klase mo diba? Tara! Dinner tayo. Nagugutom na ako" sabi sakin ni Ace.
Napatingin ako kay Tin.
"Okay lang neng. May dadaanan din kasi ako" -Tin

Inakbayan ako ni Ace papunta sa sasakyang dala niya. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakamasid sakin. Naririnig ko pa ngang nagbubulungan sila pero hindi ko naman iyon naiintindihan.

"Mukhang maganda ang school na pinapasukan ng mahal ko ah!"
Bigla yatang bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Ayos lang. Maganda. Dami ko na ngang bagong kakilala don eh" sagot ko sa kanya habang kumakain.

Matapos namin kumain sa Pilitas ay niyakag niya akong magpunta sa mall. Lakad lakad lang. Sayang naman daw ang oras kung palilipasin namin ng ganun na lang.

Kaya syempre pumayag ako. Ang tagal kong hindi nakasama tong mahal ko eh. Kaya dapat sulitin namin at kailangan bawiin namin yung mga araw na hindi kami nagkasama.

"What do you think? Bagay ba sakin?" Tanong niya sakin habang suot-suot ang poloshirt na ni-fit niya.
"Bagay. Maganda" matipid kong sabi. Lahat naman kasi bagay sa kanya eh.

"Tara dun naman tayo" yakag niya sakin sabay akbay.
Habang naglalakad kami ay mabilis nahagip ng mata ko ang taong halos isang linggo ko ng hindi nakikita. Mag-isa lang siya at may dala-dalang maliit ng paperbag na may nakalagay na jewelry shop.

Akala ko na dalawang linggo silang busy at hindi makakapunta dito? Nasaan si Marcus at Vincent?

Nilapitan ko siya habang abala si Ace sa pagpili ng boxer sa bench.

"You're here. Nasaan sila Marcus?"
"Hi cheekbone! Nauna na talaga ako dito. Excited na kasi akong makita ka" nakangiti niyang sabi sakin.

"Ikaw talaga! Sinong kasama mo?" -ako
"Bakit? May nakikita ka pa bang ibang kasama ko?" Pagbibiro niya sakin. Sabay kaming tumawa matapos niyang sabihin iyon.

"Pwede ba kitang makausap? Ang tagal ko ng inantay ang pagkakataong ito eh" masayang sabi niya sakin.

"Napakaswerte ko talaga at nagkataong nagki-"

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" biglang singit ni Ace at akbay sakin.

"Ace si Leo nga pala" pagpapakilala ko.
"Nice meeting you" sabi nilang dalawa.

"Una na ako Ashton. May pupuntahan pa kasi ako"
"Teka, akala ko ba-"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa mabilis na pag-alis ni Leo.

One More Chance Book Two (Completed)Where stories live. Discover now