This will be the Last </3

1.6K 69 3
                                    


Ashton Clarence Point of View

Iniwanan ko muna sila. Gusto ko muna mag-isip kaya nandito ako nga sa parke at naglalakad lakad. Mukhang may kaunting kasayahan dito kaya medyo may mga tao.

Habang naglalakad-lakad ako bigla akong natigilan sa taong makakasalubong ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Mabilis ko siyang nilapitan at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakayakap sa kanya.

"Sinong kasama mo? Okay ka na ba? Wala ka na bang sakit?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at nakatingin sa mga mata ko.
"Ano? Ikaw kasi ee! Lagi mo nalang pinapagod ang sarili mo!" Dugtong ko pa sa sinabi ko.

"Hey! Easy lang cheekbone" sabi nya habamg nakangisi sakin.
"Sinong kasama mo? Kasama mo ba ang boyfriend mo" tanong niya at biglang nag-iba ang pustura ng mukha niya.

"Mag-isa lang ako." Nakayuko kong sabi sa kanya.
Naupo kami sa bench. Naalala ko pa nga dito kami unang nagkita ni Leo. Nakahiga siya dito at ako naman muntikan ko na siyang maupuan. Natatawa pa nga ako sa tuwing maalala ko yun.

"Pang-ilang date na natin to cheekbone?" Naramdaman kong nag-init ang mukha ko nung marinig ko sa kanya yun.
"Tumigil ka nga diyan Leonardo!" Sabi ko sa kanya dahilan sa ikangiti niya.
"Oh ba't pangiti-ngiti ka diyan!?" Nakasimangot kong tanong.
"Wala. Namiss kita. Napakasaya ko ngayon" biglang sabi niya.

Kahit ako rin napakasaya ko ngayon. Ang saya ko kasi kasama ko siya. Nawala bigla yung mga bagay na bumabagabag sa isipan ko ngayong mga oras na ito.

"Nuod ka ng final concert namin ha..." Mahinang sabi niya sa tonong nakikiusap.
"Oo naman! Ikaw pa! Malakas ka sakin!" Nakangiti kong sagot sa kanya.

Kwentuhan at tawanan lang ang nangyari saming dalawa. Bumili kami ng cotton candy at ice cream sa mga dumadaang nagtitinda. Buo na ang araw ko ngayon.

"Sana palagi tayong ganito - masaya" bigla akong napatigil nung sinabi niya iyon. Mali ba ang ginagawa ko? Naalala ko nanaman ang mga sinabi sakin nila Chris at Kuya Wendell.

"Hindi naman siguro tama ang tumakas sa bahay para lang makipagkita ka kung kani-kanino?" Sarkastikong sabi nung parating sa gilid namin.
Mabilis naming nilingon iyon. Si Vincent kasama si Marcus.

"What are you doing here?" Sabi ni Leo.
"Sa tingin ko ako dapat ang magtanong sayo niyan Leonard, what are you doing here? Diba napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na'to!?" Sagot naman ni Vincent na tumataas na ang tono ng boses.

"Nagkakamali ka ng akala Vincent. Ako talaga ang nagpapunta sa kanya dito para makapag-usap kami" singit ko para hindi na nila sisihin si Leo.

"Ey cheekbone ako ang nagpapunta sayo dito diba? Kaya walang problema" sagot naman ni Leo at ginulo ang buhok ko.

"Iyan ba ang gawain ng taong may boyfriend na at malapit nang ikasal?" Bigla akong napapitlag nung narinig ko ang diretsong tono ng boses na iyon.

Binalot ng katahimikan ang lugar na kinalalagyan namin. Nagkatitigan ang dalawang grupong magkaharap.

Si Kuya Wendell at si Chris saka si Vincent at si Marcus. Ramdam ko ang iringan sa kanilang apat.

"Nagkakamali kayo ng inii-"

Paaaaaaaakkk!

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung may lumanding na palad sa kaliwa kong pisngi.

"Cheekbone!" Narinig kong sigaw ni Leo pero pinigilan siya ni Marcus sa paglapit sakin.

Hawak-hawak ko ang pisngi ko. Napatulala nalang ako at wala nang lumabas na salita pa sa bibig ko.

"This will be the last Leonard" narinig kong sabi ni Kuya Wendell.

"Promise ito na ang last basta huwag nyo ng sasaktan si Ashton..." Yun ang huling narinig kong salita bago kami tuluyang umalis sa lugar na iyon.

One More Chance Book Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon