Finding Miss Unknown [Complet...

By AlizahAnn

54.5K 580 106

Si Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may m... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20.1
CHAPTER 20.2
CHAPTER 21.1
CHAPTER 21.2
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Read if reader ka ng Finding Miss Unknown :)
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39.1
CHAPTER 39.2
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 38

748 9 6
By AlizahAnn

Support this story by clicking "VOTE". And leave your comments. Thanks! Enjoy reading!!

There's always something hidden behind a gloomy situation.

-- Alizah Ann

CHAPTER 38

------------

Nagkaroon ng pagbabago sa takbo ng relasyon nina Lorraine at Drix. Kahit pa napag-usapan na nila ang tungkol sa insidente ng paghalik ni Bianca sa binata ay nagkaroon na ng lamat ang kanilang samahan.

Alam ni Lorraine na wala kay Drix ang problema kung hindi nasa kanya. Ganoon pa rin ang pakikitungo ng binata sa kanya. Sobrang maaalahanin. Sobrang maasikaso kahit pa marami itong ginagawa sa opisina ng ama.

Nakukunsensya na nga sya dahil hindi na nya magampanan ang pagiging girlfriend sa binata. Kahit sya ay naiinis na rin sa kanyang sarili lalo na noong makaligtaan nya ang birthday ni Drix. Nawala sa isip nya ang espesyal na araw nito dahil okupado ng kanyang isip ang mga nangyari noong nagdaang araw.

Halos paliparin na nga ng kanyang driver ang sasakyan makarating lang kaagad sa bahay ng mga Villegas.Saktong alas onse ng gabi ng December 24 ay napasugod sya roon. Nanlumo sya nang madatnan ang binata na nakaupo sa veranda ng kanyang kwarto.

"I'm sorry. Happy birthday, Dree," iyon lang ang lumabas sa bibig nya nang yakapin sya ni Drix.

Hindi nakaligtas kay Lorraine ang luhang mabilis na pinahid ng binata. Mayroon ding ilang basyo ng beer na nagkalat sa gilid ng couch.

Lalo pang nadagdagan ang guilt na naramdaman nya nang maglabas si Drix ng isang kwintas na may simbolong eternity.

"Merry Christmas, Lee," nakangiting bati nito sa kanya. Tila kinurot ang puso nya nang makitang may ngiti sa labi ng binata kahit may lungkot ito sa mga mata.

------

Tatlong linggo ang matuling lumipas. Mag-isang nagpunta si Lorraine kung saan naroroon ang isang taong bahagi pala ng kanyang pagkatao.

Mabibigat ang mga hakbang niyang tinungo ang eksaktong lokasyon ng kapatid na napag-alaman mula kay Shin, ang step brother ng kanyang ate at miyembro rin ng gang. Hindi man sila nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala at magkalapit ng kapatid sa ama ay nahabag pa rin sya nang ikwento ni Shin ang ikinamatay nito apat na taon na ang nakaraan.

Marahan niyang ibinaba sa gilid ng lapida ang biniling puting rosas na paborito raw ng yumaong kapatid. Marahil kaaalis lang ng dumalaw sa puntod dahil sa nakasindi pang kandila na nakalagay doon. Nasabi ni Lorraine sa sarili.

Death anniversary ngayon ni Nadine. Hindi kaya si Chad ang dumalaw at nagsindi ng kandila? Naitanong ni Lorraine sa sarili.

"Lorraine?"

Tila naestatwa si Lorraine nang marinig ang boses na nanggaling mula sa kanyang likuran.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong muli ni Chad. Nasa harap na sya ng dalaga.

Hindi na nabigla si Lorraine sa reaksyon ng binata. Hindi naitago ni Chad ang sobrang pagkabigla nang makita sya sa memorial park na iyon.

Huminga muna ng malalim si Lorraine. Saglit nyang ibinaling ang paningin sa lapida sa damuhan bago muling tumingin kay Chad.

"Si Nadine," panimula nya.

Napakunot ang noo ni Chad.

"Kapatid ko sya," mahinang sabi ni Lorraine ngunit sapat na upang marinig ni Chad.

Sandaling hindi nakapagsalita si Chad. Tila ayaw maproseso ng kanyang utak ang nalaman mula sa dalaga.

"Kapatid mo si Nadine?" halos pabulong na tanong ni Chad. Ipinukol nya ang paningin sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng babaeng lubos nyang minahal at iningatan.

"Oo, kapatid ko sya. Ngayon mo sabihing mahal mo ko!"

Kamuntik pang pumiyok si Lorraine nang sabihin nya iyon. Tila may kung ano ang bumara sa kanyang lalamunan nang makita ang reaksyon ni Chad. Nagmamadali siyang naglakad palayo sa lugar na iyon.

Napahinto si Lorraine nang may isang itim na van ang humarang sa kanya sa labas ng memorial park. Napansin nya rin ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nagsisilbing lookout.

"Lorraine!" narinig nyang tawag ni Chad bago sya tuluyang maipasok ng dalawang lalaki sa loob ng sasakyan.

------

Napabalikwas si Lorraine nang magising sa isang abandonadong bahay. Nakahiga sya sa isang papag. Naupo sya at isinandal ang sarili sa dingding. Nayakap nya ang sarili nang maalala ang pagdukot sa kanya ng mga hindi kilalang lalaki kanina sa labas ng memorial park. Bago sya nawalan ng malay dulot ng ipinaamoy sa kanyang gamot na nasa panyo ay nakita nyang lima ang nasa loob ng van at dalawa ang nakasakay sa motorsiklo.

Iginala nya ang paningin sa paligid. Isang bumbilya na nakasabit sa gitnang bahagi ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa lugar. Sira-sira ang salamin ng mga bintana. Ilang basyo ng beer ang nagkalat sa sahig.

Napasubsob sa dalawang palad si Lorraine. Hindi na nya napigilan ang pag-iyak. Nasaan nga ba sya? Sino ang mga dumukot sa kanya?

Hindi namalayan ni Lorraine ang paglapit ng isang lalaki sa kanya.

"Mga pre, gising na yung babae!" narinig nyang sigaw ng isang lalaki sa tabi nya.

Napaangat sya ng paningin. Tumambad sa kanya ang isang lalaki na noon lamang nya nakita. Wala itong suot na pang-itaas. Lalo syang nakaramdam ng takot dahil sa dami ng tattoo na meron ito sa katawan. Ilang sandali lang ay nakarinig sya ng mga papalapit na yabag.

"Bakit mo naman pinaiyak Ren?" nakangising tanong ng isang bagong dating. Naaala ni Lorraine na ang nagsalita ay isa sa mga nakamotorsiklo.

"Wala akong ginagawa," painosenteng sagot ng lalaking nagngangalang Ren.

"Si-sino kayo? Ba-bakit nyo ko dinala rito?" pautal-utal na tanong ni Lorraine. Hindi na nya naitago ang takot na nararamdaman.

"Nandito ka sa langit. At ako ang magpapaligaya sa'yo." Lumapit ang isa pang lalaki sa kinauupan nya. May ngiti sa mga labi nito na nakapagpakilabot sa kanya.

Tawanan ang lahat. Akmang hahawakan nito ang mukha ni Lorraine nang pabalipag na bumukas ang pinto ng kwarto.

"Sino nagsabing galawin nyo yang babae?!" may otoridad sa boses nito.

Lumayo naman ang lalaki kay Lorraine."Chill ka lang, Alex!"

Patuloy pa rin ang pagtulo ng masaganang luha sa pisngi ni Lorraine. Isikniksik nya ang sarili sa headboard ng kama palayo sa lalaking umupo roon.

"Walang gagalaw sa kanya, maliwanag?" pagbabanta ni Alex sa mga kasamahan.

"Ikaw?" Kahit nilalamon na sya ng takot ay nagawa pa rin ni Lorraine na sabihin iyon. Nakikilala nya ito. Nakasisiguro syang ito ang lalaki sa bar. Ang lalaking binugbog ni Chad dahil binastos siya.

Ngumisi ito sa kanya. "Naaalala mo pa pala ko."

"Anong kailangan mo sa akin?" lakas-loob na tanong ni Lorraine.

Napaatras sa kinauupuan si Lorraine nang lumapit si Alex sa kanya. "Please, pauwiin mo na ko," pagmamakaawa nya. Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

Hinawakan ni Alex ang baba nya at sinipat iyon. "Sa'yo wala pero sa lalaking 'yon meron!"

"Anong kailangan nyo sa kanya?" Alam ni Lorraine kung sino ang tinutukoy ni Alex. Ayaw man nyang isipin ay pilit sumisiksik sa utak nya na paghihiganti ang motibo ng mga lalaking ito kay Chad.

"Magbabayad sya sa ginawa nya. Lintek lang ang walang ganti!" nanlilisik ang mga matang sabi ni Alex.

"Hindi sya pupunta rito. Hindi nya ko pupuntahan kaya kung ako sa inyo pakawalan nyo na lang ako. Nag-aaksaya lang kayo ng panahon." Hindi sya mahal ni Chad. Ang ate nyang si Nadine ang mahal ng binata. Marahil nakikita lamang nito sa kanya si Nadine dahil sa may pagkakahawig sila. Iyon ang kanyang pinaniniwalaan.

"Hintayin mo lang. Alam kong pupuntahan ka nya."

"Pero Alex myembro pala iyon ng gang ni Darren. Paano kung isama nya ang mga iyon? Baka maulit ang nangyari dati," singit ni Ren. Nagsindi ito ng sigarilyo at saka ipinukol ang paningin sa labas ng sira-sirang bintana.

"Hindi nya bibitbitin ang mga mayayabang na 'yon! Alam nya ang pwede kong gawin kapag hindi nya sinunod ang sinabi ko," sagot ni Alex.

"Lorraine! Lorraine!"

"Chad?" bulong ni Lorraine sa sarili.

Napangisi si Alex nang marinig ang paulit-ulit na sigaw sa labas.

"Ayan na pala ang boyfriend mo Miss!"

"Hindi ko sya boyfriend," mahinang sagot ni Lorraine sa lalaking blonde ang buhok. May pait sa boses nya nang sabihin iyon.

"Lorraine?" habol ang hiningang sabi ni Chad nang makapasok sa silid na pinagdalhan sa dalaga.

Tumayo si Alex mula sa pagkakaupo sa gilid ni Lorraine. Hinarap nya si Chad na noon ay napaliligiran ng pito nyang kasamahan. "Mabuti naman at dumating ka na. Kating-kati na 'tong mga kamao ko," nakangising sabi ni Alex habang tinitignan ang nakakuyom na kamao. "Ngayon mo ilabas ang tapang mo!"

Sinipa ni Alex ang isang nakatumbang upuan. Nanlilisik ang mga mata nya. Tahimik lamang na nakamasid ang iba nyang kasamahan.

Sa isang iglap ay dumapo ang kamao ni Alex sa mukha ni Chad. Bagsak ito sa sahig. Akmang babangon ito nang muling bigwasan ng isa pa. Isang suntok sa kaliwang pisngi tapos ay sa kanan naman. Paulit-paulit.

Napatakip ng bibig si Lorraine sa nasaksihan. Hindi gumaganti si Chad. Lahat ng suntok na pinakawawalan ni Alex ay sinasapo nya lamang. Tila wala itong balak ipagtanggol ang kanyang sarili.

"Tama na! Tama na!" garalgal ang boses ni Lorraine.

Tila wala namang naririnig si Alex. Patuloy pa rin ito sa pagsuntok kay Chad. Saglit syang tumuwid ng tayo at pinagmasdan ang duguang mukha ni Chad.

"Tama na! Please! Tama na!" Hindi maintindihan ni Lorraine kung bakit ayaw gumanti ni Chad. Alam nyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili dahil ayon kay Shin dati nilang leader ng gang si Chad.

Gumapang ang matinding takot kay Lorraine nang marinig ang sigaw ni Chad. Takot para sa lalaking ito na alam nyang may puwang sa kanyang puso.

Hindi maipinta ang mukha ni Chad nang lumapat sa kaliwa nyang balikat ang isang paa ni Alex. Ang isang tadyak ay nasundan pa ng isa. Madiin.

Tawanan ang mga kasamahan ni Alex.

"Pakawalan nyo na sya!" sambit ni Chad nang huminto sa pagtadyak si Alex. Nakangiwi ang mukha nya habang nakahawak ang kanang kamay sa nasaktang balikat.

"Huwag kang mainip. Hindi pa tayo tapos," sagot ni Alex. Hindi pa rin nawawala sa mukha nya ang ngiti ng isang demonyo.

Lalong nadagdagan ang takot ni Lorraine nang maglabas ng isang maliit na kutsilyo si Alex. Walang sabi-sabing inundayan nya ng saksak si Chad. Tinamaan ito sa kaliwang braso. Isang malakas na sipa ang muli nitong pinakawalan. Sadsad si Chad.

Akmang sasaksaking muli si Alex si Chad nang tumama iyon hindi sa katawan ng huli kung hindi sa likod ni Lorraine.

Hindi nakapagsalita si Chad nang bumagsak sa katawan nya ang dalaga. Tila nawala ang sakit ng mga sugat na tinamo nya kaya nagawa nyang maupo at ihilig ang ulo nito sa kanyang mga braso.

"Chad." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Lorraine bago tuluyang mawalan ng malay sa bisig ni Chad.

Nanginginig ang kamay ni Chad nang haplusin ang maamong mukha ni Lorraine. Napaawang ang kanyang mga labi nang makitang basa na ng dugo ang suot na damit ng dalaga.

Sa tagpong iyon dinatnan ni Tristan at lahat ng miyembro ng gang si Chad.

------

Mabibigat ang mga paang binagtas ni Chad ang pasilyo patungo sa elevator ng ospital kung saan dinala ang dalaga. Hindi na nya ito naabutan sa emergency room matapos manatili sa maliit na chapel ng ospital. Hindi sya madasaling tao pero kusang gumalaw ang mga paa nya papunta roon.

Ilang saglit lang ng paghihintay ay nagbukas na ang pintuan ng elevator. Bumaba sya sa fourth floor kung nasaan ang Room 404. Wala sya sa sariling tinungo ang harapan ng kwarto. Nadatnan nyang nakaupo sa mahabang upuan sa labas sina Tristan, Darren, Drei, Riyu, Third, at Vince. Tahimik lang ang mga ito.

Hinawakan ni Chad ang door knob at akmang bubuksan na iyon. Kita nya mula sa maliit na salamin sa pinto ang nangyayari sa loob. Nakahiga ang babaeng minamahal. Wala itong malay at ilang kurdon ang nakakabit sa kamay nito. Sa tabi nito ang umiiyak na mga magulang ng dalaga at ang kapatid nito.

"Chad," tawag ni Tristan sa kanya na noon ay nasa likuran nya. Nakapatong ang isa nitong kamay sa kanyang balikat. Nang lingunin nya ito'y iling lang ang sinagot sa nagtatanong nyang mga mata.

Napatulala si Chad.

"Wala na sya."

to be continued...

Author's Note:

Thank you for reading my story! 

VOTE-COMMENT

-- Alizah Ann

Continue Reading

You'll Also Like

38.3M 788K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...