Forbidden Flower (Jillian Fue...

By letmebed1

3.2M 48.9K 4.4K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Meet Jillian the famous Varsity Player lahat halos ng stu... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue

Chapter 35

63.5K 914 131
By letmebed1

Anne Del Rio


"Jillian, malas natin ang haba ng pila." Nandito kami sa registrar, nakapila dahil mageenrol na kami. Si Jean mukhang mahuhuli siya. Si Jo wala rin, pagdating na lang siguro niya galing Thailand.

"Babe, tara."

"Tara saan?------naku, Jillian!" hinila ko yong damit niya. Nakatingin tuloy sa amin lahat ng estudyanteng kasama namin sa pila.

"Babe, hindi ko nagawang pumila kahit minsan kaya tara sisingit tayo." Sabi ko na nga ba! Hindi man lang ako bigyan ng kahihiyan ng bakulaw na 'to.

"Umayos ka nga! Pipila tayo kung ayaw mong sapakin kita!" Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para kaming tanga na hindi alam kung ano ang gagawin dito. Nahihiya na ako dahil nakatingin sila sa amin.

"Babe, naman eh! Mabilis lang tayo matatapos kung sisingit tayo."

"He! Sumingit ka kung gusto mo, basta pipila ako."

Iniwan ko siya at pumunta ako sa dulo ng pila. Hindi porket kami eh sunod sunuran ako sa kanya. Kawawa naman yong unang pumila. Lihim akong napangiti dahil ayan na siya. Sumunod naman sa akin.

Para tuloy nalugi ang itsura niya.

"Kung nagmamadali ka sige lang singit ka doon, oh" saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Babe, halikan kaya kita." Napalunok ako sa sinabi niya. Tumahimik na ako, yon nga lang kawawa siya dahil lahat ng dumaan na Prof kinakamusta siya o kaya mga estudyate nagpapapicture sa kanya.

"Eto ang nakakainis kapag pumipila ako, hindi pa ako nakaka-enrol pagod na tong leeg at bibig ko katatango at kakangiti."

Natatawa ako nagre-reklamo na naman ang bakulaw. Bahala nga siya!

Natapos kaming mag-enrol na dalawa reklamo pa din siya ng reklamo. Dahil ang init daw at pagod na yong leeg niya.

"Jillian, kain na tayo? Yong masarap!"

"Oo babe, tara!"

Tignan mo 'to! Nakarinig lang ng pagkain biglang naging okay na agad siya.

Pumunta kami sa pinakamalapit na fast food chain saka nagorder. Two piece fried chicken with rice si Jillian plus spagetti at crusher. Ako spagetti lang at crusher ang inorder ko.

"Jillian, mauubos mo ba yan?"

Tumingin siya sa food niya saka ngumiti.

"Kaya ko 'to, babe. Wait lang, ha?" tumayo siya habang dala-dala yong pinggan niya. Saan pupunta yon?

Sumubo na lang ako. Pagbalik niya, ayon punong-puno ng gravy yong plato niya. Grabe talaga 'tong bakulaw na 'to. Pero bakit ganon? Hindi naman ako natu-turn-off kahit anong gawin niya. Cute nga niya, eh!

"Jillian, SPG ka na naman."

"Babe, naman pagkatapos mo akong papilahin lalaitin mo pa ako."

Natatawa tuloy ako sa sinabi niya.

Pagtapos na kaming kumain tumayo ulit siya at pumunta sa counter. Nagtataka ako gutom pa kaya siya?

"Babe tara na." sabi niya habang dala dala yong dalawang plastic na inorder niya.

"Jillian, gutom ka pa ba?"

Hindi niya ako pinansin. Lumabas na siya kaya sumunod na ako. Napangiti ako. Akala ko para sa kanya yong binili niya pero hindi pala, inabot niya sa mga bata na namamalimos.

"Halika na babe huwag kang tumunganga diyan."

"Jillian, nakakaasar ka. Hindi ako nakatunganga. Pinapanood kaya kita."

Humanga ako sa ginawa niya. Kahit bakulaw siya marunong siyang magshare sa mga batang namamalimos.

"Babe, saan tayo?" tanong niya habang nilalagay niya yong seatbelt niya.

"Sa Apartment, Jillian babe."

Kapag sobra akong natutuwa sa kanya tinatawag ko siyang babe pero kapag sakto lang ay Jillian at kapag nagaasaran kami bakulaw ang tawag ko sa kanya

"Anne babe, ang sweet mo naman sa akin ngayon."

"Hmm syempre dahil humanga ako sa ginawa mo."

"Oh? Alam mo babe malapit sila sa puso ko. Yong mga bata at matatanda. Kapag ako yumaman sa sarili kong sikap araw-araw magpapa feeding program tayo tapos ikaw ang magluluto"

"Wow ang bait mo naman bakulaw. Mayaman ka pero gf mo gagawin mong taga luto! Ayos ka, ah!"

Tawa tuloy siya nang tawa sa sinabi ko.

"Ang sarap mo kasi magluto babe, alam mo ba yon?"

"Tse!" bolahin pa ako.

Dumirecho na kami sa apartment ko pero saglit lang siya nagstay, umuwi agad siya sa bahay nila. May aasikasuhin daw. Ano na naman kaya yon?

Manonood na lang muna ako kaya kinuha ko yong remote ng TV saka umupo dito sa sofa. Habang nanunuod ako ay umilaw yong phone ko. Pagtingin ko sa screen----si Rhen.

["Best, hindi ka na nagtetext sa akin. Galit ka pa din ba?"]

Ayoko sanang magreply pero sige na nga. Ang totoo kasi nawalan na ako ng amor sa kanya mula nong nagaway kami ni Jillian dahil naniwala ako sa kanya.

["Hindi na ako galit, Rhen. Okay na rin kami ni Jillian."]

Binaba ko na yong phone ko pero umilaw ulit kaya tiningnan ko yong message.

["Andito ako best sa labas ng apartment mo."]

Ano? Andito siya! Bigla tuloy akong nataranta! Hindi ko kasi alam kung paano siya pakikitunguhan ngayon.

Paano nga ba? Bahala na.

"Pasok ka, Rhen." sabi ko sa kanya nang buksan ko ang pinto. Nakatayo siya at parang pulang-pula yong mukha niya. Nagkamali ata ako ng sinabi dahil parang nakainom siya.

"Best." hahalik siya sa pisngi ko pero umiwas ako.

"Rhen, bakit ka nakainom?" Amoy na amoy ko yong alak kapag nagsasalita siya. Ayaw ko pa naman nakakaamoy ng ganito.

"Ano bang meron sa babaeng yon best at siya ang pinili mo?" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yong tanong niya. Lasing siya at nakahawak siya sa magkabilang braso ko.

"Rhen, please bitawan mo ako." Nasasaktan ako dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Best....." niyakap niya ako nang mahigpit.

"Rhen, ano ba." pinipilit kong makawala sa kanya pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas.

"Ang tagal kong kinimkim tong nararamdaman ko sayo, hindi ako makapaniwala na sa isang babae ka lang magkakagusto. Best, mahal na mahal kita. Masliligaya ka sa piling ko." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Rhen may gusto sa akin? Pero hindi! Hindi ko siya gusto!

"Si Jillian ang mahal ko Rhen. Siya lang, kaya please bitawan mo na ako!" napapalakas na ang boses ko at naiiyak na ako, pero ayaw talaga niya akong bitawan. Mas lalo akong kinabahan nong tangkain na niya akong halikan.

"Rhen, please huwag mong gawin sa akin 'to!" pinipilit kong ilayo ang mukha ko sa kanya dahil ayoko! Ayoko!

Bigla niya akong binitawan nang may kumatok sa pintuan. Pagtingin ko ay nakabukas pala.

"Anne pasensiya na sa abala, baka pwedeng humiram ng charger?" Si kuya Howell. Buti na lang dumating siya, naiiyak na talaga ako.

Tumango ako saka ko kinuha yong charger ko. Si Rhen nakatayo lang siya.

"Eto kuya." halatang nanginginig ang boses at kamay ko nong iabot ko yong charger.

"Okay ka lang ba, Anne?" Hindi ako makasagot kaya tumango na lang ako.

"Andito lang kami sa labas sumigaw ka lang kung kailangan. Mukhang gago yang bisita mo." sabi ni kuya Howell sa mahinang boses lang.

"Opo, Kuya." Sobra akong nagpapasalamat sa kanya. Hindi ko isinara itong pinto nakatayo lang ako dito dahil natatakot na ako kay Rhen. Hindi na siya yong bestfriend ko!

"Best?"

"Rhen, umalis ka na. Isa pa huwag mo na akong tatawaging best dahil hindi mo man lang ako nire-respeto." garalgal ang boses ko pero pinipilit kong hindi umiyak.

Hindi agad siya nagsalita nakatingin lang siya sa akin.

"Ang sakit-sakit. Sobra kitang inalagaan at minahal pero bakit?! Dahil lang sa isang babae nasira lahat pati pagkakaibigan natin!" Nahihiya ako dahil sumisigaw na siya. Sigurado akong naririnig nila kuya Howell yong sinabi niya.

"Tumigil ka na, Rhen. Umuwi ka na!"

Umiling siya at nakakuyom yong mga kamao niya.

"Mahal na mahal kita, Anne! Layuan mo na si Jillian! Hindi maibibigay ng isang babae ang kayang ibigay ng isang lalaki!"

Hindi ko na napigil ang mga luha ko. Bakit kay Rhen ko pa naririnig ang mga salitang iyon?

"Makinig ka Anne habang maaga pa layuan mo na siy----"

"Hindi! Hinding hindi ko gagawin yon, Rhen. Uulitin ko pa ba sayo na si Jillian lang ang mahal ko? Sa kanya ako masaya at kahit hindi niya kayang ibigay kong ano man ang kayang ibigay sa akin ng isang lalaki wala na akong pakialam! Basta mahal ko siya!"

Nagmatigas ako! Kung noon nauuto niya ako, ngayon hindi na! Susundin ko kung ano ang nararamdaman ko at hindi ko hahayaan na maulit uli yong pagaaway namin ni Jillian.

"Sa akin kaya mo siyang ipaglaban pero tingnan natin kung kaya mo siyang iharap sa pamilya at mga kamaganak mo!" sabi niya saka siya lumabas ng apartment ko.

Umalis na siya pero nakatayo pa rin ako rito. Parang nanghihina ang buong katawan ko sa huling sinabi niya.

Jillian, kailangan kita ngayon....

Naiiyak pa rin ako. Bakit kailangan kung pagdaanan lahat ng 'to? Hindi ba pwedeng tanggapin nila kung saan ako masaya? Bakit kung sino pa yong tinuturing kong kaibigan siya pa yong unang nanghuhusga? Sobrang sakit.

Kinuha ko yong cellphone ko saka ko tinext si Jillian para pumunta rito. Kailangan ko siya kaya nagtext na ako sa kanya. Sabi niya mga thirty minutes andito na siya kaya nagshower muna ako. Ayokong makita niya akong ganito.

Lumipas ang thirty five minutes pero wala pa rin siya. Nakaligo na rin ako. Bakit ang antagal niya?

May kumakatok. Baka siya na yon kaya binuksan ko ang pinto.

"Babe goodeve----" humalik agad ako sa labi niya.

"Hmm, babe parang sabik ka naman sa mga labi ko. Ang sweet mo ata ngayon?" sabi niya saka siya humalik ulit sa akin.

"Namiss kasi kita, Jillian." Hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa akin.

"Sinong nagpaiyak sa babe ko at buburahin ko yong pagmumukha niya?" tanong niya saka niya isinara yong pinto. Umiling ako. Halata pala na galing sa pagiyak ang mga mata ko.

"Jillian, samahan mo muna ako ngayon. Ayokong mag-isa."

"Oo babe, sasamahan kita."

Umupo kami dito sa sofa.

"Jillian, kumain ka na ba?"

"Tapos na. Sabihin mo sa akin babe yong totoo. Sinong nagpaiyak sayo, ha?" tanong ulit niya habang nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko.

"Wala. Nalulungkot lang ako."

"Miss mo na ang family mo? Gusto mo bukas punta na tayo sa inyo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Parang bigla akong natakot. Naalala ko na naman yong mga sinabi ni Rhen.

"Uhm Jillian next time na lang tayo umuwi sa amin."

"Uhm...." tumango siya pero halatang disappointed. Ang hirap naman talaga ng sitwasyo ko. Halatang nagtatampo siya dahil nakatutok lang siya sa TV. Hindi niya ako kinakausap.

"Jillian..."

"Hmm?"

"Sasamahan mo ba akong matulog ngayon?" baka bigla na naman siyang umuwi. Tumingin siya sa akin saka siya tumango. Ayon balik ulit siya sa panonood.

"Jillian, huwag ka namang magtampo, oh" Hindi siya sumagot basta sumandal siya dito sa upuan saka pumikit. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Hindi na rin ako umiimik. Alam kong iniintindi na lang niya ako kaya yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

Bakit ganito? Pakiramdam ko miss na miss ko siya.

"Hmm, babe."

Gusto ko siyang maramdaman. Yong init niya. Parang miss ko yon. Ano ba 'to? Bigla na lang ako nakaramdam ng ganito.

"Jillian.." Dahan dahan kong nilapit ang mga labi ko sa kanya. Hindi naman niya ako binigo dahil inangkin agad niya ang mga labi ko. Hindi ko maintindihan madalas naman kaming naghahalikan pero iba, Iba yong nararamdaman ko ngayon.

Ang init ng pakiramdam ko. Bibigay na naman ba ako? Hindi.

Kasasabi ko lang na hindi pero eto hinahayaan ko na siyang haplusin niya ako. Grabe ang init ng palad niya. Ramdam na ramdam ng dibdib ko bawat paghaplos niya. Bibigay na naman ata ako. Ano ba 'to!

Halos hingalin ako sa mga halik niya. Nilayo muna niya yong labi niya para makahinga kami pareho, pero ayokong matapos agad kaya idiniin ko ulit ang mga labi ko sa kanya. Hindi ko na 'to kaya. Kailangan ko siya.....si Jillian.....ang taong mahal ko. Gusto ko siyang maramdaman gaya ng ginawa namin noong nakaraan

"Uhmm.." hindi ko napigilang magmoan. Ang sarap kasi talaga niyang humalik, nakakadala. Nilayo ulit niya ang mga labi niya pero gusto ko pa kaya inilapit ko ulit sa kanya.

"Babe, tulog na tayo." Bigla akong natigilan. Ano raw? Matutulog na? Pagkatapos niya akong painitin ng sobra! Matutulog na? Bakit ayaw ba niya? Ano ba Jillian!

"Tara tumayo ka na diyan, babe." Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila papuntang kama. Humiga na siya saka pumikit. Hindi ako makapaniwala sa bakulaw na 'to! Kung kailan bibigay na ako saka niya ako tutulugan!

"Jillian...." Humiga na ako saka yumakap sa kanya.

"Tulog na, babe."

Hay nakakainis ka! Ano ba!

Alam ko na. Hinawakan ko yong pisngi niya. Hinaplos ko hanggang tenga niya.

"Babe, huwag mo akong kilitiin."

Kainis ka naman, eh! Kailangan kita ano ba, iba ang nararamdaman ko ngayon.

"Jillian.." Napahawak ako ng mahigpit sa damit niya. Huwag mo akong tulugan, gumising ka diyan.

Hay Kainis, natulog na humihilik na siya.

Tumalikod na ako. Hindi ako makatulog. Anong gagawin ko? Mainit pa rin ang pakiramdam ko. Bwisit na bakulaw 'to! Nagpaparamdam na nga ako tapos bigla siyang natulog.

"Hmm, babe bakit ka nakatalikod sa akin?Harap ka sa akin yakapin kita, babe." nagising pala siya.

"Ayoko."

"Dali na babe hindi mo ba ako namimiss, ha?" bulong niya. Wala na akong nagawa kundi humarap sa kanya. Namimiss ko talaga siya.

"Jillian, halika mo ako."

"Sure." Hinalikan nga niya ako kaso smack lang. Sakalin ko na 'to, eh. Wala! tulog na naman siya. Magdamag na atang nakadilat ang mga mata ko. Hinahalikan ko siya nang paulit-ulit pero hindi siya gumaganti sa mga halik ko. Natutulog lang siya. Ang hirap kainis!

Pinilit ko na lang matulog. Wala na akong magagawa sa init na 'to. Bukas mawawala din siguro 'to. Kung bakit naman kasi bigla-bigla akong nakaramdam ng ganito.

...

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1M 25.6K 37
Pangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang i...
157K 4K 41
RATED R18! NOT SUITABLE FOR MINORS! READ AT YOUR OWN RISK! ****** "Seeing the pain in your eyes caused by them makes me want to kill them...and so I...
1.1M 44K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...