The Lustful Neighbor | R-18

By itsmehappypau

539K 14.4K 1.6K

Buwan ng Abril. Sa kasagsagan ng tag-araw ay lumuwas ang mag-asawang Delfin at Susan kasama ang kanilang nag... More

Author's Note!
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight

Chapter Seventeen

11.6K 299 24
By itsmehappypau

Paggising ni Carlo kinabukasan ay bumungad sa kanyang harapan ang mahimbing na natutulog niyang mga magulang. Nagpasya sina Delfin at Susan na doon muna matulog sa kwarto ni Carlo upang samahan siya. Pagkatapos ng madamdaming tagpo sa pagitan niya at ng kanyang mga magulang ay doon napagtanto ni Carlo kung gaano siya kamahal ng mga ito. Naramdaman niya kung gaano ito labis na nag-alala sa pag-alis niya ng walang paalam. Tila inusig naman siya ng kanyang konsensya sa ginawa niyang paglalayas kagabi. Hindi man lamang niya inalala ang magiging damdamin ng kanyang mga magulang sa kanyang pag-alis ng bahay ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila.

"Patawarin niyo po ako tatay, nanay." Wika ni Carlo sa natutulog niyang mga magulang. Pinagitnaan siya nina Delfin at Susan kaya maingat siyang bumangon upang hindi sila magising. Kinuha ni Carlo ang kanyang naiwang cellphone sa may study table upang tingnan kung may tawag o mensahe siyang natanggap. Hindi naman siya nagkamali dahil punong puno ang kanyang inbox at call registry. Halos lahat ng ito ay galing kay Morris, mayroon iilan mula sa kanyang mga magulang at kay Bullet.

Una niyang binasa ang mensahe mula kay Bullet.

Bullet:
I'm here in my room and I heard you cried. You're such a cry baby.

Hey, that was a joke. I don't mean it.

Things will get better. Trust me, you'll be okay.

No sound of crying anymore. I guess it's about time for me to sleep. Good night cookie virgin.

Good morning crying cookie virgin. Hope you feel better now.

Agad siyang nagreply dito.

Carlo:
Good morning. Sorry at naabala kita ng pag-iyak ko. Hindi kasi sound proof itong kwarto ko. Salamat ulit sa'yo dahil naging magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ingat ka sa pagpasok sa trabaho.

Send. Sunod naman niyang binasa ang mga mensahe ni Morris.

Hubby:
Wifey saan ka nagpunta? Sabi ni Tin tumakbo ka daw papalayo ng bahay. Nasaan ka at pupuntahan kita.

Wifey bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nag-aalala ako sa'yo.

Wifey please text mo ko kung nasaan ka para mapuntahan kita.

Wifey dumaan dito ang sasakyan nung Bullet. Kasama ka ba niya?

Sinabi ni Ma'am Susan kasama mo daw yung lalaki na yan. Saan kayo pupunta?

Wifey...

Wifey nasaan na kayo?

Please sagutin mo ang tawag ko...

Wifey sagutin mo naman ang tawag at text ko sa'yo. Hindi mo alam na labis kaming nag-aalala sa'yo dito.

Wifey alas dose na. Hindi pa ba kayo uuwi?

Wifey hindi ako aalis dito sa labas ng gate hanggat hindi ka umuuwi.

Sabi ni ma'am pauwi na daw kayo. Mabuti naman kung ganun.

Hihintayin kita dito sa labas.

Ang sakit palang makita na may kasama kang ibang lalaki.

Kayo na ba?

Hindi mo na ba ako mahal?

Hihiwalayan mo na ba ako?

Nagseselos ako wifey...sobra...

Namimiss na kita wifey...

Mahal na mahal kita, wifey...

Sumagi sa isipan ni Carlo ang eksena kung saan nakita niya sila Morris at Zoey na magkasama habang masayang nag-uusap kagabi. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang emosyon dahil kung magkataon ay baka humagulgol ulit siya at magising ang natutulog niyang mga magulang. Hindi na nagawa pang magreply ni Carlo kay Morris. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala ang inis nito sa kanyang nobyo. Ibinaba muna niya ang kanyang cellphone at siya ay nagtungo sa banyo upang mag-ayos ng kanyang sarili. Hindi na niya hahayaan na muli pa siyang maapektuhan ngayon ng selos dahil lang sa kanilang dalawa.

Naunang bumaba si Carlo. Naabutan niya si Tin na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa. "Good morning ate." Bungad ni Carlo. "Diyos kong bata ka pinag-alala mo talaga ako kagabi! Hindi ako magkandatuto sa pagpapaliwanag kina ma'am at sir sa nangyari sa'yo." Wika ni Tin. "Relax ate. I'm okay. Salamat po pala at pinagtakpan niyo ako kagabi. Hindi ko lang talaga kinaya yung nakita ko pero ngayon ay mas okay na ko." Sabi ni Carlo. "Naku mabuti naman kung ganun. Oh siya kumain ka muna. Mamaya na yan kwentuhan natin baka mawalan ka pa ng gana bigla." Sabi naman ni Tin.

Habang kumakain si Carlo ay siya naman pagdating ni Morris. Tumabi ito sa kanya sa upuan ngunit hindi ito pinapansin ni Carlo na patuloy lang sa pagkain ng kanyang almusal.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko sa'yo." Wika ni Morris na hindi na nakatiis sa pandededma sa kanya ng kasintahan. Tiningnan siya ng maigi ni Carlo sa kanyang mga mata. "Naiwan ko kasi yung cellphone ko sa kwarto kaya hindi ko talaga masasagot ang calls at text messages mo." Seryosong sagot niya. Sa puntong yun ay hindi na napigilan pa ni Morris ang kanyang emosyon kaya diretsahan na niyang tinumbok ang gusto niyang itanong dito. "Bakit kasama mo yung kapitbahay natin kagabi?" Anong namamagitan sa inyong dalawa? Kayo na ba?" Hindi naman nagpasindak si Carlo sa kanya. "Walang kami. Nagkataon lang na nakita niya ko na umiiyak doon sa may playground kaya nag-alala siya para sa akin. Ngayon pwede ko bang malaman bakit kayo lumabas ng bahay ni Zoey? Kayo na din ba? May nangyari ba sa inyong dalawa sa labas?" Sunod sunod na tanong nito kay Morris.

"Hep hep! Kumalma kayong dalawa at baka marinig kayong dalawa ng mga tao dito sa bahay. Ang mabuti pa ay kumain na muna kayo. Pag-usapan niyo yang problema ninyo kapag pareho na kayong kalmado. Masyado kayong maiinit na dalawa ngayon umaga." Wika ni Tin na pumagitna na sa kanilang pagtatalo. Saktong nagsibabaan na ang mga tao nang sila ay tumigil. Habang kumakain ang lahat ay hindi naman muling nagkibuan pa ang dalawa.

"Anak nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ng kanyang ama na si Delfin. "Opo 'tay. Naging mahimbing po ang tulog ko. Salamat po sa pagtabi ninyo ni nanay sa akin. Malaking tulong po ito." Ang masayang sabi ni Carlo. "Mabuti naman kung ganun anak. Masaya ako at nakatabi ka namin sa pagtulog ulit ng tatay mo. Matagal na din magmula nang nahiwalay ka na sa amin sa pagtulog kaya nasabik ako. Mahal minsan gawin ulit natin ito." Wika ni Susan sa asawa. "Sige mahal. Payag ako dyan." Segunda naman ni Delfin.

"Morris gusto mo?" Alok ni Zoey sa kanya ng hotdog. Patay malisya naman si Carlo sa nangyayari. "Salamat pero meron pa kong ulam sa plato ko. Ako na lang ang kukuha kapag naubos ko na ito." Sagot ni Morris kay Zoey. "Ay basag ka kay Papa Morris bhie. Hindi ka na naman naka-score." Pang-aasar ni Ferdie sa kanya. "Tumigil ka nga dyan bakla ka. At least kasama ko siya kagabi. Di ba?" Wika ni Zoey kay Morris. Nagpanting naman ang tenga ni Carlo sa kanyang narinig. Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagkain pagkatapos ay tumayo na ito tsaka dumiretso siya ng kusina upang hugasan ang kanyang pinagkainan.

Hindi niya namalayan na sinundan pala siya ni Morris. "Wifey magpapaliwanag ako." Hindi siya nilingon ni Carlo at nagpatuloy ito sa paghuhugas. Hanggang sa makaalis sila Morris ay hindi niya ito kinausap. Samantala ay pinagtuunan naman ng pansin ni Carlo ang paggawa ng mga lalagyan ng mga cookies. Hindi kasi niya ito natapos dulot nga ng nangyari kagabi.

"Carlo tapos ka na ba dyan?" Tanong ni Zoey. Hindi namalayan ni Carlo ang pagsulpot ng babae sa may dining table dahil sa pagiging abala niya. Parang pinapakulong tubig sa takure ang emosyon ni Carlo ngayon. Nakikita pa lamang niya ang pagmumukha nila Morris at Zoey ay nag-iinit na agad ang kanyang ulo. Huminga muna ng malalim si Carlo bago niya ito hinarap.

"Hindi pa. Bakit? Wala na ba kayo doon sa pwesto niyo?" Tanong niya sa babae. "Meron pa naman. Teka bakit parang galit ka ata? Nagtatanong lang naman ako sa'yo." Wika ni Zoey. Matalim na titig ang isinukli ni Carlo sa kanya.

"Pasensya ka na ha. Wala kasi akong panahon para sa kwentuhan dahil abala ako. Wala akong gana makipag-usap sa mga malalanding tao katulad mo." Ang diretsahang sagot ni Carlo.

Hindi na nagawang kumibo ni Zoey at agad itong umalis sa kanyang harapan. Nakasalubong naman ito ng kasambahay na si Tin. "Anong nangyari doon kay Zoey? Bakit nagmamadaling umalis yun?" Tanong niya kay Carlo pagdating niya sa pwesto nito. "Ewan ko doon ate. Sinabi ko lang naman na wala akong panahon para makipagkwentuhan at wala akong gana para makipag-usap sa mga malalanding tao na tulad niya. Wala naman masama sa sinabi ko di ba ate? Tama naman kasi yun." Ang kaswal na sagot ni Carlo.

Hindi naman makapaniwala si Tin sa kanyang narinig. "Hala! Nasabi mo lahat yun sa kanya? Grabe talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Natututo ka ng maging matapang." Sabi niya.

"Kailangan ate. Ayoko ng umiyak at tumakbo sa tuwing makikita ko silang dalawa na magkasama. Pagod na ko sa kakaselos. Hindi ko na hahayaan pa na may mga haliparot na aaligid sa taong mahal ko." Sagot naman ni Carlo.

"Tama yan. Huwag kang papaapi sa mga malalandi na yan. Huwag mong hahayaan na may umagaw ng pagmamay-ari mo na. Kapag nasa katwiran, ipaglaban mo." Wika ni Tin.

"Teka ate hindi ba sa palabas yan linya na yan? Ikaw talaga babad ka na sa telebisyon." Ang natatawang sabi ni Carlo. "Syempre naman. Dyan ako kumukuha ng mga linyahan ko sa buhay. Ang mabuti pa ay tulungan na kita dito para matapos ka na dyan agad. Ang gusto ko ay magpahinga ka ngayon araw. Tigilan na yan stress at walang magandang maidudulot yan sa'yo." Sabi ni Tin. "Salamat ate." Sagot naman ni Carlo.

Sa tulong ng kasambahay na si Tin ay mabilis na natapos ni Carlo ang kanyang ginagawa. Si Tin na ang nagkusang magbigay nito sa mga trabahador upang makaiwas na magpang-abot sina Carlo at Zoey. Pagkatapos nilang maglinis ng mga kalat ay umakyat na si Carlo sa kanyang kwarto. Tiningnan niya ang kanyang cellphone. May mga text messages galing kay Morris at Bullet. Agad niya itong binasa.

Bullet:
Hey, you okay now? I'm stuck in the middle of the meeting right now.

Nagreply naman si Carlo sa kanya.

Carlo:
Yes, I'm okay now. Go on with your meeting. Huwag ka ng mag-alala sa akin.

Send. Sumunod naman niyang binasa ang mensahe ng kanyang nobyo na si Morris.

Hubby:
Galit ka pa rin ba sa akin, wifey?

Kausapin mo naman na ako.

Namimiss na kasi kita.

Hindi ko kaya na mawala ka sa akin.

Mahal na mahal kita, wifey...

Nagreply si Carlo kay Morris.

Wifey:
Let's talk later. Puntahan mo ko mamaya sa may playground. Doon tayo mag-usap.

Send. Ilang saglit lang ay may hindi pamilyar na numero ang tumatawag sa kanya. Sinagot ito ni Carlo.

"Hello. Sino po sila?" Bungad na tanong ni Carlo sa kabilang linya.

"Kumusta ka na bunso?" Kumislap ang mga mata ni Carlo ng marinig niya ang pamilyar na boses.

"Kuya Miguel!!! I miss you. Okay naman ako dito. Ikaw kumusta ang bakasyon niyo ng family mo?" Wika ni Carlo. "Heto masaya naman. Tumawag ako para kumustahin ka. Bigla ka kasing sumagi sa isip ko kanina. Nag-alala ako na baka kung ano na ang nangyari sa'yo dyan." Sabi naman ni Miguel.

"Kung alam mo lang kuya. Kung alam mo lang." Wika ni Carlo sa kanyang sarili.

"Ano ba yan kuya pati sa isip mo ay naaabala pa kita. Nakakahiya naman pero salamat pa rin sa concern kuya. Don't worry about me, I'm perfectly fine. Just enjoy your vacation okay?" Sagot naman ni Carlo.

"Sure? Final answer na ba yan?" Paniniguro ni Miguel. "Yes, kuya. Final answer." Sabi ni Carlo. "Okay kung yan ang sabi mo then mapapanatag na ang loob ko. Kapag kailangan mo ng kausap don't hesitate to reach out to kuya okay? I'm just one call away, bunso. Ingat ka dyan." Wika ni Miguel. "I will. Ingat ka kuya. Have fun!" Ang masayang sabi ni Carlo. Pagkatapos magpaalam sa isa't-isa ay ibinaba na niya ang tawag.

"Mabuti pa si Kuya, may concern sa akin. Kahit nasa malayo ay hindi pa rin ako nakakalimutan kumustahin. Ganun din naman si Bullet pero si Morris parang wala lang sa kanya kung nasaktan ako sa ginawa niya kagabi. Buhay nga naman talaga oo." Wika ni Carlo sa kanyang sarili sabay bagsak ng kanyang katawan sa kama. Matagal niyang tinitigan ang kisame ng kanyang kwarto. Hanggang unti unti ay sumasara na ang kanyang mga mata at tuluyan na siyang nakatulog.

Nagising si Carlo sa mga katok sa kanyang pinto. Pupungas pungas siyang bumangon upang pagbuksan ito. "Oh ate para kanino yan?" Tanong ni Carlo. Bumungad sa kanyang harapan ang isang magandang kumpol ng bulaklak. "Aba'y malay ko. Basta may dumating na nagdeliver tapos ikaw ang hinahanap. Pero may sulat naman dyan na kasama kaya basahin mo na lang." Sabi naman ni Tin sabay abot sa kanyang ng mga bulaklak. "Salamat ate." Wika ni Carlo habang inaamoy amoy ang bulaklak na kanyang hawak.

"You're welcome. Oh siya baba na ko ulit. Haba ng hair, nag-rejoice ka pa girl. Haba ng hair, nag-rejoice ka pa girl." Biro ni Tin habang kumakanta ng jingle ng isang commercial. "Si ate talaga." Ang natatawang sabi ni Carlo. Pagkasara niya ng pinto ay inilapag muna niya ang bulaklak sa kanyang study table pagkatapos ay kinuha niya ang sulat na kasama nito upang ito ay basahin.

Wifey,

Alam kong hindi sapat ang mga bulaklak na ito para mapawi ang iyong galit, pero sana kahit papaano ay makagaan at makaganda ito ng araw mo ngayon. Hindi ba nangako tayo sa isa't isa na kapag mayroon tayong hindi pagkakaunawaan ay agad natin itong pag-uusapan? Please kausapin mo na ko, huwag na natin itong patagalin pa. Masakit para sa akin yung hindi mo ko kinakausap, dinededma mo lang ako kahit na magkatabi lang tayo ng upuan. Hindi ako sanay na hindi tayo nagpapansinan. Sobrang namimiss na kita.

Mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa akin.

Hubby.

Nangilid ng luha ang mga mata ni Carlo matapos niyang basahin ang sulat. Hindi niya lubos na akalain na magagawa ni Morris na magsulat para sa kanya. Bihira kasi sa panahon ngayon ang mga lalaki na nagsusulat para sa kanilang kasintahan. Kaya sobrang humanga si Carlo sa determinasyon ni Morris na ipaglaban ang kanilang relasyon. Taliwas sa kanya na nagawang ibaling ang atensyon sa ibang lalaki sa gitna ng hindi nila pagkakaunawaan.

Napalitan ng awa ang inis ni Carlo para sa nobyo niyang si Morris. Hindi siya naging tapat sa kanyang kasintahan tungkol sa nangyari sa kanila ni Bullet kagabi sa may yate. Ngayon ay inuusig naman siya ng kanyang konsensya sa nagawa niyang kasalanan. Hindi mapapanatag ang loob ni Carlo hanggat hindi niya ito nasasabi kay Morris.

Buo na ang kanyang desisyon, mamayang gabi ay ipagtatapat niya ang lahat kay Morris.

Pagsapit ng alas sais ng gabi ay nagpaalam si Carlo sa kanyang ina na magpapahangin sa labas. Nag-aalangan man ay pumayag na rin si Susan sa gusto ng anak. Bago umalis ay binilinan ni Carlo ang kasambahay na si Tin tungkol sa mangyayaring pag-uusap nila ni Morris. "Ate pasimple mong sabihan si Morris na nandoon ako sa may playground. Maghihintay ako doon para kausapin siya." Wika ni Carlo. "Oo sige. Ako na ang bahala. Mag-iingat ka." Sabi naman ni Tin. Gamit ang kanyang bike ay tinungo niya ang playground kung saan sila magtatagpo. Itinabi muna niya ang bike malapit sa may swing saka ito umupo pagkatapos. Dala niya din ang kanyang cellphone kung sakaling magkaroon ng aberya.

Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Carlo. Natatakot siya sa maaaring mangyari kung sakaling sabihin niya kay Morris ang totoong nangyari sa kanila ni Bullet. Tahimik siyang dumalangin sa Maykapal na magkaroon ng isang milagro dahil hindi rin niya kakayanin kung maghiwalay sila ng kanyang kasintahan.

Ilang sandali lang ay namataan na niya ang pinakahihintay niyang sandali. Namataan niya si Morris na naglalakad. Mukhang nakita naman siya nito dahil patungo ang mga hakbang nito sa direksyon ni Carlo. Tila bumagal ang takbo ng oras ng relos habang unti unti itong naglalakad papalapit sa kanyang kinauupuan. Samantala ay hindi naman mapalagay si Carlo sa kanyang pwesto. Maraming bagay ang pumapasok sa kanyang isipan habang papalapit si Morris, lahat ito ay pawang hindi magaganda.

"Wifey." Bungad ni Morris ng huminto ito sa kanyang harapan. Hindi magawang tingnan ng diretso ni Carlo si Morris dahil alam niya sa kanyang sarili ang nagawa niyang kasalanan. "Halika maupo ka muna sa tabi ko. Kailangan natin mag-usap hubby." Wika ni Carlo. Sumunod naman ito sa kanya at umupo siya sa katabi nitong swing. "Natanggap mo ba ang bulaklak at sulat ko sa'yo?" Tanong ni Morris. "Oo natanggap ko. Salamat hubby. Maganda at mabango ang bulaklak. Hindi ko naman akalain na gagawa ka ng sulat para sa akin. Bibihira na lamang ngayon ang nakakatanggap ng ganito kaya maraming salamat." Sabi naman ni Carlo. Panandalian na tumahimik ang dalawa. Pilit na hinahanap ang mga salitang nais na pakawalan sa bawat isa. Ilang saglit lang ay naunang nagsalita si Morris.

"Ako na muna siguro ang magpapaliwanag sa'yo tungkol sa nangyari kagabi. Ganito kasi yun, totoo na nagsinungaling sa atin si Zoey. Kahit ako man ay nagalit sa kanya nung makita ko na wala pa naman laman yung mga kahon. Pero sa isang banda ay naisip ko na maganda itong pagkakataon upang sabihin sa kanya na may mahal na kong iba at para na din iwasan na niya ako. Alam kong hindi mo ko papayagan kaya hindi ko na sinabi sa'yo. Kung alam ko lang na mangyayari lahat yun kagabi sana bumalik na lang ako sa'yo pagkatapos nun." Pahayag ni Morris.

"Paano kayo napunta sa labas ng bahay na dalawa? Anong ginawa ninyo?" Tanong ni Carlo.

"Nagtanong siya sa akin kung may yosi ako. Sabi ko naman sa kanya ay wala, kaya nag-aya siya na kung pwede ay samahan ko siya na bumili sa may tindahan. Siya lang naman ang nagyosi dahil alam kong ayaw mo na humihithit ako ng sigarilyo. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa'yo, wifey. Hinintay ko lang siya na matapos bago ko sinabi sa kanya yung totoong pakay ng pagsama ko sa kanya. Naintindihan naman ni Zoey yung gusto kong ipahiwatig sa kanya. Nangako naman siya sa akin na iiwasan na niya ako. Yun ang totoong nangyari kagabi. Walang nangyari sa amin, maniwala ka." Paglalahad ng kwento ni Morris.

Lalong inusig ng kanyang konsensya si Carlo sa mga narinig niyang paliwanag mula kay Morris. Hindi na niya makayanan ang bigat ng kanyang nararamdaman dulot ng kasalanan niyang nagawa, kaya huminga muna siya ng malalim bago niya sabihin ang kanina pa niyang balak aminin.

"Maghiwalay na tayo, Morris."

SUSUNDAN...

Continue Reading

You'll Also Like

51.3K 126 1
#1 in boytoboy category out of 7.41K BL novels published in wattpad after three weeks from Publishing. #1 in R-18+ **** R-18+ "Mahal kita, ngunit mak...
16.9K 1.2K 75
Night Lights Series Book I The story revolves around the two main characters namely Race Clemente and Zena Alonte. Race suffers from a sleep disorder...
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...