The Jerk's Wife

By BlondQueen

5.6M 114K 2.7K

THE JERK'S WIFE The Billionaire's Love Series 3 AEGUES RAMA SCHWARTZ Aegues met Maria six years ago due to an... More

READERS
SYNOPSIS
The Jerk's Wife: 1
The Jerk's Wife: 2
The Jerk's Wife: 3
The Jerk's Wife: 4
The Jerk's Wife: 5
The Jerk's Wife: 6
The Jerk's Wife: 7
The Jerk's Wife: 8
The Jerk's Wife: 9
The Jerk's Wife: 10
The Jerk's Wife: 11
The Jerk's Wife: 12
The Jerk's Wife: 13
The Jerk's Wife: 14
The Jerk's Wife: 15
The Jerk's Wife: 16
The Jerk's Wife: 17
The Jerk's Wife: 18
BONUS CHAPTER
The Jerk's Wife: 19
The Jerk's Wife: 20
The Jerk's Wife: 22
The Jerk's Wife: 23
The Jerk's Wife: 24
The Jerk's Wife: 25
The Jerk's Wife: 26
The Jerk's Wife: 27
The Jerk's Wife: 28
The Jerk's Wife: 29
The Jerk's Wife: 30
The Jerk's Wife: 31
The Jerk's Wife: 32
The Jerk's Wife: 33
The Jerk's Wife: 34
The Jerk's Wife: 35
The Jerk's Wife: 36
Paalala:
Epilogue
Excerpt: The Billionaire's Forbidden Love

The Jerk's Wife: 21

125K 3.1K 129
By BlondQueen

"As the family goes, so goes the nation and so goes the whole world in which we live."

----Pope John Paul II

****

CHAPTER 21: FATHER'S LOVE


Stranded. Nasa kalagitnaan sila ng highway, dahil traffic at subrang lakas na ng ulan. The twins are sleeping at the back seat. Napagod sa buong araw na pamamasyal. Sumasakit na yata ang ulo niya sa pagod sa paghihintay. May bumusina sa likod ng sasakyan. Maya-maya may narinig siyang kumakatok sa windshield ng kotse. Ibinaba niya ito ng kaunti dahil nakasuot naman ang mama ng raincoat.

"Sir, bakit ho?" Nagtataka niyang tanong sa pulis trapiko. Nakita niya kasi ang suot nitong pang-itaas.

"Ma'am, saan po ba ang punta niyo?" Tanong ng pulis trapiko.

"Sa may Ortigas Avenune po."

"Bumabaha na sa ma unahan at hindi na po madadaanan. Mabuti pa't bumalik na lamang kayo o di kaya'y maghanap kayo ng ibang daanan para makauwi kayo ng safe. Mataas na ho ang tubig at wala yatang planong huminto ang malakas na ulan dahil nag-uumpisa na ho ang bagyo sa ibang dako ng Luzon." He advised.

"Oh sige ho salamat." Sagot niya. She bit her lip wearily. Paano ba yan?

"Walang anuman."

Umalis na ang pulis trapiko at dahan-dahang nagsipagbalikan ang mga sasakyan. Bigla siyang naalarma. Paano niya makokontak ang ina, eh naiwan nga ang cellphone niya. Kapag gumagala sila, tanging camera at personal phone niya lang ang dala. She glanced at her wristwatch, at malapit ng sumapit ang gabi. Ang layo pa ng uuwian niya. She was looking where to shelter. Lumiko siya sa Rizal Avenue then she realized something.

Malapit lang dito ang Quezon Avenue kung saan ang penthouse ni Geus.

Iniliko niya ang sasakyan sa nasabing lugar. Bahala na. Ang mahalaga, safety ang mga bata. Kinakabahan pa siya sa habang nakatanaw sa sa penthouse. But then, nagawa niyang ipasok ang sasakyan sa parking lot. Natutulog parin ang kambal. Tutal alam naman niya ang pass code ng bahay nito. She was not sure if Geus is here. Pero tingin niya ay nasa opisina pa ito. Pagkatapos ipark ang sasakyan ay ginising niya ang dalawa at binuhat ang mga pinamili. Alam niyang pagod ang mga ito kaya pinabalik niya ng tulog sa guest room. She will let them sleep hanggang sa makapagluto siya ng hapunan. Maya-maya magigising din ang dalawa at maghahanap ng pagkain. Wala parin si Geus. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang totoo. What would she expect? She was so sure na susumbatan siya nito ng bonggang-bongga. Tatanggapin niya ang anomang ang magiging reaksyon nito. Ang mahalaga ay makilala na ng kambal ang kanilang ama. That is all that matters.

Tinawagan niya ang number ng ina through landline.

"My God! Mariah Claire! Nasaan na kayo ng mga bata? May paparting na bagyo at ang lakas pa ng ulan!" Nenerbiyos na sambulat ng kanyang ina.

She sighed and smiled a bit for his worried. "Ma, okay lang kami. Nandito kami sa bahay ng tatay nila." Sagot niya.

There was a brief paused on the line. Siguro hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

"So ano ang reaksyon ng ama nila?" Kuryusong tanong nito.

"Hindi pa dumarating. Nasa trabaho pa Ma." She answered back. Sinabayan niya ng isang mabigat na buntong hininga. Ang totoo niyan, hinahanda na niya ang sarili sa pwedeng mangyari ngayon. Knowing Geus, tiyak na magagalit 'yon sa paglilihim niya.

"O nga pala, cancelled ang moving-up ng kambal. Ni-reschedule ng principal dahil sa paparating na bagyo. Mauna na lang siguro ako pag-uwi sa Baguio. Tutal andyan ka naman para alagaan ang dalawa. Ikaw na ang bahala sa kanila. Wala kasing kasama ang papa mo doon. Nag-aalala na ako." Esplika nito, halatang ayaw din munang pag-usapan ang tagpong ito.

That's why she likes her mother so much. Hindi ito nakikialam sa mga desisyon niya unless it's necessary. Lage lamang itong nakasuporta sa kanya.

Ano pa nga ba ang magagawa niya?

"Okay Ma. Sa akin muna ang dalawa para naman makasama nila si Geus." She said. Iniiisip na nga niyang ipakilala ang kambal sa grandparents nito sa side ng asawa. Tiyak na matutuwa ang mga iyon. "Tawagan mo na lang ako Ma kung kailan ang moving up ng dalawa." Pahabol niya.

"Okay, Maria. Ingat kayo ng mga apo ko." Sabi nito.

Pagkatapos nilang mag-usap sa telephone at saka siya nagpatuloy sa ginawa. Nagluto siya ng sinigang na bangus dahil maulan ang panahon. The twins love this sinigang.

Lumipas ng ilang oras, ginising niya ang dalawa para maghapunan. Kailangan talaga nilang makakain dahil mahaba pa ang gabi, ayaw niyang malipasan ng ang dalawa. Isa pa, pagod ang mga ito sa kakalaro buong maghapon.

"Mommy, bahay ito ni Daddy?" Si Lilly. Hindi na nagpapasubo ang dalawa pagdating sa pagkain. Sinanay niyang maging independent ang mga ito at huwag mag-inarte sa oras ng pagkain.

"Yes, anak." She smiled.

"Saan si Daddy, Mommy?" She asked again. Makulit talaga itong anak niyang babae.

"Daddy is working pa, anak. Mamaya pa yon uuwi. Kain muna kayo ng marami para masigla kayo pagdating ni Daddy." Malambing niyang tugon sa mga ito.

"Can we watch movie mommy?" Si Stevey. Namimilog pa ang mga mata nito. Parehas kasi silang mahilig sa movies na pang-kids pero hindi sila katulad ng genre na pinapanood.

"Yes we can. But if the clock turns eight thirty, matutulog na tayo niyan. Is it clear?" Ayaw niyang mapuyat ang mga ito. She's a disciplinarian mother and she want them to live by her right rules. Sinusuportahan naman niya ang mga gusto ng mga ito pero hindi niya hinahayaang maging abuso sa kahiligan at ma-spoiled sa anoman bagay.

"Tuya, Disney ang papanoorin natin?" Lilly was showing her best smiles. Mahilig kasi sa fairytales ang anak niyang babae while Geus loves to watch Adventure movies.

"No, tapos ka na kagabi. Ako na naman ngayon." Geus declined.

"Ohhhh.." Ngumuso si Lilly.

She sighed.

"Okay, si kuya muna ngayon Lilly kasi tapos ka daw kagabi. Bukas ka na naman ulit. Okay lang ba 'yon sayo little Lilly?" Paglalambing niya sa anak. Syempre dapat bigayan ng gusto sa bawat isa't-isa.

"Okay, Mommy." Umismid pa ito. Natawa siya sa reaksyon nito.

Pagkatapos ng hapunan, nagligpit muna siya ng pinagkainan at naghugas ng plato bago sabay-sabay sa kanyang kwarto at doon na nanood ng movies.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Fvck you! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak pala kami ni Claire!" Galit niyang bulyaw sa kaibigan. Tinungo niya ito sa opisina kanina pero dahil buong araw itong wala dahil sa mga conference, binalikan niya pagsapit ng hapon.

Thunder just took a heavy breath and shake his head off. Tila wala itong pakialam sa mga sasabihin ng kaibigan. Abala parin ito sa pangakalkal ng mga papeles.

"Geus, wala ako sa posisyong magsalita tungkol sa ganyang bagay. Kaibigan niyo lang ako. Ayokong makialam sa inyong mag-asawa. Besides, I respect the decision of your wife. Siya dapat ang kinakausap mo ngayon., hindi ako." Kalmado nitong pahayag na binabalewala lang ang kanyang galit. Thunder is really a cool and calm person. Ni minsan hindi niya ito nakitang nagalit o nabalitaang nakipagbasag-ulo. He gritted his teeth.

Akala ko ba magkaibigan kami? Bulong niya sa sarili.

"Kanino ka ba kakampi? I'm your friend for Pete sake!" He shut him a glare.

Thunder looked at him and frowned. He smiled cooly, and put down all the papers. Thunder leaned his back to his swivel chair.

"Claire is also a friend. Sorry pero bias ako pagdating sa kanya." He grinned. "Come on, have a seat. Stop stressing yourself." He continued na parang wala itong pakialam sa anger issues niya.

Saka lamang siya kumalma at napahilamos sa mukha. Hindi siya mapakali. Hindi niya magawang maupo. Kung hindi lang niya ito kaibigan, kanina pa niya ito binigyan ng suntok.

"I can't. Have you seen my kids?" Seryuso niyang tanong sa kaibigan. Thinking about the twins makes her heart beat rapidly. He couldn't stop the feeling of excitement to see them.

Mas lalong napangiti si Thunder. He knows how Thunder loves kids so much. Kaya hindi siya magtatakang napapangiti ito kapag may napapag-usapang bata.

"Yes. Kahapon pa. Actually, gumala nga kami eh. I bought toys for them. Pumunta kasi ang lola nila kahapon dito, checking Claire. Well, hindi siguro na-inform ang parents ni Claire that she's working with you now. So dito sila pumunta. And besides, your kids are very adorable. I love them. I had fun with them yesterday."

Masayang pagkukuwento nito na mas lalong nagpataas ng kanyang dugo para sa asawa. Nakaramdam siya ng inggit kay Thunder. Mas nauna pa itong nakaalam tungkol sa mga anak niya. At nakasama pa nito ang kambal. Siya ang ama pero huli siya sa balita, huli siya sa lahat.

Seriously? Claire didn't share with her parents that she was working with him now for the reason of hiding his twins from him. What.the.fvck! How could she do this to me!? He combed his hair in a frustrated manner. If only he could turn back time, he would. Ang anim na taong pagkawalay sa mga anak ay isang kalabisan.

"Alam mo, you can't blame your wife. She was alone raising your kids.. she was just being protective where in the first place hindi ka naman niya kilala at wala kayong ugnayan when you two got married for fun." Thunder advised him as if he knew the real story.

Mapakla siyang natawa. Protective? Really? Wala siyang nakikitang ibang punto doon kundi ang pagiging makasarili.

"She's not protecting the twins. Ano ako masamang tao para pagtaguan niya ng mga anak!? She is selfish. For Christ sake! Mga anak ko 'yon, no matter what happen I will stand for them as a father. Sh!t!" Malutong siyang napamura. Kung hindi dahil kay Rolen hindi niya malalaman ang totoo! Sa ibang tao pa niya nalaman dahil wala talagang planong sabihin sa kanya ni Claire.

Pinagmukha siya nitong tanga. Inuuto lang siya nito. Maybe Rolen was right. Claire didn't love him. It was a mistake to assume anything from her. Masakit man pero kailangan niyang tanggapin ang isang katotohanan. Kung mahal talaga siya nito, hindi sana nito ililihim ang bunga ng nangyari sa kanila noon. He could accept that she doesn't love him, but the kids.. hindi pwedeng habambuhay nitong itago sa kanya. Wala na siyang pakialam pa kundi ang makita ang mga anak at makasama. Isa lang ang gusto niyang siguraduhin ngayon, yon ay ang manatiling nasa tabi ng mga anak niya kahit anong mangyari.

"Then go on. Ano pa bang hinihintay mo? Puntahan mo ang asawa mo. Sabi ni Tita Sharon, nanay ni Claire bukas pa daw sila uuwi ng Baguio. Nasa Ortigas ang Tita niya nakatira. Doon sila nakikituloy sa ngayon. Kung ako sayo, tawagan mo na lang asawa mo to confirm where she is now." Esplika ni Thunder.

Yon pa nga ang isa niyang problema. Buong araw niya itong tinatawagan pero hindi sinasagot. Malamang kasama nito ang mga bata.

"She's not answering my calls." Malamig niyang tugon.

"Maybe she's just busy dude. But anyways, send my regards to her." Thunder shrugged.

Inirapan niya ito. Naiinis siya sa tuwing may lalaking nagkakaroon ng personal attachment sa asawa niya. Kahit kaibigan pa niya ito. Ngumiti si Thunder.

"Geus, you don't have to be jealous. We're just friends." Nakangiting depensa nito.

"I know. Pero naiinis lang ako sa sitwasyon na kung sino pa ang ama sa kambal eh siya pa ang huling nakaalam." He was reffering to himself. Napabuntong hininga sya at napailing-iling.

Thunder sighed and looked at him understandingly, "Yeah, that sounds bad. But...pwede ka namang bumawi sa mga anak mo."

"Anyway, have to go. Thanks." Pagdispatsa niya sa usapan.




.....

Umuwi siyang lutang ang kanyang isipan. Hindi sinasagot ng asawa ang kanyang tawag. It's almost eleven in the evening. He was stranded from the heavy rain. Binaha pa ang karamihang areas na nadaanan ng sasakyan niya. Nanatili pa siya sa coffee shop ni Thorman dahil wala siyang choice but to stay in one place para pakalmahin ang malakas na ulan. Typhoon is coming. He was hoping na sana walang mapapahamak sa lugar na tatamaan nito. Pagktapos ng ilang oras na paghihintay ay nakauwi din siya. Naghanap pa siya ng daanan na hindi gaanong bumaha para lamang makauwi.

Deretso siya sa kanyang kwarto at nagpahinga. If Claire still not answering his calls, pupunta siya sa Baguio bukas kung saan nakatira ang mga magulang nito. Sabi nga ni Thunder uuwi bukas ang mga ito kaya doon na lamang niya ito tatagpuin at kikilalanin ang mga anak.

He closed his eyes and let himself fall asleep kahit mahirap. Sa nalamang katotohanan ngayon, mahihirapan siyang makatulog ng maayos.

...In the morning.

Nagising siya dahil sa ingay ng TV sa labas. Wala sa sariling napasulyap siya sa orasan, tabi ng kama. It's six in the morning. Is it Claire? Kinuyumos niya ang mga mata at agad bumangon sa kama para kumprontahin ito. That woman must explain to him about their kids!

May naririnig siyang mumunting tinig. Parang mga bata. When he opened the door, nakita niya agad sa may kalayuang sala ang dalawang bata. Napakunot noo siya. The two kids were dancing and singing with the nursery rhymes na pinapanood nila on television. Nakatalikod ang gawi ng mga ito sa kanya. Babae at lalaki ang mga bata. Saka niya naalala ang kambal niyang mga anak. It could be them. Kapwa terno pa sila sa suot na pantulog.

Napaawang ang bibig niya sa pagtataka.

Paano nagkaroon ng mga bata dito!? Am I dreaming?

Kinurot niya ang sarili upang magising but this is real. He is seeing kids dancing joyfully. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Wala sa sariling napangiti siya habang nagmamasid. Bahagyang lumingon ang batang babae.

That green eyes!

Lumingon ulit ito nang makita siya. Namilog ang mga mata nito nang makita siya. Para siyang natuka ng ahas ng makita ang mukha ng bata. It's the same face, sa picture na pinakita sa kanya ni Rolen. Lumingon din ang batang lalaki. Doon niya nakumperma na mga anak niya ito. That boy is his perfect replica! Ganito din ang itsura niya noong ganitong edad pa lamang siya. This is true! Nasa harapan na niya ang mga anak.

Nananaginip lang ba ako!? Para siyang ipinako sa kinatatayuan. Ni hindi niya magalaw ang mga paa.

Nanginig ang katawan niya sa hindi napigilang kaba, pagkamanghan, gulat, o ano mang overwhelming emotions mayroon siya nang makita ang mga ito.

"Hello.." The little girl with the sparkling green eyes smiles at him.

Napaawang ang bibig niya kasabay ang mga luhang naglalakbay sa kanyang pisngi na kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata. Her cute little voices wakes him up mula sa pagkakatulala. Her cute smile makes his heart fonder with joy..

"Hi, I'm Steve." In a very smart and proper nitong pakilala.

Bumaling ang mga atensyon niya sa batang kamukha niya. Kamukhang-kamukha with his one brow went up, scrutinizing him who he was. Muntikan na siyang matawa sa pinakitang personalidad nito—supladong bata. He was amazed. The little girls keeps smiling looking at him. Very charming and friendly little girl.

"Hi! I'm Geus, sweetheart. I'm your... I'm your Dad."

Agad siyang lumapit sa kinatatayuan ng mga ito at walang babalang niyakap ang mga ito. Humagulhol siya habang nakayakap sa dalawang bata. Hinayaan lamang siya ng mga ito, tila nagtataka sa pag-iyak niya. Hindi siya makapaniwala na anito na kalaki ang mga anak niya. Naawa siya sa mga ito dahil hindi man lang niya nagawang alagaan ang mga ito when they were babies.

"Don't cry, Daddy. Lilly will be sad too." Tumulo ang luha nito at kumibot-kibot ang labi.

"Hey, hey, hey.. Don't cry, happy lang si Daddy, baby." Niyakap niya ulit ito at hinalikan sa noo. Natatawa siya sa reaksyon ng anak niyang babae. Pinahid niya ang luha. He was being emotional at this moment.

"Is your teeth hurt?" Seryusong tanong ni Stevey na dahilan ng pagtawa niya ng malakas.

Kinarga niya ang dalawa at naupo sa sofa, kandong ang mga ito sa bawat hita niya. Nakahawak siya sa bewang ng dalawa upang alalayan ang pagkakaupo ng mga ito. He wanted to hear their stories. Sa subrang saya niya ay hindi siya nagsasawang paulit-ulit na hinahalikan ang kambal, sa noo, sa balikat, sa ulo, mga kamay, braso, habang kinakausap ang mga ito.

Magiliw kausap si Lilly. Madaling kwento na minsan ay nalilito siyang intindihin but he was trying and he was also amazed with her ideas as a kid. Steve was a little bit quiet, very observant, at lageng nakatingin sa kanyang mukha, wondering. Asking him few questions. He was astonished with his young man, dahil matalino ito at his age. Natatawa siya sa pagiging witty ng mga anak niya.

Lilly is so cute, like her mother. Makulit and very talkative, while Steve is sensitive and quiet. This little guy is no doubt, his replica. Very looks like him.

Ganito pala ang feeling kapag isa ka ng ama. Napakasaya. Walang mapaglagyang saya. Sa ngayon, wala na siyang ibang hihilingin pa kundi makasama ang mga anak at hindi na muling mawawalay sa mga ito. No one will take them from him, not even their mother. Nang maaalala ang asawa, bumangon na naman ang naramdaman niyang sama ng loob dahil sa paglilihom ng kambal sa kanya ng ilang taon. 

Continue Reading

You'll Also Like

162K 6.7K 22
DR. KEVIN DE LUCA - Dr. Kevin is a well loved doctor dahil na rin sa angking kabaitan at kakulitan nito bilang isang doctor. Aside sa pagiging charmi...
4.1K 173 17
A Novellete: Jess Viel Lawrence, a man who lived a perfect life met his soulmate. What could possibly go wrong? He married the love of his life. They...
185K 3.7K 48
Having a responsibility on his shoulder is something that Viktor never asked for, being the heir of his family's businesses will never be easy, not u...
200K 12.9K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"