Forbidden Flower (Jillian Fue...

By letmebed1

3.2M 48.9K 4.4K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Meet Jillian the famous Varsity Player lahat halos ng stu... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 33

54.1K 988 136
By letmebed1



Anne Del Rio

Umandar na ang bus kaya sumandal na ako saka nilagay yong headset sa tenga ko. Kasama namin si Jean na halatang ayaw isama ni Jillian.

"Babe." Inakbayan niya ako saka niyakap. Yumakap na rin ako sa bewang niya saka humalik sa pisngi niya. Pansin kong nakatingin sa amin yong katabi ni Jean na pasahero pero hindi ko na lang pinansin. Malamang iniisip non na ang landi ko. Pisngi lang naman ni Jillian ang hinalikan ko.

Nasa byahe na kami. Medyo nangangalay ako kaya sumandal na lang ako sa kanya habang nakahawak siya sa bewang ko. Mas matagal ang biyahe kapag commute.

Nagstop over kaya kailangan kong pumunta ng banyo. Si Jillian at Jean naman nag-order muna ng pagkain. 15 minutes lang ay aalis na ulit ang bus.

Ang dami namang foreigner dito.

After ko mag-CR pansin ko yong dalawa kumakain na. Pero may tinitingnan sila. Napatingin ako kung saan sila nakatingin.

Kaya naman pala! Sa mga babae na naman sila nakatingin. Nagngingitian pa sila pero bigla silang tumahimik nang makita nila akong papalapit na sa kanila.

"Babe, kain na kasi aalis agad yong bus."

"Alam ko."  Gumagana na naman ang pagiging suplada ko. Halatang napapangiti si Jean, mga babaero talaga. Binilisan ko na lang kumain saka kami pumasok dito sa loob ng bus. Tinalikuran ko siya dahil naiinis ako sa kanya!

"Babe, yakap kita."

"Yakapin mo yang mukha mo."

"Babe, naman. Huwag ka nang magalit, oh."

"Babaero ka, yang mga mata mo kung kani-kanino nakatingin." Hindi ba siya nakukuntento sa akin. Nakakainis talaga.

"Sorry na. May nakita lang kasi kami ni Jean na nakakatawa kaya kami nakatingin sa mga babaeng yon."

"Tse!" akala niya maniniwala ako. Hindi ako nagpayakap sa kanya hanggang sa makarating kami dito sa probinsya. Sasakay pa kami ng Jeep para makarating sa San Agustin.

"Babe, ano naman sasabihin ni Wendy sa akin kung ganito tayo nag-aaway na naman."

Hay naku! Oo nga naman.

"Sige palalagpasin ko yong ginawa mo kanina pero kapag inulit mo ulit babasagin ko yang mukha mo!"

"Aray!" si Jean saka ngumiti.

Hmp!

Sasakay na sana kami ng Jeep nong may dumaan na sexy na babae. Naka maiksing short at naka see through siya na damit. Ang puti niya pero nong makalagpas na tawanan tong dalawang kasama ko.

Napapailing na lang ako.

Alam ko kung bakit sila natatawa. Naka see through nga may bimpo naman sa likod. Okay na sana, eh. Pati ako napapangiti. Pero ano namang masama kung maglagay ng bimpo sa likod, di ba?

Bagong style.

Basta babae napapansin ko si Jean panay ang lingon niya. Eto at nakasakay na kami sa Jeep.

After ng bakasyon namin dito kina Wendy ay sa probinsya ko naman kami pupunta. Ang tanong paano ko ipapakilala si Jillian sa pamilya ko bilang kasintahan ko?

Kilala ko si Tatay ayaw na ayaw non na nakakakita ng bakla. Paano ako? Hindi naman ako bakla pero ganon din naman yon.

"Babe kanina ka pa tulala malapit na tayong bumaba."

Napalingon-lingon ako. Oo nga. Hawak ni Jillian tong kamay ko kahit nong pababa na kami ng Jeep.

"Yey andito na tayo sa Province namin!" si Jean. Natatawa tuloy ako lalo na nong dinagukan siya ni Jillian.

Dito na kami sa may palengke bumaba at sa di kalayuan tanaw na namin sina Wendy. Humawak na ako ng mahigpit sa braso ni Jillian kasi kasama ni Wendy si Pam.

"Wendy!" kumaway si Jean.

"Hoy Jean manahimik ka nga diyan kung ayaw mong pasagasahan kita sa kalsada!"

Hindi pinansin ni Jean si Jillian at tumakbo na siya palapit kay Wendy. Kami andito pa rin sa waiting shed.

"Punyemes na Jean, oh!"

Halatang asar na asar siya.

"Jillian, bakit ang init ng ulo mo kay Jean?"

Naglakad na din kami palapit sa kanila.

"Hindi babe. Inuunahan pa kasi niya ako na batiin si Wendy, eh." Kunyari naniwala ako kaya tumango na lang ako. Hindi ko kasi maintindihan si Jean. May gusto ba siya sa kapatid ni Jillian?

"Kumusta?" tanong ni Wendy sa amin nang makalapit na kami sa kanila. Katulad ng dati napakapormal pa rin niya magsalita. Hindi siya yong tipo ng tao na madali mong i-approach, ni hindi ko pa nga siya nakitang ngumiti. Hindi gaya ni Jillian laging nakangiti kapag nagkikita kami.

Buti na lang cute tong si Jillian ko.

Ngumiti ako kay Wendy pero tumango lang siya. Si Pam kahit nakahawak na ako sa braso ni Jillian nagawa pa niyang humalik sa pisngi nito. Ito namang isa napakalandi nagpapahalik! Kapag ako nainis pag-uuntugin ko silang dalawa!

"Babe, tara."

"Jillian, ang landi mo."

"Babe, naman. Nagseselos ka ba?"

"Ay hindi! Natutuwa nga ako kapag nagpapahalik ka sa iba. Pahalik ka pa sa iba, ha." sabi ko saka ko siya inirapan. Kainis talaga siya!

"Huwag ka na magselos babe ikaw lang ang love ko."

"Ako love mo pero iba kalandian mo?"

Napapangiti siya pero naiinis talaga ako. Buti na lang nauna na yong tatlo na maglakad kaya hindi na nila kami naririnig.

"Gusto mo halikan kita sa harapan niya o kahit kanino pa? Huwag ka ng masungit alam mo na ngang cute ako kaya lapitin ako ng chic."

Ang kapal! Ang kapal talaga!

Hay naku bakit ngayon parang nagiging selosa na ako? Ayokong tumitingin siya sa iba o nakikipagusap.

Kumalma na lang ako dahil ayokong masira buong maghapon ko.

Sumunod na kami kina Wendy. Si Jean nakabuntot sa dalawa. Hindi siya kinakausap pero para siyang si Jillian. Gagawin kung ano ang magustuhan niyang gawin.

"Babe, ang sakit talaga ng kamay ko."

"Ha? Masakit pa rin?" Bigla akong nag-alala. Nawala tuloy yong inis ko sa kanya.

"Magpahinga ka muna."

Nong makarating kami rito sa bahay sinabihan siya ni Wendy na magpahinga kaya pumasok na kami dito sa kwarto. Naiwan yong tatlo sa sala.

"Babe."

"Bakit?"

Ngumiti siya. Nakahiga na siya dito sa bed tapos nakaupo naman ako dito sa gilid habang hinahaplos yong pisngi niya.

"Kelan mo ako re-reypin?"

Ano daw? Reypin?

"Jillian, yang bibig mo baka marinig ka nila."

"Hindi yan, babe. Kelan?"

Napalunok ako. Dati hinihiling niya lang yong ako. Ako ang titikman niya. Ngayon, ang gusto niya ako naman ang titikim sa kanya? Utang na loob! Ni hindi nga ako gumagalaw nong gabing may mamagitan sa amin.

"Babe, tuod ka."

"Walangya ka." Kinurot ko yong tiyan niya.

"Aray babe! Nagbibiro lang naman ako. Tsaka hindi ako basta nagpapatikim kailangan pilitin mo ako, ha?"

Ang kapal! "Tse!"

Pinanggigilan ko nga yong ilong niya.

"Aray ko naman babe nakakainis ka! Lagi mo pinanggigigilan tong ilong ko!" halos maiyak siya sa ginawa ko. Gusto ko sana humiga dito sa tabi niya pero nahihiya ako kay Wendy. Kararating lang tapos hihiga agad? Baka taasan ako ng kilay.

"Babe, higa ka. Huwag ka nang mahiya sa magiging hipag mo."

Natatawa tuloy ako. Okay lang kaya?

"Jean, magpahinga muna kayo sa kwarto." narinig kong sinabi ni Wendy. Tumingin ako kay Jillian. Nahihiya ako pero gusto ko talaga humiga. Sumiksik ako sa kanya saka nag-unan sa braso niya.

"Jillian, pag uwi natin magpatingin ka sa doktor, ha?"

Hindi siya sumagot basta humahalik lang siya ng paulit ulit sa mga labi ko. Bibigay na rin yong mga talukap ng mata ko pero biglang gumalaw tong kama dahil umakyat si Jean.

"Jill, payakap din ako."

Gusto rin yumakap ni Jean kay Jillian.

"Huwag mo nga akong lalapitan Jean. Nakikita mong yakap ko ang babe ko."

Walang nagawa si Jean kundi yumakap sa unan. Kami ni Jillian eto magkahalikan. Kahit may katabi kami hinahayaan ko lang siya na halikan ako at tumutugon naman ako. Tanghaling tapat kaya lalong umiinit. Yong katabi namin halatang pagod dahil humihilik ng mahina.

"Babe, matulog tayo saglit."bulong niya saka niya hinigpitan yong yakap niya sa akin.

Hapon na. Etong dalawa masarap pa rin ang tulog nila. Parang mas napapagod ata sila kapag nagco-commute lang.

"Jillian, Jean, gising na."

Nakakatuwa tong dalawang 'to. Sabay pa nagkamot ng ulo.

Kanina pa ako gising. Nakausap ko na nga si Wendy pero about kay Jillian lang. Si Pam umuwi. May binanggit siyang pangalan na Greg na naghihintay sa kanya.

"Babe."

Sa wakas nagising din. Ginising ko na rin si Jean, sabay na silang bumangon.

Kape agad ang hinanap nilang dalawa kaya nagtimpla ako. Kahit mayayaman ang mga 'to mahilig din pala sila sa kape. Habang nagsasaing si Wendy napapansin ko nakatitig lang si Jean sa kanya. Si Jillian nakatingin naman sa labas kaya hindi niya napapansin si Jean.

"Tara sa Arko mamaya. May tiangge at may fireworks display." si Wendy.

"Okay yon! Jill, punta tayo? Anong oras, Wendy?" tanong ni Jean.

"After natin magdinner"

"Atat!" si Jillian saka humigop ng kape.

Ngumiti si Jean.

Pagkatapos magdinner naligo at nagbihis na kami.

"Apat lang ba tayong pupunta?" Tumaas ang kilay ko sa tanong ni Jillian. Mukhang may hinahanap pa siya, ha?

"Oo, kasi dumating yong kuya ni Pam hindi siya makakasama." si Wendy. Hindi lang ako makabwelo dahil nandito ang kapatid niya. Pipingutin ko talaga tong Jillian na 'to.

Pag dating namin dito sa Arko, marami ngang mabibili. Si Jillian kapag may nakitang masarap na pagkain titigil siya saka bibili. Bakulaw kain ng kain!

"Tara magsisimula na yong fireworks display." sabi ni Wendy. Mga ilang minuto nga lang nagsimula na. Ang daming tao na nagkukumpulan dito. Tumingala kami nong biglang may tumunog at umilaw sa ere.

"Wow....." Biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito kalapit na fireworks display, dito mismo sa tapat namin at hindi siya basta basta fireworks na makikita mo kapag may fiesta.

"Ang ganda babe." Nasa likod ko siya habang nakahawak sa tyan ko. Yakap niya ako.

Nakaka-kaba dahil pakiramdam ko babagsakan kami nong mga maliliit na apoy gawa ng fireworks pero hindi naman, bago pa bumagsak sa amin ay nawawala agad ang mga iyon sa ere saka biglang liliwanag ulit. Hinawakan kong mahigpit ang kamay ni Jillian. Ang saya sa pakiramdam na kasama ko siya.

Inabot din ng five minutes bago natapos ang fireworks display. Naglakad ulit kami. Si Jean at Wendy ang magkasabay.

"Babe, isa sa pinakamasayang gabi ko 'to. Kasama kita at si Wendy." sabi niya, halatang naluluha siya. Napangiti naman ako. Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Masayang-masaya rin ako.

"Manong apat po na San Agustin." Nakasakay na kami ng jeep, at nagbayad na ng pamasahe namin si Wendy.  Sa totoo lang wala naman kaming nabili kundi puro makakain lang. Si Jean nakangiti kay Jillian. Etong isa naman ang sama-sama ng tingin kay Jean. Natatawa talaga ako sa dalawang 'to.

"Ay!" Biglang sigaw nong Ale.

"Uy, uy, uy!" Sigaw naman ng isa.

"Ay sh*t hoy!" sigaw ni Jean.

Biglang nagsapakan yong kasakay naming dalawang lalaki, ang lakas ng mga sapakan nila. Sumipa din si Jean dahil matatamaan si Wendy.

"Syete naman 'tong mga 'to!"si Jillian. Sobra akong kinakabahan. Halos madaganan kami dahil sa mga nagsasapakan. Ginawa ni Jillian hinila niya yong damit ng isang lalaki na nakikipagsapakan saka nila parehong tinadyakan ni Jean.

Laglag sa labas ng Jeep! Halatang lasing.

"Eto sapatos mo!" bumwelo si Jillian saka hinagis yong sapatos. Ayon sapol sa mukha! Medyo binilisan ng driver patakbuhin etong Jeep para hindi na makahabol pa yong lalaki.

"Gagong yon biglang nananapak hindi ko naman kilala." sabi ng lalaki na kasakay namin.

Sobra pa rin yong kaba na nararamdaman ko ngayon. Natakot ako buti walang patalim na hawak yong lalaki.

"Wala na yong sapatos ko."

Bigla akong natawa saka tumingin kay Jillian. Sapatos pala netong kasakay namin yong hinagis niya.

"Ay So-sorry kuya akala ko sa bugok yong sapatos kaya hinagis ko." si Jillian. Nagkakamot ng ulo.

Tawa nang tawa si Jean. Napatingin ako kay Wendy, tawa din nang tawa. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Napapangiti at napapailing ako. Paano kaya uuwi tong si Kuya eh iisa na lang ang sapatos niya? Kawawa naman pero bago kami bumaba ay nag abot si Jillian ng pangbili kapalit ng hinagis niyang sapatos.

"Ang galing ng pagkakabwelo ng hagis mo Jill ah!" sabi ni Jean.

"Malay ko ba na hindi pala sa bugok na lalaki yong sapatos na yon."

Kung makikita mo yong itsura nong may ari ng sapatos mapapailing ka talaga. Parang aping api. Hay talaga tong Jillian na to. Puro kalokohan! Si Wendy hindi nagsasalita pero mahahalata mong natatawa pa rin. Parehas silang maganda lalo na kapag ngumingiti.

"Wendz, pasyal ulit tayo sa ilog bukas." si Jillian. Nandito na kami sa bahay.

"Wendz ka diyan! Wendy ang tawag mo sa akin!" reklamo ng sis niya.

"Mas cute kapag Wendz na lang." saka yumakap si Jillian sa kanya.

"Ayoko nga!"  Napapangiti ako. Sweet talaga 'tong bakulaw na 'to!

"Oo, Wendz na lang mas bagay." si Jean.

"Ah ewan bahala nga kayong dalawa. Matulog na nga tayo!"

Daig talaga ng dalawang makulit ang dalawang masungit! Pagpasok namin ng kwarto halos ipagtulakan ni Jillian si Jean. Ayaw niya na tabihan ni Jean yong sis niya, pero wala din nagawa itong bakulaw. Dito kami sa sahig matutulog sa kama naman yong dalawa.

"Lagi mo na lang pinagtatabuyan si Jean." sabi ko sa kanya nong nakahiga na kami.

"Babe, ganon lang talaga kami masanay ka na." bulong niya sabay halik sa pisngi ko. Hindi na ako umimik. Matutulog na ako. "Babe...." bulong niya saka niya hinaplos tong lips ko gamit ang thumb niya. Hindi pa rin ako umiimik pero hindi siya tumitigil sa paghaplos sa mga labi ko. Nakikiliti tuloy ako.

"Sleep na tayo." sabi ko saka ko kiniss yong thumb niya nang paulit ulit.

"Babe nakikiliti ako ang sarap." Napangiti ako. Oo nga pala nakakakiliti talaga kapag kinikiss yong daliri. Maalala ko nong nasa Island at nag truth or dare kami. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang kiliti dulot ng pagdila niya sa mga daliri ko. Kapag naaalala ko yon, iba ang nararamdaman ko.

"Babe, I love you huwag kang magsasawa sa ka-sweetan ko, ha."

Kapal talaga ng bakulaw na 'to.

"I Love you, too. Kahit ang kapal-kapal mo at mukha kang bakulaw love pa rin kita." bulong ko sa kanya. Halatang natatawa siya sa sinabi ko.

"Bakulaw ba talaga ang tingin mo sa akin, babe?"

"Oo, mukha kang bakulaw." Pati ako natatawa. Pinipigil ko lang kahit kinikiliti niya ako dahil baka marinig kami nong dalawa at baka iba pa ang isipin nila.

"Dahil bakulaw ang tingin mo sa akin hahalikan kita hanggang mamaga yang mga labi mo." Hindi na ako nakapagreklamo pa bigla na lang niya akong hinalikan. Wala na akong nagawa kundi gumanti sa mga halik niya.

....

Continue Reading

You'll Also Like

957K 29.1K 33
[This is a GL story] Date started: September, 2015 Date completed: January, 2017 CONTENT WARNING: Some content may be objectionable. Scenes may conta...
1.7M 30.3K 21
Kilala siya bilang isang magaling na abogada, istriktong haciendera, at isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. She's better known for being heart...
1M 32.1K 37
1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're no...
998K 23.3K 62
Professor Series 1 Where are you professor lazano Maia Rae Ashford - Masiyahing scholarship ng CU (Cansino University) pero dahil sa professor niyang...