Finding Miss Unknown [Complet...

By AlizahAnn

54.5K 580 106

Si Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may m... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20.1
CHAPTER 20.2
CHAPTER 21.1
CHAPTER 21.2
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Read if reader ka ng Finding Miss Unknown :)
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39.1
CHAPTER 39.2
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 33

739 8 2
By AlizahAnn

A/N

Support this story by clicking "VOTE". Enjoy reading!! ^___^

CHAPTER 33

-------------

Nabawasan ang mga araw ng pagkikita at paglabas nina Drix at Lorraine. Naging abala ang binata sa pakikipagnegosasyon sa bagong kliyente ng kanilang kumpanya. Nawalan man ito ng oras para personal na makapiling ang dalaga ay hindi naman nya nakakaligtaan na tawagan o di kaya’y padalhan ito ng mensahe.

Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas mula nang magsimula sila sa kanilang practicum sa kumpanya.

Kahit pa anong iwas ni Drix sa dating kasintahan ay hindi maaaring hindi magkrus ang landas nila. Sa iisang opisina lamang kasi sila nilagay ng ama. Tulad ng dati ay kinakausap lamang nya ito tungkol sa trabaho.

"Aldrix, we have to meet Mr. Chua this afternoon." ani ni Bianca.

"Sige," tugon sa kanya ng binata. Nakaharap sa nakabukas na laptop computer. Ni hindi manlang ito nag-angat ng mukha.

Dinampot ni Bianca ang handbag sa kanyang lamesa at tahimik na lumabas ng opisina. Nagmamadali syang nagtungo sa ladies room at nagtuloy sa loob ng cubicle. Hinayaan nya ang mga luhang kanina pa pinipigil.

Pakiramdam nya ay isa lamang syang hangin. Hindi sya kinakausap ng binata at kung sagutin man sya ay napakatipid.

"You’ll love me again, Aldrix."

-------

Nakagawian na ni Lorraine na magpunta sa bagong bukas na coffee shop ilang kalye lang ang layo mula sa exclusive subdivision kung saan nakatira ang mga Cervantes. Tuwing hapon pagkauwi mula sa University ay nagtutungo sya roon kasama ang alagang aso na bigay ni Drix.

Marahan nyang hinila ang tali nito pagkababa nya ng sasakyan sa katapat na parking lot ng isang fine dining restaurant. Nakasanayan na nyang doon magpababa imbes na sa mismong coffee shop upang hindi na mag-U turn sa kasunod na kalye ang driver nya.

Nasa gayon syang ayos at patawid na sana nang biglang magbukas ang isang itim na kotse na nakaparada roon. Kahit nakatalikod ay kilalang kilala nya ang lalaki. Naka-business suit ito.

Nagtataka sya kung bakit hindi nito dala ang sariling sasakyan.

Mula sa driver’s seat ay bumaba naman ang isang lalaki na ngayon lamang nya nakita. Maputi at singkit ang lalaki. Mukhang Chinese o di kaya’y Japanese. Sa tanya nya ay magkasing-edad ito at ang daddy nya. Sino kaya sya? Naitanong nya sa sarili.

"Dad?" tawag nya sa ama bago pa ito makalayo.

Gayon na lamang ang rumehistrong pagkabigla sa mukha ng daddy nya. Nakita nya iyon. Nagtaka sya kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito.

Agad namang nakabawi si Carl at nilapitan ang anak.

"Lorraine, what are you doing here?" tanong nito.

"Pupunta lang po kami sa coffee shop dad" sagot ng dalaga. Sinulyapan nya ang nakaupong aso sa paanan nya.

"Ah, I see. Don’t go home too late hija" bilin ni Carl sa dalaga.

"Yes dad. Susunduin naman ako ni kuya Dan mamaya. May meeting po ba kayo?"

"O-oo. Business meeting."

"Anak mo ba sya?" tanong ng lalaking kasama ni Carl. Nakalapit na pala ito ng hindi nila namamalayan.

"O-oo. Ang bunso namin ni Vanessa, si Lorraine. Hija, si Mr. Miura." pagpapakilala ni Carl sa dalawa.

Iniabot naman ng dalaga ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya.

"Good afternoon po, Mr. Miura."

"Please to meet you, hija. Ahh, you have similarities with her." Mahina lamang ang pagkakasabi ng lalaki sa huli.

"Po?" Naguguluhang tanong ni Lorraine. Hindi nya malinaw na narinig ang sinabi ng lalaki sa kanya.

Napansin nya ang pagtitig ng lalaki sa kanya. Binalewala na lang nya ang pasimpleng pagtingin na iyon sa kanya matapos magpaalam ang ama. Tila ba kinikilala sya nito. Nasabi ni Lorraine sa sarili.

-----

"Ayaw mo ng chocolate cupcake?" tanong ni Lorraine sa alagang aso ilang minuto matapos ilapag sa sahig ang isang pirasong cupcake na binili sa coffee shop. Nakapwesto sila sa labas kung saan may nakalagay na lamesa sa ilalim ng malalaking payong.

Kahit anong lapit ni Lorraine sa bibig ng alagang aso ay ayaw syang pansinin. "Masarap yan Noodle. Haaays sige na kainin mo na yan. Hindi available ang favorite mong waffle eh"

Napatayo naman ang dalaga nang bigla na lamang itong tumakbo. Nabitiwan nya ang tali kaya ito nakalayo.

"Noodle! Wag kang tumakbo! Noodle!"

Hinihingal na tumigil si Lorraine nang makitang huminto na ito sa pagtakbo. Nakaupo ito at may lalaking humihimas sa ulo nya.

Nakaupo rin ang lalaki. Nakaluhod ang kaliwa at nakatukod naman ang isang siko sa kabila. Nakatalikod ito sa pwesto nya kaya naman hindi nya makita ang mukha nito. Nakasuot ito ng black jacket at maong pants. Pamilyar ang style ng buhok nito ngunit hindi nya mapagtanto kung sino.

"Noodle"

Tila nasasabik na lumapit naman si Noodle na kumakawag pa ang maputi at malagong buntot.

Napangiti si Lorraine nang tumayo at humarap sa kanya ang binata.

"Long time no see" bati nito sa kanya.

"Tristan!!" ganting-bati ni Lorraine sa binata.

"Kamusta? Yung sugat mo, okay na ba?"

"Oo naman. Two months na kaya. Anong ginagawa mo rito?"

"May dinaanan lang ako dyan----- O, aalis ka na?"

Napalingon si Lorraine sa bagong dating na si Chad. Kalalabas lang nito sa katabing flower shop. May hawak na isang bouquet na puting rosas.

Bumaling sya kay Tristan na katabi lamang ang dalaga. "Oo"

"Chad" nakangiting tawag ni Lorraine sa pangalan ng binata.

Nadismaya sya nang lagpasan sya nito. Ni hindi manlang nagawang tumingin sa kanya. Tila walang narinig ang lalaki. Blangko ang mukha. Walang reaksyon.

Nag-alangan syang tawagin muli ito. Hindi man gaanong kalakasan ang boses nya ay alam nyang sapat na iyon para marinig sya ni Chad. At isa pa ay ilang metro lang layo nito sa kinatatayuan nila ni Tristan.

Pakiramdam ni Lorraine ay iniiwasan sya nito. Sa tingin nya ay nag-iba ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.

Sinundan na lamang nya ito ng tingin hanggang sa sumakay at mabilis na paandarin ang kanyang motorsiklo.

"Busy ba sya?" tanong nya kay Tristan.

"Sino?" ganting-tanong ng binata. Nakatanaw din sya sa dinaanan ng motorsiklo ng kaibigan. Napapailing.

"Si Chad" mahinang tugon ng dalaga.

"Ah, pupunta ’yon kay Nadine" diretsang sagot ng binata.

"Nadine?"

Napakamot ng ulo si Tristan. "Hahaha, ah gusto mong magcoffee? Balita ko masarap daw dyan sa may coffee shop sa labasan"

Hindi sumagot si Lorraine. Nagsimula na rin syang sundan ang binata nang maglakad na ito papunta sa coffee shop.

Nanatiling walang kibo si Lorraine. Napaisip sya sa nangyari kanina.

Ang mga puting rosas na hawak ng lalaki.

Ang hindi nito magpansin sa kanya.

Ang babae na ang pangalan ay Nadine.

Base sa ikinilos ng binata ay parang kinurot ang puso nya. Dagdag pa ang narinig nyang pakikipagkita nito sa Nadine na ’yon.

Mabilis nyang pinahid ang mga mata upang pigilin ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha. Hindi nya alam kung bakit at saan nagmumula ang kakaibang pakiramdam na iyon.

She took a deep breath. Walang ibang ibig sabihin. Pilit nyang isinisiksik sa utak ang salitang yan.

Ipinagpapasalamat na rin ng dalaga na hindi nakita ni Tristan ang nakahihiyang tagpo na iyon. Nauuna kasi ang binata sa paglalakad. Abalang-abala sa pakikipaglaro kay Noodle.

Kakaunti lamang ang customers ng oras na iyon kaya naman solo nila ang may kalakihang mesa sa labas.

"Noodle, ang weird naman ng pangalan mo"

Sumubo muna ng blueberry cheese cake si Lorraine bago nagsalita. "I find it unique" Sumulyap sya sa alagang aso. Nakaupo ito sa tabi ni Tristan. "Noodle, bite him!!" dagdag nya.

"Woah! Raine wag kang magbiro ng ganyan!"

Napapailing na ibinaba ni Lorraine ang hawak na tasa ng brewed coffee. "How I wish he knows that trick. Ang alam lang nya ay makipagshake hands"

"Here Noodle. Masarap yan" Binigyan nya ito ng isang slice ng custard cake.

"Hindi nya kakainin---- what?"

Napangisi si Tristan. "May sinasabi ka ba?"

"He likes you Tristan. Ayaw nya nung chocolate cupcake na binibigay ko kanina"

"Hindi pwede sa aso ang chocolates"

"Totoo?" Nagtaas sya ng isang kilay.

"Oo. Mabuti na lang hindi mahilig ang aso mo"

Hindi umimik si Lorraine. Ipinagpatuloy na lang nya ang pagkain.

"Tristan, sino si Nadine?" maya-maya’y tanong nya sa binata.

Gumuhit sa mukha ni Tristan ang pagtataka. Kahit si Lorraine ay nagulat sa tanong nyang iyon. Minura nya ang sarili.

Agad naman syang nakabawi. "I-I mean, ah di ba magkaibigan na kayo dati pa ni Dree? Ano tingin mo kay ano Bianca?" nakayuko nyang tanong sa binata. Pinaglaruan ng hawak na tinidor ang kapirasong cake na natira sa plato.

Kinakabahan si Lorraine.

Nakagat nya ang pang-ibabang labi. Sana ay hindi pansinin ni Tristan ang una nyang sinabi patungkol sa Nadine na ’yon. Nasabi nya sa sarili.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit nasa harapan ang mga mata?"

Nang magtaas ng mukha ay nasilayan nya na seryosong nakatitig sa kanya ang binata. "Huh?" Nag-iwas sya ng paningin.

"Nasa harapan ang mga mata para harapin ang kinabukasan at hindi na balikan ang nakaraan"

Sa narinig ay muli syang napaharap sa binata. "What do you mean?" tanong nya uli.

"Si Bianca ay bahagi na ng nakaraan ni Drix"

Tumingin sa relo si Tristan.

"Kailangan ko ng umalis. Hindi kita maihahatid, hindi kasya si Noodle sa motor ko" Parang napapahiyang hinawakan ni Tristan ang ulo ni Noodle.

"It’s okay" tugon sa kanya ng dalaga.

"Oo nga pala, tungkol sa sinabi ko. Napanood ko lang na sinabi yon ni Nobita sa Doraemon"

Natulala si Lorraine. Ano daw?

"At si Nadine ay bahagi na ng nakaraan ni Chad" mahinang usal ng binata sa sarili. Naglakad na sya palayo. Kumaway pa man din sya habang nakatalikod.

to be continued...

SI TRISTAN sa right side ----------------------->>>>>>>>>>

Author’s Note:

Thank you for reading story!

VOTE-COMMENT

-- Alizah Ann

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
7.5M 235K 65
His Punishments can kill you